Fin.

color me red.
Please log in to read the full chapter

They say the color Red symbolizes anger, danger and could also be blood, but in my terms, Red symbolizes love, courage and passion. 

 

I've been all gray for all my life, until Karina showed me the beautiful colors of life. Sa loob ng 21 years of existence ko, it has always been black, white and gray. Never rainbows until Karina happened. 

 

Nagkakilala kami sa isang public library on this one specific place. Dito talaga ang lugar na tinatambayan ko dahil most of the time, I spend my time alone just reading books, answering some crossword puzzle and sudoku. Pwede mo na nga akong tawaging nerd dahil sa pagka-tutok ko sa mga gan'tong bagay. 

 

Hindi ko naman kasi naexperience ang joyful life dahil first, palagi lang akong nakakarinig ng away sa bahay namin. As a child of divorced parents na laging nag-aaway, sigawan, dabugan, at kung ano ano pa, mas lumalala ang hatred ko sa tao. Parang hindi ko nakikitang maa-associate ko 'yung sarili ko sa ganong sitwasyon. 

 

Pinagtitiisan ko lang kapag ganyan sila dahil wala naman akong magagawa. Ayoko rin dumating sa punto na kailangan nila akong papiliin kung kanino ako sasama, kaya naman palagi kong sinusubukan tumakas sa bahay kapag palagi silang nag-aaway. 

 

Anyways, back to the story, noong nasa library ako, napili kong subukan magbasa ng pocket books, I love reading anyways, what could go wrong, hindi ba? 

 

As I was reading the pocket book I picked, a woman sat down in front of me with a dinosaur, mermaid, and coloring books in her hand. Natawa ako ng kaunti kasi di ko maimagine na ang resting face ng muka niya pero ang hawak niya ay dinosaurs at mermaids. May coloring book pa siya. 

 

Hindi ko na siya tinignan ulit nang bigla akong kalabitin nitong nasa harap ko. Ang random niya lang, saka hindi naman kami close eh. Pero to be polite, ibinaba ko ang librong hawak ko. 

 

"Would you mind joining me?" Wow. As in WOW. Deep voice, ang lamig pakinggan! At ang taray, may accent ang pagsasalita niya. 

 

"No.. But I'm busy pa. Thanks for the offer though." Tumingin lang siya sakin at tinanguan ko naman siya. Nag-tuloy na rin siya sa pagbabasa niya ng mermaid books.. at dinosaurs. Nagpatuloy na lang din ako ulit sa pagbabasa. 

 

Nang matapos ako magbasa ay saka ko tinignan itong nasa harap ko. Nakatingin lang siya sakin. Ang ganda niya. Mabilog ang mata at makapal na kilay. May nunal din siya sa gilid ng labi niya. Pretty. 

 

"Will you join me now?" Huh? So she was waiting for me? Halos ilang oras na rin akong nagbabasa. Kaya pala hindi pa siya umaalis sa harap ko? 

 

"You're almost finished with your coloring book. Next time nalang." Tumango lang siya sakin at umalis na. As if may next time pa? Ngayon ko nga lang siya nakita dito eh. Pero if ever man na mag meet kami ulit ay bakit hindi? Sus magaling kaya ako mag kulay! Walang lagpas! 

 

A week had passed pero hindi ko na ulit nakita si Ateng may dinosaur book. Hindi ko na rin naman inexpect dahil parang nabored lang siya kaya siya napadpad sa library. 

 

Andami ko nang nabasang libro, pati nga ata 'yung mga librong wattpad nasimulan ko na. Magaganda rin naman pala. Kaso masyadong common ang mga stories nila. Gusto ko rin magbasa ng mga fantasy-action na kwento. 

 

Nakahanap naman agad ako ng librong mukang magugustuhan ko. Charm Academy. Ang ganda rin ng cover nito, kaya ito ang pinili ko. Ang mahal nito ha. Pero kung hindi ko magustuhan, atleast sinubukan ko. 

 

Bumalik ako sa public library para mag-tingin ng science book na kailangan ko. Anatomy. Kung wala naman ay baka bumili nalang ako sa

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
triggeredace
#1
Chapter 1: cute naman nila. happy valentines day otor!!
ae_jmj #2
Chapter 1: cute! happy hearts day, tor!