Joy to the rescue

WENJOY ONE-SHOTS
Please Subscribe to read the full chapter

Katatapos lang mag ayos ni Joy ng sarili, Miyerkules kasi ngayon araw ng taping niya for Animal Farm. Iniintay na lang niya ang manager niya na dumating para sunduin siya, maaga siyang nagpasundo ngayon kasi su-surprise niya ang kanyang favorite unnie slash girlfriend na kasalukuyang nag pa-practice ngayon. Medyo worried din kasi siya dahil hindi pa siya neto nirereplayan simula kaninang umaga pagkagising niya, nag iwan naman ito ng notes pero may nararamdaman talaga siyang hindi maganda

 

‘Joy, dito na ‘ko sa labas.’ Basa niya sa message ng manager niya. Dali dali niyang kinuha ang mga gamit na dadalin niya saka lumabas ng apartment nila

 

“Good morning” naka ngiting bati niya sa manager niya ng makasakay na siya sa kotse “Manager-nim daan muna tayo sa ‘Heaven Food Café’” Pakiusap niya sa kasama, nang makita niya itong tumango ay kinomportable na niya ang sarili sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang ang biyahe habang naka tingin siya sa labas. Hindi pa rin siya masanay kapag tahimik ang biyahe. Oo peaceful, pero sinanay kasi siya ng girlfriend niya sa maingay na biyahe, especially kapag silang dalawa lang ang nasa kotse. Speaking of her girlfriend dali-dali niyang tinignan ang cellphone niya, napasimangot siya ng wala pa rin itong reply

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa café shop, manager niya ang bumili, hindi kasi siya pwedeng lumabas dahil medyo maraming tao ngayon na kumakain at naka pila. Nag scroll scroll nalang muna siya sa IG habang pinipilit alisin ang negatibo niyang nararamdaman

Kulang bente minutos ang inantay niya, buti nalang at konti nalang ang iba-biyahe nila dahil malapit lang dito ang company nila

“Dito na tayo! Pupunta muna ako ng canteen, tawagan mo nalang ako kapag aalis na” sabi ng manager niya. Nginitian niya ito saka lumabas ng kotse at pumasok ng company nila.

Wala sa wisyo siyang naglakad at pumasok ng elevator, natauhan nalang siya ng may marinig na nag ‘ting’ hudyat ng nandoon na siya sa floor kung nasaan ang sadya niya dito.

Agad siyang lumabas ng elevator at nilakad ang kwarto kung saan ito naroon. Huminga siya ng malalim bago kumatok. Ilang segundo ang lumipas, walang sumagot, kumunot ang noo niya ‘Walang tao?’ isip niya, kumatok ulit siya at wala pa ring sumagot. ‘Okay lang naman sigurong pumasok’ bulong niya sabay dahan dahang binuksan ang pinto.

Walang bumungad sa kanya kundi ang sarili niya sa salamin na nasa kabilang sulok. Lalong kumunot ang noo niya, ‘akala ko ba mag pa-practice lang siya?’ isip niya. Nilapag niya ang mga dalang pagkain sa sofa saka naglakad papunta sa desk kung saan sila madalas kumakain. Duon, nakita niya ang babaeng kanina pa niya hinahanap, naka upo ito sa lapag, nakasandal ang ulo sa isang upuan habang naka pikit

 

“Wendy unnie?” mahinang tawag ni Joy

“Joy? Bakit ka nandito? Diba may taping ka ngayon?” gulat na tanong nito

“Oo, pero dilanan kasi kita ng food. Anong ginagawa mo diyan? Anong nangyari?” pag aalala niyang tanong saka nilapitan si Wendy na naka upo pa rin sa lapag

“Wala naman. Nag papahinga lang” tipid na sagot ni Wendy. Tinignan siyang mabuti ni Joy

“Sa tono mong yan?” sambit ni Joy na may halong pagka sarkastiko at pag alala. Napatawa naman si Wendy

“I’m okay baby, don’t worry” pagkumbinsi sa kanya nito pero hindi mawala ang kunot sa noo niya. Dahil na rin siguro sa reaksyon niya ay nag salita ulit ito “I’m just worried”

“Saan? Bakit?” nakatingin lang siya dito habang nag aantay ng sagot. Ilang minuto rin ang lumipas bago ito nag salita

“Hindi ko din alam, hindi kasi maganda yung nararamdaman ko eh” inalis ni Wendy ang tingin sa kanya saka yumuko. Alam niyang nag iisip ito kung paano sasabihin sa kanya, alam kasi niyang nahihirapan si Wendy mag open kahit sa kanya ng mga nararamdaman niya dahil pakiramdam nito ay nakakaistorbo lang siya. Kaya matiyaga siyang nag iintay kung anong kasunod na sasabihin nito. Ilang minuto ang nagdaan ng mag salita ulit ito

“Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko” tinignan siya nito, nakita niyang may namumuong luha sa mga mata nito

“Sa tuwing naiisip kong mag re-released ako ng mga bagong kanta, sobra akong naeexcite, pero ilang saglit lang kinakabahan na agad ako. Kinakabahan ako sa mga posibleng kalabasan ng album, hindi ko alam kung kaya ko ba kasi pakiramdam ko hindi. Hindi ko kasi magawa ang mga gusto kong gawin Joy. Ang dami kong gustong gawin sa album, sa promotion, pero hindi sila nakikinig sa mga suggestions ko Joy. Hindi nila ako pinapakinggan” saad nito na tuluyang nakapagpalaglag ng mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Agad na niyakap ni Joy ang kasintahan. Ramdam na ramdam niya ang tuloy tuloy na luhang pumapatak sa mga mata nito kasabay ng pag hikbi. Ramdam na ramdam din niya ang namumuong galit sa kanya. Gusto niyang lumabas ng practice room at ipatawag ang lahat ng mga taong nagparamdam nito sa girlfriend niya. Pero alam niyang hindi solusyon ang galit at alam niyang hindi ito ang gusto ni Wendy. Kaya ang ginawa nalang niya ay nag stay sa tabi nito at sinusubukang pakalmahin ito.

Ilang minuto din ang nakalipas bago maramdaman ni Joy ang pag ayos ng paghinga ni Wendy, marahan siyang nagsalita

“Gusto mo bang kausapin ko sila?”

“No Joy. I can handle it naman” mabilis na sagot ni Wendy at kumalas sa yakap niya “Saka isa pa, di mo naman ako responsibilidad” biglang may kung anong kumirot na naramdaman si Joy sa sinabi ni Wendy kaya nag iba ang awra niya na siyang napansin kaagad ng kausap.

“Sinabi kong hindi mo ako responsibilidad hindi dahil hindi kita kailangan o hindi girlfriend ang tingin ko sayo. Ayaw ko lang na pati ikaw madamay kung pinagiinitan nila ako” bumingisngis si Wendy. Alam ni Joy na pi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet