Layag

Please Subscribe to read further chapters

Description

titanic au ng jmj

Foreword

“Matagal ko nang itinatago ang kwentong ito sa kasuluksulukan ng aking isip. Palagi akong natatakot na ang aking mga salita ay madungisan at hindi mabigyang hustisya ang kwentong ito, na hindi magiging sapat na pawang hanggang kwento lamang. Paano ko ipapaintindi sa iba kung paano niya ako iniligtas at binigyang buhay? Saved my very soul."

 

Ang malalim at malawak na karagatan ay may sikreto na nakaangkla pa rin sa puso ni Minjeong.

 

_______________

 

Sa tagal niyang nabubuhay sa mundo, hindi akalain ni Minjeong na may ikakagulat pa na pangyayari sa buhay niya. Sa 100 taong gulang, mayroon siyang sapat na mga kuwento upang punan ang isang aklatan: mapadrama, romance, fantasy, mystery, pati murder. 

 

Ngunit nang nakita niya ang larawan ng isang babae na may hawak na litrato sa telebisyon (ang litratong binaluktot ng mga kupas na pahalang na static na linya dahil sa labindalawang taong gulang na telebisyon na ayaw niyang palitan), sumikip ang kanyang puso at nagsimulang mamuo ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata.

 

Ang karayom ng pagniniting na hawak niya ay nahulog sa lupa na may kaunting kalampag, ngunit sapat na iyon para magulat ang kanyang apo na hindi sanay na masaksihan ang gayong inaakto ng kaniyang lola. Nagsimulang bumalik sa kaniyang alaala ang mga pangyayari sa panahong iyon.

 

"Lola?" Sabi ni Minji nag-aalala.

 

Dali dali namang napaiktad sa pagkakaupo si Minjeong at lumapit sa telebisyon. Halos matisod pa ito papunta sa unahan upang ilapit ang tenga sa speaker. 

 

“... ito ay isang larawan ng mga first class passengers isang araw bago lumubog…”

 

Nagsimulang magzoom in ang camera sa larawan. Doon ay hinawakan niya ang screen ng telebisyon at hinaplos ito. It was a black and white picture, pero para kay Minjeong mali pa rin ang kulay nito. 

 

"Lola, anong meron?"

 

Hindi ganitong ang pagiging brown na natutuhan niyang mahalin, nagsisinungaling ang screen sa kaniya na ginagawang manilaw nilaw ang mga matang kay tagal niyang hindi nakita. 

 

The brown of rich dark chocolate, the brown of the soft soil in her orchard pots, the brown she had spent her life trying to hold onto. Pinilit ni Minjeong na ipinta ito sa kaniyang isip ngunit hindi niya magawa at tuluyan nang tumulo ang luha sa kaniyang mga pisngi

 

"...maaaring daan-daang mga kayamanan pa rin ang ganito sa mga nasira sa barko..."

 

Pagkatapos ay naglaho ang imahe, na bumalik na ang pokus ng camera sa babaeng na mukhang director na nangunguna sa pagsasaliksik ng lumog na barko, ngunit ang tanging hangad ni Minjeong ay makitang muli ang litrato, kahit na natatakpan ito ng mga dilaw, kulay abo, at lahat ng sari-saring maling kulay.

 

"I-rewind mo," pakiusap ni Minjeong sa apo, humihikbi at patuloy na hinahaplos ang screen na para bang kahit papaano ay ibabalik nito ang camera patungo sa litrato. "Ibalik mo yan...please."

 

"Lola, hindi po nakarecord. Hindi po pwede. Ano po bang problema?" Halos natataranta ang tono ni Minji sa puntong ito.

 

Bumaba ang mga kamay ni Minjeong, pilit niyang nilalabanan ang pagiging emosyonal. Ito ay isang sensasyon na matagal na niyang hindi naramdaman, at tiyak na isang bagay na hindi sanay makita ng kanyang pamilya. Napabuntong hininga na lamang si Minjeong.

 

"Kunin mo nga ang telepono, apo. There is something of mine that I would like to return to me."

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
190 streak #1
seated po!
Etoile__
340 streak #2
uyy titanic auu na jmj bagoo too ahhh!!