Di pinapansin, ingay sa tabi.

Tingin
Please Subscribe to read the full chapter

Ang hirap ng buhay no? Minsan akala mo na figured-out mo na ang mga bagay bagay, and you learned to live with it, then sa isang iglap, bigla bigla nalang may dadating ulit sa buhay mo sa hindi inaasang panahon. Joohyun learned it the hard way.

 

Andito sila ngayon sa conference room ng B&S Corporation for their monthly meeting with the other Executives, Shareholders and Board of Directors. 1:00PM ang meeting nila, pero 12:30 palang andito na ang current CEO na si Bae Joohyun at si Kang Seulgi, one of the company's CIO para i prepare lahat ng kailangan nila for the meeting.

 

“Pero mas maganda siguro kung mag back up tayo ng files every week—Friday after shift to be exact para up to date yung cloud kesa mag monthly tayo, madedehado tayo baka bigla magkaroon ng system error ang ibang importanteng files natin bago yung back up date, balak ko din sana mag check quarterly sa system natin and inspection ng mga computer this week,  ano sa tingin mo Joohyun?” Sabi ng magandang dilag, na tila naka focus sa whiteboard para iexamine ang current plan nila para sa meeting.

 

Ngunit nang di niya marinig sumagot ang dalaga tila nakatitig sa kawalan, napatingin ito at tinawag ulit.

 

“Joohyun? Joohyun? Andyan ka pa ba?”

 

“Hmm?”

 

“Ano nanaman yan Joohyun, si Seungwan ulit ba?”  Tumgin si Joohyun sa katabi niya na tila nakataas ang kilay nito habang nakangiti na tila nangaasar siya.

 

“Hindi gagi.”  Umiling siya “Okay na rin yan, may tiwala naman ako sayo Seul, send mo lang sakin at kay Seungwan yung hard copy ng proposal para makita din niya yung plans.”

 

“Okay ka lang ba? Bakit nga pala hindi kayo magkasama ni Seungwan ngayon, hindi ka ba niya sinundo?”

 

“Okay lang ako Seul, sinundo niya ko. Andito siya ngayon may inasikaso lang kasama si Kibum.”

 

“Pero?”

 

“Walang pero Seul.”

 

Huminga ng malalim si Seulgi, alam na alam naman niya kung bakit nagkakaganito si Joohyun. Hindi na niya napigilan at sinabi na ang matagal na niyang gustong sabihin simula ng malaman niya na naghiwalay na si Seungwan at Taeyeon.

 

“Bakit ba kasi hindi ka na umamin Joohyun? Single ka for like what? 12 years na tapos single na rin si Seungwan ngayon. Ano pa ba hinihintay niyong dalawa?”

 

“Hindi naman yun ganun kadali, hindi ba kaka break lang nila ni Taeyeon? 12 years din naging sila. Hindi siya basta basta magmomove on.”

 

Umiling nalang si Seulgi at sinabi. “Dalawang taon na din naman ang lumipas nung naghiwalay sila, So ano gagawin mo? Hahayaan mo siya ma fall sa iba? Tapos ano? Maghihintay ka nanaman for god knows how long. Baka another 10 years nanaman yan.”

 

Oo tama, labing dalawang taon na ang nakalipas simula nagka-gusto si Joohyun kay Seungwan, at mukha din walang balak ito magbago.  Nagkakilala silang dalawa dahil sa ex-girlfriend ni Seungwan, dating roommate ni Joohyun iyon nung college.

 

“Sino ka?”

 

“Huh.” Napabalikwas ang dalaga sa kama habang  nanunuod ng horror movie at kumakain ng chichirya.

 

“Bakit ka andito? At bakit ka nakahiga sa higaan ni Taeyeon?” Sinamaan niya ito ng tingin.

 

“Ah, ikaw siguro yung roommate niya.” Tumawa ito at inextend niya kamay niya. “Ako nga pala si Seungwan.”

 

“Pasensya kana kung bigla ako pumasok sa dorm niyo. Pinapasok din kasi ako ng landlady niyo, dito nalang daw ako maghintay habang may klase si Taeyeon.” Pinaliwanag ni Seungwan habang kinakamot niya batok niya sa hiya.

 

“Ay! Sorry! Ikaw pala yan, nabanggit nga ni Taeyeon na dadating girlfriend niya. Oo roommate niya ko ako naman si Joohyun, Bae Joohyun.” Tinanggap niya ang kamay at nginitian niya ito.

 

“Son Seungwan.” Ngumiti ito ng pabalik. “Mahilig ka ba sa horror Joohyun?”

 

“Ha? Hindi eh. Magugulatin kasi ako. Saka may pasok pa ko mamayang 5.” Tumawa ng mahinhin si Joohyun habang binaba niya gamit niya malapit sa kama niya dahil nakasanayan na niyang umidlip muna bago pumasok sa last course niya.

 

“Tara nuod tayo ako bahala sayo.”

 

“Kakasabi ko lang hindi eh.”

 

Tumawa ng malakas si Seungwan. “Mapilit ako eh. Tara na marami pa tayong papanuorin, habang wala ka rin klase vacant mo diba? May three hours ka pa.”

 

Nakangiti si Joohyun habang umiiling. Tumabi ito kay Seungwan at umupo.

 

Okay lang siguro kahit ngayong araw lang ako hindi umidlip.

 

“Hindi ko na kasalanan pag nabingi ka mamaya.”

 

“Basic lang yan sakin Joohyun. Bingi naman talaga ako eh.” Sabay tawa ng malakas ni Joohyun habang sinasampal niya ang braso ni Seungwan.

 

At dun nag simula nakilala ni Joohyun ng tuluyan si Seungwan.

 

Si Seungwan ay isa ding Business Major, pero sa ibang university siya nagaaral at freshie palang siya. Tuwing weekend pumupunta siya sa dorm para bisitahin si Taeyeon dahil 4 days lang siya pumapasok every week. Hindi napapansin ni Joohyun ito dahil every weekend  din umuuwi siya  para bisitahin ang kanyang mga magulang sa rest house nila.

 

After a year nila magkausap at halos araw araw magkasama sa dorm, kumain sa labas habang hinihintay nila si Taeyeon makabalik galing sa klase niya. Hindi niya namalayan ito na unti-unti na siyang nahuhulong sa girlfriend ng roommate niya.

 

It took her a year to realize na may gusto na pala talaga siya kay Seungwan. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa katulad niya? Lahat na ata ng kulay berde winagayway na sa sobrang green flag niya. Alam niya mali itong nararamdaman niya. Tinry naman niya iwasan si Seungwan, pero pano niya iiwasan eh pag hindi lang niya nahagilap si Joohyun kahit isang oras lang hanap hanap na niya agad ito.

 

At mahirap din sa part ni Joohyun na iwasan niya ito dahil, coincidentally nalaman niya na close si Seungwan at ang Mommy niya. Pano niya nalaman to?

 

Malapit sa university ni Seungwan ang pinagiistay-an na rest house ng mommy Yoojin niya at hindi rin alam ni Seungwan na ang madalas na tinatambayan nilang rest house na magbabarkada ay isa sa mga pinaka influencial na business conglomerate na si Bae Yoojin na nanay ni Bae Joohyun.

 

“Mamu! Pwede po ba makigamit ng gasul sainyo? Magluluto sana kami ng canton nagugutom na kam—Oy Joohyun! Andito ka pala! Sino dalaw mo dito?!”

 

“Mamu?”

 

“Oo? Si Mamu may ari ng bahay nito nakikitambay lang kami ng mga tropa ko sila Seulgi, Jongin, at Yerms. Gusto niya kasi ng kausap kaya madalas andito kami.” paliwanag ni Seungwan habang pinagkakasya niya sa kamay niya ang 6 na pancit canton na sweet and spicy.

 

“Nanay ko may ari nitong rest house. Balak ko sana mag stay dito sa sem break namin.”

 

“OH?! Ikaw pala tinutukoy ni mamu na big shot niyang anak sa manila! Wow gagi di ko man lang naisip na parehas kayong Bae ang surname.” Tumawa si Seungwan habang papalapit kay Joohyun.

 

“Hoy Seungwan! Ingay ingay mo sabi ko naman sayo wag ka na magpaalam pag makikigamit ka.” Sambit ni Mamu, hawak hawak nila ang siberian cat nilang si Cairo.

 

“Ah yan nga pala ang anak ko si Joohyun, yung tinutukoy ko sayo.” Sinabi ni Mamu habang nakangiti.

 

“Oo mamu nagkakilala na kami niyan, hindi ko naman alam siya tinutukoy mo.” Sabay tawa si Seungwan.

 

“HOY SEUNGWAN MAMAMATAY NA KAMI SA GUTOM.”

 

“SEUNGWAN DAGDAGAN MO PA NG TATLO, SAMA NATIN SI MAMU BAKA NAGUGUTOM DIN SIYA.”

 

“OY PADAGDAG NG MONAY MGA DALAWANG BALOT.”

 

“Mamu pagamit na ha? Luto na ko hehe. Sige Joohyun una na ko.”  Nag-bow si Seungwan sa dalawa  bago umalis dahil hindi niya matapik ang balikat ni Joohyun at mayakap si Mamu.

 

Huminga ng malalim si Joohyun, mabigat  sa pakiramdam ang binitaw niyang salita.

 

“Malay mo, magbalikan pa sila.”

 

Hindi mapigilan ni Seulgi mapa kamot ng ulo sa inis.

 

“Joohyun, hindi na sila magbabalikan alam mo naman nangyari kung bakit at kilala mo naman yan si Seungwan, once na pumayag siya makipaghiwalay wala na balikang magaganap.”

 

“Hindi ba nakikipag balikan si Taeyeon?”

 

“Malay ko sa kupal na yon.” Pagalit na sinabi ni Seulgi. “Pero sabi nila Kibum sinusuyo daw ni Taeyeon last year, buong taon daw sinuyo. Ayaw na daw talaga.”

 

Hindi na sumagot si Joohyun at tumingin nalang sa bintana kung saan makikita ang mga asul na ulap, tila nagpapakalma sa isip niya.

 

15 minutes na ang lumipas onti onti na pumapasok ang mga C-Suite Executives.

 

Ang CMO (Chief Marketing Officer) na si Jennie Kim, sumunod naman ang CFO (Chief Financial Officer) na si Sooyoung Park kasabay niya naman itong nakikipagchismisan ang CTO (Chief Technology Officer) na si Lalisa Manoban

 

Lahat C-Suite executives nakaupo sa left side ni Joohyun sa right side naman ang mga Board of Directors.

 

“Nasan na yung dalawa?” Tanong ni Jennie.

 

“Si Kibum at Seungwan daw may kinausap lang regarding sa mga clients and upcoming brands.” Sagot ni Joohyun habang inaayos ang mga papers sa harap niya.

 

“Bakit hindi nalang si Kibum mag-isa?”

 

“Gusto ma-meet ni Seungwan mismo yung mga client, para magkaroon ng foundation as business partners.”

 

Ilang minuto pa ang lumipas narinig nila may nagtatalo sa labas.

 

“Tang inang to dapat talaga hindi ka nalang sumama eh.” Narinig nila ang boses ni Kibum habang papalapit sa pinto.

 

“Ano nanaman ba, wala naman akong ginawa nakinig lang ako.”

 

“Nageexplain ako tapos yung client sayo lang nakatingin, so ano ako hangin lang ako ganon?”

 

“Bakit ka ba nagagalit sakin gago, hindi naman ako nakatingin kanya, tinitignan ko yung proposal na ginawa nila.”

 

“Tapos inaya ka pa mag dinner mamayang gabi.”

 

“Ikaw nalang kaya pumunta, mukhang gusto mo eh.” Tumawa si Seungwan. “Wag ka na mag selos love ikaw lang naman eh.”

 

“Tangina mo Seungwan kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo.”

 

“HAHAHAHAHAHAHAHA hindi naman ako pupunta sa dinner na yun, may lakad ako.”

 

“Gagong to, sabi mo lalaro tayo mamaya.”

 

“Oo nga lalaro tayo paguwi ko, kasama sila Jongin diba minsan lang naman natin sila makalaro.”

 

“San ka ba pupunta?”

 

Binuksan ni Kibum ang pinto at pinauna si Seungwan, nagtagpo ang mata nila ng CEO at ngumiti ito.

 

“Sakin nalang yun.” Ngumisi ang dalaga kay Kibum at umupo sa tabi ni Joohyun dahil yun ang default seating nila pag may meeting.

 

“Kumain ka na?” Humarap ang COO kay Joohyun habamg nakangiti ito na napaka tamis.

 

“Oo kumain na ako.”  Sagot ng lahat ng nasa room pwera sa CEO.

 

Tumawa si Seungwan habang nakatingin kay Joohyun, at lumingon sa kanila.

 

“Kumain na ba kayo?” Pacute na sinabi ni Seungwan.

 

“Grabe ka Seungwan, si Joohyun tinatanong mo kung kumain na samantala ako hindi mo man lang ako tinanong, ako lagi mong kasama, ako ang lagi mong kausap, ako ang lagi mong pinagsasabihan, akala ko ba ako lang?!” Humalukipkip si Kibum, mukhang nagtatampo.

 

“Bakit naman kita tatanungin kung kumain kana?”

 

“ANG SAKIT MO NA MAGSALITA SON SEUNGWAN SINASABI KO SAYO!”

 

“Gaga sabay tayong nag lunch.”

 

“Ay oo nga pala.”

 

“Ewan ko sayo Kim Kibum, malala na yang saltik mo.”

 

Nagsitawanan silang lahat at naramdaman ni Seungwan na may kumakalabit sa kanyang braso, lumingon ito at bumungad sa kanya ang isang dalagang may tamis na ngiti sa kanyang labi.

 

“Kumain na ko.” Mahinang ani ni Joohyun, ngumiti si Seungwan at tumango.

 

“Tuloy ba tayo mamaya?” Pabulong na tanong niya habang nilapit niya ang upuan sa kanya.

 

“Oo sana, lalaro ba kayo mamaya?” Walang kamalay malay lumapit din si Joohyun, halos ulo nilang dalawa magkadikit na.

 

“Oo eh, pero okay lang yun.”

 

“Bilisan nalang natin bumili para makalaro mo sila ng mas matagal.”

 

“Wag na, okay lang yun wag natin madaliin, sanay naman sila na lagi akong late mag online.”

 

“Pero Seungwa—”

 

“Walang pero Joohyun.” Seungwan gave her a pointed look, mukhang walang choice si Joohyun pag ganun maka tingin si Seungwan sa kanya. “Let's take our time mamaya, okay? Wag mo na ko problemahin, maguusap parin naman tayo habang naglalaro ako.”

 

“Hoy kayong dalawang mag asawa, padating na ang mga board at holders lalandi pa kayo dyan.” Sigaw ni Lisa sa kanila.

 

Ngayon lang napansin ni Seungwan na sobrang lapit niya sa dalaga, tinitigan niya ito sa mata ng matagal at ngumiti bago lumingon kay Lisa.

 

“Inggit ka lang Lisa, Jennie sagutin mo na kasi pa tweetums ka pa gumugusto ka rin naman eh.”

 

“Hoy gago! Pinagsasabi mo dyan.”

 

“Wag na wag mo kong dinadamay sa mga kalokohan mo Son ha.”

 

“Sungit mo naman ngayon Jennie, di ka ba pinagbigyan kagabi?” Ngumisi si Seungwan habang naka tingin kay Lisa, ngunit sinamaan lang siya nito ng tingin.

 

Bago pa sumagot si Jennie dumating na ang mga Board of Directors and shareholders, kasama na dito ang mommy ni Joohyun na si Bae Yoojin. Nag si tayuan ang members ng C-Suite ang nag bow silang lahat bilang pagbati. 

 

At halos tatlong oras sila nag meeting para sa goals and current achievements ng company this year.

**

Huminga ng malalim si Seungwan habang hiniwa niya buhok niya patalikod, sumandal siya sa leather office chair niya at tumingin sa orasan.

 

6:30 na pala, ang bilis ng oras.

 

Tumayo na ito at umunat hanggang sa marinig niya tumunog mga buto niya, nang marinig na niya ito kinuha na niya mga gamit niya at lumabas na sa kanyang office. Nakita niya secretary niya nagtatrabaho parin kahit tapos na ang shift niya.

 

“Park Chaeyoung tigil mo na yan, may bukas pa.”

 

Nagulat ito a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
baejoonism #1
Chapter 1: Oohhh nice story ka enjoy basahin hehe Looking forward sa next chapter suyuan! Thanks otornim!
WenRene_77 #2
Chapter 1: Chapter 1: Nabitin ako hahaha pero waiting talga dun sa suyuang magaganap ayiieeee💙🩷 salamat otor!
paradoxicalninja
#3
Chapter 1: Ok suyuin mo yan nang bongga Wannie. Ilang taon na yang nag aantay sa'yo. Galaw galaw pls

Looking forward sa next chap! Tatandaan ko sabi mo author na wala tong angst ah 🙏
EzraSeige
#4
Chapter 1: Suyuin mo lang Seungwan bibigay din si madam Ereni sayo 😤😏😝😋💗💙
PANDANDAN
#5
Chapter 1: go lang Seungwan!!!
seungwanso
#6
Chapter 1: galingan mo ang pasuyo seungwan 👊
seungwanso
#7
gusto ko po yung hindi angst, pero bet ko po may konting jalosy 🤭
WenRene_77 #8
Noted otornim💙🩷
EzraSeige
#9
Sige po otornim ☺ seated 💗💙
juhyuneeeee
99 streak #10
sige po authornim maniniwala akong hindi ito angst 🥹