fin.

Tila Tala
Please Subscribe to read the full chapter

Sabi ni lola, "puhon, matutupad mo rin ang mga pangarap mo.”

 

‘Kaya patuloy mong habulin kahit kasing labo pa ito ng grado ng salamin ng kaklase mo.’

 

Kaya naman sinunod ko ang kanyang payo.

 

Sinubukan kong tahakin ang landas kahit napakahirap.

 

'Yong tipong mapapatingin ka na lang sa alapaap at tatanungin mo ang iyong sarili.

 

"Kaya pa ba?"

 

Ha? Dapat sa isipan ko lang iyon ah, bakit naririnig ko na?

 

"Ang seryoso mo naman." Kaya napalingon ako sa kanang gawi ko at nakita ko kung sino. "Ngumiti ka naman, ang ganda pa naman ng araw." At pagkatapos no’n, umalis na siya sa tabi ko.

 

Oo nga pala.

 

May pasok pa ako.

 

Kaya agad kong hinawi ang bangs kong tinatakpan ang aking mga mata saka tumingin sa itaas.

 

"Oo nga, ang ganda nga."

 

Ngunit hindi ibig sabihin ay maganda na rin ang araw ko.

 

Maraming tumatakbo sa isipan ko, makangingiti pa ba ako?

 

"Oo naman, kaya pa 'yan." Muli, naagaw mo na naman ang atensyon ko habang may pagpupulong ang mga miyembro.

 

Para bang kinakausap mo ang isipan ko.

 

"Draft palang naman kaya pwede pang mabago." Dagdag mo pa ang dahilan para tumango ang ating mga kasama sabay tingin sa aking mga mata.

 

Nagulat naman ako nang magsisunuran ang iba pa naming kasama. Itatanong ko pa sana kung may dumi ako sa mukha ko pero naagaw mo ang atensyon ko sa pamamagitan ng pagngiti mo.

 

"Ikaw Irene, may maimumungkahi ka ba?"

 

"A-ako?"

 

Una sa lahat, bakit nauutal ha? Napaghahalataan ka!

 

"Yes, baka may gusto kang role?"

 

Role?

 

Ano nga bang pwede? Sa mga oras na ito, tanging mga mata lamang ang maingay sa aking paligid.

 

Ayoko nang ganito.

 

Siguro dahil magulo ang isip ko kaya sa simpleng tanong mo ay hindi ko kaagad masagot ito.

 

Kaya laking pasasalamat ko nang matapos ang klase. No more roles, hindi pa kasi ako handa direk.

 

"So." Tumabi ka sa'kin dahilan para manumbalik ang kaba ko. "Wala ka pa ring role." Paglilinaw mo saka kinuha ang notebook para simulang magsulat.

 

"Ang sabi mo noong nagpakilala tayo sa harap ng klase, gusto mong maging direktor." Natigilan ako sa sinabi niya at napalingon sa kanya.

 

Hindi sa mata kundi sa ginagawa niya. Nasa pagpupulong naman ako kanina ngunit bakit hindi ko maalala na ito pala ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet