CHAPTER 1

MINJEONG'S .....CAT?
Please Subscribe to read the full chapter

MINJEONG'S POV:

Heto akoooo, basang-basa sa ulannn 🎶 

Pagkanta ko with matching pakulot-kulot pa ni Mariah Carey, kasi literal na basang-basa ako ngayon ng ulan habang naglalakad pauwi sa aking mala-hunted house na inuupahang apartment. 

Ganito kasi yun, mga beshy kwoh. Pauwi na ako galing sa pinag ta-trabahuhan ko na bar nang biglang bumuhos ang napaka-lakas na ulan. Hep, hep, hep. Baka isipin nyo na gumigiling ako du'n na sapatos lang ang suot ha? Isa po akong waitress/server minsan naman bartender minsan songerist din. Dami kong position ano? Kayo anong favorite position nyo? Sa Revel Bar ako nag ta-trabaho na isang kilalang Bar sa lugar namin at pagmamay-ari ng aking boss amo na si Ate Seulgi. Mabait yun, cute pa at mukhang bear. I-mine nyo na po, use the code mine-Seulgom. Paki-SS nalang, 1,2,3,4,5...5,4,3,2,1.

Bukod sa malapit lang sa apartment ay maayos din ang sahod. Malalaki din mag tip ang mga customers lalo na yung mga regular sa bar, kaya naman dito ako nag decide na mag part-time dahil na co-cover nito ang mga pangangailangan ko sa araw-araw. 

So, ayun na nga. Bubuksan ko na yung payong ko para maka-uwi na. Kaso mga bhie, pagka-bukas ko ng payong, biglang humiwalay sa tangkay! Hindi ko alam na may lahing manananggal pala yung payong ko. Kaya wala akong choice kun'di ang sumuong sa ulan para maka-uwi. Nanghingi nalang ako ng plastic bag para hindi mabasa ang mga gamit ko. Malapit lang naman ang tinutuluyan ko sa bar, like ilang kembot lang kaya medyo keri naman. Iisipin ko nalang na isa akong main character sa korean drama na inapi ng isang na peke. 

After a few minutes ay sa wakas at nakarating na din ako sa apartment. Mamaya na ako magpapakilala pagkatapos kong maligo. Or mas preferred nyo na samahan akong maligo habang nagpapakilala ako? *with intense lip bite*. Charot lang at baka ma-ulol pa kayo sa alindog kong taglay. Ay, wala pala akong pera pang turok sa inyo ng anti-rabies, kaya bawal ma-ulol. 

Nang makapag-ayos na ako ng sarili ay nag-prepare na ako para matulog at may pasok pa ako sa University mamayang umaga. Kumain naman na ako sa bar dahil may free foods ang mga staffs du'n. Kaya huwag na kayong mag-alala pa sa akin mga bebe kwoh. 

Antok na ako mga beshy, kaya bukas ko nalang i-introduce ang sarili ko. Pero, basta sabi nila kamukha ko daw si Winter Kim ng Aespa. Ayan, may idea na kayo kung anong itsura ko. Geh, good mornight bye! 

                          *Kina-umagahan*

Di'ko na mapipigilan, ang kaligayahan na aking nadarama. Di'ko na mapipigilan ang aking sarili, na isipin kaaa ~ 🎶 (Ringtone yan ni Minjeong dahil bias nya si Jopay.) 

"Punyeta naman. Sino ba 'tong tumatawag na 'to? Istorbo naman sa tulog ng Disney Princess na katulad ko." Masungit kong saad bago sagutin ang tawag. 

"HOY! Disney Princess na kamukha ni Princess Fiona, nasaan ka na aber? Bakit wala ka pa dito sa Univ?" Bulyaw ng talakera kong kaibigan na si Ning na akala mo eh palaging naka-lunok n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
listless_radish
#1
Ooohhh, mukhang interesting ito. Seated.
Kannakobayashi09 12 streak #2
Interesting!!! Balikan ko na lang pag madami na ud<3
BlueBettaXX
#3
I Loved this story😍❤️❤️❤️❤️
howdoyouknowmee
547 streak #4
Upvoted and subscribed!
howdoyouknowmee
547 streak #5
Aguyy hahaha