Youngstreet

Youngstreet
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Ning, let’s go na, baby,” pag-aya ni Joy sa bata saka hinawakan ang small at chubby na kamay nito. The kid smiles at her, displaying her missing front tooth. Sobrang cute, hindi tuloy napigilan ni Joy ang paghalik sa matambok na pisngi niya.

 

“Can we buy ice cream?” Request ni Ningning habang kinakabitan siya nang seatbelt ni Joy sa backseat. Nagkunwaring nag-iisip si Joy pero mabilis siyang nawala sa karakter at napatawa nang ngumuso ang bata.

 

Mas lalo siyang natawa nang i-attempt siyang irapan ni Ningning. What a sassy kid. Manang-mana talaga sa kanya ‘to.

 

“Of course baby, we can,” she confirmed, still laughing. After kissing Ningning’s forehead, sinara niya ang pinto at pumwesto sa driver’s seat. “Ayos ka lang diyan?” Nang makita niyang tumango ang bata mula sa rearview mirror ay pinaandar na niya ang sasakyan. 

 

Papunta sila ngayon sa mall dahil kakatanggap lang ni Joy nang sahod nya. Saan pa ba niya yon gagamitin kundi ipapang-spoil sa pinakamamahal niyang bata sa buong mundo. Sabado rin ngayon, ito lang ang time ni Joy para makasama si Ningning nang maghapon. Kapag linggo, nasa nanay niya na ulit si Ningning dahil sabay sila nagsisimba sa umaga habang si Joy naman–lets just say she’s not very religious. 

 

Nakaconnect na ang phone ni Joy sa car speaker para sa kanilang music jamming. Nakakatuwa  na lumaking mahilig sa music ang bata. 

“Which song do you want to listen to?” Kompleto ang playlist niya ng cocomelon at kung ano pang children songs para lang sa chikiting. 

 

Pero iba ang nirequest niya today. “Can we listen to Youngstreet?”

 

Woah, how did she know them? 

 

“You know Youngstreet?” 

 

“Yes! Ninang Yeri and I love Youngstreet,” Ningning replies excitedly. “You know them too?” 

 

Yeah, she knows Youngstreet too. Too much actually. Paano ba naman kasing hindi?

 

Band kaya yan nung senior niya sa org noong college na kinabaliwan niya. They used to only play song covers during university and local events, pero five years ago, nag-release sila ng original single. Pumasok sa top 10 song chart yung lead single nang magviral ito as sound sa tiktok at ngayon ay kilalang-kilala na sila. Kakatapos din nang tour nila sa Canada at nababalitang susunod na ang tour nila sa Australia.

 

Kung bakit updated pa rin siya sa lahat ng iyan, huwag niyo na lang itanong.

 

Bakit ba siya nagtataka na kilala sila ni Ningning? Siguro dahil masyado pang bata si Ningning to understand the meaning behind their songs? But a wise woman aka Yeri, her bestfriend once said, “If the beat is hot, let me just hop, my will pop” or something. Hindi siya masyadong nakinig.

 

“Sure, let’s listen to Youngstreet.” 

 

Kaya kalahati ng nilaging oras nila sa byahe ay puro songs lang ng Youngstreet band ang tumutugtog. Hindi mapigilang ma-impress ni Joy dahil halos kabisado na nang limang taon gulang ang mga sikat nilang kanta. Dati pa man ay nadiscover na nila na magaling magkabisa si Ningning pero tatlong kanta? Brilliant child. Magagamit niya yan sa high school at college. 

 

Nag-iba lang sila nang artist nung makita ni Ningning ang billboard ni Jollibee at nagrequest ng Tala ni Sarah Geronimo. Kids are weird. 

 

Pagdating nila sa mall, siniguro ni Joy na naka-lock nang maayos ang kotse niya at wala silang naiwan sa loob bago pinaalalahanan si Ningning. “Okay, bago tayo pumasok sa loob, ano ang rules natin?”

 

“Bawal umalis sa tabi mo po, ask permission po first. Tell you kapag poopoo at peepee na po ako and always hold your hand po,” dire-diretsong recite ni Ningning. 

Joy almost shed a tear. Big girl na talaga ang Ningning niya. 

“Good girl! Let’s go.”

 

Habang naglilibot sila sa loob nang mall ay napukaw ang pansin ni Ningning ng malaking movie poster “Ohhh, Buzz Lightyear!” Sabay turo doon. Napatingin din si Joy sa poster. Hindi ba ito yung kasama nung cowboy? Anyway, what Ningning wants, Ningning gets. 

 

“Gusto mong panuorin?” Nakatanggap siya nang maligalig na tango. It was kinda funny. “Alright, spacegirl. Let’s buy snacks first, ha? Then, we’ll buy our tickets.”

 

Ningning wanted Jollibee yum burger kaso mahaba ang line sa counter nila o kahit saang fastfood. Ok maybe not everything Ningning wants, Ningning gets. Kaya nagsettle na lang sila doon sa very basic na popcorn *roll eyes* pero dahil mukhang malungkot pa ang chikiting, humanap sila ng iba pang makakain. 

 

“Two tickets for–“  “–Buzz Lightyear!!” 

Sabay natawa si Joy at yung nasa counter sa enthusiasm ni Ningning. Talon ito nang talon at panay ang tingin sa poster.

“Ang cute cute po nang anak niyo ma’am, parang mini-me niyo,” compliment nang babae.

“She’s not my mommy.”

“Uh, baby sister ko siya, pero thank you, ate. Nagmana talaga sa kagandahan ko yan.” Nanlaki ang mata nang babae. 

“Hala, ma’am sorry po! Akala ko po talaga anak niyo siya pero di naman po kayo mukha nanay, ma'am–“ napatigil ang babae. Parang mali nanaman ang sinasabi nya.

“It’s okay, Miss. Marami na din nagsabi na mukha kaming mag-ina,” Joy explained to assure the lady na hindi siya nao-offend. 

 

Never naman talaga siyang naoffend kapag napapagkamalan silang mag-mommy ng kapatid niya. Her sister is pretty, smart and polite. Magaling makisama kahit kaninong bata pa siya ihalo. Never pinasakit ni Ningning ang ulo ng parents nila, unlike her. Nauunawaan din nila ang isa’t-isa kahit pa malayo ang agwat nila. Madalas pa ay ginagamit nila ang 20 year gap nila to their advantage. Tulad noong mother’s day, may free cake ang isang restaurant sa mga magnanay na kakain doon. Who got to bring a whole cake that same day? That’s right, them! Isa lang yan sa mga freebies na nakuha nila that day. Salamat sa nanay at tatay nilang bigla na lang naisipang sundan si Joy after 20 years.

 

Nang makapili na sila nang seat ay naghintay muna sila ng ilang minuto sa lounge area bago pumasok sa loob para sa remaining time nung movie. Mahigpit ang hawak sa kanya ni Ningning habang umaakyat sila sa stairs ng cinema. Masyado kasing madilim ang paligid even for her. Hindi tuloy nila napansin na may katabi pala ang kapatid niya sa kabilang side. 

 

“Oh they kissed!” bungisngis ni Ningning sa same- couple sa movie. Napangiti si Joy. 

“You’re okay with that?” Tumango ang bata. 

Yas! We love an ally. Talk Valentina! 

“I kissed a girl too,” Ningning whispers. Tumaas ang kilay ni Joy sa sudden confession ng kapatid. 

 

“Who?”

“Yuna. She said my hair was pretty so I kissed her.” Kilala ni Joy yung bata. Pamangkin ng friend niyang si Momo. Sasabihin nya ito once na magkita sila.

“You kissed your friend sa cheeks kasi sinabing maganda hair mo?” Umiling ang bata.

“I kissed her sa lips like what you did with your date when she told you that you look pretty.” What?!

“What date?” 

“Ate Roseanne.” 

Pati yung katabi ni Ningning sa right side niya ay nagulat sa revelation. 

“Ningning?” Nagtatakang tumingin ang bata sa ate niya. May mali ba? 

“You can’t just kiss anyone on the lips okay? Just say ‘salamat’ when somebody compliments you.” Nakakalokang bata ito. “And ask permission first if you want to kiss them anywhere.” 

Pero kasalanan din naman niya. Note to self, huwag na magdadala ng fling sa bahay kapag nakaharap si Ning. Bakit nya nga kasi dinala yung ka-fling niya sa bahay kung hindi naman siya seryoso?

 

“Bakit ikaw po, bakit mo kiniss si ate Rose?” Salubong ang kilay ng bata. Hindi niya alam kung paano iexplain. Dapat nanay at tatay nya ang nagtuturo nito. Isa lamang siyang Mama-ate. Ang role nya lang dapat ay ispoil si Ningning.

 

“It’s because I’m old na, baby. Lips are sacred so don’t let anyone kiss you there, ha? Especially boys, because they’re dirty and most of them don’t brush their teeth, kaya be careful. You only allow someone to kiss you on the lips if you like them very very very much.”

The stranger on the right agrees. Kung meron siyang anak ay ganon din ang ipapayo nya. Tumango naman si Ningning kahit medyo confused pa din. “…But that’s when you’re 18 na ha? Right now, baby pa rin kita so no lip kisses for you muna.”

 

“Even from you?” 

“Yes, baby.” Joy declared before kissing her sister’s hair. The stranger couldn’t help but smile.

 

Natapos ang palabas at bumukas na ang ilaw ng sinehan. Time to go out and continue their sibling date. Paalis na silang magkapatid nang magkabungguan si Joy at ang nakatabi ni Ningning. 

“Oh God, I’m sorry,” dispensa ni Joy. 

“Joy?” 

“Sorry?” Hindi niya makilala ang kaharap dahil naka facemask ito at cap.

“I don’t know if you still remember me,” alangang sabi nito saka bahagyang inalis ang cap at facemask. 

 

It’s her.

 

“Wendy.” Napahawak sa batok si Wendy at tila nahihiya. 

 

“Hi, akala ko hindi mo ko matatandaan, malulungkot na sana ako,” biro niya. 

Hinampas siya sa braso ng babae, “Of course natatandaan kita! Sobrang sikat mo na kaya ngayon,” sabi ni Joy saka napatingin sa kapatid nang kumapit ito sa damit nya at bahagya itong hinila. 

“Who is she?” 

“She’s Wendy, a friend from college. She’s also the vocalist of your favorite band.” 

“Youngstreet?!” Mabilis na tinakpan ni Joy ang bibig ng kapatid nang mapatingin sa kanila ang ibang moviegoers dahil sa lakas ng boses nya.

Napatawa si Wendy then nag crouch sa level ni Ningning para magpakilala, “Hi, I’m Wendy and I have a band called Youngstreet.”

“For real?” 

“For real,” gaya niya sa bata. “Ikaw, what’s your name, sweetie?” 

“My name is Shining, but you can call me Ningning,” nahihiyang sagot ng bata saka kumapit sa kamay ni Joy. That’s their queue para lumabas na.

Wendy wanted to pinch her cheeks so bad. “She’s so cute,” she mouthed to Joy.

 

“Let’s head out first, mukhang maglilinis na sila ng floor.”

 

Naunang lumabas ang mag-ate. Sumusunod sa kanila si Wendy na nakabalot na ulit ang mukha. Hindi nga siya mamukhaan ng mga tao, pero nagmukha naman siyang stalker ni Joy at mas pinagtitinginan na siya ng mga nasa mall. 

 

“Hubarin mo nga yang cap mo and walk beside us,” Utos ni Joy pagkatapos ay hinawakan sa braso ang bokalista. Nang magprotesta si Wendy ay binulungan niya ito, “Mukha kang masamang tao.” 

 

So ngayon hawak nya sa isang kamay si Ningning habang nakapulupot ang isa sa braso ni Wendy.

 

“Sorry, may sumusunod kasi sa akin kanina. I need to disguise myself.”

 

“Well you’re not doing a very good job.” Wendy shrugged. Basta hindi makita mukha niya, iyon ang mahalaga. Hindi naman siya ganon ka sikat pero mahirap gumising isang umaga at makitang trending ka na sa twitter for all the wrong reasons. Trust her, she knows.

 

Ilang minuto na silang naglalakad kaya Wendy tried making small talks, “Kumusta ka na? I haven’t seen you in years.” 

 

“I’m doing great. I’m currently working in my dad’s company. May times na stressful yung environment but I enjoy the job.” By stressful environment, she meant her dad. Palagi na lang nakabuntot sa kanya. It’s almost embarrassing. Kaya masaya siya kapag may business ito overseas kasi walang bumubulabog sa kanya para ireto sa mga anak ng kasosyo.

 

“That’s great! Also, I didn’t know na may family ka na. ‘Di man lang binalita nila Yerin sakin. Congratulations.” Saan galing yung family? At saka bakit parang labas sa ilong yung bati? 

Huminto si Joy sa paglalakad. “What?” 

“You have a beautiful daughter.” Pareho silang tumingin sa bata na nakatingin din pala sa kanilang dalawa.

“Oh, she’s not my—”

 

“—Mommy I’m hungry.” Tumaas ang kilay ni Wendy. 

“Ningning?!” The kid started cackling. “I’m kidding, ate,” she said cutely.

“Beautiful AND funny,” Wendy added. Mukhang magkakasundo pa silang dalawa. 

“Para sabihin ko sayo, I’m very single right now kasi sinosolo ako niyang bulinggit na yan,” paglilinaw ni Joy.

“That’s good to hear– I mean, it is good na nagbobonding kayo ng kapatid mo but you know, kinda sad kasi you’re still single when in fact you should be dating… but of course on your own accord! Not because someone told you but sayang kasi– I’ll stop talking na lang.”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
comment your thoughts 💭 and prayers eme

Comments

You must be logged in to comment
parkjaeyoung801 #1
Chapter 1: so cute
_flcty #2
Chapter 1: SANA PO LAGING MASARAP ANG ULAM MO OTORNIM 🥺 Basta WenJoy talaga hays 🫠💙💚
redsummer0801
#3
Chapter 1: UGHHHHH. Sa araw araw kong pagod, nakaramdam din ng pahinga. Sobrang ganda 100000/10. 🥹. Sobrang namiss ko mga wenjoy fics mo otor! Salamat sa lapag! More wenjoy fics to read from you sanaaa. I love you pooo