Lason

Please log in to read further chapters

Description

MiChaeng.

Foreword

Diretso akong pumasok ng bahay. Tahimik at madilim sa loob. Nagbakasyon kina Tita sina Mama kaya ako lang mag-isa ngayon dito. Dapat wala din ako dito, nandun dapat kasama ng mga kaibigan ko. Napangiti ako ng mapakla, naalala ko na naman yung nangyari kanina.

Masaya dapat ako ngayon, kase first get away with friends namin ni Mina. Ng girlfriend ko. Or shoud I say ex-girlfriend?

Pagod na naupo ako sa sofa. Di nako nag-abalang magsindi pa ng ilaw. Takot ako sa dilim, pero dahil sa masakit ang puso ko, naging matapang ata ako.

She looks so happy with Jeongyeon. Ganun ba siya ngumiti sakin? Napahawak ako sa batok ko. She never smile like that to me. Kay Jeongyeon lang. Bakit kay Jeongyeon lang? At bakit kay Jeongyeon? Di ba dapat sakin lang? Kase ako yung girlfriend?

E Ikaw ba ang mahal?

Huh?

Sympre! Ako ang girlfriend e!

Girlfriend ka lang, di kana man mahal.

Nakakagago pala pag ang kaaway mo e ang utak mo. Nakakabaliw. Buti na lang wala pang nakakakita sakin na dumating na ko kanina sa meeting place.

Kaya pala hindi sumasagot si Mina sa mga calls and texts ko. Maaga siyang dumating dun. Sumabay ba siya kay Jeongyeon?

Napapikit ako. Nakakaiyak. Ang sakit sa puso. E bakit pa kami nagig mag girlfriend kung di pala ako ang mahal niya? Kase ako yung convenient? Nandyan palagi? Pwede ba yun? Parang gago, ang sakit ha.

Mabilis na pinunasan ko ang mga luha ko. Di ako dapat umiyak. Dapat wag kong damdamin. Di ko naman yun ikayayaman. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko, text message galing kay Mina.

(Nasan kana?)

Ilang oras na ba ang lumipas? Dapat nakaalis na sila.

(Chae, bakit ang sabi ni Dahyun di kana makakasama? May nangyari ba?)

Tinext ko kanina si Dahyun na hindi na ako makakapunta at siya na ang bahalang magsabi sa iba.

Hindi ko na sinagot si Mina. Gusto kong makapag isa at makapag isip isip. Gusto ko na lang magpakalayo at kalimutan ang lahat. Mabigat na umakyat ako papuntang kwarto ko. Mabuti pang itulog ko na lang to. Bukas pag gising ko, makakaiisip ako ng magandang gagawin.

--

Alam mo yung sa sobrang sarap ng pagkakatulog mo bigla kana lang magmumulat ng mata ng walang pasabi na para bang alam ng katawan mo na dapat oy gumising kana.

So ayun, nagmulat ako ng mata, madilim na sa paligid. Sabagay, bumalik ako sa bahay ng alas cinco ng madaling araw, pag tingin ko sa orasan, alas sais na ng hapon. Nag unat ako, pero laking gulat ko ng maramdamang may nakayakap sakin. Takot na napabaling ako sa taong katabi ko.

"Mina!?"

What is she doing here?

Tinapik tapik ko ang pisngi niya. "Hey, wake up. Why are you here?" Kunot noong tanong ko.

Hindi ko ba nailock ang pinto? Grabe ha. Pwede na tong akyat bahay gang.

Pupungas pungas na umupo siya sabay yakap sa bewang ko. Naiilang na kinalas ko ang mga braso niya. Nakakunot noong napatingin siya sakin. Nag iwas naman ako ng tingin.

"Hindi na ako sumama, I decided to find you and I found you here. Hindi ka kase sumasagot sa mga calls and texts ko."

Tss. "Parang sa mga calls and texts ko sumasagot ka ha." Medyo inis na sabi ko. Bumaba ako sa kama, ramdam ko nag pagsunod niya sakin hanggang sa makadatig kami dito sa kitchen.

"Chae, what's wrong? May nagawa ba ako? Are you mad at me?"

Hindi ko siya kinibo. Kumuha ako ng maiinom.

"Pasensiya kana kung di ko nasagot yung mga calls and texts mo, sinabay kase ako ni Jeongyeon papunta sa meeting place since magkalapit lang kami ng bahay."

Napailing ako. "That's my responsibility not hers."

"I know baby, pero di ba nag iwan naman ako ng isang text na mauuna na ako?"

"Hindi mo sinabing si Jeongyeon ang kasama mo."

"Does it matter? Kaibgan naman natin siya."

I smiled bitterly, does it really matter? Ofcourse! Edi sana di ka nagkakaganyan kung wala lang.

"Usapan natin susunduin kita."

"I know, baby, that's why nagtext ako di ba?"

"Bakit sakanya ka sumama?"

Nagkatitigan kami. "Chae, are you jealous of Jeong?"

Now it's Jeong. May nickname na. Sweet.

"Do you like her?"

"What!? What nonsense are you talking anout, Chae."

"It's a simple Yes or No lang, Mina. Di mo pa masagot."

"Orcourse not, baby. I don't like her."

You love her. Masakit man tanggapin pero yun yung nakikita ko. Ramdam ko. Di ako tanga.

"You should go home."

"Chae, naman."

"Dapat sumama ka sakanila."

"Anong gagawin ko dun kung wala ka? Kaya nga tayo sumama sa barkada di ba? Para may time din tayo for them tapos wala ka?"

Napapikit ako. Pakiramdam ko nag shut down na yung utak at pakiramdam ko. Naramdaman ko pagyapos niya sa leeg ko. Ang mararahang halik niya sa leeg pataas sa pisngi at labi ko. Padampi damping mga halik.

Parang gusto kong maiyak. Sa sobrang sweet ni Mina, di mo naman maiisip na 2nd ka lang.

Kinalas ko ang mga kamay niya sakin. Umatras ng ilang hakbang. Kita ko ang pag guhit ng sakit sa mga mata niya.

"We .. I .. I want to be alone, Mina."

"Why, baby? May nangyari ba? You can talk to me."

Nagkatitigan kami. Gusto kong makita ang reaksyon niya. Eyes never lie ika nga. "Let's break up."

--

Back to school na kami after 2 weeks. At sa loob ng 2 weeks wala akong ginawa kung hindi taguan si Mina.

"Alam mo, bilib na ako sayo. From di ko kayang wala si Mina sa tabi ko to No Mina at all. Anyare ba talaga, Chae?"

Umiling lang ako sa tanong ni Dahyun. Simula nung di ako sumama sa gimik, di nadin ako nagparamdam sa socmed. Di na din sumasagot ng call and texts ng barkada.

Gusto ko nga kaseng mapag isa.

"You should talk to her, clear things out. Kawawa naman si Mina." - Tzu

"Mas kawawa ako kung magstay pa ako sa telationship na ako lang ang may gusto."

"What do you mean?" Sabay na tanong ng dalawa.

"She's inlove with Jeongyeon."

"Huh!?" - Dahyun

"Oy, gago Chae. Pano mo naman nasabi?" - Tzu

"Ramdam ko. Di ako bulag."

"Yawa ka." - Dahyun

"Yan. Yan tayo e. Wala naman sinabi yung tao nag conclude kana agad. Tanungin mo kaya siya."

"Aamin ba siya? And besides, she should be happy. Kase pinakawalan ko na siya. She can do whatever she wants now. I don't care." Mahina lang pero mukhang narinig ng taong nakatayo ngayon sa likod ko.

Ramdam ko. Kase bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.

"Talaga ba, Chaeyoung? Should I be happy? Na nakipag break ka at ipagtabuyan ako palabas ng bahay niyo without telling me why? I deserve to know the truth you stupid brat!" Sabay hampas niya sa balikat ko. Gigil na hinila niya ako braso.

"I've had enough. Let's talk. Alone."

Wala akong nagawang sumunod sakanya.

--

Dinala niya ako dito sa Office niya, sa SCC President's office.

"Sit. Let's talk."

Umiling ako. "We can talk now." Mahinang sabi ko. Hindi ako makatingin ng diretso sakanya. Napakagat labi ako. Amuy na amoy ko siya. God, I miss her. Dito na halos akk tumambay dati pag walang pasok at lunch break. Dito kami halos kapusan ng hininga pag naghahalikan. At yung mga simpleng pahinga moments namin.

"Baby, I refused to break up with you. Ok naman tayo. Tell me what's wrong. We can fix this."

Umiling ako. "We can't."

"Ofcourse we can!" Gigil na sabi niya sakin. Kita kong halos maluha na siya. "I love you, Chae. Don't do this to me."

"You don't love me."

"Huh!?"

"You love Jeongyeon."

"What!?"

"You or she can pursue you now that we broke up already. I don't care. Just don't ever show your face to me kahit 3 months lang."

"What the hell, Chaeyoung!? Sandali!"

Mabilis na hinigit niya ako paharap sakanya. Aalis na kase dapat ako. Pakiramdam ko maiiyak na ako. I can't breath, too.

"We're not yet done. Come on, Chae. What nonsense are you talking about? Is this about what happened 2 weeks ago? I'm sorry baby kung naging insensitive ako. Hindi na yun mauulit."

"You never even think twice that day, Mina. Kusa kang sumama sakanya. Naisip ko, 2nd lang ako. Siya yung una. Anong laban ko dun? Atsaka, bakit ko ipipilit? I deserve better. Yung ako yung inuuna, yung ako lang ini-isip. Ako lang ang mahal. Sakin lang ngingiti. Sakin lang sasama. Yung hindi ako bibigyan ng dahilan para magduda."

Di ko mapigilang sabihin, napaiyak na din ako. Kase ang sakit sakit kaya. Hanggang ngayon iniisip ko padin, "Nagkulang ba ako? Di ko ba naibigay sayo lahat? O umpisa pa lang siya na talaga?"

"God, no! Oh my God baby, bakit iniisip mo yan? Walang ganyan, ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba. I am so sorry, di ko na mababawi yung nangyari. Pero I swear it didn't mean a thing. Please, I love you. Let's not break up."

Kinalong niya ko sa mga bisig niya. Hinayaan ko lang siya. Halos humagulgol na ako.

--

"Nasa labas si Mina."

"Pakisabi po wala ako, My."

"Chae." Tumabi ng upo sakin si Mommy. Busy akong nag aayos ng mga gamit. "Desidido kana bang talaga?"

Tumango ako. Ramdam ko ang paghaplos ng palad niya sa buhok ko. "Wag mong isarado yang puso't isip mo, anak. Pakinggan mo si Mina. Mahal mo siya. You trust her. Wag mong hayaan lamunin ka ng selos. Nasa huli ang pagsisisi."

Pinagmasdan ko si Mommy na kinakausap sa labas ng gate si Mina. Bagsak ang mga balikat na sumakay sa sasakyan si Mina. "Goodbye, Mina." Bulong ko sa hangin.

 

--

"Ms. Reg, can you check her name again?" Aligaga kong tanong so registrar.

Umiling ito. "Pangatlong check na natin to, Mina. At isnag buwan ng nagstart ang klase. Hindi talaga siya nag enroll this year."

Bagsak ang balikat na tumango ako.

Galing nadin ako kina Dahyun and Tzu, ang sabi wala din silang alam.

Galing nadin ako sa bahay nila Chae, ang sabi ng nadatnan kong katiwala doon ay wala naman daw inihabilin ang mga Son sakanila.

"Mina! Look at this!"

Inabot sakin ni Nayeon ang phone niya, sa Ig kita kong pinost ni Somi si Chae.

"She's in Canada. Mukhang don na siya nag aaral."

Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang post ni Somi, common friend ni Chae and Nayeon. Nag swipe pa ako, nakita kong halos laman ng ig ni Somi si Chae.

"Thank you! You are so cute! Sarap mong ibulsa!"

"Sa pantalon mo?"

"Sa puso koooo! Hahaha."

Naiiyak na binalik ko kay Nayeon ang phone niya.

"Mina, I think malinaw naman na. Accept it already."

Umiling ako. "Hindi. Ang break up para sa dalawang taong sinang ayunan ang break up. I never agreed to that!"

Tangna yan, Chae. Humanda ka sakin.

Comments

You must be logged in to comment
tokyo88 #1
waitingz. happy holidays