Chapter Eight

You and I, Always
Please log in to read the full chapter

Seungwan's POV

Habang naghihintay kami sa mga bodyguard na tutulong sa'min na makapasok sa venue, halos mapaatras ako palayo sa bintana nang hampasin na ng mga reporter yung bintana ng sasakyan ni Irene.

"Ang wild naman nila today." sambit ko.

"Ngayon lang po kasi may makakasama sa red carpet si Miss Irene." natatawang saad ng driver ni Irene.

"Oh, huwag masyadong kiligin baka lumaki ulo mo." natatawa akong napatingin kay Irene.

"Luh, bahala ka diyan, hindi ko pipigilan yung kilig ko." napatakip ako sa bibig ko.

Nang kumalma na yung mga reporter sa labas, binuksan na ng isang bodyguard yung pintuan sa side ko, nauna akong bumaba para maalalayan si Irene.

"Thank you." nakangiting sambit ni Irene habang nakahawak sa kamay ko.

Kabikabila naman yung mga pagkuha ng picture sa'min, buti na lang at sanay na sa flash yung mata ko, pero sasakit at sasakit pa rin talaga yun kaya may mga pagkakataon na napapapikit ako.

"Ayos ka lang?" tumango ako.

"Sumakit lang yung mata ko." ngumiti pa ako para mawala yung pag-aalala niya.

"Lakad na tayo." kumapit siya sa braso ko kaya inayos ko yung ulo ko tsaka ngumiti.

Habang naglalakad kami sa red carpet, dama ko yung mahigpit na hawak ni Irene sa braso ko.

"Hindi naman ako tatakbo." biro ko sa kaniya.

"Sorry, I'm nervous." sambit niya nang hindi inaalis yung ngiti sa mga labi niya.

"I'm here, I'm here." hinawakan ko yung kamay ni Irene at inilipat sa bewang niya yung brasong kinakapitan niya kanina.

Nang makarating na kami sa dulo kung nasaan yung malaking poster ng movie bilang background, aalis na sana ako para bigyan siya ng pagkakataon na makuhaan ng litrato mag-isa, pero ayaw niya akong bitawan.

"Dito ka lang, please."

'Yes, that's Irene. Who's afraid being in crowded places, afraid of being the center of everyone's attention.'

"As you said." ngumiti ako sa mga kamera na kumukuha ng litrato namin.

Nang matapos na yung oras para sa pagkuha sa'min ng litrato, pumasok na kami sa cinema.

"I still can't imagine how brave you are, to conquer my fears naman pala." pang-aasar ko kay Irene nang makaupo na kami sa upuan na para sa'ming dalawa.

"I was brave before, pero dahil nandiyan ka na nawawala." napakagat ako sa labi ko.

"Kinikilig naman ako, anu ba." napalingon ako nung lumingon si Irene.

"Nandiyan na pala sila mom." kumaway si Irene, napangiti ako at kumaway din sa kanila.

Kausap ko si ate Tiffany kanina, updating tungkol sa lagay namin ni Irene, kaya alam kong nakarating na sila dito kanina pa, sabi niya huwag ko nang sabihin kay Irene para mabawasan yung kaba nito. Pero mukhang sila yung kailangan niya para mawala nang tuluyan yung kaba ni Irene.

"Buti naman nandito na sila." bumuntong hininga si Irene.

"Kalma ka na?" tumango siya. "So, lilipat na ba ako ng upuan?"

"Seungwan naman eh."

Mahigit kalahating oras pa yung hinintay namin bago tuluyan na magsimula yung palabas na pinagbibidahan ni Irene. It was a thriller and a combination of rom-com. Na-enjoy ko naman hanggang sa ending yung palabas, buti na lang at sa pisngi lang hinalikan si Irene ng leading man niya, kalmado pa naman ako.

"How is it?" tanong sa'kin ni Irene.

"It was a great movie, as usual movie mo yun eh." nakangiting tugon ko. "At buti walang kising scene, mahirap na." natawa siya sa sinabi ko.

"So, you loved it or not."

"Of course I do love it, you work hard for this movie, may I kiss you?" ngumiti siya at tumango.

'I'm always longing for you, Irene. I might, suffer after this, but this is what I want to do. I always wanted to kiss you, on your lips.' 

"Wannie?" mahinang sambit niya.

"It's alright my love, I'm always ready." hinalikan ko siya sa ilong.

Makalipas lang ang ilang minuto dumarami ang lumalapit kay Irene para i-congratulate siya, kaya nagpaalam na muna ako sa kaniya para lapitan sila tito.

"Hello po, tito, tita." nagkipag-beso ako sa kanila.

"Looking good, son." inakbayan ako ni tito.

"Sakto lang po, hindi ko pwedeng lamangan si Irene." natawa sila ni tita sa sinabi ko.

"Oo nga pala, let's take some pictures outside, with Tiffany, and Suzy."

"Nasaan nga pala sila ate, tita?"

"Pumunta lang sa restroom sandali." tumango ako at hinanap si Irene, mukhang hinahanap na rin niya kami. 

"Susunduin ko na lang po muna." natatawang paalam ko kay tito at tita dahil hirap na hirap si Irene sa paghahanap sa'min. "Let's go na?"

"Sila mom, nasaan?" agad ko namang tinuro kung nasaan sila tita habang inaalalayan ko siya sa paglalakad.

"I'm so proud of you, anak." niyakap ni tita si Irene nang makalapit kami sa kanila.

"I can't say anything, it was you, Bae Irene." hinalikan pa ni tito si Irene sa noo.

"Sa labas na tayo, para sa pictures." si ate Tiffany.

Tumango lang kami sa kaniya bago kami maglakad papunta sa red carpet na dinaanan namin ni Irene kanina.

"Kayo po muna." sambit ko at kinuha yung cellphone ni Irene. "Compress pa po ng konti." sambit ko.

Nasa gitna nila si Irene, nasa kanan naman ni Irene si tito katabi si ate Tiffany, at sa kaliwa naman niya ay si tita na katabi si ate Suzy. Naka-ilang take ako ng litrato nila, bago may tawagin si Irene para pakisuyuan na kuhaan kami ng litrato. Pumwesto ako sa pagitan nila Irene at ni tita, maka-ilang take lang may lumapit nang reporter kay Irene na mayroong VIP pass.

Lumayo muna kami kay Irene para mabigyan siya nang pagkakataon na ma-interview, habang tuloy pa rin kami sa pagkuha ng litrato gamit yung cellphone ni ate Tiffany. Nang lumingon si Irene sa'min, akala ko tapos na siya sa interview sa kaniya, pero tinawag niya lang ako at pinalapit sa kaniya.

"Yeah, this is the first time that I walked with someone." hinawakan ni Irene yung kamay ko.

'Grabe ang lamig naman ng kamay niya.'

"Anong pakiramdam?" inihawak ko na rin yung isa ko pang kamay sa kamay ni Irene.

"I feel safe, kahit papaano nabawasan yung kaba ko, nakakabanibago pero in a good way naman."

"How about you, Mr.?"

"Doctor Son." sambit ni Irene.

"Oww, so, Doctor Son, anong pakiramdam na you walked with Bae Irene for her movie's premier?"

"I feel great, it was new to me, but because of Irene's comfort while we were walking earlier, I didn't feel anything unusual." nakangiting tugon ko.

"Is there anything else you want to tell, kay Irene and also about the movie?"

"To Irene?" tumingin ako kay Irene. "I'm always proud of you, and I wanted you to know, that I have always been there and will always be here to support you."  tumango si Irene, mukhang na-gets naman niya yung gusto kong sabihin. "About sa movie naman, like what tito said, I can't say anything, it was her, Bae Irene." pabiro naman akong hinampas ni Irene sa dibdib. "Kidding aside, since it was Irene, it will be a great movie."

"Thank you to both of you." nakangiting saad ng reporter, bago kami senyasan na tapos na yung interview. "May I?" bahagya naman akong lumayo para magkapagpa-picture siya kay Irene, hindi naman binitawan ni Irene yung kamay. "Thank you." nagpaalam na kami sa kanila ng cameraman niya at lumapit kela tita.

"Diretso na ba kayo sa victory party?" tanong ni tito.

"Opo dad, magkita kita na lang po tayo sa hotel, same table lang naman po tayo." nagpaalamanan pa kami nang ilang ulit bago kami pumunta ni Irene sa pinagbabaan namin kanina at naghintay sa driver niya.

"Take my suit, malamig na masyado." hinubad ko yung white suit ko at ipinatong yun sa balikat ni Irene.

"Grabe yung out fit natin ha, di ko expected na white din ang ipapadala ni Mina na damit para sayo."

"Syempre si Mina yun, alam niya kung anong babagay sa'kin." kinindatan ko pa siya. "Pero mas bagay ka sa'kin." natawa na lang siya bago ako hampasin ng purse na dala niya.

"Nakakaasar, yung pagpapakilig mo sa'kin."

"Taste your own medicine, Miss Irene." inayos ko yung buhok niya na nasa mukha na niya. "Ang ganda talaga."

"Seungwan naman, nakakainis." natawa na lang ako sa itsura niya.

"Hi, hello Irene." napatingin kami sa tumawag kay Irene. "Congratulations to us, and to the whole production."

"Yeah, congrats." tinanggap ni Irene yung pakikipag-kamay nung lalaki.

Kung hindi ako nagkakamali, siya yung second lead ng movie, hindi ko lang matandaan yung pangalan niya.

"Kim Taehyung." nilahad niya yung kamay niya sa harap ko.

"Son Seungwan." sambit ko bago tanggapin yung pakikipag-kamay niya.

"Nice to see you, Mr. Son."

"That's actually, Doctor Son." sambit ni Irene.

"It was alright, you don't ha-"

"Of course I have to." pagputol ni Irene sa sasabihin ko. "Thank you and congrats again, Taehyung." hinila na ako ni Irene palapit sa sasakyan niya na kakarating lang.

Nauna nang sumakay si Irene kasunod ako.

"Ayos lang naman sa'kin kahit wala yung Doctor, nasa labas naman tayo ng hospital." napakamot pa ako sa batok ko.

"Sa'kin hindi, pinaghirapan mo yan eh, I won't let people call you, just Mr." napabuntong hininga siya. "You're not just a random guy, you're my great lolo's doctor, and you are MY doctor."

"Okay okay, MY Bae Irene." panggagaya ko sa pandidiin niya sa salitang 'my'.

Hindi kalayuan yung hotel na paggaganapan ng victory party nila, kaya nakarating din naman kami agad sa hotel.

"Good evening po." bati sa'min ng mga waiter at waitress na nakakasalubong namin.

"Dito po tayo, Miss Irene." sambit ng receptionist na sumalubong sa'min ni Irene sa entrance kanina.

"This place is great, ang ganda rin ng theme na napili nila." salubong sa'min ni ate Tiffany at nagsimula nang kuhaan ng litrato yung paligid ng venue.

Umupo na kami ni Irene at nagsimulang makipagkwentuhan kela tito.

"They will serve the foods na lang, so relax na muna kayo." saad ni Irene.

"Ikaw kaya yung mag-relax." si ate Suzy.

"Oo nga hija, relax yourself, everything will be alright." si tita.

Malapit lang kami sa stage, kita ko rin yung pag-aayos ng banda na nasa stage.

"That's Yujin, right?" bulong ko kay Irene.

"Yeah, Æthernity talaga dapat yung tutugtog for entertainment, pero dahil nga sa nangyari kagabi nagkaroon ng changes." tumango ako. "Yujin, Gigi, and Ryujin will be performing with Nævis."

"At least, artist mo pa rin, kahit huwag mo nang bayaran." natawa siya sa sinabi ko.

"Grabe ka naman, alam mo nung announcement pa lang about this event, bina-budget na agad nila Ryujin yung kikitain nila, akala mo hindi ko pinapasahod nang tama."

"Magastos lang talaga sila." napa-iling na lang kaming dalawa.

Nakakatatlong kanta pa lang yung nape-perform, nagkaroon na agad sila ng break.

"Bilis naman." sambit ko.

"As requested, for our special guest." napa-hikab ako kaya agad kong tinakpan yung bibig ko. "Doctor Son Seungwan." nagulat ako nang marinig ko yung pangalan ko.

"I swear, I didn't know anything about this." saad ni Irene habang nakahawak sa braso ko, napatingin ako sa stage at nakita ko sila Ryujin na tumatawa.

'Loko talaga 'tong mga 'to.'

"Don't worry, ayos lang naman." tumayo na ako at pumunta sa daan paakyat sa stage. 

"Si Giselle yun, kuya." saad ni Yujin.

"Tss, pahamak talaga kayo minsan." inabutan na ako ng mic. "Good evening everyone." huminga ako nang malalim bago lumapit sa keyboard na nakaready na, buti nasa bandang gilid lang yun ng stage at hindi sa mismong gitna.

"Go, Seungwan!!" pagsigaw nila ate Tiffany at ate Suzy.

"This song is one of Irene's favorites when I go play piano." nilagay ko muna sa mic stand yung hawak kong mic bago magsimulang tumipa sa tiklado ng keyboard. "Like water."

May ilang sumasabay sa'kin, pero halos lahat ay tinatanong kung anu bang kanta yung kinakanta ko, at sinong kumanta. Nang matapos ko na yung pag-kanta nag-bow pa ako sa kanila.

"Familiar yung kanta sa'kin, sinong kumanta nun kuya?" tanong sa'kin ni Yujin.

"I-search mo na lang." nakangiting saad ko bago tuluyang bumaba ng stage.

Pagkabalik ko sa pwesto ko, tutok si Irene sa cellphone niya, mukhang may hinahanap.

"Ang alam ko talaga, it was popular before, pero bakit parang hindi alam ng marami?" tinignan ko siya bago matawa.

"It was popular to you, kasi lagi kong pinapatugtog o tinutugtog para sayo." napabuntong hininga ako. "That's actually my confession to you." 

"Wait, oh my." napatakip siya sa bibig niya. "So Joohyun produced it, and Wendy sing it."

"Nalaman ko lang nung naging close na ako sa kanila, well they're five years older than you, but still I didn't expect na sila yung artists behind that song." ngumiti ako. "Unexpected, diba?"

"Pero dati, the artist was unknown, right?" tumango ako.

"Wala naman kasi talaga silang balak na i-release yung kanta, pero Wendy encouraged Joohyun to release it. Hindi pa ready si Joohyun sa rejection that time, kaya he put unknown for the artist label."

"Buti walang umangkin." napa-iling ako.

"Actually marami ang nag-claim na sa kanila yung kantang yun, pero kapag hinahanapan sila ng proof, wala silang nai-lalabas." kumunot yung noo ni Irene. "Well, yung sa kanta kasi, Joohyun use natural sounds of water, air, and even nature's movement. At wala silang maiparinig na kopya alin man dun, until five years ago, I found Joohyun's tape. Lahat ng drafts and finished piece na nagawa nilang dalawa, then two years ago it was finally named, their talent was known."

"Nasaan na yung mga yun?"

"Under pa rin naman ng name nila lalo na ni Joohyun, if ever na may gusto mang gumamit ng piyesa ni Joohyun at handa silang magbayad, kay You I lahat mapupunta yung pera. Ngayon pa nga lang, kaya na ni You I magpatayo ng sarili niyang bahay. Well that's You I's money, sa kaniya lang yun."

"That's great, at least kahit na hindi sila kasama ni You I. Secure pa rin yung future ni You I, bakit hindi mo sa'kin binenta?" natawa ako.

"You literally, almost buy all of it. Æthernity Band's Core Memory, Blinded by You, Share the Loops, Sunrise Rays, Melodic Rhyme, Somewhere Else, Misogynistic, and so on." natawa ako sa itsura ni Irene, halatang gulat na gulat din siya. "Even Nævis' Neverending, Shore by the C, Nearby Bye to You, Serenade, Last Lane, Blue Whales, and so on. So you literally secure You I's future."

"Wait, so under Kwangya's Records lahat ng gawa ni Joohyun?" tumango ako. "And Sehun didn't tell me?"

"Hindi mo ba binabasa? I mean, hindi ka ba nagtataka na may producer at lyricist sa may credential, pero absent yung presence?"

"Well, maybe I trust Sehun when it comes to this business." natawa ako.

"Naku, kaya nakakautang si kuya sayo nang walang kahirap hirap eh." biro ko kay Irene.

Nang mahandaan na kami ng pagkain sa lamesa namin, tuloy pa rin sa pagtatanong sa'kin si Irene tungkol kay Joohyun at Wendy.

"May thank you speech pa pala ako." sambit ni Irene bago uminom ng tubig.

"Ngayon na ba?"

"Di ko lang sure." may tinawag siyang babae, isa ata sa co-ordinator ng event.

"Isa pa pong performance, tapos next na po kayo." saad ng co-ordinator.

"Samahan na kita." tumayo na ako at inalalayan si Irene sa pag-tayo.

Habang naghihintay kami ni Irene, hinahanda na niya yung sarili niya sa pagsasalita. Tinignan ko lang naman siya, pinanuod ko kung paano siya kabahan.

'Ang ganda pa rin, kahit kinakabahan na.'

"May mali ba sa sinabi ko?" umiling ako.

"But I think it was better, kung sasabihin mo yung nararamdaman mo sa pagkakataong 'to, kaysa kung anu yung hinanda mo."

"That's why I'm nervous, I didn't prepare anything." napakamot ako sa ulo ko.

"Eh, anu yung mga sinasabi mo diyan?"

"Kumakanta ako, Seungwan." napatango na lang ako.

"Okay, okay, kumakanta ka." buti na lang at tinawag na siya ng host, dahil hindi ko alam kung anong magagawa niya sa'kin.

Habang naghihintay ako kay Irene, nakikipagkwentuhan sa'kin sila Ryujin.

"Tsaka kuya, Chaewon didn't even reply to our group chat." si Giselle.

"Hindi pa siguro siya handa na makipag-usap sa inyo, don't worry, kakausapin din kayo nun." pilit akong ngumiti.

"Pero kuya paano kung lumabas yung issue, yung kay Minjeong goods pa eh, paano yung kay Chaewon?" si Yujin.

"Well, Irene knows what to do with that, just leave it to her." nilagay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon yung mga kamay ko.

'Sana nga alam ni Irene yung gagawin.'

"Finally, I can finally breathe." sambit ni Irene bago kumapit sa'kin. "Let's go na? I'm tired already." nakanguso pa si Irene.

"Hmm, let's go na."

"I'm so tired." napatakip ako sa bibig ko at napatingin kela Ryujin.

"Grabe naman magpa-baby ang Miss Irene na yan." asar ni Ryujin kay Irene.

"Just let slide, baby." panggagatong ko sa pang-aasar ni Ryujin kay Irene.

"Tara na nga." kunot noong saad ni Irene bago ako hilain.

Sumabay na sa'min sila tito sa paglabas ng venue at habang naghihintay sa sasakyan namin, may naitanong si ate Tiffany sa'kin.

"So, what's the deal?" bulong niya.

"I don't know if it's officially dating, or I'm still courting her." natatawang bulong ko. "Because it suddenly happened."

"Kalma ka lang, kinikilig ka naman masyado." hinampas niya pa ako sa braso.

Nang makarating na yung driver ni Irene sa harap namin, nagpaalam na kami sa pamilya ni Irene bago sumakay sa sasakyan. Pareho kaming busy sa cellphone, tinitignan yung mga balita tungkol sa'ming dalawa, as usaul hindi mawawala yung hate comments and we're both let out of heavy sigh because of that.

"Nonsense." bulong ni Irene bago ipatong sa balikat ko yung ulo niya.

"It's alright, I was born ready for this."

"But still, It's nonsense for them to leave a comment hating you." hinawakan ko yung kamay niya.

"Ayos nga lang, magpahinga ka na lang muna, I'll wake you up kapag nakarating na tayo sa condo mo." hinalikan ko siya sa ulo.

"Hmm, thank you for coming with me, Seungwan." bahagya kong pinisil yung kamay niya.

"You're always welcome." marahan kong tinapik yung kamay niya para patulugin siya, at sana gumana.

Pati ako nakatulog na rin pala at nagising na lang ako nang makaramdam ako nang pagkalabit sa balikat ko.

"Nandito na tayo." mahinang saad ni Irene.

Nauna na akong bumaba para alalayan si Irene, nagtaka naman ako nung tumawa siya.

"Bakit?" natatawa na rin ako kahit hindi ko alam yung dahilan ng pag-tawa niya.

"Wala, natatawa lang ako, bakit ba?"

"Bakit nga?" pagtatanong ko ulit nang makasakay na kami sa elevator.

"May naalala kasi ako sa ginawa mo kanina."

"Alin dun?" hinawakan niya ako sa mga pisngi ko at hinalikan ako sa labi, napahawak na lang ako sa bewang niya bago tugunin yung halik niya.

"We're officially dating." napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. "Ngingiti ka na lang ba?"

"I-I... I don't know what to say."

"Mukhang gusto mo naman, so, tayo na." hinawakan niya ako sa kamay.

"Gagi." napatakip ako sa bibig ko at sumiksik sa sulok ng elevator nang hindi binibitawan yung kamay ni Irene.

"Umayos ka nga Seungwan, nakakaasar." natatawang saad ni Irene. "Samantalang kanina, sa public mo pa ako hinalikan."

"Irene, huwag mo nang ipaalala, kinikilig ako." halos isiksik ko na yung buong katawan ko sa sulok dahil sa kilig at kahihiyan.

"Nandito na tayo." natatawang saad ni Irene habang hinihila ako. "Tara na, anu ka ba Seungwan." di ko alam kung nanga-aasar ba siya o anu.

'Bakit kasi siya tumatawa?!'

Nagpatangay na lang ako sa kaniya palabas ng elevator, hanggang sa makarating kami sa tapat ng condo unit niya nakatakip pa rin ako sa bibig ko.

"Umayos ka na nga Seungwan."

"Ayan, tumatawa ka na naman, hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis kasi tumatawa ka." binuksan na niya yung pinto ng unit niya.

"Sakto, gumawa kami ng hot choco ni Karina." nakangiting sambit ni Minjeong na kakagaling lang sa kusina.

"Sorry Miss Irene, mapilit kasi si Minjeong." si Karina.

"Ayos lang, anu ka ba, mas may tiwala pa nga ako kasi nandito ka. Baka kung si Minjeong lang, wala na akong unit na mabalikan."

"Grabe ka naman sa'kin, ate Irene." tinawanan ko si Minjeong bago pumunta sa kwarto ni Irene.

"Is Winter sleeping?" tanong ko dahil naka-upo si Winter.

"Baka nagising lang." si Minjeong.

"Amboya, amboya." napatakip ako sa bibig ko.

"Her she goes." sambit ni Karina bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Irene at buhatin si Winter. "No amboya, baby."

"Minjeong, di na nga kailangan ng DNA, anak mo nga." natatawang saad ko, napatingin naman sa'kin si Karina at si Irene na kakagaling lang sa kusina. "Remember, yung video mo with Chaewon dati, you keep on saying amboya amboya."

"I can't remember anything." saad ni Minjeong.

"Ipapakita ko na lang sayo." kinuha ko yung cellphone ko at hinanap yung video na sinasabi ko.

Sinend yun ni ate Taeyeon nung birthday ni Minjeong, kaya for sure nasa group chat pa namin yun.

"Here." inabot ko kay Minjeong yung cellphone ko.

"Hoy, hala kuya." natawa ako sa itsura ni Minjeong.

"Patingin nga." lumapit si Irene kay Minjeong at kinuha yung cellphone ko. "Kamukhang kamukha ni Winter, ang cute."

"Me, that's me." saad ni Winter habang nakaturo sa cellphone ko. "Amboya amboya."

"She got almost everything from you, even the allergies." sambit ni Karina.

"Except sa soy sauce." nakangusong saad ni Minjeong.

"Hindi sa pinapaalis ko na kayo ha, pero hanggang anong oras niyo balak mag-stay dito?" si Irene.

"Ubusin lang namin 'to, ate." saad ni Minjeong na tinutukoy yung hot choco na nasa tasang hawak niya.

"Hmm, maliligo na muna ako, ikaw na munang bahala sa kanila, Seungwan." tinanguan ko lang si Irene bago kumuha ng hot choco at sinamahan sa sala sila Minjeong.

"So, kuya, what's the deal?"

"Between me and Irene?" paglilinaw ko sa tanong ni Minjeong, tumango lang siya. "She said yes, we're officially dating."

"I see." ngumiti si Minjeong. "And about the wedding?"

"I'll call it off."

"You sure about that kuya? That will be tito who you have to face." tumango ako.

"Dad can't do anything about it, it was my choice."

"Then, I hope you're prepared." tumayo na si Minjeong at narinig ko yung pag-agos ng tubig sa lababo.

'Buti naman at hinugasan na niya, grabe naman siya kung iiwan niya lang dun yung ginamit niyang tasa.'

"Mauuna na kami, kuya." binuhat na ni Minjeong si Winter.

"Goodnight po." paalam ni Karina.

"Yung mga gamit niyo?"

"Nadala na namin kanina sa unit ko, goodnight na kuya." pinakaway pa ni Minjeong si Winter sa'kin kaya kumaway rin ako, napabuntong hininga na lang ako nang tuluyan na silang makalabas.

Dad is calling...

"Hello?"
: Get your here!
"I don't have my car with me, nasa hospital."
: Hintayin mo si Chaeyoung!
"Okay."

Tinapos ko na yung tawag at naghintay habang humihigop ng hot choco. Nag-scroll lang ako sa social media para tignan yung mga balita tungkol sa'min ni Irene, kinaya ko naman yung mga hate comments, but one thing makes me furious.

'How did they find out about the wedding'

Nag-scroll pa ako, pero hindi ko matukoy kung sino ba yung nag-post ng article na yun, stating that I'm getting married to other woman.

"Wannie, ayos ka lang?" ramdam ko yung kabog ng dibdib ko nang makaramdam ako ng kamay sa balikat ko. "Ayos ka lang?"

"Hmm, ayos lang ako." nginitian ko si Irene. "Oo nga pala, Chaeyoung will pick me up, kailangan daw akong makausap ni dad."

"Is it because of me?"

"I'm not sure, but we'll see." tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha pa ng hot choco. "Don't worry, everything will be alright."

"Lagi mo namang sinasabi yan." lumapit siya sa'kin at yumakap sa bewang ko. "And I know, you'll do everything to make it alright."

"Dapat lang, para sayo." hinalikan ko siya sa noo. "Look at me." sinunod naman niya ako. "It's safe to say this now, personally." tumango siya. "I love you my Irene." hinalikan ko siya sa labi at agad ding humiwalay sa kaniya. "I can't believe this, the heck." natawa siya sa sinabi ko.

"Ako rin naman, I'm loving you literally from a far, who would believe this." nilapag ko sa countertop yung tasa na hawak ko, kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at nagpatugtog. "May I have this dance with you?"

"Sure, a pleasure." she playfully said before accepting my hand.

"I could live, I could breathe, but I couldn't figure out what my mornings would be if you're not the one I'm waking up with." tuloy lang kami sa mabagal na pag-sayaw at sinasabayan yung kumpas ng kantang tumutugtog. "I want to marry you, and only you." dinikit ko yung noo ko sa noo niya.

"We'll get there, Wannie, we will." napabuntong hininga na lang ako nang huminto yung tugtog hindi dahil natapos na yun, kundi dahil sa may tumatawag sa'kin.

"It was Chaeng." saad ko nang makita yung caller. "I'll be back tomorrow, okay?" tumango lang si Irene. "Matulog ka na, siguradong napagod ka kanina." hinalikan ko siya sa labi.

"Ingat kayo sa biyahe." hinatid niya ako hanggang sa pintuan ng unit niya.

Nang makarating ako sa labas ng condominium na tinutuluyan ni Irene, nakita ko yung sasakyan ni Chaeyoung na naka-park sa tawid ng kalsada.

"Ang tibay naman ng sundo na 'to, papatawirin pa ako." tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ng kalsada bago tumawid.

"Bilisan mo, baka makita tayo ni Yeri." halos matumba naman ako nang hilain niya ako pasakay ng passenger's seat.

Nang makaayos na ako ng pagkaka-upo, tinignan ko yung tinitignan niya. Si Yeri kasama si Seulgi.

"Anong ginagawa nila dito?" tanong ko.

"Ang sabi ni Yeri, pupunta siya kay ate Irene."

"Sigurado ka?" tinanguan lang ako ni Chaeyoung, tinawagan ko yung number ni Irene. "In another call."

Naghintay pa kami nang ilang minuto bago pumasok si Yeri sa condominium at naiwan sa labas si Seulgi.

"Sh!t!" halos mapatalon ako sa gulat nang mag-ring yung cellphone ko.

"Hello, napatawag ka?"
: Sorry, kausap ko kasi si Yeri kanina.
: Hindi ba kayo nagpang-abot sa baba?
"Hindi eh, bakit pupunta ba siya sa unit mo ngayon?"
: Yeah, pinaakyat ko na nga lang siya kasi di ko maiwan si You I mag-isa.
"Hmm, okay okay, just make sure na sa unit mo talaga siya pupunta ha."
: I assured you, so bakit ka nga pala napatawag kanina? May naiwan ka ba?
"Wala naman akong naiwan, I just want to check you out."
: Hmm, okay, don't worry we're alright.
"I'll hang up na, just make sure hindi gigisingin ni Yeri si You I, late na."
: Yeah, sure.
"I love you."
: I love you more, bye.

Tinapos na niya yung tawag.

"Tara na, anong oras na." sambit ko bago sumandal at ipikit yung mga mata ko.

"Oo nga pala, nalaman nila tita yung tungkol kay Chaewon, yung kay Minjeong kasi alam na nila yun dahil kay ate Taeyeon. Pero yung kay Chaewon, gagi naawa ako kay Chaewon kanina, kung hindi lang siguro siya babae baka nabugbog na siya ni tito." napadilat ako sa narinig ko.

"Bakit, anong nangyari? Tsaka bakit nandun ka?"

"Eh, nagpasama kasi sa'kin si Chaewon, akala ko tinatamad lang siyang magmaneho kaya tinawagan ako. Tapos ayun nga, kakain na lang sana ako sa kusina kaso nung sumigaw na si tito, alam kong may malaking kasalanan na nagawa si Chaewon. Kung nandun ka lang, baka di ka rin makakilos, kulang na lang ihagis ni tito si Chaewon."

"Teka, bakit ihahagis?"

"Yun lang yung point of view ko, kasi hawak ni tito sa damit si Chaewon, yung parang pusa yung hawak niya, ganun." natatawang paliwanag ni Chaewon.

"Yung totoo naaawa ka ba talaga kay Chaewon, o anu?"

"Syempre, naaawa ako sa kaniya, pero kasi what she said and what she wants to do, is wrong." napabuntong hininga kami pareho. "Grabe sila ni Minjeong, parang pinagtripan yung IVF, ang lakas ng amats nila."

"Ginawa ba namang deal, ngayon grabe tuloy consequences sa kanila." napahilot ako sa sintido ko.

"Pero I can see naman kay Minjeong, she's ready for it. Meanwhile kay Chaewon, she wants to because she regrets it, she regret what she did before."

"Eh kayo ni Mina, anu bang plano niyo?" natawa siya.

"Bakit napunta sa'min yung usapan?"

"Eight years na kayo, wala ka bang balak na pakasalan siya?" tumikhim siya na tila ba parang may nakabara sa lalamunan niya.

"Meron syempre, pero ang panget naman kung uunahan ko kayong dalawa ni kuya Sehun." natatawang saad niya.

"As long as may plano ka naman, goods naman na yun." pilit akong ngumiti.

'I know there is something, something holding him back.'

Marami pa kaming napag-usapan habang nasa biyahe, nang makarating na kami sa bahay dumiretso na agad ako sa opisina ni dad, pero hindi ko inaasahan na nandud din si Chairman Son.

"Apo, have a seat." nakangiting saad ni Chairman Son, umupo ako sa kaharap niyang upuan.

"Magandang gabi po, Chairman Son."

"Seems like you enjoy the night." nakangiting saad niya.

"Ahm, hindi naman po Chairm-"

"Well, that's Irene, you surely enjoy it with her." bahagya akong napaatras nang magbago yung pananalita ni Chairman Son, kung kanina nakangiti pa siya pero ngayon sobrang seryoso na ng mukha niya.

"Uhm, yes po." yun na lang ang nasabi ko.

"Lolo, gagawan na lang daw po nila ng paraan." napatingin ako kay dad nang pumasok siya sa opisina niya at dumiretso sa upuan niya.

"Sila pa talaga ang gagawa ng paraan, itong anak mo ang gumawa ng gulo." napayuko ako.

"Ayan ang sinasabi ko sayo Seungwan, ngayon nadamay pa si Irene." napapikit ako sa sinabi ni dad.

'Nadamay ko ba talaga siya.'

"Hindi lang pangalan mo ang masisira ngayon, pati si Irene. Ngayon pati kompanya ni Irene, pinuputakte ng media at ng mga against sa kaniya." dagdag ni dad.

"We can handle this." saad ko.

"Paano Seungwan?! Ngayon pa nga lang wala ka nang magawa!" nagulat ako sa naging pagsigaw ni Chairman Son. "Pumayag ka sa kasal, tapos makikipagrelasyon ka sa ibang tao!! Seungwan hindi lang pangalan mo o pangalan natin ang masisira!! Pati pamilya nila Irene!!"

"It's decided, on Saturday you'll be going to meet your fiancee." saad ni dad. "Doon na rin pag-uusapan kung kailan yung kasal niyo next month."

"Next month?!!" hindi makapaniwalang pag-uulit ko.

"Teka lang Seungwan, bakit parang ikaw pa ang may ganang mag-reklamo, ginagawa lang namin

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thisis_uno
di ko pa alam kailan ako makakapag-update, busy lang kunwari nag rereview para sa PUPCET😭

Comments

You must be logged in to comment
Wanni_2921
#1
Chapter 8: I think babay is coming😂👍
wenstonwan #2
Chapter 5: yieee landi mo seungwan haha
thisis_uno
#3
kabitin ba? sa uulitin😅🤣
Wanni_2921
#4
Chapter 4: Nabitin ako don ha😂
wenstonwan #5
Chapter 4: more otor-nim