isa

eh, di sana eh (sa'yo)

Sabi nila, our dreams are a gateway to our subconscious.

 

Kung ano raw yung mga nararamdaman natin, mga kinakatakutan natin pati na rin yung mga gusto natin, yung mga hinahangad natin — narereveal daw through our dreams.

 

Walang idea si Chaewon kung ano ang nasa subconscious niya tuwing mapapanaginipan niyang may humahabol sa kaniya. Nung minsan, nandun daw siya sa tapat ng tindahan ni Aling Bebang. May hawak siyang sampung piso na pinangkakatok sa bintana ng maliit na sari-sari store. Pero imbes na pagbilhan siya, may biglang lalabas na tatlong pitbull na hahabulin siya. Kakaripas siya ng takbo hanggang gate ng bahay nila pero pagpasok niya sa loob, nandun na naman yung mga aso.

 

Last last week pa yun pero fresh pa rin sa utak niya hanggang ngayon. Nagising na lang siya noon na tagaktak ang pawis.

 

Pero usually talaga, mga zombie ang humahabol sa kaniya. Lahat na yata ng setting napanaginipan niya. Abandonadong ospital? Check. SM na biglang nagtatransform into Glorietta pag-akyat niya ng 2nd floor? Check. Perya sa gabi? School niya nung elem? Resort na pinag-outingan nila nung high school> Check, check, check. Onti nalang malilibot na niya ang buong Pilipinas pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya sigurado kung anong gustong iparating ng subconscious niya. 

 

At tsaka bakit parang palagi nalang siyang merong tinatakbuhan?

 

“...Chae,” Wala sa ulirat na tumango si Chaewon sa kaharap niya. “Chaewon...” 

 

Magaan ang ngiti ng housemate niyang si Yunjin nang magtama ang mga mata nila. Kasalukuyan silang nakaupo sa dining room ng inuupahang apartment. May tatlo pa silang housemate pero mukhang maaga silang nagsipasok. Pagkagising niya kasi, si Yunjin na lang ang kasama niya. Mamaya pa yata ang klase nito kaya nakakapagmuni-muni pa habang naghahalo ng kape. 

 

“Okay ka lang? You didn’t hear a word I said, ‘no?”

 

Parang naghang saglit ang utak ni Chaewon. Hindi pa kasi siya nakakapagkape at ayaw rin niya sana muna dahil balak pa niyang matulog ulit.

 

Pagkatapos ng ilang sandali, naprocess din niya ang mga salita ni Yunjin. Umiling siya (hindi siya okay) at saka naman tumango (wala siyang narinig). 

 

“Ano ulit yun?” tanong niya. “Sorry, di ko narinig.”

 

“It's okay, it was nothing important naman,” Yunjin said, pushing her Totoro mug across the table. “Here, you can have this.”

 

Umuusok pa ang laman ng tasa. Iba ang kulay sa usual niyang 3-in-1 at hindi rin amoy kape.

 

“Hot choco yan,” dagdag ni Yunjin. “You’re gonna go back to sleep pa, right?”

 

“Oo, sana... Pero sure ka? Sakin nalang?” tanong niya kahit nakahawak na siya sa tenga ng tasa. Natakam kasi siya nung nakita niya ang mga kasama nitong marshmallow.

 

Tumango lang naman ang housemate niya. Pinagmasdan lang siya nito saglit habang kuntento niyang iniinom ang mainit-init pang swiss miss.

 

Bakit? May muta ba siya? May mantsa ba ng laway sa puting t-shirt niya?

 

Ahh...

 

Dahil siguro mukha siyang tanga kanina habang nakatulala sa kawalan. 

 

Pa’no ba naman kasi, halos wala na nga siyang tulog dahil sa paggawa ng baby thesis para sa isang minor subject, masama pa ang gising niya. 

 

Nanaginip na naman kasi siya. Ngayon naman, bahay raw niyang may garden ang sinalakay ng mga zombie. Buhay nga naman. Sa panaginip na nga lang siya magkakaroon ng mansyon na may frontyard, horror pa ang genre. Ewan niya ba sa mga panaginip niyang parang bangungot. Kung hindi Left 4 Dead ang atake, Plants vs. Zombies naman. 

 

"Your class is at three pa 'no?" Yunjin asked, stretching her arms as she stood up. 

 

"Mhm-mhm... ikaw ba?" 

 

"9-ish?" Binuksan ni Yunjin ang phone niya at nilapit pa sa mukha na parang may binabasa. Yung schedule niya siguro na ginawa niyang lockscreen. "Yep, I have Stats at 9:30."

 

Napasilip si chaewon sa orasan sa taas ng ref. 9:05... muntik na niyang maluwa ang nasa bibig. 

 

"Nine na huy," she urgently reminded her friend.

 

Tinawanan lang naman siya nito. Mabilis lang naman daw dahil isang jeep/tricy/grab/angkas lang ang layo ng apartment sa college nila. 

 

Sure ba siya? 

 

Hindi maisip ni Chaewon kung paano aabot si Yunjin kahit pa swertehin siyang maging smooth ang flow ng traffic hanggang campus nila. May wangwang ba ang masasakyan niya? Lilipad ba siya mulang gate papuntang room? Iniisip palang ni Chaewon, hinihingal na siya. Kung siya kasi yun, hindi siya mapapakali kung hindi siya makakarating at least ten minutes before mag-start ang class.

 

Pero iba nga naman kasi si Yunjin. Okay lang daw kahit ma-late siya nang onti. Mukhang malayo ang standard ng onti niya kay Chaewon. 

 

"I'll get going na, Chae," paalam niya at saka sinukbit sa balikat ang kaniyang paboritong mustard puffer bag.

 

 


Bumalik na ulit si Chaewon sa kuwarto pagkatapos niyang maghugas ng tasa. May tatlong kwarto sa apartment nila. Yung isa solo ni Eunbi. Pinsan siya ng may-ari at siya rin ang pinakamatagal na sa apartment. Yung isa naman, kina Miyeon at Minnie na mas madalas pang magtalo kaysa sa nanay at tatay niya. 

 

Sila ni yunjin ang magkasama sa kwarto. Swak naman sila. Psych major ang roommate niya at siya naman business ad pero hindi naman sila nawawalan ng mapapagkuwentuhan. Madali kasing kausap si Yunjin. Hindi kataka-taka na halos lahat sa campus ay kaibigan niya.

 

Binuksan ni Chaewon ang bintana sa side ng kama ni Yunjin. Wala kasing aircon ang apartment at mainit pa rin sa kwarto kahit naka-three na ang stand fan. Buti na lang at medyo mahangin sa lugar nila kahit papano.

 

May dalawang single bed sa magkabilang dulo ng kwarto. Yung sa kanya ay sa may side ng pader na konektado sa kwarto nina Miyeon.

 

Humiga't humarap na siya sa pader. Niyakap niya ang extrang unan na nasa gilid at mabilis naman na dinalaw ng antok. Wala pa kasi sa dalawang oras ang tulog niya kanina.

 

Hindi niya sigurado kung ilang minuto o oras na ang lumipas nang maalimpungatan siya.

 

May parang kumakaluskos sa may likuran niya.

 

Nananaginip na naman ba siya?

 

"...Chae?"

 

Pagkaikot niya sa kama, nandun si Yunjin sa may pintuan. 

 

“Sorry, did I wake you?” tanong nito na tila’y naghahabol pa ng hininga. Kapansin-pansin din ang bakas ng pawis sa suot niyang puting tank top.

 

“Ha? Tapos na class mo?”

 

Umiling si Yunjin. “may nakalimutan lang ako.”

 

“Ano yun?” 

 

Pakurap-kurap lang si Chaewon habang unti-unting yumuko si Yunjin. Lumapit ito nang lumapit hanggang sa magkatapat na ang mga ilong nila. 

 

“Just this,” sambit ni Yunjin bago dumampi ang mga labi niya sa sentido ni Chaewon. 

 

May medyo unusual na routine sina Yunjin at Chaewon. Nakwento niya kasi kay Yunjin ang mga nagiging panaginip niya. Tapos nakwento naman nito sa kaniya na nung bata pa siya, hinahalikan ng lola niya ang noo niya bago matulog. Pangtaboy daw ng bad dreams. 

 

May pagkachildish pero tinry nila once — as a joke, mostly. Tapos naging twice, and then thrice, hanggang sa hindi na mabilang ni Chaewon sa dami ng beses. Effective kasi.

 

Kung placebo effect man ito o iba pa, hindi na masyadong mahalaga sa kaniya. Basta ang alam niya, mas madalas siyang dalawin ng masamang panaginip kapag hindi siya nabibigyan ni Yunjin ng forehead kiss. Katulad na lang kanina dahil madaling-araw na siyang nakatulog. 

 

“Sweet dreams, Chae...”

 

Natawa na lang si Chaewon. Muli na niyang pinikit ang mga mata niya.

 

Malakas ang feeling niyang wala siyang tatakbuhang horde ng zombie ngayon. 

 

Pero bakit ganun? 

 

Bakit malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya?

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jdkdbear
#1
Chapter 1: naknang pucha grabe yung kilig ko habang binabasa, simple lang pero grabe atake shet. also maraming purinz fic sa AO3! meron din sa wattpad pero puro converted fics, though magaganda naman
winterssnow #2
Chapter 1: PUTANG INA ‘YUNG KILIG KO ABOT LANGIT
scy_jd
#3
Chapter 1: KILIG NA KILIG AKO JXANCNAMDNSNNSJS if you want more fics about purinz you can check it out sa AO3!!