chapter 3

chocolates for you?
Please Subscribe to read the full chapter

Aiko Dael Alvarez 

 

Inayos ko yung bangs ko na humahaba na habang inaadmire yung sarili sa salamin. Naka two piece na ako ngayon, after ng nangyari kanina ay pinalayas ko na agad si Ning at sure ako na gigisahin ako non pero wala syang makukuhang sagot sakin. Itong two piece nga pala ay yung dinala ko kasi after 999 years nabuksan ko na yung zipper ng bag!

 

May nakaipit lang pala kaya ayaw mabuksan kanina, hindi naman ganon kadami yung laman ng bag ko pero may sumabit parin talaga.

 

Nag mirror selfie muna ako bago tuluyang lumabas ng cr. Shet ganda ko talaga! Paano nyo kinakaya yung kagandahan ko?? Wala si Jhian Cave dito sa loob ng kwarto pero nandito na yung gamit nya. Nandon ata sya sa kwarto ni Xian ngayon. 

 

 

8:30pm na pala.

 

 

Nagugutom ako kaya pumunta ako kung nasaan sila Elle para may kasabay akong kumain. Kanina pa sila babad sa pool, siguro nagsawa na kaya nandito sila sa may pagkain.

 

 

"Naks naman talaga bff!"

 

 

"Ganda talaga ni accla!" 

 

 

Natawa sila nang nag flip hair ako at umikot pa, miss universe yarn?! Pero true, ang ganda ko!

 

 

"Ako lang to." Saad ko at kumindat. Tumabi ako kay Ning na kumakain ng pakwan, may buto pa sa may pisnge kaya natawa ako at tinanggal yon para sakanya. Binigyan naman ako ni Vielle ng plato kaya i muttered her "thanks" nginitian nya lang ako. 

 

Ang daming masasarap na pagkain hindi ako makapili! Baka maging bundat pa yung tyan ko pag napadami yung kain ko sayang naman yung ganda ko ngayon at kayhan.

 

 

Uuwian ko pa pala si mudrakels ng shanghai.

 

 

"Hi, Aiko Dael right?" Napatigil ako sa pagkain ng shanghai nang may tumabi sakin, lalaki sya mga teh! kitang kita ko pa yung pag pigil ng tawa ni Ning. Kahit si Elle napatigil sa pagkain eh. 

 

At dahil gandits ako ngayon at walang planong mag sungit (si Jhian Cave lang susungitan ko at aawayin) ngumiti ako nang kaunti at tumango.

 

 

"Uhm, can i ask... you know, can i ask you out after the party?" Tanong ng lalaki, hindi ko nga sya kilala eh? For sure taga kabilang building to kaya hindi familiar mukha nya sakin. Inlove agad? Ganda ko talaga my god!

 

 

"Uhh.."

 

 

Hindi pa ako nakakasagot umakbay na sya sa akin at lumapit kaunti kaya amoy na amoy yung scent nyang matapang! Ang sakit sa ilong.

 

 

Buti pa si Jhian Cave mabango— Aiko?!?!

 

 

Gwapings naman si kuya pero mas bet ko poging babae hihi.

 

 

"Can you remove your a-arm around me...?" ​​​Tanong ko kasi hindi na ako comfortable sa pagakbay nya tyka kasi basa sya kaunti dahil galing yata sa pool. Alam kong nagpipigil lang din na mag salita sina Ning kasi baka mamaya magkagulo rito. Warfreak pamandin si Ning.

 

 

"So, what do you say?" He answered instead of removing his arm around me. Kapal talaga ng mukha ng mga lalaki! 

 

 

Nag stay yung arm nya sa akin at wala na rin akong magawa dahil ayoko rin naman ng drama ngayong gabi. Pero gusto ko na syang suntukin, small but terrible ako no! Kaya ko tong patumbahin.

 

 

"You can give me your number nalang if you're shy—" Hindi nya natapos yung sasabihin nya nang may biglang tumamang hoodie sa mukha nya, kahit ako nagulat. "Ay, sorry i didn't see you." Si Jhian Cave pala to, tinanggal na nung lalaki yung pag akbay nya sa akin at ibinigay pabalik kay Jhian Cave yung hoodie.

 

 

 

 "Get lost Jhian" Sabi nung lalaki.

 

 

 

"Distansya o ambulansya?" Dinig ko yung pag pigil ni Elle ng tawa sa sinabi ni Jhian Cave. "Are you jealous? don't worry baby girl you look hot din naman, maybe the three of us can do after the party—" Tumama ulit yung hoodie sa mukha nya kaya inis syang tumayo at hinarap si Jhian Cave.

 

 

"Sorry ulit, nakakairita na kasi tabas ng dila mo." Ngumiti pa si Jhian Cave kaya halatang pikon na yung lalaki, "I suggest you to get lost. Can't you see na hindi sila comfortable around you? Especially si Aiko?" dagdag nya pa. Nag init yung pisnge ko, ngayon ko lang sya narinig na tinawag nya ako sa first name ko. Lagi kasing "Dale" ang tawag nya o kaya naman ay "princess".

 

 

"You should be thankful because i don't hit girls." Sambit nung lalaki na naka kunot na ang noo, "Then, thank you." Pang asar ni Jhian Cave. Gaga talaga.

 

"God, why the hell Xian invited you." Dagdag ni Jhian Cave at akmang susuntukin yung lalaki pero agad na umiwas yung lalaki kaya natawa sya. "Get lost." Huling saad ni Jhian Cave kaya wala nang nagawa yung lalaki kundi umalis. Nagdadabog pa kaya muntikan na tuloy syang madulas at malaglag sa pool.

 

 

After ng nangyari tumabi sya sa akin kaya napapagitnaan nila ako ni Ning habang si Elle nasa tapat namin. Yung hoodie na binato nya kanina sa lalaki ay nasa lapag na, mukhang mamahalin pamandin. Sayang.

 

 

"Kaya sayo ako JC eh!" Napairap ako sa sinabi ni Ning, "True! muntikan ko na ngang mabuhusan ng coffee jelly yung gago eh" Sabat ni Vielle. Patawa tawa lang naman si Jhian Cave at nakikagat sa shanghai na kinakain ko.

 

 

"Parang tanga naman Jhian Cave! ang dami doon oh! nakikihati kapa sa akin" Sinamaan ko sya ng tingin dahil naubos na yung shanghai ko dahil sa kanya! "You're so damot naman" Inirapan ko nalang sya at hindi na pinansin, iba na ngalang kakainin ko.

 

 

​​​​​​Nagpaalam sila Vielle na mag babanlaw na raw since kanina pa sila babad sa pool, tinignan lang nila ako ng mapang asar bago tuluyang umalis kasi babatuhin ko na sana sila ng kutsara.

 

 

Nag gesture yung kamay nila ng nagkikiss parang tanga lang.

 

 

 

"Where are you going?" Tanong ni Jhian Cave.

 

 

"Kung saan walang makikihati ng pagkain sa akin" Inirapan ko sya at kinuha yung plato ko, hinawakan ni Jhian Cave yung wrist ko at bigla akong hinila papalapit sakanya kaya napaupo ulit ako sa tabi nya.

 

 

Napayakap na din ako sa biglaang pag hila nya.​​​​

 

 

Bumungad yung mala baby nyang pabango.

 

 

Baka may tao!

 

 

Hihiwalay na sana ako pero mas lalo nya akong hinila at inilagay yung kamay nya sa waist ko. Feel na feel ko yung mainit nyang kamay mga beh! Ang bilis na din ng tibok ng puso ko?! 

 

 

Magkayap na tuloy kami.

 

 

 

"You look hot, princess." Bulong nya sa tenga ko.

 

 

Nagsitayuan nanaman yung mga balahibo ko! hindi ko alam anong gagawin ko. Eto nanaman si Jhian Cave sa pangalawang personality nya eh! 

 

 

"Jhian Cave baka may makakita!" I tried to move away but she just pulled me more closer and hugged me completely. "So? i don't care if they see us." She replied before placing a peck on my forehead.

 

 

I can feel my cheeks heating up!

 

 

"Gosh, i'm so pissed to that guy kanina. The audacity to put his arm around you?" nagseselos ba to? Pero bakit naman sya magseselos? 

 

 

Nakasuksok na yung mukha nya sa leeg ko at hinalik-halikan papunta sa jaw ko hanggang sa labi ko pero agad ko syang pinigilan.

 

 

"Tama na nga! mag swimming nalang ako." Saad ko at pumiglas na sa yakap nya at agad na napatingin sa paligid. Phew! buti wala na masyadong tao since 10pm na ata. Mga napagod kaka swimming.

 

 

Baka ano pang mangyari if hindi ko pipigilan si Jhian Cave.

 

 

"I'll join you princess, wait for me ha? mag change lang ako." Inirapan ko sya at hindi sumagot, bigla nyang tinanggal yung suot nyang jacket at nilagay sa may balikat ko. "Wear that habang wala pa ako and you'll only take that off when i get back okay?" Naiinis ako kasi bakit ka ganito Jhian Cave?! Hindi ko dapat maramdam to! 

 

 

"Mag papalit ka pa eh mukha ka namang gulong kahit anong isuot mo!" She glared at me kaya natawa ako. "I don't look like gulong nga kasi..." She said while pouting.

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mellifluouswan
1717 streak #1
Chapter 18: SARAP TALAGA BIRAHIN NG EX NI JHIAN CAVE SHUTA AKO NA NGA IPASOK NIYO JAN PLS TATAMBUIN KO LANG SA ULO!!!!! ififficici anyways may dilig na naman si Aiko yey HAHAHAHA
ratedkmj
#2
Chapter 18: NAKAKAINIS YNG LINTA SAAN BA YAN AKO NA AABANG SA KANTO
stillem193
#3
Chapter 17: distansya o ambulansya,,, choz
stillem193
#4
Chapter 16: bwisit kala ko kung ank,,,
stillem193
#5
TEKA LANG NMN❓❓😭
stillem193
#6
Chapter 9: bungad 😭😭
stillem193
#7
Chapter 8: kabag lng yang crush crush na yan tamo pag mulat mo kinabukasan gusto m na sya
stillem193
#8
Chapter 6: di raw naka only me sad 2loy si kweba 😂
stillem193
#9
Chapter 2: 1st chapter na 1st chapter eomji 😭
Rin_HM #10
Chapter 17: Sorry, ateng ex may baby na si JC, kaya shut up ka na kung ayaw mong makalbo ka.