Zimzalabim!

Please Subscribe to read further chapters

Description

Blood is thicker than water... but what will happen once they mix together?

 

Are you ready for this?

 

One Saturday night…

 

“Ako na kasi.”

 

“Pinagusapan na natin ‘to.”

 

“Change of plans, ako na.”

 

Inimbitahan ni Minjeong ang kanyang girlfriend na si Karina pati na rin ang mga magulang nito for dinner sa kanilang tahanan. Silang magkasintahan na rin ang nagpresenta magligpit ng mga pinagkainan. Madali naman nilang natapos ang paghuhugas ng pinggan, pati na rin pagpunas at pagbalik ng mga kubyertos at mga baso sa cupboard. Kaso lang, hindi sila makaalis ng kusina. Magkatabi lang sila habang nakasandal sa center island, parehong nakatitig sa may sink.

 

Pumihit si Winter paharap sa girlfriend. “Babe naman eh, let me do my part. Hindi na ako bata.”

 

“So, ano? Audience lang ako?” Sa wakas, inawat na rin ni Karina yung tingin nya sa sink. Lumipat naman ang line of sight nya sa kausap at itinaas ang isang kilay. Baka bigla ka na lang mahimatay ‘to pagbalik ng living room. Namumutla na kasi sa nerbyos yung isa pero syempre hinding hindi aamin. “And for the record, you just turned 20 this year.”

 

Lagot, nambabara na. Alam ni Winter na concerned lang naman ang nobya. Pinagsalikop nya yung mga kamay nila, pampakalma. Ayaw nya rin itong mag-alala. “Kaya ko na ‘to.”

 

“Jumbo hotdog?”

 

“Alam mo yan.” Lumingon si Winter sa pagitan ng legs nya pagkatapos magkagat-labi. Hindi pa nakuntento, nagpahabol pa ng kindat.

 

Automatic naman na hinampas ni Karina ang braso ng girlfriend nya at hindi nya napigilang ngumisi. “Hoy! Ang kalat!”

 

“Pinapatawa lang kita.” Kahit kinakabahan, buo na ang loob ni Winter sa gagawin nya. “Please wag ka nang masungit, dapat happy ka lang lagi.” Napangiti naman sya nung yumakap si Karina sa kanya.

 

“Pero Babe kasi-“
 

“Oh sige, ganito na lang.” Alam nyang hindi titigil si Karina hangga’t hindi nangyayari ang gusto nya. “Tayong dalawa na ang magsabi. Sure na!”

 

Damang dama nila yung pagtibok ng puso ng isa’t-isa habang magkayakap, kumalas nga lang bigla dahil sa gulat nung may narinig silang nagsalita; yung isang Mummeh ni Winter.

 

“Hindi pa ba kayo tapos maghugas ng pinggan?” Tagos sa kusina yung lakas ng boses ni Lisa mula sa salas. Kahalating oras na yata ang itinagal nung dalawa. “Mga batang ‘to… Minjeong! Don’t play with water!”

 

“More like, don’t play with my daughter.” Ungot ni Seulgi. Sa dinami-dami ng pwedeng maging girlfriend ng bunnycub nya, bakit ang anak pa ni Manoban? Mahina na ang pagbulong nya pero nakatanggap pa rin sya ng pinong kurot sa tagiliran, may bonus pang nanlilisik na mga mata galing sa kanyang pinakamamahal na misis. Malakas nga pala ang senses ng mga kuneho.

 

Mabilis namang nagbago ang expression ng mukha ni Irene paglingon nya sa mag-asawang nakaupo sa tapat nila. Nasa 40s na silang lahat pero parang wala pa ring gaanong nagbago sa kanila. Close pa rin silang magkakaibigan. “Sa susunod kami naman ang taya. The food’s great, Jen!”

 

“I won’t take the credit. Off limits ang kusina namin kanina.” Naisip ni Jennie na baka gusto ng kanilang unica hija na umeffort at magpa-impress sa parents ng girlfriend nya. “Winter prepared everything, buti dun sya nagmana ng cooking skills sa Daddy ni Lili.”

 

Naputol ang usapan nila nung bumalik na ang dalawang galing sa kusina ng magkahawak ang kamay. Ang inaakala nilang puppy love lang noon, officially nagcecelebrate na ng monthsaries ngayon.

 

Moment of truth.  Kahit puno ng kaba sa dibdib ni Winter, kailangan nyang harapin ang sitwasyon. Woman up, Minjeong! Nakatingin sa kanilang dalawa ang parents nila. “May sasabihin po kami sa inyo.”

 

“Tita Nini, Tita Lili, Mommies…” Naputol ang sasabihin ni Karina nung biglang lumuhod ang girlfriend nya sa harap ng parentals at iniyuko ang ulo.

 

 

 

 

 

“Magkakababy na po kami ni Jiminie.”

 

Foreword

So eto na nga~ I’m putting this up as an outlet to destress. Sasabihin ko na agad: ito. Taglish mode for comfort, with all due respect sa mga graham Nazis. Walang M ito siguro. Hihi. Kung hindi nyo bet, please hanap na lang po kayo ng ibang babasahin.

Peace out!

 

Syempre... Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Jibsooni
Irregular ang updates, depende sa stress levels. Char.

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
#1
Yun oh. Patiently waiting po sa first chap :)