Chapter 3: Weird

The Curse of Oblivion
Please Subscribe to read the full chapter

Aspen's POV

 

 

 

“We should buy this bracelet.”

 

I looked at Cyan

 

“Bakit hindi mo tinuloy ang pagbili ng bracelet kanina?” Tanong ko

 

Kunot-noo naman itong tumingin sa akin

 

“What are you talking about?” 

 

“Bruh, we literally just got there earlier to buy some bracelets. Ako pa nga ang pumili.” Sagot ko

 

Humalukipkip naman si Arryn

 

“I know you're weird. But I didn't know you're THAT weird.” 

 

“What?” Asik ko

 

“Alam ko na 'yan. Papaniwalain mo kami na may weird encounter tayo rito sa Isla para kunwari totoo ang sinasabi ng mga tao sa social media.” Ngumisi si Cyan

 

“Huh?” Lito ko pa ring tanong

 

Sasagot pa sana ang kaibigan nang may pamilyar ang boses na sumigaw sa likod namin

 

“Ikaw! Sa akin 'yan!” Nakita ko kung paano umangat-baba ang dibdib ng dalagang may-ari ng bracelet na suot ko

 

Magsasalita na sana ako upang sabihin na babalik ako sa pwesto niya kapag nahatid ko na ang dalawa sa tutuluyan namin nang maunahan ako ni Cyan 

 

“Huh? Excuse me, Miss?” Anito na parang clueless pa kung sino ang nasa harapan

 

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya sapagka't hindi naman siya ganiyan. Kung bakit siya umaaktong hindi kilala ang dalaga ay lingid na sa kaalaman ko.

 

“Who are you?” Sambit ko, ginagaya ang kapilyuhan ng kaibigan

 

Kung bakit may oras pa akong mang-asar gayong nagpupuyos na sa galit ang nasa harap ko ay hindi ko alam. 

 

Parang ang sarap niya lang asarin. She's cute. Definitely my type? Lol.

 

Habang takot na ang dalawa kong kasama ay nakuha ko pa ring inisin ang nasa harap ko

 

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko upang makuha ang bracelet ngunit agad ko ring binawi iyon.

 

Masisira ang plano kong mag-isang pumunta sa pwesto niya mamaya. Balak ko pa naman siyang makausap nang medyo matagal. Oo, medyo lang. Tutal uuwi na rin naman kami ay mas mabuting sulitin ko na ang natitirang oras namin dito

 

Mas lalo akong napangisi nang hilahin niya ang kwelyo ko at mas inilapit pa ang mukha sakaniya

 

Agad naman akong nakaramdam ng kaba ngunit hindi ko pinahalata

 

There's something about her. Hindi ko lang alam kung ano iyon. Mukha siyang manika sa malapitan. Nakakamangha kung tutuusin.

 

Napatili naman ang dalawa kong kasama sa nangyari 

 

Agad namang nawala ang kaba ko nang makitang para na siyang iiyak. What the?

 

Parang natutunaw ang puso ko habang pinapanood siyang tumakbo paalis

 

Aspen, you ! Bakit mo naman pinaiyak yun?!

 

Gusto kong sapakin ang sarili ko sa nangyari. Hindi ko naman kasi alam na aabot sa gano'n ang ginawa ko

 

“Look at those-”

 

Agad na naputol ang sinasabi ni Arryn nang mapatingin sa gawi ko

 

“What the hell? What happened to you, Aspen? Para kang nakipag-away sa suot mo!” 

 

“Huh?” Agad akong napatingin sa sarili

 

Nakataas nang bahagya ang suot kong jacket dahil sa ginawa no'ng mukhang diwata. Medyo hindi rin maayos ang buhok ko sa biglaang paghila 

 

“Why am I holding my phone at mukhang may balak pang tawagan ang hotline number ng police station?” Kuryosong tanong ni Cyan

 

Inayos ko ang damit ko at buhok. Hindi na nag-abala pang isuot muli ang hoodie

 

“You're supposed to call the police, don't you remember?” Sambit ko at nagsimulang mag lakad

 

“Huh? Why would

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 4: ohhh ayan naaaa :D
Topkangseul
#2
Chapter 2: Hindi pa pala nakapag bayad😧
kang_ddeul
#3
Chapter 2: woahhhh mukhang maganda itoo <3
kwinminjeong
#4
Chapter 1: huy gago ang weird ha aspen anu yorn