Chapter 1: First Meeting

The Curse of Oblivion
Please Subscribe to read the full chapter

Alora's POV

 

 

 

Humikab ako sa napaka abalang araw.

 

Gaya ng mga nagdaan na araw, Marami na namang turista ang dumarayo rito sa lugar namin. Minsan, pabor iyon sa akin. Madalas, hindi.

 

Ayon sa mga pumupunta rito, nais daw nila na makita ang diwata, na siyang usap-usapan sa aming lugar. 

 

Napa iling na lang ako.

 

“Alora, ano pang hinihintay mo r'yan at hindi ka pa kumilos? Napakaraming tao, sayang ang posibleng kikitain dyan!” 

 

Tamad akong tumayo at hindi na sinagot ang aking pinsan

 

Hindi ako pwedeng mag reklamo sapagkat wala naman akong ibang trabaho na mahahanap kung hindi ito lang.

 

Ngumiti ako nang may lumapit sa pwesto ko

 

Puso ang tawag namin sa lugar kung saan kami nag be-benta ng mga pampaswerte gaya ng mga pulseras o kwintas. May kalayuan ang lugar kung saan kami nakatira sapagkat alam namin na hindi lahat ng dumarayo rito sa amin ay may mabubuting loob.

 

 Alagang-alaga kami sa aming tinitirhan kaya naman hindi pwedeng maging isa iyon sa pook-pasyalan ng mga turistang hindi ata tinuruan ng disiplina sa kanilang tahanan

 

“How much for this one?”

 

Hindi ako magaling sa wikang ingles subalit sa tagal ko rito ay nasanay na lang ako

 

Agad kong iminuwestra ang mga palad ko at ipinakita ang presyo 

 

“20 for one?”

 

Tumango ako

 

Tila nag dalawang isip pa ang lalaki bago ito tumango

 

“Since you're beautiful, I will buy two.”

 

Ngumiti ako at nilagay ang isang pulseras sa supot na papel, habang patagong nilagay ang maliliit na bato sa isa pang supot saka ko binigay sa lalaki

 

“Thanks.” Sabay kindat sa'kin

 

Ngumiti lang ako kasabay ng mahinang pag hampas sa akin ni Riliane, ang pinsan ko.

 

“Nakita ko ang ginawa mo,” kunot-noo siyang humalukipkip

 

Nagkibit lamang ako ng balikat at ipinagpatuloy ang ginagawa. 

 

Hindi ko naman madalas gawin iyon. May araw lang talagang mas pinipili kong maging pilyo

 

“Aspen! Look at these bracelets oh! They are so cute!” 

 

Napalingon ako sa tatlong babaeng palapit sa pwesto ko

 

Agad naman akong namangha sa babaeng may kulay rosas na buhok. Masyadong matingkad. Bagay lang sa tila porselana nitong balat

 

“We literally bought six pairs of bracelets. Hindi ka pa kuntento?” Ani ng isa naman na may itim at unat na buhok. Mukhang masungit at napaka ganda rin

 

Muntik ko nang malimutan na tatlo nga pala silang lumapit dito sa pagkat tila anino lang ng dalawa iyong isang kasama nila na nakasuot lang jacket at natatabunan pa ng hoodie ang mukha

 

“Pero mas maganda ito! These have different designs! Look, Aspen!” Sambit ng babaeng may kulay rosas na buhok saka marahang hinila ang kasama nilang naka hoodie

 

Tamad namang tumingin ang tinatawag nilang 'Aspen'

 

Hindi ko pa rin mahagilap ang mga mata

 

“Yeah.” Agad tumayo ang mga balahibo sa katawan ko nang marinig ang boses nito

 

Baba

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 4: ohhh ayan naaaa :D
Topkangseul
#2
Chapter 2: Hindi pa pala nakapag bayad😧
kang_ddeul
#3
Chapter 2: woahhhh mukhang maganda itoo <3
kwinminjeong
#4
Chapter 1: huy gago ang weird ha aspen anu yorn