Chapter 5 (Pahinga)

Just A Rumor?
Please Subscribe to read the full chapter

Kasalukuyan...

Ngumiti si Suzy sa kanya na pero inirapan nya ito kaya exxag na napa’huh’ ito saka nagtakip ng bibig gamit ang palad na para bang gulat na gulat sa irap na natanggap.

Para talaga syang si Lisa, na bestfriend nya. Pareho OA na minsan.

Nasa Cebu na ngayon si Rosie para guesting nya sa isang variety show. Bago pa magsimula ay nataranta at biglaang may meeting ang mga staffs dahil sa maling guest ang nakapunta ngayon araw. Ang dapat next week pang sched. Ni Suzy ay nasabi ni Frank na isang staff at kaibigan ni Suzy noon pa ang nagkamaling bigay ng date kay Suzy kaya ngayon ay pareho silang guests na dapat hindi.

Humingi ng tawad ang mga staffs dahil sa kahit sila iniiwasan nila magkasama ang dalawa sa isang schedule dahil sa dating issue nga sa pagitan nila. Hindi man nila sinagot ang issue ay pati ang staffs ay ayaw ng palakihin ang issue at sigurado sila na dahil dito ay napapalaki ng mga fans ito. Kaya naman humingi sila ng paumanhin at napagsabihan si Frank.

Ngumiti sa mga staffs si Suzy at nagsabing ok lang. Hindi na lang sya sasabay sa guests ngayon kung makakapagcreate ito ng issue pero ayaw din naman ng mga staffs sayangin ang pagod ni Suzy pero nag insist si Suzy na ok lang.

“Yan ba? Yan ba ang Anghel na sinasabi ng mga fans mo? May Anghel bang nananaray ng senior nya sa industriyang ito? Ano kayang masasabi nila kung malaman nya na ganyan si Rosie sa likod ng camera?” sabi nito saka ngumisi.

“tell them. At ano kaya ang masasabi nila na ang tanyag sa tawag na ‘nation’s first love’ nilang si Suzy ay handang isugal ang trabaho ng ibang tao para lang masunod ang gusto niya. Tell me, hindi pagkakamali ito ni Frank diba? Nakiusap ka na naman sa kanya para pareho ang sched.natin ng guesting?”

“Hindi naman sya matatanggal eh” nakangusong sabi ni Suzy

“Pero nagkabad record sya because of this. Napagalitan sya” iritang sabi ni Rosie.

Ang ayaw nya sa lahat ay napapahamak ang iba dahil sa kagagawan ng iba o kagustuhan lang ng iba. Para lang makuha ang kagustuhan o masunod ang mga taong nasa taas.

And this is not the first time na napahamak si Frank dahil sa kanya. Dati syang nagtatrabaho as staff sa building kung saan si Suzy nagtraining. Nung sumikat sya ay kinuha nya itong manager, nakiusap sya sa mga boss nila at pumayag naman. Pero hindi nagtagal ay nafired ito dahil sa ito ang laging kasama ni Suzy pagtatakas o may gagwin na ayaw ng agency kaya naman ay napaalis ito sa trabaho nya.

“Sorry” sabi ni Suzy saka yumuko at mahinang nagsabi “gusto lang naman kitang makita”

Tatanungin pa sana ni Rosie kung ano yon dahil hindi nya marinig ng maigi ng biglang may kumatok sa tent kung saan nandun sila.

“Rosie?” tawag ng manager nya saka pumasok sa tent, may dala dala itong bouquet of flowers. “may nagpadala” dagdag nito saka inabot kay Rosie na ngayon masayang inabot ang bulaklak at nagpasalamat.

“Hi baby! Good luck for today. I love you! See you?” nakasulat sa card kasabay mg flowers.

Pagkatapos nyang mabasa ito ay tumingin sya sa kasama kanina na si Suzy para makausap pa ito pero pagtingin nya ay kasunod na ito ng manager nito papalabas.

Napabuntong hininga na lang sya. Gusto nya pa sana itong makausap pero alam nila parehong hindi sila nandito para mag usap. May show silang kailangan ishoot.

Paglabas nya ay kausap ni Suzy ang mga producers at directors ng show.
"Ok lang po talaga. Baka magbakasyon na lang din ako dito sa Cebu para sulit pagpunta ko. Hindi na po kailangan pagalitan si Frank" mahinahon na sabi nya

“wala naman atang masama kung magkasama kami sa show" sabat ni Rosie "sorry kung sumabat na po ako sa usapan. Kung ang iniisip nyo about sa issue o yong paglink samin we’ll let our agency to answer that. It’s ok. Wala naman dapat itago” sabi nya saka ngumiti sa mga staffs ng show kaya tinuloy na nila ang show.

***

“kuya?!” masayang salubong ni Rosie sa kuya may dala dalang groceries at luto ng spagetti.

Pumasok sila sa unit ni Rosie saka binaba ang mga dala dala at yinakap ang isa’t isa.

“musta na ang bunso namin?”

“Ok na ok. Now that you are here mas umok” masayang sabi ni Rosie saka yumakap ulit na masaya namang yinakap pabalik ng kapatid nya.

Umupo sila sa sofa para dun makapag usap ng maayos.
“so, nabalitaan ko na nagshoot kayo ni Suzy ng isang show? Subrang nagtrend kayo. Kailan yon irerelease?”

“Next next week”

“But may mga naleleak ng photos nyo sa internet and I can’t do anything about this hindi tulad ng kumalat na pic namin magkasama na nasolusyonan ko agad with the help of my team. Ngayon hindi ko na magagawa yon dahil sa kahit ipabura ko lahat ng nakakalat na pic nyo ay mapapalitan naman iyon ng iba and full video pa pagpinalabas na yong next next week”

“it’ ok kuya. Hindi naman namin iyon itatago. Nasa iisang show kami because of her. Can you believe it? Kinasabwat nya ulit si Frank para magkasama kami. Si Frank naman na ever loyal sa kanya as friend kahit dati pa sumunod naman. Pinalabas nilang nagkamali ng sched. Na binigay si Frank kay Suzy at Linda kaya nagpalit sched nila” umiling iling si Rosie pero hindi nya ito sinabing pagalit. Para lang syang nagsusumbong.

Tumatawa naman ang kuya nya “that’s what I’ve heard. Unpredictable nya talaga” natatawang sabi nito “kaya siguro talaga abogado ako para magsolve o luminis ng pangalan ng dalawang pasaway na babae sa buhay ko”

“Bakit ako nakasama dun? Hindi ako pasaway. Sya ang madaming isyo”

“Lately dumadami na din sayo”

Napabuntong hininga na lang si Rosie “hindi mo ba pwedeng iwasan muna yong aktor na nalilink sayo?” tanong ng kuya nya

“like you are to Suzy before I will not do it just for the people na hindi gusto na kasama ko o maging kaibigan ko sya. Magkaibigan kami kuya. People will think na he’s not right for me as friend or more than that but for me, he is a friend. Hindi ko sya iiwasan dahil lang sa sinasabi ng iba sa kanya. Ako ang kaibigan nya, ako ang mas nakakaalam kung ano sya”

“I know. Kilala kita. Hindi ka naman sasama sa taong alam mo makakasira sayo but people can ruin your career if they want to. Gagawa at gagawa sila ng ikakasira mo”

“I’m not scared. I have kuya na abogado kaya” proud na sabi ni Rosie.

Six years ago...

“after your birthday celebration hindi ka na pwede umalis at grounded ka for 1 week” panenermon ng dad sa bunso nyang kapatid ang naabutan ni Rae.

Napangiti sya. Namiss nya din ang pagbubunganga ng dad nila. Ilang buwan din syang nawala para magreview para sa board exam.

“Dad, today is her birthday. Wala bang exemption?” sabi nya saka nagbeso sa mga magulang at kapatid na nakanguso na nagpapaawa.

“Alam mo ba ang ginawa nyang kaninang madaling araw? Lumabas sya ng hating gabi, iniwang hindi nakalock ang gate at pati ang main door natin, hindi nya pa sinasabi kung sino ang kasama nya. Pwede ba yon?”

“Sorry”

“You keep on saying that. Ang gusto kong malaman kung sino ang kasama mo? Mukhang hindi gagawa yon ng matino dahil sa balot na balot. Nakajacket at mask” patuloy na panenermon ng dad nila.

“tama na muna yan, hon. Baka sa debut party ng anak mo namumugto ang mata nya. Ibigay mo na ang araw na ito sa kanya” sabi ng mom nila.

“ok. Pero hindi ka parin ligtas simula bukas. Ok?”

TUmango naman si Rosie saka nagsabi “Thank you”

Umalis ang mag asawa para ayusin lahat ng kailangan para sa party ng anak.

Naiwan silang magkapatid. Bigla syang kinalabit ng kapatid at tinignan nang nangaasar.

“May jowa ka na? Sino yon?”

“Hindi ko jowa yon” nakangusong sabi ni Rosie. “si Suzy yong kasama ko”

“Suzy?! Pumunta sya dito?”

Tumango si Rosie.

Umiling iling ang kuya nya na parang hindi natuwa sa narinig “deh wala yon tulog? Alam mo bang kachat ko yon kagabi? Halos dalawang araw silang walang tulog dahil sa paghahanda nila ng debut stage performance na ngayon ishoshoot at ipapalabas next week? Anong oras umalis dito? Pasaway talaga yon”

“1am na ata yon. Pasaway yon. Hindi ko naman alam. Kung alam ko lang wala syang tulog hindi na sana ako pumayag maglakad lakad kami”

***

Hindi pa man natatapos ang masayang party ni Rosie ay nahalata nyang hindi mapakali ang kuya nya na kinakausap ang mga magulang nya sa hindi kalayuan. Halata sa itsura ng kuya nyang may problema kaya napalapit sya na agad naman nahalata ng pamilya nya kaya bigla itong nagsiayos.

“may problema ba?” tanong nya.

Ngumiti ang kuya nya “wala bunso” sabi nito saka nakangiting sabi.

Pagkatapos at pagkaalis ng mga bisita nya ay nagpaalam na din ang kapatid nya.

“Babalik ka agad? Bat hindi ka na lang ito matulog?”

“kailangan ko nang bumalik” sabi nito

“there’s a problem talaga. Ano ba yon?”

HUminga ng malalim si Rae “hindi na tuloy yong debut and first guesting nila Suzy ngayong araw”

“Why??”

“nagkaisyo na naharass yong isa sa membro nila ng isa sa mga producers ng agency nila”

Nagulat si Rosie at agad nag alala kay Suzy “eh sya ok lang ba sya? Anong nangyari dun sa kasama nila?”

“Suzy is ok. Kailangan lang nila ng abogado para lumaban o kasuhan yong nangharass. Tutulungan ko sila”

“napag usapan na natin yan Rae” sabat ng daddy nila “kakaumpisa mo lang sa pagiging abogado babangga ka na agad ng malaking tao para lang dyan sa kaibigan mo?”

“dad?” sabi ni Rosie “this is not a simple thing. May naharass at kahit ganu pa makapangyarihan yong nangharass kailangan nya parusahan” sabi nya na kinabigla ng pamilya. Hanggang ngayon hindi alam ng magulang nilang nagkakilala na sila ni Suzy. Mukhang tulog ang mga chismosa  ng mga panahon na nagkasama sila ng dalaga.

“Mom” pakiusap nyang sabi sa nanay nya. Maliban sa kuya nya ay abogado din ang mommy nya. Samantalang businessman  naman ang daddy nila.

“Tutulong tayo” sabi ng mom nila kaya tinignan sya ng dad nila. “hindi ako papayag na hindi makasuhan at makulong ang walang hiyang lalakeng yon” buong loob na sabi ng mommy nila kaya naman napangiti ang magkapatid habang ang dad nila ay napabuntong hininga na lang.

Wala syang magagawa kundi suportahan na lang ang desisyon ng pamilya nya.

***

Nakalipas ang ilang araw...

“kuya, kamusta?” tanong ni Rosie ng makita nya ang padating na kapatid

“Ok lang. Malakas ang laban natin lalo na may cctv. Willing din makicooperate yong mga staffs and bosses sa agency nila” sabi nito saka umupo at ngumiting hinawakan ang kamay ng kapatid “don’t worry too much baby sis. Mananalo tayo dito kasama natin ang isa sa mga magagaling na abogado sa buong mundo. Kasama natin si mom”

NGumiti si Rosie “never ako nagdoubt na maipapanalo nyo ito. Ang pinag aalala ko lang ay sila Suzy. Kamusta sila? Kamusta sya? Ang daming expeculation about them. Hindi na din sila anonymous kasi naipalabas na yong teaser nila which is yong mga mukha nila bago ang isyo ng ito. May mga nagsabi baka hindi lang yong isang membro ang naharass pati ang iba at pumayag kaya mas maaga silang lalabas sana o magdedebut because yon ang kapalit. Some people, they are victim blaming pa yong naharass” sabi ni Rosie.

“yon na nga. Kaya mas mahigpit sa kanila ang agency. Mas nakabantay. Mas hindi sila pwedeng lumabas. Mas nakaprotekta. Hindi naman nila mapipilit ang mga taong sila ang paniwalaan”

Napabuntong hininga si Rosie. Yong sinasabi kasing nangharass ay sikat din sa mga tao at sa mga nakaraan pang appearance nito sa mga videos na kuha ng mga tao at napakagentleman nito kaya may mga taong piniling paniwalaan ang nakikita sa media kaysa sa totoong buhay.

“Musta sya? Hindi ba talaga sya naharass ng mokong na yon?”

“No. She said na touchy talaga daw yong guy kahit kanino sa kanila. Nauna syang alukin nito na magkaroon ng other business with him para daw maging mas madali ang paglabas nila sa tv but she declined, hindi lang naman daw ito ang nagtanong sa kanila may mga nagtatry na mga staffs or yong mga willing magsponsor but they declined at hindi naman sila pinipilit. It’s an offer na nasayo kung tatanggapin mo kung hindi ok lang din daw. Ito lang na isang guy yong nagpumilit ng umayaw yong isa nila kamembro. Hindi din lahat ng guys na nakasama nila ay ganun. May mga gentleman naman daw na tunay”

“Hindi kaya kailangan nya ng isuko ang pag aartista?”

“that’s what I tell her. Pero sinabi nyang gusto nyang ituloy ito. Ipanalo ko daw yong kaso para naman magbigay warning sa mga katulad nung mokong na yon na hindi pwedeng ipilit ang gusto nila kahit ganun pa sila kayaman at makapangyarihan. Promise nya daw pagmay nangyari ulit na ganun ay sasabihin nya sakin a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Clexas100 #1
Hi ☺️

Is there maybe the slightest chance you could translate this story in English once it’s finished? I’m not sure what language this is so I have no clue how to translate it and I would love to read a good Suze Story.

Anyway I wish you a great day.