wan.

ginanon ba naman ako
Please log in to read the full chapter

Marami akong pangarap sa buhay eh. Pero life really *toot* you up nang hindi mo namamalayan at hindi mo rin naman mapigilan. Kaya minsan nalilimutan ko na rin na may saysay pa pala ang buhay ko.

Not until I met Seulgi-

Arot walang ganon. Hindi lang ganon kadali 'yon.

"Eneri, arats?"

Speak of the devil (the love of my life).

Tumango ako. "Sige, una na lang kayo saglit."

Ngumiti siya. That damned eye smile. "Okay! Sunod ka ha."

At sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tumalikod siya. Hanggang sa buksan niya ang pinto na diretso lang mula sa kinatatayuan ko sa loob ng classroom. Hanggang sa paghawak niya ng kamay ni Joy. Tinignan ko lang siya.

Dahil hanggang doon lang naman ang kaya ko.

-

 

Marami akong pangarap eh.

Sabi nila libre lang mangarap. Pero mahirap kung hanggang pangarap na lang din siya.

 

-

"Irene, may notes ka ba sa field activity niyo nung Monday? Yung about sa salt?" tanong ni Joy.

"Wala akong-"

"Meron ako," biglang sagot ni Wendy.

Wendy.

Alam ko nangangarap din 'to eh. Much like me, sa taken na nakatingala - sa tala na nagngangalang Joy. Her joy in the arms of someone else, sadness na 'yon, tsong.

Pero yung ngiti ni Joy nang marinig niya 'yon, ngiting parang nanalo sa lotto at hinarap si Wendy. "Oo nga, may agri ka din pala. Can I take pictures?"

"Nasa notebook ko siya. Transfer ko muna sa docs para mas organized, saka ko isend sa'yo mamaya."

Naks.

Ganon naman pala. Mukhang Wendy's the type na gagawin ang lahat pati ang thesis mo.

"Anong sabi mo, Rene? Hindi ka nagnonotes?" pang-aasar ni Seulgi. "THE Bae Irene, hindi nagnonotes? Ibalik mo sa'kin ang kaibigan ko. Hindi ikaw 'yan!" sigaw niya with matching cross ng index fingers niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Oh yes, ako talaga 'to, ang kaibigan mo. Kaibigan mo lang ako. (emi)

"Sweetheart, wala din akong notes," sagot ni Joy na may konting pagpapacute.

"Okay lang 'yan, sweetheart. Magkaiba naman kayo ni Rene."

Oo nga. Malamang magkaiba kami. Mahal mo naman kasi kaming dalawa. Kaso siya lang nakakatanggap ng gusto kong sukli sa nararamdaman ko sa'yo.

Yun lang ang pinagkaiba naming dalawa, pero ang laking butas sa puso ko no'n.

Sweetheart amp.

Corny niyo.

 

-

"Cornetto na lang kasi sa'yo."

At heto na naman kami. Nagbabangayan, nag-aaway, hindi magkasundo sa iisang desisyon lang.

Hinatak niya yung kamay kong akmang kukuha ng magnum sa tabi ng cornettong pinipilit niyang ibigay sa akin kanina pa. "Eneri, wag na 'yan."

Hinarap ko suya habang hawak ko na ang magnum. "Ako naman magbabayad ng akin eh. Hindi mo naman kailangan manlibre."

"Gusto ko ngang ilibre ka, kulit mo," ingot niya. "Wag mo nang ipagmayabang na mayaman at marami kang pera. Priceless 'tong panlilibre ko sayo 'no. Jowa ko nga hindi ko nililibre ng ice cream."

Joy na naman.

"Bakit parang kasalanan ko pang hindi mo nililibre jowa mo? Jowa jowa ka pa kasi eh," sagot ko at naglakad na papuntang pila para magbayad.

"Irene, yung cornetto na kasi!" pilit niya pa ring inaabot yung cornetto sakin kahit nakapila na ako. "Corny mo naman."

"Sabihin mo 'yan sa tawagan niyo ni Joy."

Napatigil siya.

Joy na naman. This time, sakin nanggaling.

Pero wala lang 'to. Wala rin naman akong karapatan para magselos.

"Corny ba?" mukhang concerned niyang tanon

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LuvlyTaeminty
#1
great