Chapter 6

Avery's Divorced Parents
Please Subscribe to read the full chapter

 

Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala ni Winter.

 

Anim na taon ako nung lumipat kami sa Pinas. Pure Chinese ako kaya syempre parehong Chinese ang mga magulang ko.

 

Commonsense siguro. 

 

Shunga shunga pa ako nun, hindi katulad ng kuya kong si Kuya Ten. 

 

Ilang beses na kasi nasama yon nila Mama Pinas. 7 years ang namin kaya 13 na siya nung nagdesisyon ang mga magulang namin na tumira dito for good. Madali rin kasi makapasok ang mga Chinese or foreigners sa Pinas para magtayo ng business.

 

Hindi ko alam kung magandang bagay ba yon o hindi, pero samin malamang oo.

 

Back to the topic, hindi pa ako marunong mag tagalog that time. Nag-iikot ako sa village dahil sabi nila Mamshie may playground daw.

 

Nang makarating ako dun may iilan na bata. Hindi ko ma-approach kasi Chinese lang ang alam ko. Sa english ay limited pa ang vocab ko. Tamang yes, no, good, okay. 

 

Mukha tuloy akong tanga na nakatunganga. Weirdong weirdo na sakin yung mga batang lalaki kasi hindi ko sila sinasagot pag kinakausap nila ko. 

 

“Anong pangalan mo?” 

 

Jusko kala ko noon kung ano yan. Pangalan lang pala?!

 

“No taga-log.” Nyemas, ganyan na ganyan pa ang bigkas ko. 

 

“Luh, why?” Ayan, basic kaya alam ko.

 

“Me Chinese.” Sige beh, tangahan mo pa.

 

Pero, can you blame me?! I’m a foreigner duh.

 

“Ay ching chong.” Tawang tawa pa sila. Tamang lito lang naman ang anim na taon kong self.

 

“Hoy, Mark. Tigilan mo nga yan.” Doon ko lang napansin na may batang babae pala. Sobrang puti tapos ang payat niya.

 

At si Winter yon.

 

Blessing na nakilala ko siya noon. Kung wala siya, baka hindi agad ako natuto mag tagalog. Dumali ang adjustment ko because of her. 

 

Nung nalaman ko na kung ano ang ibig sabihin ng ching chong ay sinugod ko ang bwisit na Mark. Edi nakatikim siya ng hagupit. Gago siya eh. Pero naging kaibigan ko rin yan dahil kay Winter. 

 

Dun na nagsimula ang friendship na hanggang ngayon ay matatag pa rin.

 

Inggit ka no? Bleh. 

 

At yang si Mama K. Hmm.

 

Villagemate namin. May ganun ba? Basta nauna akong dumating sa village bago siya. 

 

Inaya namin maglaro nung makita namin siyang nakatayo sa harap ng bahay nila habang nagba-bike kami ni Winter. Parang pusang ligaw kasi.

 

Tahimik lang siya ng konti. Konti lang naman.

 

Pero medyo nagulat ako dahil nung pagtungtong nila ng highschool ay naging sila ni Winter. One year namin ni Win while two kay Karina kaya nauna sila. 

 

Hindi ako against, okay? Nagulat lang. Hindi ako mulat sa queer relationships kaya akala ko normal lang na ang sweet nila sa isa’t isa kahit elementary pa lang kami nun. Agang lumandi mga gago. 

 

Basically, kaya kong i-narrate ang relasyon nila from the start. Pwede akong mag silbing third POV.

 

From their landian to divorce phase. 

 

To cut it short, lumaki akong kasama si Winter.

 

Nung nalaman ko ngang magtatayo siya ng restaurant eh agad akong nag resign sa mga magulang ko. Ayoko rin kasi mapalibutan ng mga car parts! It’s not my calling, guys. Hindi pa buo restaurant niya nag apply na ako sa kanya.

 

Auto accept.

 

That's what you call p-r-i-v-i-l-e-g-e.

 

Y'all can't relate. Charot. 

 

Hindi ko man aminin sa mukha niya pero hindi ako magiging si Ning ngayon without her.

 

And I’m proud to be her Bestie. Ang tatag lang ni bading.

 

Pero teka nga,

 

Bakit ganito mukha nito?

 

“Hoy, may sakit ka ba?” Nakatayo kami sa gilid ng counter. May chine-check check siya sa papel. Inventory ata. 

 

Kaya lang parang ang putla niya?

 

“I’m okay. Nakahanap ka na ba ng bagong waiter?” Umangat ang ulo nito mula sa papel at tumingin sakin.

 

Hindi ko siya pinansin at hinawakan ang noo niya.

 

Ampota.

 

“Winter, ang init mo!” 

 

Dali-dali ko siyang hinatak papasok ng office at pinaupo. Ramdam na ramdam ko yung init niya dahil sa paghawak ko sa kanya. 

 

“Uuwi ka. I-book na lang kita ng grab.” 

 

“Hindi. Kaya ko na–.” Pagmamatigas pa nito tsaka ambang tatayo pero bigla itong nasuka.

 

“Winter!”

 

Tinulungan ko siyang makapasok ng CR at makapag-ayos. Paglabas ay mukhang magpupumilit pa kaya inunahan ko na. Nagaalala na rin kasi ako.

 

“Papasundo kita kay Karina pag nag matigas ka.”

 

Agad naman itong napahinto.

 

Sorry, Bestie. Alam kong iniiwasan mo yung tao pero this is my last resort para mapasunod ka. 

 

“Don’t you dare.” 

 

And that’s my cue para i-book siya ng grab.

 

“Ning naman…” Hala siya. Pabebe pa oh. Kala madadaan ako sa ganyan niya.

 

“Naku, Winter. Hindi ka pwede magkasakit.” Pag sermon ko dito. “Baka nakakalimutan mong may Avery ka.” 

 

Pansin kong doble sipag ni Winter for the last month. Nag O-OT pa yan. Ayaw ko mag assume na ginagawa niya yon para maiwasan niya si Mama K pero parang ganun na nga.

 

Dagdag pa siguro yung problema namin sa chicken supplier. Nung una ay ayos sila pero lately ang daming mishaps. Kahit ang beauty ko ay stress na.

 

Alam mo ba na kinailangan pa pumunta ni Winter sa poultry farm ng supplier para ayusin yung problema? Dalawang araw siyang nagpabalik balik. Hindi ako sinama since ako ang nag mo-monitor dito sa restaurant. Manager things. 

 

“Uminom ka ng gamot pag-uwi mo tapos magpahinga ka agad. 5 minutes away na lang yung grab.” 

 

Wala ng nagawa si Winter kaya inayos na lang nito ang gamit niya. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang grab na binook ni Ningning. 

 

“Sige na. Manong ingatan niyo yan ha.” Nakatayo ang nakababata sa pinto ng backseat kung saan nakaupo si Winter. “May anak pang uuwian yan.” 

 

Napairap na lang si Winter. 

 

“Sige, Bes. Ingat.” Sinara na nito ang pinto at umandar na rin ang sinasakyan ni Winter.

 

Ang tindi ng pintig ng ulo niya. Gusto niya na lang i-untog ang ulo sa pader. 

 

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Sambit ng driver na tinitignan siya sa rear mirror. 

 

"Opo, medyo bagalan lang po." Lalo kasing sumasakit pag dumadaan sa mga bumps.

 

Siguro halatang nanghihina ako kaya tinulungan ako ng nasa front desk pasakay ng elevator. Nagpasalamat ako pero I doubt na narinig ni Ate sa sobrang hina ng boses ko.

 

Kukunin na ba ako ni Lord?

 

Hay, wag muna po.

 

Walang lakas kong inenter ang passcode ng pinto. Nag ha-hallucinate ba ko? Parang umiikot yung doorknob.

 

Muntik pa akong matumba pero napahawak ako sa gilid. 

 

I managed to fully enter the unit pero hindi ko na naalis ang sandals na suot ko. Pinilit kong makaupo sa sofa dahil pakiramdam ko ay anytime tutumba na ako.  

 

“Mommy?” Narinig ko si Avery pero hindi na ako makadilat. Nakasandal ang ulo ko sa backrest ng sofa. 

 

I felt someone touch my arm. Must be Avery.

 

Sorry, Anak. Hindi ka mapapansin ni Mommy.

 

“Avery! Who’s there?!” 

 

I’m currently preparing the merienda I ordered for me and Ave. She just wo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulbearg
Update! Sorry ayan lang kinaya ng powers ko. No proofread again and again. Unti-unti kong aayusin yung errors from chapter 1 pag nagkaroon ng time :D

Comments

You must be logged in to comment
taytaysbetty
#1
Chapter 14: Deeply understood. And also, if you ever want to discontinue the story sooner, that is also fine. Thank you parin, po. 🤍
jiCHUyaa
#2
Chapter 14: 🤧🤧🤧🤧🤧
infp23
#3
Chapter 14: Huhu
kwinminjeong
#4
Chapter 14: it just gets heavier.. thank u parin author, ily!
wnddmks_ 675 streak #5
Chapter 14: awit 😞
Genniee #6
Chapter 14: winrina aus are slowly being discontinued:((( nooo
howdoyouknowmee
552 streak #7
🥺
joyie4ever #8
Chapter 12: Maze u
fanficethusiast #9
Chapter 12: balik ka na otor pls
fifth_
#10
maze u