— 01.

Pagitan
Please log in to read the full chapter

"Nasaan ako?" Nagtatakang tanong ko sa aking sarili habang iniikot ang paningin sa kung nasaan man ako ngayon.

 

Ang daming tao. Maingay ang paligid gawa ng mga tumutugtog na banda at base sa mga naririnig ko pa, bawat bahay naman ay may kanya-kanyang pinapatugtog na musika. Para akong nasa pistahan kung titignan. Ang dami ring mga nakalatag na mesa sa kalsada na may nakahaing iba't ibang pagkain.

 

Bigla tuloy akong natakam lalo't may nakita akong fried chicken sa isang mesa roon.

 

"Pst!"

 

Huh?

 

"Pst!"

 

Parang may sumisitsit yata sa'kin. Pero hindi ko na rin masyadong binigyan ng pansin dahil baka hindi naman 'yon para sa'kin. Isa pa, sa ingay ng paligid, posible bang ako 'yung sinisitsitan ng kung sino man 'yon?

 

Akmang hahakbang na sana ako nang bigla kong maramdaman ang init sa talampakan ko.

 

Wala akong suot na tsinelas o sapatos man lang.

 

Teka, nasaan ba kasi ako't bigla akong napadpad dito? Kung matatandaan ko, kanina lang ay nagbabantay ako sa sari-sari store ni Mama. Ano bang nangyayari?

 

Napatingin na rin ako sa suot kong damit.

 

Hindi naman ganito ang suot ko kanina. Bakit naka-dress na ako ngayon na asul? Hindi nga ako nagsusuot ng mga ganito sa bahay. Ano ba 'to?! Nakayapak na nga, naka-bistida pa. Anong trip 'to?

 

Hay. Bahala na nga.

 

Inis kong inayos ang nakalaylay na strap ng dress na suot ko at saka napakamot nalang sa ulo. Gulung-gulo na talaga ako sa mga nangyayari kaya't napatitig nalang ako sa mga nagsasayawan na lasing.

 

Ang saya-saya naman nila dito. Ganito ba talaga sa pistahan? Sa tinagal ko kasing namuhay sa mundo, wala namang ganap na ganitong pistahan sa barangay namin kaya nakapagtataka na biglang nagkaroon.

 

Hay ayoko na isipin!

 

Kahit nakayapak, sinimulan ko nang maglakad hanggang sa kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Panay ang lingon ko kaliwa't kanan sa mga bahay-bahay dito dahil hindi talaga ako pamilyar sa lugar na 'to.

 

Nawawala yata ako.

 

Wala rin akong dalang cellphone o kung ano pa man para sana ma-contact sila Mama.

 

Tangina, gusto ko nang maiyak.

 

Napahilamos nalang ako sa aking mukha habang pinipigilan na huwag maiyak. Nakakahiya naman kasi kung eeksena ako't mag-iiiyak dito.

 

"Hoo! Putangina, Lord. Nasaan ba ak—"

 

Hindi ko na natapos 'yung sinasabi ko dahil biglang may babaeng humawak sa braso ko't hinila ako papalayo sa kinaroroonan ko kanina. Sa gulat, hindi ko malaman kung anong iaakto ko kaya hinayaan ko nalang kung saan niya man ako dalhin hanggang sa tumigil na rin kami kakatakbo.

 

Nandito kami ngayon sa ilalim ng malaking puno ng mangga.

 

"Miss ano, matanong

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Nyasken #1
Chapter 1: I hope to continue!