7 —

My Teacher, My Hero, Rawr!
Please Subscribe to read the full chapter

Third Person POV

 

Tahimik

 

Walang umiimik.

 

Kung sasabihin sigurong ito yung Music Room ni Miss Winter eh malamang hindi maniniwala ang buong Kwangya University.

 

Madalas kasi maririnig mo sa labas ang tunog na nagmumula sa loob nito, masasayang pag uusap o tugtugin na binubuo ng iba’t-ibang instrumento.

 

Ngayon ang umaalingawngaw lang ay ang matatalim na komento ng musikero.

 

“Next!”

 

“Next auditionee!”

 

“Please make sure that all of your instruments are properly tuned before coming up here in our audition."

 

"Out now, next auditionee.”

 

“Students, how many times do I have to remind you? Please, before you come up in the audition make sure that you are ready? Hindi yung dito pa kayo naghahanap ng kung anu-ano.”

 

 

Ibang iba ang awra ni Winter. Ni hindi mo maipinta, malayo sa usual na masayahing image niya.

 

Nakakunot ang noo, nakahawak ngayon sa kanyang sentido habang nakatingin sa papel na hawak niya. Para bang gusto ng manapak nito sa inis.

 

"Bes ano ba di naman papaitan almusal natin kanina bakit ganyan mukha mo?" Tanong ng bff niyang si Ningning.

 

"Ma, najejebs ka ba?" Dagdag pa ni Yuna.

 

"Stop bothering me, try to be serious and don't around while evaluation these kids!"

 

Matalim na saad ni Winter sa dalawang kasama nya sa panel.

 

Oo, si Ningning at Yuna ay kasama as panelist. 

 

"Miss Kim, I appreciate your eagerness for this band but can we try to calm down a bit?"

 

Nagulat ang tatlo sa nagsalita ang pang apat na panel nila na kanina pa tahimik sa gilid.


 

"I apologize Miss Yu, is it okay panelists if we just take a short break?" Sagot naman ni Winter.


 

Agad namang sumang ayon ang tatlo.

 

"Yuna, please inform them to have a break, the audition will resume in 10 minutes." Utos ni Winter sa pinakabata na agad sinunod naman nito.

 

Nagulat naman si Karina ng biglang tumayo si Winter tsaka dumiretso sa kanyang mini office at sinara ang pinto.

 

She didn’t expect that Winter has this side of her. Well, di nyo naman kasi siya masisisi kasi alam naman natin kung anong pangyayari sa first interaction nilang dalawa.

 

At isa pa, kung oobserbahan mo si Winter sa campus at base na nga rin sa mga kwento ng mga tao rito hindi ka maniniwala na ganito siya ngayon. 

 

“She has a serious side rin pala.” lahad ni Karina sa kanyang isipan.

 

"I'm sorry Miss Yu ganyan talaga si Miss Kim when it comes to things like this." Banggit ni Ning.

 

"No worries, I understand Miss Yizhuo."

 

Wala naman talagang problema kay Karina, somewhat nagulat lang talaga siya kasi parang ibang Miss Kim yung nakikita niya ngayon.

 

"Hayaan mo Miss Yu pagkatapos ng mini session niyan ni Winter maayos na yan." Dagdag pa ni Ningning.

 

"Mini session?" Pagtatakang sambit ni Karina.

 

"Oo, I mean tutugtog lang yan sa loob. Ganyan talaga magrelieve ng stress yan simula bata pa kami." Paglilinaw ni Ningning.

 

Oh so they are childhood friends.

 

Matapos naman ang ilang minuto masiglang lumabas si Winter sa kanyang office.

 

"Okay, shall we start?" Tanong nito


 

WINTER


 

Mabilis na rin namin natapos yung audition after ng hiningi kong break. Pano eh yung mga sumunod ng auditionee eh mga former member ko. Sanay na rin naman sa akin yung mga bagets.

 

Nag usap lang rin kami saglit as panel kung sinong mga makakapasok sa club at madali naman kaming nakapagdesisyon.

 

Nakakatawa nga ‘tong dalawang tukmol na kasama ko.

 

Eh pano sobrang serious rin nila siguro nahihiya na lang rin sila kay Miss Yu.

 

“Okay, I think this will be our final list? What do you think?” Tanong ko sa kanilang tatlo.

 

"Yes Ma, okay na yang mga atabs natin.” Sagot ni Yuna.

 

“Oo, na Min gago tumigil ka na kaka-English kami lang ‘to! Sumasakit ang ulo ko sayo.” Impaktitang sagot ng bestfriend ko.

 

Hindi ako maka rebat gagi ang hirap kasi nandito pa si Miss Yu. Nakakahiyang makipagmurahan sa harap niya, kamukha niya pa naman si Mama Mary magpipigil na lang muna ako. 

 

Kakaayos lang rin ng gusot namin. Ngumingiti at nagka kausap na rin kami ng maayos (basta tungkol sa work) at ayaw kong masira yun lalo na’t magkatuwang kami dito sa club.

 

Mamaya kapag wala na si MIss Yu  he-headlock-in ko na lang ‘tong si Ning.

 

Nawala naman ang thread of thoughts ko sa planong pagbawi kay Ning ng nagsalita si Mama Mary… este si Miss Yu.

 

“I think we have a solid lineup, Miss Kim.”

 

“If we all agree well I think that all for–”

 

Naputol yung sasabihin ko ng may bigla nagsalita galing sa entrance.

 

“Walang kikilos ng masama!"

 

"Ayan na naman po siya sa kapansanan niya." Sagot ni Ning sa bagong dating.

 

Walang hiya talaga 'tong mga kaibigan ko, wala talagang pinipiling oras at lugar.

 

"Ay sorry! Akala ko kasi kayong dalawa lang. Di nyo naman sinabi na may kasama pala kayo… Hi Miss Yu, hi Nayumi!"

 

Sino pa ba 'to edi walang iba kundi si Mazumb Chaeryeong. Parang tanga yan bumati dito kasi 'turf' naman daw namin 'to, walang sisita.

 

"Hi Miss Lee and Yeji" Nakita ko naman ang mahinhin na bati ni Miss Yu rito.

 

"Hi Rina, it's been a while."

 

Oo nga pala nabanggit nga ni Yeji na magkakilala sila simula pa noong college ni Miss Yu. Sa iisang university lang rin sila nag-aral.

 

Grabe na talaga ang mga magaganda nasa iisang university lang nag-aaral, hustisya! Chz!<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespicychicken
True to life po ang story ng patintero with Bea. Galing yan sa teacher ko nung JHS after nun di na daw siya pinansin nung teacher na pinagtripan nya. Kaya wag kayong tutulad baka masapok kayo ng katrabaho nyo 😭

Comments

You must be logged in to comment
AhnJang_0304
#1
Chapter 8: di naman pala kalowkey lqng ni yeji si jules, awoj niya na pala JAHAHAHAH
Hiccups_ #2
Chapter 8: It's been a while tapos yung revelation, cutiiees!!
Rin_HM #3
Chapter 8: Ang funny ng mga ganap 😂
saintkarina
18 streak #4
Chapter 8: 🙌🏻🙌🏻
karinasaurus11
72 streak #5
Chapter 8: Grabe namang revelation yarn Yeji and Lia!
green99 #6
Chapter 8: cute ehehe
gandlafchua #7
Chapter 7: Inabutan pa nga ng angelus 😭😭😭😭
u_ujiman #8
Chapter 7: Chapter 7: TAWANG-TAWA AKO ANO BA YAN HAHAHAHAHAHAHAHAHAH ayan sige, parang mga estudyante lang kung mag-asaran 😭
karinasaurus11
72 streak #9
Chapter 7: Tenks sa update otor! Hahaha. Funny talaga ni Win and Ning! Best tropa 🤣
w8ntersaurus
#10
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHAHAHHWHAHAHA