Ang mito ng Bakunawa

Ang Gabing Nahulog Ang Buwan
Please Subscribe to read the full chapter

“Panahon na rin naman talaga para maalala mo ang lahat,” makahulugang saad ng lalaki sa kanilang harapan.

Hindi ito ang ipinunta nila Tomas at Mariya sa lugar na pinagdalhan sa kanila ng ritwal ni Mo. Pero sobrang daming nangyari, at walang mapaglagyan sa utak niya ang mga tanong na bunga ng mga nalamang impormasyon. Unang-una sa lahat, totoo ang Bakunawa? At pangalawa, kilala ito ni Mariya?

“Ano pa bang hindi mo sinasabi sa’kin, Mariya? Please lang, aminin mo na lahat,” pakiusap ni Tomas.

“Wala! Nasabi ko na sa inyo lahat. I swear,” amin ng prinsesa. “Wait nga. Did you really think na alam kong ikaw ‘to?”

“Sabi mo, si Bakunawa ‘yan. Pero sabi mo naman sa’min non, hindi mo kilala ang Bakunawa. So, which is it?”

“Tomas, ang alam ko lang, totoo ang Bakunawa, at ikaw ang susi. ‘Yun lang. Pero itong lalaking ‘to,” tinapunan muna ng nanlilisik na tingin ni Mariya ang tinutukoy, bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Hindi ko alam na siya ang Bakunawa na tinutukoy ni Milagros. Hindi naman ibig sabihin na siya si Bakunawa, ay siya ang Bakunawa. Or so I thought! Ugh, this is so frustrating!”

“Kung siya ang Bakunawa...at ako ang susi,” nanlaki ang mga mata ni Tomas sa kanyang napagtanto. Muli niyang hinarap ang lalaki at tinanong ito. “Ibig sabihin nun, makakalaya ka na?”

“Hindi,” pigil ni Mariya kay Tomas. “Kasi wala ka pang mapapangasawa or something. Naaalala mo ‘yung instructions ng Mama mo?”

“Ang kailangan lang naman ni Tomas, ay manumbalik sa kanya ang lahat,” sabat ng lalaki. Inirapan ito ni Mariya bilang tugon.

“Ano ba kasing dapat kong maalala?”

“Lahat.”

Walang anu-ano ay biglang yumanig ang paligid. Ang lupang kanilang kinatatayuan ay nagsimulang gumalaw. Ang espasyong hangin lang ang pumupuno sa palibot nila, sa ulunan, at sa lahat ng mga bawat pagitan, ay biglang tumupi, kumurba, at nagsimulang higupin ng hindi maipaliwanag o makitang pwersa. Para silang papel na nilalamukos, magmula sa kanilang mga anyo, hanggang sa sanligan ng lugar na bumubuo ng mga tanawin. Nakikita ni Tomas na bumubuka ang bibig ni Mariya, na tila may isinisigaw ito sa kanya, pero walang lumalabas na tinig mula rito. Walang ibang tunog, puro at ganap na katahimikan lang ang bumabalot sa kanila. Nilamon ng papahigop na pwersa ang lalaking kausap nila kanina. Unti-unting naglaho ang kalmadong umaga, at mabilis itong napalitan ng gabing iniilawan ng maliwanag na bilog na buwan.

Nasa parehong lugar pa rin sila. Magkasama pa rin si Tomas at Dayang Mariya. Pero wala na ang lalaki. Akala nila ay sapat na iyon para mapanatag ang kanilang mga kalooban, pero bigla nilang narinig ang boses nito, na umaalingawngaw sa paligid, na tila nasa loob ng kahon ang dalawa, at nasa labas nito, nagmamasid, ang lalaki.

“Dito nagsimula ang lahat,” ani ng boses. Pilitin man ni Tomas na hanapin ang pinagmumulan niyon, ay hindi niya talaga ito makita. Mistulang produkto lang ito ng kanyang imahinasyon. Agad na nabawi ang atensyon niya nang biglang may lumitaw na babae sa kanilang harapan, sa baba ng ilog kung saan patuloy pa ring umaagos ang tubig. Nagmamadali ang babae, at halos magkandarapa na sa pagtakbo. May hawak ito sa kanyang kamay na nakabalot sa tela. Nang sipatin iyon nang mabuti ni Tomas, nalaman niyang isa pala iyong sanggol.

“Si Milagros,” anunsyo ng boses, na lubos na ikinagulat ni Tomas. Inabot pa ng ilang segundo bago niya tuluyang mamukhaan ang Mama niya. Pero bakit nakasuot ito ng makalumang baro’t saya?

Lumuhod si Milagros sa tubigan. Kandong ng Mama ni Tomas ang sanggol, na wala pa ring imik magmula nang makita nilang tumatakbo ang kanyang ina sa ilog. 

“Lapitan niyo,” mungkahi ng boses. “Hindi naman niya kayo makikita. Sapagka’t alaala ko na lamang ang natutunghayan ninyo ngayon.”

Ilang nag-aalinlangang hakbang ang kinuha ng magkasama, patungo sa tabi ng tumatangis na si Milagros. Nang makita nang mas malapitan ang sanggol na hawak ng Mama ni Tomas, ay nalaman nilang hindi na ito gumagalaw.

“’Yan tayo, Tomas,” pakilala ng boses. Kunot-noong tinitigan ni Tomas ang bata. Nasa tamang pwesto ang mga nunal niya sa mukha ng munting paslit. Sarado ang mga mata nito. Taimtim na nahihimbing ang sanggol, na parang natutulog lang sa kandungan ni Milagros. Lalo itong pinagmukhang mapayapa nang matamaan ito ng banayad na sinag ng buwan.

“Walang buhay nang isinilang ang batang ‘yan,” walang tono ang boses, sa kabila ng malagim nitong ibinalita. “Kaya naman ay buong pusong hiniling ni Milagros na buhayin ng Bathalang Bakunawa ang anak niya.”

Muli na namang uminog ang mga tanawin, at para na naman silang hinigop ng hindi-nakikitang pwersa. Ilang sandali pa ay nagbago na naman ang hitsura ng paligid. Para silang inihahatid ng isang napakabilis na tren mula sa ilog, binaybay ang kahabaan nito, hanggang sa makarating sila sa piangdudugtungan nitong dalampasigan. Nang humupa ang paggalaw ng buong paligid, ay natagpuan nila ang sarili sa tabing-dagat, pinapanood ang isang lalaking kamukha lang din ng lalaking nakita ni Tomas na tumatawid sa lumang tulay kani-kanina lang. May kasama ito, isang binibining nakatayo sa may bandang tubig. Tila hindi nito alintana ang mga alon. Para tuloy itong nakalutang lang sa ibabaw ng mga iyon.

Nang makita ang babae ay biglang napasinghap si Mariya. Agad itong tumakbo sa kinaroroonan ng dalawang taong pinapanood nila. At nang makalapit ang prinsesa ay napatakip ito sa kanyang mukha, at mistulang nilamon ng gulat at taranta. Dala ng kuryosidad ay inihatid din ni Tomas ang sarili sa tabihan ni Mariya, para makita kung ano ang nakita nito. Namilog ang mata niya nang malaman na ang babaeng kaharap ngayon ng lalaki ay si Dayang Mariya mismo.

“,” bulong ni Mariya sa ilalim ng kanyang hininga.

“Anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa mo sa alaala niya, Mariya?” naguguluhang tanong ni Tomas sa dalaga.

“Lumabas ka dito, Bakunawa! Bwisit ka,” sigaw ni Mariya sa langit, hindi pinapansin ang mga itinanong sa kanya ni Tomas.

May iniabot ang lalaki sa Mariya na nakalutang sa tubig. Sa tabi naman ni Tomas, ang Mariya na kasama niyang nagpunta sa lugar na iyon ay napaiwas ng tingin, habang hindi maikubli ang inis na nararamdaman sa mga nakakuyom nitong kamao. Nakalagay sa mga palad ng Mariya sa dagat ang isang bagay na sinlaki lang ng puwang sa magkadaop nitong kamay. Kumikinang iyon na parang malaking alitaptap.

“Para saan ito, Bakunawa?” tanong ng Mariya sa alaala ng lalaki.

Sinagot nito ang dalaga ng, “Iyan ang puso ko, prinsesa. Iniaalay ko iyan sa iyo.”

“Pero bakit mo naman ito ibinibigay sa akin? Kailangan ng isang tao ng puso.”

Napatigil ang lalaki, bakas ang lumbay sa maliit nitong ngiti. “Alam mo bang ipinanganak akong walang pintig ang puso? Kaya naman ay inihingi na ako ni Inay ng p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lakanamihan
SHAMELESS PROMOTION: BLACKMOUTH — a mystery-thriller crime fic starring Minghao and the rest of SVT https://www.asianfanfics.com/story/view/1551959/blackmouth

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet