END

WTB LFS
Please Subscribe to read the full chapter

Hassle maging college student. Ayoko na mag-aral. Gusto ko nalang maging pabigat sa pamilya ko.

 

De, loko lang. Hindi ako pwede maging tamad dahil hindi naman ako mayaman. Pero seryoso, akala ko joke joke lang ng iba na mahirap ang pagiging college student pero nung ako na mismo ang sumubok, parang gusto ko nalang maging baby girl ni Logan Lerman.

 

Logan Lerman?!

 

Okay, to be fair, ang pogi pogi niya pa rin kaya.

 

Okay, seryoso na.

 

Sobrang na-burnout kasi ako this month dahil sunod-sunod na PETA kasi ‘yung pinagawa sa amin. Parang pahinga ko nalang ata ang pagtulog ko. Gigising ako ng maaga para mag review, gagawa ng tasks, papasok sa school, mag-aaral, and repeat.

 

Al James, itabi mo ako na.

 

Third-year college student na ako sa PUP, taking up Biology. Actually, na-wow mali talaga ako ng course ko eh. Sinong shunga na mag-iisip na pag-aaralan lang namin ang mga puno? Shempre ako. Shunga ako dati eh. Pero as time goes by naman, na-enjoy ko na rin ‘tong Bio kaya heto, nagpapakasasa ako sa pag-aaral dahil kaming dalawa lang naman ng Ate ko ang inaasahan ng aming munting pamilya.

 

Munting pamilya?!

 

“Huy, Win, ano? hindi ka ba talaga sasama?” tanong ni Giselle habang papalabas kami ng campus.

 

Bibili kasi sila ngayon ng ticket sa UP Town sa Katipunan ng ticket para sa UP Fair this week. Pilit nila akong sinasama pero hindi ko naman kasi trip ang mga ganong event. Mas okay pa sa akin ang mahiga sa kama at manood nalang ng Kdrama kesa makipagsiksikan sa maraming tao. Masyado rin kasing maingay for me.

 

“Pass ako. Baka hindi rin kasi ako payagan,” sagot ko naman.

 

Actually, hindi naman talaga mahigpit sa akin sina Mama. Ginagamit ko lang excuse ‘yon para hindi na ako pilitin ng mga kaibigan ko. Nagwowork naman siya paminsan-minsan.

 

“Tss, hindi ka pa nga nagpapaalam!” ungot ni Ningning saka ako inirapan. “Mamatay ka niyang malungkot, Win. Puro ka aral.”

 

Natawa naman kaming dalawa ni Giselle.

 

“Marami pa akong kailangan tapusin, gaga. Kayo ba wala kayong plates na dapat tapusin?” tanong ko sakanilang dalawa.

 

Parehas kasing Architecture ang kinuha ng dalawa kong kaibigan. Kung hindi niyo naman natatanong, they’re dating. Four years na. Simula highschool pa lang kami.

 

“Meron pero UP Fair muna uunahin namin dahil for clout chasing,” loko-lokong sagot ni Ning.

 

“Come on, Win, Cosmos naman kukunin natin eh. Saturday ‘yon,” pagpupumilit ni Giselle.

 

Huminga ako ng malalim at napailing nalang.

 

“Try ko, okay?”

 

Bigla naman akong hinampas ni Ning sa balikat ng pagkalakas-lakas.

 

“Ayan ka na naman sa try! Pumunta ka na! Bibilhan ka namin!”

 

“’Wag kasi! Ako na bahala. Ako nalang bibili ng ticket kapag naging available ako this week.”

 

“Saan ka naman bibili? Ubusan ‘yon, sira!”

 

“Connections… connections that you both don’t have,” panggagaya ko sa sikat na linya ni Sarah Geronimo sa isa sa mga sikat niyang pelikula.

 

“Ewan ko sa’yo,” irap ni Giselle. “Mamatay kang mag-isa sa ginagawa mo.”

 

Napakunot naman ang noo ko.

 

“Kanina pa kayo nagsasabi ng mga pwedeng mangyari kapag namatay ako. Ang advance ninyo masyado.”

 

“Talaga!” sabay pa nilang sagot.

 

Napailing nalang ako sa kalokohan ng mag jowa na ‘to. Firm na ang desisyon ko. Hindi ko ipagpapalit ang malambot kong sofa bed sa kahit na ano. Besides, kailangan ko rin mag review sa upcoming midterms namin next week ‘no. Kung sumama ako sakanila, baka maisagot ko pa lyrics ng mga kanta ng mga magpeperform do’n.

 

Saka mapapapunta lang nila ako kapag nandoon ang IV of Spades. Ang sabi kasi ni Ning, wala naman sila sa lineup.

 

‘Wag nalang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Nak, ano ‘tong text ni Ning sa akin? Nagpapaalam na manonood daw kayo ng UP Fair ba ‘to?” tanong ng maganda at ulira kong ina habang kumakain kami ng hapunan dito sa bahay.

 

Medyo natawa ako sa ulirang ina.

 

“Wala ‘yan, Ma. Sabihin mo nalang marami akong ginagawa,” sagot ko naman.

 

Parang ewan ‘tong si Yizhuo. Tinext pa talaga ‘tong nanay ko para lang pasamahin ako.

 

“Ano ba ‘tong UP Fair na ‘to?”

 

“Event ‘yan Ma sa UP. May mga banda na nagpeperform,” sagot naman ng kapatid ko na si Ate Jisoo.

 

Isang nurse si Ate sa isang private hospital dito sa Manila. Sapat lang ang kinikita niya para makatulong dito sa bahay dahil na din sa kadahilanan na sobrang baba magpasahod ng gobyerno sa mga nurses dito sa bansa.

 

Kung ako sakanya, nag-ibang bansa nalang ako. Ayoko talagang magtrabaho dito sa Pinas.

 

“Oh, ayaw mo bang manood?” tanong ulit ni Mama.

 

“Hayaan ninyo na si Winter kung ayaw manood. Mas gugustuhin niyan manood ng FPJ kasama ako, diba, nak?” nakangiting tanong naman ni Papa.

 

Natawa nalang ako at tumango. Bonding kasi namin ni Papa ang manood ng mga classic action movies at kadalasan, si FPJ ang pinapanood namin.

 

“Tama ka, Pa. Apir tayo!”

 

Nag apir naman kami habang napailing nalang si Ate at Mama.

 

“Papayagan ka naman namin ng papa mo. Hindi rin maganda ang laging nag-aaral, Winter. Tignan mo Ate mo.”

 

“Oh, bakit ako?” nakataas na kilay ni Ate Jisoo.

 

“Trenta anyos ka na single ka pa din.”

 

“Ma, bading nga po ako!” reklamo ni Ate na siyang ikinatawa naming tatlo.

 

“Kapag bading ba, dapat single din?” pang-aasar kong tanong sakanya.

 

Tinaasan naman niya ako ng kilay at masamang tumingin sa akin.

 

“Hoy, ikaw Winter, ako may pag-asa pa dahil kumekerengkeng ako. Ikaw, dead kid ka.”

 

“Ano ba ‘yan! Ang pangit naman ng term mo sa lumalandi!” reklamo ko sakanya at sinipa siya sa ilalim ng lamesa.

 

“Saka excuse me, hindi ko need maghanap ng jowa. Kusa nalang ‘yan dadating.”

 

“Ganyan sinasabi ng mga pangit.”

 

“Magkamukha kaya tayo?”

 

“Ampon ka lang.”

 

Napabusangot ako.

 

“Papa oh, si Ate!”

 

“Hay nako, ewan ko sainyong dalawa,” saad ni Papa at nagpatuloy na sa pagkain ng hapunan namin.

 

Sinamaan ko nalang ulit ng tingin ang nakakatanda kong kapatid na binelatan pa ako bago sumubo ng pancit canton niya.

 

Isip bata talaga ‘to.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Huwebes na.

 

Ibig sabihin, isang araw na lang ay makakapag pahinga na ako.

 

Charot, may pahinga ba ang mga college students?

 

Katatapos ko lang maipasa ‘yung essay namin sa Physiology kaya naman nag-unat muna ako at ipinikit ang mata sandali dahil parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng ginawa ko ngayong araw.

 

Napatingin ako sa orasan.

 

11:57 PM

 

Ngayon ko lang natapos ang lahat ng dapat ipasa ngayong araw. Buti nalang umabot pa ako sa deadline na 11:59 PM.

 

Hay, wala bang awards na Best in Sunugan ng Kilay? For sure kasi ako ang makakakuha no’n.

 

Napabuntong hininga ako saka kinuha ang phone ko na nakapatong sa study table ko para i-check kung ano na ang balita sa dalawa kong kaibigan.

 

Binuksan ko ang aming group chat at nag backread sa pinag-usapan ng dalawa habang naka DND ang phone ko. Ganon kasi ang ginagawa ko para walang istorbo tuwing nag-aaral ako.

 

Charlie’s Angels

 

[8:09 PM] Ning: hoy win sure ka bang hindi ka talaga manonood ng up fair?

 

[8:09 PM] Giselle: she’s still reviewing pa ata babe

 

[8:09 PM] Giselle: pero win let us know if hindi ka talaga makakanood asap ha

 

Napabuntong hininga ako. Hindi pa ba sila titigil?

 

I typed my reply.

 

[11:59 PM] You: hello mga salot kakatapos ko lang sa reqs zzz

 

[11:59 PM] Ning: ano pa bang bago? hoy pero ano, ‘di ka talaga manonood?

 

[12:00 AM] You: negats mga teh sorry! bawi ako next time

 

[12:01 AM] Giselle: keri lang hindi na rin kami makakanood may family outing kami isasama ko si ning

 

[12:03 AM] You: oh edi paano yung tickets niyo? saan kayo punta?

 

[12:05 AM] Ning: batangas teh mag white beach ang lola mo

 

[12:05 AM] Giselle: we're asking you kasi baka gusto mo pumunta ibibigay nalang namin sayo yung tix

 

[12:06 AM] You: ay kebs na mga anteh ibenta niyo na ‘yan sa iba di ko naman need

 

[12:07 AM] Ning: sure ka? ibebenta na namin ‘to

 

[12:08 AM] You: oo ning. wala naman din kayo bakit pa ako manonood?

 

[12:10 AM] Giselle: eme ka! kahit naman nandoon kami hindi ka pa rin manonood

 

[12:10 AM] You: hehe

 

[12:12 AM] Ning: osya, matutulog na kami. ikaw din! magpahinga ka na jusko mamamatay ka niyan ng maaga.

 

Ayan na naman sila sa mamamatay na ‘yan pero yes! Wala nang pamimilit na magaganap! A win for a homebody like me!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“TGIF mga ‘teh!” bati ko sa dalawa kong kaibigan nang makarating ako dito sa Makati. May gusto raw kasi silang i-try na Italian restaurant na sikat ngayon sa internet.

 

Lieu d’hiver ang pangalan. Masarap daw ang mga pagkain and maganda rin daw ang may-ari ng restaurant.

 

Ewan ko ba dito sa dalawa, kapag may mga maganda silang nakikita, nag-aagawan pa sila. Akala mo hindi magjowa.

 

Napatingin ako sa interior ng restaurant— infairness, ang elegant at maypagka modern ‘tong restaurant. Mukha siyang mamahalin. Marami rin ang tao na kumakain so mukhang masarap talaga ang pagkain dito.

 

“Ang tagal ha,” pagrereklamo ni Ning nang maupo ako sa harap nilang dalawa.

 

“Ay, pasensya ha? Napaka layo nitong gusto niyong kainan. Hindi niyo man lang ako hinintay! Ang hirap mag book ng Angkas!”

 

“Deserve mo ‘yan teh. Maarte ka kasi,” dagdag naman ni Giselle.

 

Sinamaan ko nalang sila ng tingin saka kinuha ang menu na nasa ibabaw ng lamesa. Nang makita ko ang presyo, biglang nanuyo ang lalamunan ko.

 

Pasta lang 500 pesos na agad?! May gold ba sa sauce nila?!

 

“Nag order na kami. Sagot ni Giselle kasi perfect lang naman ang baby ko sa exam namin,” maarteng sambit ni Ning at yinakap pa ang braso ng kaibigan namin.

 

What an eyesore. Eme!

 

“Sana ikaw din,” pang-aasar ko.

 

“Epal ka. Okay na ‘yung isa lang sa amin. Kapag kaming dalawa edi naconquer na namin ang buong Archi Dept.”

 

Natawa nalang si Giselle habang bigla kong kinwestyon ang taste niya sa tao. Bakit niya pinatulan ‘tong baliw na ‘to?

 

Habang naghihintay kami dumating ang mga pagkain, bigla namang nagsalita si Giselle about sa UP Fair Cosmos na gaganapin bukas.

 

“Ay, Win, alam mo ba na in-add pala ang IVOS sa lineup for tomorrow?”

 

Napatingin ako sakanya.

 

“Talaga?”

 

Tumango si Giselle, “Oo. Sayang, sana bumili ka. Diba gustong-gusto mo sila makita?”

 

Para akong nanghinayang na ewan. Okay, sobrang gusto ko kasi talaga ng music nila. There's something about their music that makes me feel connected to them.

 

Kumbaga, katulad lang din ‘yan sa mga KPOP groups na kinababaliwan ng mga tao ngayon. Sila lang ang group na ini-stan ko. Nasasabi kasi nila sa mga kanta nila ‘yung mga bagay na hindi ko masabi sa lahat ng tao kaya when I listen to them, I feel heard.

 

Okay, tama na muna sa pagfafangirl.

 

“Sayang nga…”

 

“Edi manood ka, Win. Try mo lang kasi. Ang arte mo kasi, nabenta na namin ‘yung ticket namin kina Yujin,” saad ni Ning.

 

“Ako lang mag-isa? Edi natakot ako niyan.”

 

“Wala namang papatay sa’yo doon, girl,” irap niya. “Besides, tapos ka naman na sa requirements mo this week. Next week pa naman ‘yung midterms natin. Marami ka pang days na pwedeng mag review.”

 

“Oo nga, Win. You need to unwind. Try mo lang. I swear, nakakabawas ng stress,” dagdag ni Giselle.

 

I bit my lower lip at biglang napaisip. Kung pupunta man ako doon, parang ang weird naman na mag-isa? Saka, saan ako kukuha ng ticket? Bukas na kaya ‘yon.

 

Pero gusto ko mapanood IVOS. Shet naman eh. Kung hindi naman sana sinabi ni Giselle ‘yon, I won’t consider naman.

 

“Wala naman akong ticket,” sagot ko. “Hindi talaga ako makakapanood.”

 

“Girl, may Twitter naman,” saad ni Ning.

 

Napakunot ang noo ko.

 

“Ano connect?”

 

“Edi doon ka bumili. Hello? Maraming nagbebenta sa BNS Twitter.”

 

“Huh?” nalilito kong tanong. “Anong BNS Twitter?”

 

“Buy and Sell,” sagot ni Giselle. “Maraming nagbebenta and bumibili sa Twitter pero ingat lang sa mga scammers. Madami na rin talagang nabiktima doon.”

 

“Edi hindi nalang ako bibil—”

 

“Para namang tanga ‘to! Bumili ka na! Ako na nasstress sa’yo, Win. Puro ka nalang aral!” reklamo ni Ning.

 

Bakit parang mas stress pa siya sa akin?

 

“Eh hindi ko nga alam paano bumili doon eh.”

 

“Buksan mo phone mo tapos punta ka sa Notes,” utos ni Ning.

 

Napakunot ang noo ko.

 

“Para saan?”

 

“Basta gawin mo nalang,” iritado niyang sagot. Natawa naman ang girlfriend niya sa tabi niya.

 

Sinunod ko nalang ang sinabi ni Ning at pumunta sa Notes.

 

“Oh, okay na. Anong gagawin?”

 

“Type mo capital WTB space LFS.”

 

“Ano ‘yo—”

 

“Isang tanong pa sasaksakin na kita.”

 

Napabuntong hininga nalang ako at ginawa ang sinabi ni Ning.

 

WTB LFS

 

“Oh tapos na.”

 

“Lagay mo sa tabi UP Fair Cosmos Ticket.”

 

Wala akong naiintindihan sa sinasabi ni Ning pero ginawa ko pa rin.

 

WTB LFS UP Fair Cosmos Ticket

 

“Okay?”

 

“Oh tapos ilagay mo sa baba Non-UP Student tapos sa baba ulit, preferably physical ticket and meet up around UPD. Sa baba ulit, lagay mo No to OP. Again, sa baba, lagay mo Prio tapos baba ulit, DM me your offers.”

 

Hindi ko ginawa lahat ng sinabi niya dahil wala man lang akong idea sa lahat ng ‘yon. Nagshashabu ba ‘tong kaibigan ko? Bakit puro alien words na sinasabi nito?

 

“…ha?”

Napalakas ang tawa ni Giselle habang hindi naman mukhang natutuwa si Ning sa sinabi ko.

 

Hinablot niya nalang yung phone ko saka mabilis na nag type. Pinanood lang namin siya at wala bang isang minuto ay ibinigay niya na ito pabalik sa akin.

 

Agad ko namang binasa ang inilagay niya.

 

WTB LFS UP Fair Cosmos Ticket

🏷️ non-up student (1)

🏷️ preferably physical ticket and meet up around upd

🏷️ no to op!!!

🏷️ prio !!

🏷️ dm me your offers

 

“Ano meaning nito, Ning? Mamaya kung ano ‘to ha?”

 

“Basta when you made up your mind, i-post mo lang ‘yan sa Twitter tapos kapag may gustong magbenta, they’ll dm you. Hindi ka masscam dyan dahil sa mismong UPD mo makukuha ‘yung ticket.”

 

“Hindi ako mamamatay dito?” duda kong tanong. Para kasing joke time si Ning eh.

 

“Ako na papatay sa’yo sinasabi ko sa’yo. Basta paste mo nalang!”

 

 

 

 

 

Matapos namin magkita ay agad na rin naman akong dumiretso sa bahay dahil ako ngayon ang nakatoka sa pagluluto ng ulam namin nina Mama. Tuwing Friday kasi ay umaalis sila ni Papa para pumunta sa mga kamag-anak namin sa Cavite kaya kadalasan, ako lang ang naiiwan mag-isa sa bahay para mag luto ng kakainin naming apat.

 

Luto dito, linis doon. Walis dito, lampaso doon.

 

Ang bait ko lang!

 

Shempre gusto kong umuwi naman sina Mama ng wala ng iisipin na mga gawain sa bahay. Kaya ako paborito ng mga magulang ko eh. Charot. Si Ate Jisoo naman kasi puro paganda lang ang ganap dito sa bahay kaya minsan talaga, kaunti nalang magsaksakan kami eh.

 

Nang matapos ako ay pumasok muna ako sa kwarto para magpahinga dahil nag text naman si mudra na malapit na sila sa bahay. Sakto, mainit-init pa ‘yung kanin.

 

Nang i-check ko pa ang ibang messages ko ay nakita ko na nag PM pala si Ning.

 

[05:50 PM] Ning: ano sis? go ka na ba sa up fair?

 

Nagtype naman ako agad ng irereply ko.

 

[07:09 PM] You: slr teh naging ulirang anak muna ako

 

[07:09 PM] You: pinagiisapan ko pa zz

 

[07:10 PM] Ning: shuta ka ambagal mo magreply daig mo pa jowa ko

 

Natawa naman ako sa reply ni Ning kaya imbis na magreply ako ay tinawagan ko na siya. Nakakatamad kaya mag type.

 

Nag ring ng ilang segundo saka niya ito sinagot ng napakalakas ng boses.

 

“Ano?!”

 

Inilayo ko naman ang phone ko sa tenga dahil para akong nabingi sa lakas ng bunganga ni Ningning.

 

“Aray naman!”

 

“Ay sorry naman. Bakit ka tumawag?”

 

“Pinag-iisipan ko kasi ‘yung sa UP Fair. Gusto ko sana kaso wala akong kasama.”

 

“Ang arte mo kasi masyado.”

 

“Ning naman eh,” ungot ko.

 

“Girl, hindi ka mamamatay kung mag-isa ka lang manonood sa UP. Mas okay nga ‘yon para mas maenjoy mo eh tutal sanay ka naman mag-isa.”

 

Napairap nalang ako sa sinabi ni Ning. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ‘to o ano eh.

 

“Ipost mo na, Win. Deserve mo naman mag unwind kahit saglit lang. Reward mo na rin ‘yan sa pagod mo.”

 

This time, mas seryoso na ang boses ni Ningning kaya napabuntong hininga nalang ako at napatulala sa kisame.

 

Gusto kong mapanood ang IV Of Spades. Gusto kong mag loosen up. Gusto kong kumawala muna sa mga responsibilidad ko. Feeling ko kapag hindi pa ako lumabas ng bahay, mababaliw na ako.

 

Hay, Winter, kaya mo ‘to.

 

“Okay, post ko na sa Twitter.”

 

Agad namang tumili si Ning.

 

“Go mo na yan, sis! Ire-retweet ko para mas lalong maraming makakita. Ako bahala sa’yo. Baka doon mo mahanap forever mo.”

 

Napangiti naman ako.

 

“Parang mas natakot ako.”

 

“Che! Sige na, baba mo na ‘tong call tapos ipost mo na. Copy mo yung mismong tinype ko ha, wag kang shunga.”

 

“Yes, madaam. Sige na, thanks, Ning.”

 

“Panget mo.”

 

We both chuckled bago namin ibinaba ang tawag. Agad naman akong pumunta sa Notes ng phone ko at hinanap ang tinype kanina ni Ning. Binasa ko ulit ang nakasulat pero hindi ko pa rin talaga maintindihan.

 

Baka binebenta na ako nito ni Ningning.

 

I let out a breath saka cinopy ang lahat ng words saka ko binuksan ang Twitter ko na hindi ko naman masyadong ginagamit at pinaste bago isend.

 

Hay, meron kayang magbebenta?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Meron.

 

Meron nga.

 

Pero ang mamahal ng mga presyo nila. 700 pesos isa?! Ano ‘yan ginto?!

 

Kapag binili ko ba ‘yan, may free backstage pass na nakasama? Maiuuwi ko ba sila sa bahay namin?!

 

500 pesos.

 

900 pesos.

 

600 pesos.

 

Grabe na talaga mga kapitalista ngayon. Eme. 800 pesos lang ang budget ko, kasama na doon ‘yung pamasahe ko papuntang UP. Hello, 150 pesos lang ang baon ko per day tapos sobrang nagtaas na ang mga bilihan at pamasahe ngayon kaya sobrang onti lang din talaga ng naiipon ko.

 

Wala bang presyong estudyante dyan? Dapat hindi pinagbibilihan ‘yung mga taong sumusuporta naman sa mga walang kwentang tao sa gobyerno. ‘Yung iba kasi, mema nood lang. Hindi nila alam na protesta ang UP Fair at may mga ipinaglalaban sila.

 

Hay, stress ako. Mukhang hindi ko na talaga mapapanood ang IVOS. Gusto kong umiyak.

 

Napaka pabebe kasi Winter!

 

I was about to give up nang bigla ulit akong nakareceive ng DM galing kay Twitter user @rinayu.

 

Binuksan ko agad ang message niya at agad itong binasa.

 

@rinayu: hi, i saw your tweet and i’m selling my extra cosmos ticket for the same amount on ticketmax. let me know if you’re interested! 🙂

 

Agad akong napaupo sa kama ko at binasa ulit ang message ng nag send. Chineck ko naman agad ang account dahil baka mamaya, scammer lang ‘to.

 

Wow, 27K followers. Sikat si Ateng nagbebenta. Clinick ko ang icon niya pero napakunot ako dahil photo lang ng pusa ito. I checked her recent tweets at nakitang puro lang “good morning!” “have a great day ahead, everyone!” “just posted a photo on ig. check it out!”

 

Ah, baka sa Instagram siya active. Toxic na rin kasi talaga ang Twitter.

 

Hindi ko na inabalang i-check ang Instagram niya dahil baka maunahan pa ako sakanya kaya naman agad kong nireplyan ang message niya sa akin.

 

You: hello, interested po ako. kunin ko na po

 

Agad naman siyang nagreply.

 

@rinayu: great! meet nalang tayo tomorrow around upd? where do you want to meet?

 

Hala, ngayon pa nga lang tayo nag-chat, meetup agad? Nahihiya ako. Charot!

 

You: madaming tao po kasi sa sunken, gusto niyo po sa oblation nalang? anong oras po ba kayo pupunta?

 

@rinayu: oki obli nalang. around 7pm pa ako pupunta though, is that okay with you?

Mukhang hindi pa naman siguro mag peperform ang IVOS ng ganong oras ‘no?

 

You: ah sure po.

 

@rinayu: okay! i’ll dm you nalang when i arrive ha

 

You: sige po ‘wag niyo na po ibenta sa iba ha?

 

@rinayu: sure haha yours 🙂

 

Napangiti naman ako at di maiwasang magtatatalon sa saya. IVOS, nandito na ako!

 

Agad akong lumabas ng kwarto at nakita na nasa sala sina Ate at Mama.

 

“Ma!” sigaw ko na siyang ikinagulat nila.

 

“Makasigaw ka naman!” reklamo ni Ate Jisoo. Inirapan ko siya saka dali-daling umupo sa tabi ni Mama.

 

“Ma, magpapaalam lang ako. Manonood po ako ng UP Fair bukas.”

 

Kumunot ang noo ni motherlaloo.

 

“Akala ko ba ayaw mo?”

 

“I’m not the same person days ago, okay?”

 

Bigla ba naman akong hinampas ni Ate Jisoo ng throw pillow!

 

“Hindi bagay! Ang trying hard mo!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

6 PM na rin nang makarating ako sa UP Sunken Garden. May mga tumutugtog na at sobrang dami na ng tao na nakapila sa entrance. Sumasakit na agad ulo ko. Sobrang hina pa ng signal. Sinubukan ko kasi mag Twitter para sabihin kay user rinayu na nandoon na ako pero hindi man lang nag load yung Twitter.

 

Hassle naman.

 

I decided na bumili muna ng kwek kwek at softdrinks para may laman ang tyan ko kahit papaano. 7 PM pa naman makakarating ‘yung seller sa Oblation kaya may time pa ako kumain. Bibili nalang din siguro ako ng tubig para hindi ako madehydrate sa loob.

 

For sure kasi matagalang tayuan ‘to.

 

“Ate, ticket for Cosmos oh. 600 isa nalang,” sambit ni Kuyang nagbebenta sa akin na biglang sumulpot sa likod ko.

 

Nakakagulat naman ‘tong si Kuya! Nalunok ko tuloy ‘yung buong maliit na kwek kwek!

 

“Ang mahal naman niyan, Kuya.”

 

“Mura na ‘to Ma’am. Sa iba nga 850 isa eh.”

 

Mabilis akong napailing.

 

“Hindi na, Kuya. May ticket na ako eh.”

 

“Sure ka, Ma’am?”

 

Tumango ako at napainom sa Coke Mismo ko. Mukha ba akong may budget na 600 para sa isang ticket? Jusko!

 

Agad namang umalis si Kuya na parang masama pa ang loob na hindi ko binili ang ticket niya. May ticket na ako, Kuya. Chosera ka!

 

Matapos kong maubos ang binili kong kwek kwek, naglakad na ako papunta sa Oblation habang tumitingin-tingin ng mga ibinebenta sa sidewalk. Ang daming pwedeng kainin! Parang mas gusto ko nalang dito dahil parang mas mabubusog ako sa mga nakikita ko.

 

Hay, parang mauubos ‘tong extra money ko for this night ah.

 

 

 

 

Quarter to seven na ako nakarating sa Oblation at nagpasya muna ako na umupo since meron pa naman akong 15 minutes bago dumating si Ateng seller. Nag check ulit ako ng Twitter and thankfully, nag load naman siya.

 

Agad kong minessage si rinayu.

 

You: hello po. i’m here na po sa obli. i’m wearing black tshirt po ng guns n’ roses and pants po. nandito po ako banda

 

Nagsend ako ng picture kung nasaan ako banda and I closed my phone muna para magpahinga. Ang sarap din talaga maglakad-lakad dito sa UP. Sayang kasi malayo siya sa Manila. Kung malapit lang ‘to, baka lagi akong nagjojogging dito.

 

Charot, mas gusto kong matulog lang.

 

Hindi naman kasi akong tumataba kahit na sobrang dami kong kinakain. Though, alam ko naman na exercising is for my health, hindi talaga keri ng katawan ko na gumalaw-galaw. Ayaw ko nga ng PE eh.

 

Biglang tumunog ang phone ko, announcing na mayroon akong new notification. Agad ko namang chineck and saw na nag reply na si user @rinayu.

 

@rinayu: hi, i’m parking nalang. i’m here na din. i’ll see you in a bit. i’m wearing a black tube top and black trousers 🙂

 

Okay, black tube top and black trousers. Noted. May kasama kaya siya?

 

Nagreply agad ako.

 

You: sige po ingat po kayo!

 

Sinara ko na muna ulit ang phone ko para pagmasdan ang paligid. May mga taong nagpipicture sa harap ng Oblation, meron din sa mismong University Avenue. May mga nagbibisikleta rin at mga magkakaibigan na nagtatawanan. Medyo malamig din ang simoy ng hangin ngayong gabi. Masarap mag unwind. Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko.

 

Mas masaya siguro kung kasama ko sina Giselle at Ningning.

 

“Uh, excuse me?”

 

Agad akong napalingon sa kanan ko nang makita na may babaeng nakatayo at nakatingin sa akin.

 

Artista ba ‘to? Ang ganda ni Ate!

 

“Yes po?”

 

“Are you user winterkim on Twitter?” tanong niya habang parang may binabasa sa phone niya. Ang lalim ng boses ni Ate. Parang hindi bagay sakanya ‘yung boses niya sa itsura niya?

 

Diba kasi kapag maganda ‘yung tao, may tendencies na boses kike ‘yung mga boses nil— ano ba ‘yan, Winter. Ang pangit naman ng comparison mo.

 

“Hello?” dagdag niya nang mapansin na hindi ako nakasagot.

 

Bigla akong napakurap and got pulled out of my reverie. Eto naman kasing si Ate, nangvivisual attack!

 

“Ay, opo, opo. Sorry,” natawa ako at napatayo sa kinauupuan ko. Nang tinignan ko ang suot ni Ate, doon ko lang narealize na sakto ang suot niya sa pagkadescribe ni user rinayu sa kung ano ang suot niya.

 

Black tube top at black trousers.

 

Siya ‘to?! Ang tangkad niya!

 

“Ikaw po si user rinayu?” tanong ko.

 

Tumango siya at ngumiti sa akin.

 

Lord, patay na po ba ako? Bakit sinusundo na ako ng isa sa mga anghel mo? Eme!

 

Winter, umiiral na naman kabaklaan mo.

 

“Yes. Nice to finally meet you. I’m Karina.”

 

Karina. Karina. Karina. Karina.

 

Bagay sakanya ‘yung pangalan niya. Mukha siyang Karina.

 

Ano raw?!

 

Teka, nag shoshort circuit kasi utak ko kapag may maganda sa harap ko. I tend to say stupid things kapag kinakabahan ako!

 

She offered her hand para sa handshake kaya naman agad ko itong kinuha para makipag-kamay sakanya. Hindi ko nga sure kung malinis ba ‘yung kamay ko.

 

“Winter po.”

 

Agad ko ring inalis ang kamay ko kasi kung hindi, baka idiretso ko siya sa sa Parish of the Holy Sacrifice para ikasal sa akin. Tutal naman nasa UP na kami. Eme! Pero shems, ang bango bango niya!

 

“Here’s your ticket pala,” saad niya saka kinuha ang physical ticket ng Cosmos para ibigay sa akin. “That’s 250 pesos lang.”

 

“Ah, sige po.”

 

Kinuha ko naman ang wallet ko para ibigay ang pera kay Ateng seller. Hindi ko pa man din nakukuha ang pera ay nagsalita ulit siya.

 

“Do you have kasama mag watch?”

 

Napaka conyo naman neto.

 

“Ay, wala po eh. Solo trip lang po,” sagot ko at ibinigay na sakanya ang 250 pesos. “Heto po ‘yung bayad.”

 

Kinuha niya naman ang pera at nagpasalamat.

 

“Kayo po? Wala po ba kayong kasama?” tanong ko naman.

 

“Ah, wala eh. Actually, kasama ko dapat ‘yung best friend ko but she got sick eh kaya ako nalang. I really want to watch the fair kasi. Maganda yung lineup.”

 

“Ah, kaya po binenta niyo yung isang ticket? Sa best friend niyo po ‘yun?” tanong ko ulit.

 

Obvious ba Winter?

 

“Yes. Ikaw? Bakit wala kang kasama?”

 

“Wala pong choice eh,” sagot ko which made her chuckle. Anong nakakatawa? Pero sige, okay lang. Maganda naman siya eh.

 

“Why don’t you join me?”

 

Literal na napataas ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Ano raw?

 

“Saan po?”

 

Malamang para manood! Ano ba, Winter! Ayos mukha naman. Para kang nagiging shunga kapag may maganda eh.

 

Natawa ulit si Karina.

 

“Mag watch if that’s okay with you?”

 

Anong if that’s okay with you? Hindi mo pa natatanong, pumapayag na agad ako!

 

“I do po.”

 

“What?”

 

“Huh?” ako mismo nabigla sa sinabi ko. Anong I do? Naiiyak na ako! “I—I mean, sure po. Okay lang po sa akin. Okay lang po ba sainyo?”

 

Natawa ulit siya. Ano ba, mamaya mainlove ka na sa akin niyan Karina. Napapatawa na kita. Ikaw din, sige ka.

 

Charot!

 

“I wouldn’t ask you if it’s not okay with me,” sagot niya habang nakatingin sa akin amusingly.

 

“Tama nga naman…”

 

“So, tara? Punta na tayo? I don’t have my car ha. Nakapark siya sa sa may Rodic’s eh.”

 

Napatingin ako sa orasan. 7:24 PM na. Kailangan na namin pumasok kung gusto namin na medyo malapit kami sa stage. Ayoko naman sa unahan dahil hindi na ako makakagalaw doon pero gusto ko ‘yung may enough na view naman ako from the stage.

 

“Okay lang po. Tara po.”

 

Habang naglalakad kami, bigla kong naalala na tanungin siya kung tatapusin niya ba ‘yung concert. Hindi ko kasi sure kung pwede akong magpamadaling araw. Baka kasi magalit sa akin sina Mama. Though sinabihan naman sila ni Ate Jisoo na usually talaga ay madaling araw natatapos ‘tong UP Fair.

 

“Tatapusin mo po ba ‘yung concert?” tanong ko habang naglalakad kami pabalik. May safe distance between us.

 

Nagkibit-balikat siya at napatingin sa akin. Ako naman yung napaiwas. Hindi ko siya kaya tignan sa mata, Mama! Nahihiya ako na ewan. Jusko, ‘yung mukha naman kasi ni Karina parang aparisyon ni Mama Mary.

 

Pwede ba ‘yon? Hindi ba talaga ako deads? Mamaya ang cause of death ko is yung pagkalunok ko ng kwek kwek kanina dahil sa gulat kay Kuyang nagbebenta. Sinasabi ko talaga! Mumultuhin ko siya!

 

“Depends. Are you gonna finish the concert?” tanong niya pabalik sa akin.

 

“IV Of Spades lang naman po ‘yung pinuntahan ko dito. Baka pag tapos nila, uwi na po ako,” sagot ko naman.

 

“Don’t use po na. Mukha namang magka age lang tayo eh.”

 

Naalala ko ‘yung isang TikTok video na “Wag mo na nga akong ginagalang. Pwede mo naman akong lapastanganin eh.”

 

Ano ba, Winter! Focus kay Ateng seller!

 

“Ilang taon na po ba kayo?”

 

“I’m 24. Ikaw?”

 

“Ah, mas matanda po pala kayo ng isang taon. 23 lang po ako.”

 

“Ah, baby,” loko niya. Gusto ko sanang sabihin na “Yes?” kaso baka takbuhan niya ako. Eme.

 

“But don’t use po na. Just call me Karina,” dagdag niya at ngumiti ulit. Mahilig ba siya ngumiti?! Hindi kinakaya ng kabaklaan ko.

 

Feeling ko kapag kinwento ko kina Ningning na mayroon akong nakasama na sobrang ganda, hindi nila ako paniniwalaan.

 

“Sige, Karina.”

 

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng tahimik. Medyo awkward lang for me kasi gusto ko pa siyang makakwentuhan pero nahihiya ako. Totoo pala ang crush at first sight. Kahit hindi ko pa siya kilala, feeling ko magiging masaya ang mabubuo naming pamily—- ayoko na nga.

 

Naloloka kasi ako sa ganda ni ate mo Karina. Crush ko na siya ng slight.

 

Slight lang kasi hindi ko pa siya kilala ng mabuti. Kapag nakilala ko na siya, mamahalin ko na siya.

 

Jusko, nasisiraan na ata ako ng bait. Bakit ba ganito mga pinagsasabi ko?

 

“So, fan ka pala ng IVOS?” bigla siyang nagsalita. Napalingon ako sakanya at nakitang nakatingin na siya sa akin.

 

This time, hindi ako umiwas ng tingin. Instead, tumango ako at inilabas ang pangmalakasan kong charming smile.

 

Dahil kaya sa ngiti kong ‘to naging Miss Photogenic ako nung freshman!

 

“Oo. Nakikinig ka ba sakanila?”

 

Okay, tigil na sa ngiti, Winter. Baka isipin ni Karina natatae ka na.

 

“I do,” sagot niya.

 

Si Karina… wala pa ngang tinatanong si Father nag i-I do na agad. Hay…

 

Me when I’m delusional. Eme!

 

“What’s your favorite song of them?” dagdag niyang tanong.

 

“Gusto ko yung recent album nila pero Come Inside Of My Heart and Captivated talaga yung favorite tracks ko,” sagot ko naman. Tumango siya at walang sinabi kaya naman tinanong ko na rin siya.

 

“Ikaw? Ano favorite song mo nila?”

 

“Mundo,” she chuckled. “Overrated but I like it. It must be amazing to have someone who sees you as their entire world.”

 

Grabe, ang lalim naman non. Pero pwede ko naman siyang gawing mundo.

 

Unique, itabi mo, ako na.

 

Chos. Ang harot-harot, Winter! Ganito ba nagagawa ng nag-aaral lang lagi at hindi na nakakalabas sa outside world? Puro pangit kasi ‘yung mga nasa university namin. Hindi ko naman kasalanan na sobrang ganda ni Karina!

 

Hindi na ako nakasagot dahil nakarating na ulit kami sa Sunken Garden. Ang dami nang tao na nakapila sa entrance! Kung hindi pa kami pipila ngayon, baka mapuno na ‘yung loob.

 

“Tara?” aya ko kay Karina na pinapanood din ang mga tao. “Pila na tayo.”

 

Tumingin siya sa akin saka tumango. “Alright, ako na mauuna.”

 

Nauna na siyang maglakad para makababa kami habang nakasunod lang naman ako sa likod niya. Medyo mahirap bumaba dahil natatakot ako na baka madulas ako since medyo steep din yung baba saka may mga tao rin na nagpipicnic para manood ng concert kahit nasa labas sila. Kinakailangan pa namin humanap ng daan na walang nakaupo.

 

“Be careful,” saad ni Karina na lumingon pa sa akin habang bumababa kami. “Take my hand.”

 

Inilaan niya ang kamay niya at ako naman ay dali-dali nang hinawakan ang kamay niya dahil medyo natatakot nga ako. When I did, ngumiti ulit siya sa akin then she lead the way na.

 

“Excuse me po…”

 

“Excuse us.”

 

“Excuse us po.”

 

Ang cute lang ni Karina kapag medyo mahinhin ‘yung boses. Nagugulat pa ‘yung iba kapag napapatingin sila kay Karina eh. Yung iba sinusundan pa ng tingin si Karina kahit nakalagpas na kami sakanila.

 

I know the feeling mga sis. Ang ganda ng kasama ko diba? Sorry kayo, ako na muna ang kasama ngayong gabi.

 

Wow, nagyabang?!

 

Finally, nakababa naman kami pero hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko. Nasa likod niya lang ako na nakatingin sa magkahawak naming kamay. Ang lambot po ng kamay opo. Halatang hindi naglalaba si Karina.

 

Nang makadating kami sa dulo ng pila for Non-UP Students, binitawan niya na rin agad ang kamay ko saka ako tinabihan habang nakatayo. Okay, aaminin ko, medyo bagay sa kamay ko ‘yung kamay niya.

 

“You have your ID and vaccine card?”

 

“Oo. Ikaw?”

 

“Photo lang ng vaccine but I have my driver’s license naman.”

 

“Ah, sige.”

 

Natahimik na ulit kami habang hinihintay namin yung turn namin para ipakita ang mga ID namin. Medyo jirits ako dahil wala man lang ako macome up na conversation worthy para sa aming dalawa. Heto naman kasing si Karina inaya pa ako. Edi stress tuloy ako kung ano pwedeng itopic.

 

Wow, sinisi? Parang ako pa lugi.

 

“Gutom ka na ba?”

 

Wow, ang galing ko talaga mag-isip. Ang weird weird lang.

 

Napalingon siya sa akin with matching confused emotion.

 

“Suddenly?” natatawa niyang sagot. Medyo nahiya tuloy ako at napapout.

 

“Eh kasi baka gutom ka na. Pwede naman tayong mag-ikot muna sa loob,” I remarked at inirapan siya ng pabiro.

 

Ngumiti ulit siya at napailing sa sagot ko.

 

“Let’s look around if you want. But don’t you want to have a good view sa stage?”

 

“Gusto pero medyo gutom pa ako eh. Kwek kwek lang kasi kinain ko.”

 

“Well, alright, let’s eat muna. Marami namang booth sa loob then after, watch na tayo.”

 

Tumango na ako at itinuro yung nasa harapan namin dahil kami na ang next. Kinuha ko naman na ang ID at vaccine card ko sa tote bag ko at hinayaan na si Karina na muna ang mauna. After namin ipakita yung mga ID namin, naglakad kami ulit para i-check naman ang mga bag namin. After non, naglakad ulit kami para ipakita yung tickets namin.

 

After 15 minutes ng pagpila, nakapasok na kami sa loob ng venue. Medyo marami na ang tao pero hindi pa naman sya ganon ka-crowded. Rinig din na nagsasalita ang mga hosts regarding sa mga sponsor ng event tonight.

 

“Saan tayo?” tanong ni Karina sa akin habang inililibot ang paningin sa mga food stall sa loob.

 

“Anong gusto mong food? Trip ko mag shawarma rice,” sagot ko nang madako ang tingin ko sa isang shawarma stall.

 

“Magririce ka?” napatingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “It’ll make you feel heavy. It’s not recommended sa ganitong events. We’re going to jump around.”

 

“Pasta? Ayun oh, mukhang masara—”

 

“Don’t eat cream-based food, Winter. Baka kanina pa ‘yan nasa initan. You shouldn’t eat foods you think have been sitting for too long. You might get food poisoning.”

 

Sinamaan ko siya ng tingin. Trip niya ba ako or totoo lahat ng sinasabi niya? Bakit ang dami niyang reklamo sa gusto kong kainin?

 

“Eh ano bang kakainin mo?” tanong ko sakanya. Daig niya pa nanay ko.

 

“Chicken poppers over there and fries na rin. Ikaw ba?”

 

Wow, tatanungin niya pa ako kung ano gusto ko? Eh yung mga gusto ko, ang dami niyang say!

 

“Ano bang safe kainin?”

 

Natawa siya sa tanong ko. Akala niya nakikipagbiruan pa ako oh… eme!

 

“What do you want?”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! here's a one-shot :)
also, i'll be doing a winrina socmed au soon on my writing account! (@sikeyverse)
let me know your thoughts in the comment section or in my cc!

twitter: @minjeongzoned / @sikeyverse
cc: @sanmigjen

Comments

You must be logged in to comment
shoheii #1
Chapter 1: aaaaaaaaaaaaaaaaagandaaaaaaaaaaaa!
piangms
#2
Chapter 1: this one shot is so cute kahit na parang ang speed nila masyado but nevertheless cute yung storyline 😁
infp23
#3
Waaah ang ganda po! Thank you for sharing your talent author! Dasurb ang feature🫡👏

Sana may epi!-8/8&-27hahdn😁🤪
rosenneg #4
Chapter 1: Part 2 would be nice 😆 kiliiggg so much
031206
#5
tanggal din angas ko
lokonaba
#6
Chapter 1: love it!!! winter ang lakas moo!!
reveluv316 788 streak #7
congrats on the feature
AhnWony
#8
Chapter 1: Oh edi sanaol, winter!🤭
TYTFshipper
269 streak #9
Congrats sa feature otornim!! 🥰
1609Andrea
2065 streak #10
Congrats in the feature!