Chapter 5
PilosopoUmiwas kaagad ako sa pag tingin kay Karina at lumayo lalo ako para pumunta naman sa mga bookshelves sa gilid. Buset siya, ano bang ginagawa nun? Bat naman ako tinignan..
"T-tataas muna ako." sabi niya saakin habang nakatalikod ako sakaniya. Hindi ako sumagot, at kinuha nalang ang isang pulang libro na naka patong dito sa bookshelves. Ng narinig ko na siyang nakaalis na dito sa kuwarto, binaba ko na agad ang hawak ko. Naku, mabubusog ata si Ning sa mga chismis ko mamaya pag uwi ah.. '
___
Napagpasyahan ko ng bumalik sa sala dahil natapos ko ng maglibot sa loob ng bahay. Habang naglalakad ako mag-isa papunta sa loob ng sala, pumunta ako sa sopa para kunin ang phone ko. Matagal ko rin itong hindi pa ginagamit simula nung nag usap kami ni Mr Yu kanina.
HALA. Asaan yung phone ko!!??
Sinimulan ko ng hanapin ang phone ko. I swear, naiwan ko lang 'to sa loob ng pouch bag ko kanina. Saan kaya napunta kung iniwan ko lang dito sa sofa na 'to. Sinubukan kong maghanap sa ilalim ng sofa kung nahulog lang ito. Hyst! Wala rin.. Nagpapanic na ako!! Wala pang pin code yun!
Mag-isa lang ako sa loob ng sala kasi daw tumaas si Karina kanina. Tinignan ko pa sa likod ng mga unan if nandoon yung phone ko. PLEASE BALIK NIYO NA PHONE KO!!
What if tinago ito.. WOY D YAN TOTOO.
Napagod na akong maghanap kung saan-saan para lang mahanap ito. Kailangan ko ng taong matanong kung nakita ba nila or na pansin kung saan yung phone.. At alam ko na kung sino..
Nagmadali akong lumabas ng sala para pumunta sa taas. Syempre, susugurin ko yung isa jan.
Habang humahakbang ako sa hagdan while holding the stair case, may nakita akong apat na pinto na nakasara sa taas. Hanggang sa nakarating na ako dito sa second floor, naamoy ko biglaan ang blue berry na scent na nanggagaling sa loob ng pangalawang pinto na pupuntahan ko. Ang sarap nung amoy, parang candy kasi.
Merong ibang paintings rin na naka kabit dito, pang modern talaga yung style. Merong mga halaman rin na naka design lang sa gilid. Hanggang sa nakapunta na ako dito sa pintuan, na amoy blue berry rin sa loob. Kumatok ako sa pinto niya ng tatlong beses ng mahina. Ples rold.
Comments