Chapter I

Not So Ordinary
Please Subscribe to read the full chapter

Okay, konti na lang. Makakapagpahinga na rin. Onti na lang talaga.

 

Patuloy kong inakyat ang puno ng buko para marating ang isa sa mga tambayan ko at mapanood ang paglubog ng araw.

 

Yun! Sa wakas! Tamang upo lang ako dito sa kawayan na inassemble ni papa na nakadugtong sa isa pang puno ng buko. Ito kasi ginagamit namin para mabilis ang paglipat lipat sa mga puno sa pagkuha ng mga produkto nito tulad ng tuba, o kaya mismong bunga.

 

 

Pero ngayon, tapos na ang trabaho kaya naman naupo na lang ako. Tanaw ko na ang langit at ang magandang kulay nito habang papalubog ang araw.

 

 

Di nyo pa nga pala ako kilala. Ako nga pala si-

 

 

"Jimiiiiin!!!! Jimiiiiiin!!!"

 

 

Di ko maiwasan mapailing dahil malayo pa lang rinig ko na ang mga pagtawag sakin ng mga kaibigan ko.

 

 

 

"Hoy Jimin! Lumabas ka dyan!!"

 

 

 

Yun? Si Giselle yun. Isa sa mga ka-close dito.

 

 

"Hoy Jimin! Ano ba?! Labas na kasi!"

 

At yun naman si Ryujin.

 

 

" JIMIIIIIN!!! "

 

 

Langya! Ang tinis ng pagkakasigaw. Sakit sa tenga (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠). Panigurado si Ning yun. Andito na pala sya ulit.

 

 

Malayo pa sila, tanaw ko na silang tatlo mula sa kinauupuan ko.

 

 

Oh well. Medyo iba kasi senses ko, kahit malayo kaya ko makita at marinig ng malinaw. Perks ng di pagiging ordinary human.

 

 

 

Yep! You've read it right. Isa kasi akong kalahating engkanto. Hehe. Ops! Clarify ko lang ah, di ko kaya mag teleport, or mag create ng mga portal. O kaya naman magmagic ng ginto na katulad ng iba.

 

 

Namana ko yun sa aking ama, sya, purong engkanto. Pero di nya kaya magmagic. Di naman kasi sya royal blood.

 

 

Samantalang ang ina ko naman, purong tao. Pero sadly wala na sya.

 

 

Hindi nya nakayanan ang pagsilang sakin.

 

 

 

Di naman na nagasawa pa ulit si Papa at tinuon na lang nya oras nya sa pagpapalaki sakin at sa pagtatrabaho dito, sa Hacienda Alcantara.

 

 

Di naman kasi lahat ng tao, kaya tumanggap ng engkanto as their husband diba. Unless galing sa royal fam, kasi kaya nila magbigay ng good fortune para sa maiiwanan na pamilya e. Tapos dadalhin nila yung tao sa mundo nila. Ganun.

 

 

 

Hoy! Totoo yun ah. Kung narinig nyo sa mga kwento ng mga lola nyo mga tungkol sa engkanto na nagkagusto sa tao tapos bigla nadedeads kasi kinuha na kaluluwa nila at sinama sa mundo nila, totoong nangyayare yun.

 

 

 

Yung case naman ng mga magulang ko, sabi ni Papa mas maayos daw na manirahan na lang dito kesa dun.

 

 

 

So ayun nga. Kami ni Papa, kaya naman namin magmukhang normal. Kailangan din kasi lalo na pag lalabas kami ng hacienda. Nagagawa namin maitago ang medyo patusok na dulo ng tenga namin.

 

 

 

May ipaphid lang kami espesyal na langis na gawa ng mama ni Giselle, tapos yun, di na makikita ng ordinary humans tenga namin, pero nagsusuot pa rin ako bonet, hoodie o kaya naman nilulugay ko buhok ko para makasigurado na rin.

 

Sa mata naman, nagsusuot kami ng contact lens. Si papa kasi, medyo gold yung mata nya, sakin naman pula. Weird pag nakita nyo.

 

 

 

Oo nga pala, di ko pa pala nabanggit, alam ng lahat dito sa hacienda ang lahi namin ni papa. Kung ano talaga kami. At tanggap nila kami kaya ang saya lang.

 

 

Iba nga dito parang idol pa kami ni Papa kasi mas malakas kami, mas mabilis, malakas pandinig at pangdama. May kakayahan din kami mapanatiling malulusog mga halaman na inaalagaan namin. Tong hulo, kaya rin maman ng mga ordinaryong tao, pero kasi iba pa rin samin. Para kasing naririnig namin sila.

 

 

Habang si Giselle naman, at ang mga magulang nya, may lahing manggagamot. Albularyo ganun. Gets nyo naman na yun diba? Hehe.

 

 

 

"Hoy Jimin! Lumabas ka na nga! Naaamoy kita!"

 

 

 

Langya talaga si Ryu. May pasinghot singhot pa sa hangin, para tuloy syang aso.

 

 

 

Ganyan ata talaga pag may lahing aswang eh. Pero di naman mabaho tong tropa kong to ah, although di ko yan sasabihin sa mukha nya. Basta di sya kapareho ng mga asa kwentong aswang na mababaho daw. Baka ibang breed tong sila Ryujin kaya ganun.

 

 

D rin sila nagpapahid ng langis sa katawan para magtransform. Kapag nasa aswang form si Ryu, medyo look alike sya nung mga asa teen wolf.

 

 

Teka. Di kaya sa kanila kinuha inspiration sa show na yun???? Luhhh!!!

 

 

 

 

But anyway, astig ng tropahan namin nu. Isang engkanto, isang albularyo at isang aswang, hahahaha! Di ko rin alam pano kami nagkasundo sundo. Basta nangyare na lang.

 

 

 

 

"Jiiiiimiiiiiin!!!!!"

 

 

 

Argh! Bigla na ko napatakip ng tenga ko kasi matinis talaga boses nya. Paksyet Ning!!!! Hanep high note! .⁠·⁠´⁠¯⁠`⁠(⁠>⁠▂⁠<⁠)⁠´⁠¯⁠`⁠·⁠.

 

 

Yang si Ning, half chinese yan. Doctor ang daddy nya, while mama nya, kasosyo naman ng boss namin. May bahay sila sa city proper. Katapat lang ng bahay nila dun yung bahay nila madam, dun kami nakatira pag may pasok kami sa school kaya nagkakilala kami neto.

 

 

Pinagaaral kaming lahat ng amo namin. Ganun kabait si Madam T. Este madam Taeyeon.

 

 

 

Kahit ang yamang netong si Ning, di yan matapobre. Kami nga lang tatlo ata tinuturing na barkada neto e.

 

 

 

Tong hacienda naman malayo to sa city proper. Libliv nga to e. Di pa nga to abot ng kuryente at koneksyon ng tubig. Pero pinalagyan naman ni madam T tong hacienda ng mga solar panels para may kuryente kami magamit. Yun nga lang walang internet connection dito. Maganda na daw yun para di kung sinu-sino ang pumapasok dito sabi ni madam. Para na rin sa privacy daw at proteksyon samin nila Papa at sa pamilya nila Ryu.

 

 

Sa tubig naman, nagpatayo rin sya ng tangke para may running water kami magamit pero may mga poso din naman sa paligid saka malapit rin lang kami sa ilog.

 

 

Ang mga tauhan na naninirahan rito, bawat pamilya may kanya kanyang bahay na nakatayo sa gitna ng hacienda. Gawa naman sa konkreto ang bawat bahay kaya matibay. Tapos yung main house, kung san namamalagi ang amo namin pag nandito sya or pamilya nya, nakatayo sa gitna ng lahat ng kabahayan. Yun yung pinaka malaki dito. At pinaka maganda. 

 

 

May malawak na plantasyon ng buko at saging ang hacienda Alcantara. Meron din tanim na mga cacao at may malawak na pastulan ng mga baka at kambing. Meron din mga baboy at poultry.

 

 

Ang pangunahin namin trabaho ni papa at nila Ryujin at papa nya, ay maging tagabantay ng buong lugar. Di rin kasi maiiwasan na may mga magnanakaw e. Kaya dapat talaga bantayan din.

 

 

 

Lahat kami dito nagtuturingan na parang pamilya. Hindi mahigpit samin ang mga boss namin, pinapagaaral kaming mga kabataan kasi gusto daw ni Madam mangarap kami umasenso. Kung gusto mag college, susuportahan nya daw basta di kami magloloko.

 

 

 

"Aw!" May naramdaman akong tumama sa gilid ng ulo ko. Paglingon ko, sila Giselle na pala. Nahanap na nila ko.

 

 

 

"Gagu ka Axl Jimin Yu!!! Pinagod mo pa kami. Alam naman namin kanina mo pa kami rinig!" Reklamo ni Ryu.

 

 

Natawa na lang ako sa itsura nya.

 

 

 

"Bababa ka dito ng kusa o hihilahin pa kita pababa?" 

 

 

 

" Jimin kasi! It's so malamok na here! Dami ko na bites sa legs ko. Tara na ! "

 

 

 

" Sino ba kasi nagsabi sayo magshorts ka pagpunta dito? G na G ka pa sumama samin. Alam mo naman mapuno saka mahalaman dito" sita ni Giselle.

 

 

" Whatever"

 

 

 

"Oh kitamo! Magkaka LQ pa tong dalawang to dito. Kasalanan mo talaga to Jimin." Sabay turo ni Ryu sa dalawa.

 

 

Bakas sa dalawa ang gulat pero una nakabawi si Ning kaya nya bigla hinampas si Ryu.

 

 

 

"Pinagsasabi mo?!"

 

 

"Aray! Aray! Istap ka na Ning! Ano ba?!"

 

 

" Pakainin kaya kita ng bawang dyan?"

 

 

 

" Luhh di mabiro oh. Apaka pikon. " Nakangusong angal ni Ryu.

 

 

 

" Panget no Ryujin. Umayos ka nga" sabi naman ni Giselle.

 

 

Yeah, tama ulit basa nyo. Alam rin ni Ning ang lahi namin tatlo pero medyo duda sya kay Giselle hahahah! Di rin maiiwasan kasi may doctor sa pamilya nila e. Puro science science alam. Pero kahit ganun, tinropa nya pa rin kami. Best girl Ning! Yes!

 

 

Tumayo na ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
c_llux
#1
Chapter 1: Update pi 😭
howdoyouknowmee
577 streak #2
UPVOTED