fin.

Kagome

Dinadaan ko lang sa amat

Ang nararamdaman

Para naman kahit papa’no gumaan

“Isa pa…”

Walang buhay kong pakiusap sa bartender ng club na hindi ko na alam kung saan, maski kung anong pangalan.

Gumising na lang ako kanina at dito ako dinala ng mga paa ko.

Wala rin naman kasi akong pake kung saang club ako mapunta, basta maka-inom.

Maka-limot.

Kahit sandali lang.

Dahil sa sitwasyon ko ngayon, mas mabuti ng sumasayaw, umiikot ang mundo ko sa hilo kesa harapin ang bagay na kailanman hindi kayang tanggapin ng puso ko.

Ang katotoohanan.

Katotohanan na iniwan na nga talaga ako.

Iniwan ng babaeng pinakamamahal ko at hindi na bumalik.

Parang akong istatwang nakaupo sa upuan. Nakatulala, hawak hawak ang baso na ngayo’y wala ng laman. Sobrang tamlay, mata’ng walang kabuhay-buhay.

Hahaha. Paano na nga ba ako mabubuhay? Paano? Kung ang nag-iisang dahilan ko para imulat ang aking mga mata araw-araw tuluyan nang kumalas sa bisig ko?

Paano ako makakangiti, makakangisi, kung ang bukod tanging nag-bigay kulay sa aking mundo ay ang dahilan sa kagaguhang ngayo’y hinaharap ko?

Bigla mo na lang binawi ang mga ngiti sa labi ko. Na para bang isa lang akong isda, malayang lumalangoy sa karagatan, tapos ikaw ‘yung ibon na bigla na lang akong dinakma at binawian ng buhay.

Sabihin mo sa akin paano.

Sa paanong paraan ko ba malilimutan ang mga ngiti mo? Ang lambing at tamis ng pag-ibig mo? Paano ba kita kakalimutan?

Paano ba kita bibitawan?

Nakakapanghina, nakakahilo, nakakasuka.

Pero kahit gaano pa kalakas ang musika na tumutugtog, katapang ang mga alak na aking nalulunok, walang makakatanggal, makakahilom… Sa sakit na maya’t maya kumikirot at bumubulabog sa puso ko.

Pilit kong hinahanap ang mukha mo sa bawat taong nakakabangga, salubong, nakakatinginan sa malaking espasyo na ‘to, pero wala.

Wala rin akong napala dahil tangina.

Iisa lang talaga.

Iisa ka lang, Winter.

 

Dahil sa totoo lang

Sa 'yo ko lang 'to naramdaman

 

Past

“Get ready in fifteen minutes!”

Nakakarinding sigaw ng isa sa mga staff ng concert na nagaganap ngayon ang bumawi sa tiyansa kong magkaroon ng panandaliang katahimikan. Hindi lang galing sa isa, kundi sigaw galing sa daan daang taong naghihitay sa labas bago mag-simula ang set namin.

I am in a huge music festival right now, kung saan sa labing-limang minuto, ay aakyat na ako, kasama ang mga kaibigan ko, para tumugtog at haranahin ang madla.

Ako, si Aeri, Ryujin at Yujin— kaming magkakaibigan ay nagsama-sama bumuo ng isang banda. Si Yujin ‘yung drummer namin, lead guitarist si Aeri, bass si Ryujin then vocalist at rhythm naman ako. You know the typical bands. Parang Parokya o Kamikazee ganon.

So ayon nga, nasa concert kami ngayon. and kami na ang next na mag-peperform— which is the last act for today. It’s been so long since we’ve been into music festival. Recently, puro solo concert kasi kami. Tapos nagkaroon lang kami ng mga 2 weeks break then balik na ulit. This concert is one of the prominent festivals we’ve ever been to kasi mga big names lang talaga nakakapagperform sa concert na ‘to so imagine how proud kaming lahat.

Imagine kung gaano kami kakaba. Hindi namin pwedeng i-ed up ‘to. Jusko, feeling ko matatae na ako.

Anyway, we’ve been playing for almost 6 years now, and marami na rin kaming songs na sumikat. Since 18 years old kami, merely a college student, pangarap na naming mag-totropa na magkaroon ng pangalan sa industriya ng musika.

Kaya nung nagkaroon kami ng oportunidad tumugtog nung acquaintance party, eh hindi na kami nag-dalawang isip at dumeretso sa tabi-tabing rehearsal studio para mag-practice. Oh diba, bata pa lang pero business minded na. Sabi nga diba, nasa mindset ‘yan.

Tanda ko nung unang sinabi mo sa akin na isa ‘yon sa rason kung bakit ka nagka-gusto sa akin. Kaya nung sinabi mong ‘wag kong susukuan pangarap ko dahil ayon sa’yo may mararating ako, talaga bang ginanahan ako ng sobra na para akong sundalong handang harapin ang libu-libong kalaban ng mag-isa.

Nag-sumikap kaming magkakaibigan para tuparin ang pangarap na sabay sabay naming binuo.

Now, look where we are!

Finally savouring the fruit of our relentless hard work and burning passion.

I’m in my 20’s.

Successful.

Happy.

Engaged.

About to marry the woman of my dreams. The girl who’s been the apple of my eye since the first time I laid my eyes on her in the crowd nung first gig namin.

My one and only subject, the inspiration! — of my written songs.

My love. My fiancé.

It’s you, Winter Kim.

“What are you giggling about?” Tanong ni Yujin sa akin na katabi ko ngayon, inaayos ‘yung sticks niya.

Ngumiti na lang ako pabalik at simpleng sinabi, “Wala.”

See?

Even the thought of you makes me giddy.

Ganito pala talaga mag-mahal ‘no?

‘Di ko pa nakukumpleto ang larawan mong kusang pinipinta ng isip ko, pero may mamumuo ng ngiti sa labi ko.

‘Di pa ako nakakarating sa marikit mong mata, pero parang lilipad na ako.

“Iisa lang naman rason bakit napapangiti ‘yan ng ganiyan,” Pang-aasar ni Aeri.

“Alam na. Hahaha.” Katyaw ni Ryujin.

“Winter.” Singit ni Yujin.

Imbes na mainis ako, lalo lang lumaki ang ngiti sa mga labi ko. “Tama naman,”

“Ano? Kelan na ba ang kasal? Parang halos isang buong taon na kayong engaged ah? Wala pa ring date?” Tanong ni Ryujin.

“Ba’t ba nagmamadali kayo?”

“Wala lang,”

“Lul mo, Ryujin. Excited ka lang mag-hanap ng chiks sa kasal eh.” Ayan nag-sisimula nanaman sila. Hahaha

“Uy, gago, hindi ah! Nag-bago na ako. Tsaka excited lang talaga ako sa tutugtugin natin. Alam mo bang pangarap ko ‘yon? Pinapractice ko na nga ‘yung theme song nilang dalawa eh. Hahahaha.”

Ah, yes. Plano kong tumugtog kasama sila sa kasal. The song that we will perform is already in the works.

It's self-composed by me. Inspired by our long loving relationship.

Verse 1 and 2 tapos na. Chorus pati pre-chorus tapos na rin. Interlude, ayos na rin. Bridge na lang kulang.

Hindi naman ako nag-mamadali sa kanta kaya okay lang. Hindi ko matapos tapos kasi medyo busy dahil nga sa sunod sunod na concerts at gigs sa iba’t ibang parte ng bansa. Tapos kapag nakakauwi naman na ako, bumabawi ako sa’yo.

Although these past weeks, mas ineeffortan ko pa. Napapansin ko kasi, mukhang nag-tatampo ka na ata dahil wala na akong masyadong time na nalalaan. Dumagdag pa na sobrang galing at ganda mo kaya napapadala ka most of the time sa ibang bansa for shoot or runaway. Lalo tuloy humirap maghanap ng time na miski saglit na lakad sa playground malapit sa atin, hindi na natin nagagawa.

Hindi mo man sabihin pero alam kong nalulungkot ka na din. We’ve been together so long that I can read easily kung ano bang iniisip mo.

And these days, may bahid ng lungkot na hinaluan ng disappointment ang nakikita ko sa’yo.

Alam mo ba gusto kong tumititig sa mga mata mo, kasi nga sabi nila “eyes are the window of souls”. Kaya tuwing tinitignan kita, gumagaan pakiramdam ko. Pero noong mga oras na ‘yon na sinubukan kong basahin kang muli, lalo lang akong nalungkot. Kasi wala. Wala akong makita. Blanko.

Wala ang makulay at puno ng pagmamahal na noo’y laging nasisilayan ko.

Sobrang guilty at lungkot ko talaga ‘non.

Pakiramdam ko nabibigo na ako as girlfriend mo.

Kaya mas ginugol ko ang oras ko makabawi sa’yo.

Dumating na nga sa punto na minsan binalak kong mag-break muna from the band eh. Nalala ko nung sinabi ko sa’yo ‘yon, hindi ka pumayag.

It was 6 months before this day, umuwi ako ng maaga from our gig sa Cavite. Pagkatapos ng ilang linggo na sobrang hectic ng sched, sa wakas nakapag-usap na tayo.

Nung una wala pang kibuan. Tila tunog lang ng kubyertos ang maririnig. ‘Di ko alam kung ilang anghel na ba ang dumaan sa tagal ng katahimikan na bumabalot sa ating paligid.

May sandali pa ngang kahit anong tunog wala, kasi habang ikaw ay nakatulala, ako naman ay nag-iisip kung meron ba akong maling nagawa.

Nagkatinginan tayo, pero ngumiti ka lang. Ngiti na hindi man lang umaabot sa mata mo.

Hindi ko na rin kinaya kaya tinanong na kita.

“Win, is there something wrong?”

Inalis mo ang tingin sa pag-kain at ibinaling sa’kin tapos sumagot ka gamit ang pag-iling.

At tumahimik ulit.

“Baby, are you okay?”

Tumigil ako.

“Win…”

Mga ilang segundo bago mo nasagot ang tawag ko. Tumingin ka ulit at pilit na ngumiti.

“I’m okay. I’m under the weather lang.” Sabi mo at huminga ng malalim.

“There’s nothing to worry about.”

Dagdag mo, gamit ang pihikan mong boses na parang tinatago mo ang tunay na nararamdaman mo.

It was the words na ilang beses ko nang narinig from your pretty mouth.

Words that are so little yet feel so heavy.

If it’s nothing, why can't you look me in the eye?

If it’s nothing, why can't I reach out?

If it’s nothing, why do you have to lie, Win?

Questions that I’ve been wanting to– begging to– ask but not being able to.

Kasi masakit eh. Masakit na iniisip ko pa lang na kapag tinanong kita, baka katahimikan lang ang masasagot mo.

Your silence pains me more than your words, Win.

Nung napansin kong parang ayaw mo ng pag-usapan pa ang tungkol ‘don, mahina akong ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.

Hinayaan na lang kita at hindi na nag-tanong ulit.

  1. lumipas ang oras na wala sa atin ang umiimik, dahilan ng aking muling paghihimutok.

Medyo nahihibang na ako kasi iba talaga eh. Parang may hindi tama sa katahimikan na ‘to.

Kaya napagpasyahan kong i-brining up ‘yung planong kong pag-leave ko sa banda para kahit papano e may mapagusapan tayo. Nung una nagulat ka, tapos tinanong mo pa ako kung sure ba ako, baka nagmamadali lang ako. Pero sabi ko sa’yo, matagal ko na ngang pinaplano ‘to at naka-usap ko na rin sila Jed, ang manager namin, na magiging song-writer muna ako ng banda for a while.

Pero kahit anong pag-eexplain ko, ayaw mong pakinggan. Lahat nirerebutt mo.

Kesyo paano kung hindi mag-work? Paano kung sa banda talaga ang passion ko? Anong gagawin ko? Pa’no kung ganito, ganiyan.

Kaya medyo nainis ako sa’yo.

Hindi ba pumasok sa isip mo na gusto kong gawin ‘to kasi gusto ko? Kasi para sa atin din ‘to? Hindi mo ba ‘yon naisip? Kahit katiting man lang, hindi ‘yon sumagi sa utak mo?

Dahil sa naguumapaw na emosyon at luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko, hindi ko na rin napigilan kaya lumabas na rin ‘yon sa bibig ko.

Tumahimik ka ng sandali at naluha na nga ako.

Parang kanina kumakain lang tayo pero paanong umabot tayo sa ganito?

“Karina,” Napabuntong hininga ka. “I’m okay. You don’t have to leave the band for this. You’ve been with them long before I did. At saka, hindi naman tayo nagmamadali diba? We still have time. And you don’t have to worry dahil kasama mo naman ako. So please, don’t do it.”

“What do you mean “leave the band for this”? Win, hindi ka “this” lang. You are my girlfriend, and soon to be my wife. Masama bang i-priority kita?”

Sabi ko at nakita kong parang may kung anong nangyare sa mga mata mo.

Takot? Kaba? Ligaya?

‘Di ko alam.

Napabuntong hininga ka ulit.

At sinabing,

“Karina, ‘wag na natin pahirapan ang isa’t isa.”

“Win–“

“Rin, please. You don’t have to worry about anything. It’s not worth leaving them.”

Gusto kong sumagot ulit sa’yo kaso mukhang wala rin namang magandang kahahantungan ‘to kaya hinayaan na lang kita.

Kahit na nasasaktan ako ng sobra sa mga salita mo. Para kasing sinasabi mo na mas matimbang ang ibang bagay kesa sa pagmamahal ko sa’yo.

Ganon na ba talaga ako ka-walang kwentang partner mo?

Ganon ba talaga napaparamdam ko sa’yo?

Sana magkaroon ako ng lakas ng loob na matanong sa’yo ‘to.

At sana kapag handa na ako, masasagot mo na.

Pero sa ngayon, hahayaan na lang muli kita. Pagkatapos din naman ‘non, pinaulit-ulit mo din namang inexplain at tinatry na reassure ako.

Surprisingly after that, naayos natin.

Mukhang kailangan nga talaga natin ng pag-uusap na ‘yon. Kasi parang mas lalong naging okay tayo? Ewan, basta parang mas nag-glow tayong dalawa at ang relationship natin.

Dahil unti-unti na ding bumabalik ‘yung mainam na daloy ng relasyon natin, napukaw nanaman akong mag-sulat ng mga kanta.

Actually, ‘yung dalawang kanta na tutugtugin nga namin mamaya ay kasama sa bagong album na balak naming irelease soon.

At ang mga dumalo sa concert na ‘to ang unang makakadinig sa kwento na may naglalamang ikaw.

Lahat ng ‘yon ay tungkol sa’yo.

Bawat sandali ng ating pagsasama, bawat detalye ng pagkatao mo ay sinalin ko sa pamamagitan ng pagsulat ng bawat letra sa papel. Bawat halakhak mo sa mga dad jokes na binabato ko. Mga akap mo sa mga panahong malamig at sa gitna ng ating pagiinit. Mga saglit na paglakad natin habang magkahawak ang ating mga kamay sa tahimik na daan at kalinaw na gabi. Bawat pagtinginan nating puno ng lambing kahit na tayo’y napapaligiran ng daan-daang tao.

Ang paguunawa, pagaalaga, at pagmamahal mo ang naging inspirasyon ko para makabuo ng isang buong koleksyon ng kanta kung ga’no nga ba talaga kasarap ang magmahal sa mundong ‘to.

Sabi nga ng nila Yujin, nakaka-cringe raw.

Ano bang laban ko?

Masama bang gumawa ng isang katha para magpahalaga sa katangi-tanging likha at basbas ng diyos mula sa langit, in short, sa isang anghel na katulad mo?

Cringe na kung cringe.

Nagmamahal lang naman ako.

Gusto ko pa sanang ituloy ang paggunita ng matamis na ala-ala pero naputol din agad ng mag-text ka.

Winter (7: 05 PM): I’m sorry.

Natigilan ako.

Kinakabahan at natutuliro.

Nag-aalala na baka may kung anong nangyare sa’yo.

“I’m sorry.”

“I’m sorry.”

Pilit kong inalala ang mga nakaraang araw. May nangyare ba? May nagawa ba ako? O may nagawa ka ba na ‘di ko alam? Napapaisip na ako kung anong naging dahilan kung bakit bigla ka na lang nanghihingi ng tawad.

Karina (7: 06 PM): hey, baby. What’s wrong? Why are you saying sorry?

Karina (7: 06 PM): love, are you okay?

Kinakabahan naman ako. Sa bawat minutong lumilipas na hindi ko naririnig tumunog ang phone ko, pakiramdam ko eh atatakihin na ako.

Mahal, ano bang rason mo?

Bakit ka nag-sosorry?

Putcha, ang tagal. Memessage na sana kita ulit ng biglang dumating pangalawang mensahe mo. Dali dali ko ring in-unlock ang phone ko at huminga ng malalim.

Winter (7: 09 PM): I’m really sorry, Karina. I can’t do it.

What?

Karina (7:09 PM): Winter, what do you mean?? Pls tell me because I’m wrecking my brain here. Did I do something wrong?

Karina (7:10 PM): if this is about missing our gig tonight, it’s alright baby. Y’know naman i understand. Paris and Manila is not a walk in the park. that’s fine for me. You dont have to say sorry my love

Karina (7:10 PM): love?

Karina (7:11 PM): Pls talk to me

One minute.

Three minutes.

Five minutes.

For ’s sake, Winter.

“Jed, labas lang ako ah!” Paalam ko, hindi ko na hinintay ang sagot at agad lumakad palabas ng tent. Pumunta ako sa part na wala masyadong tao at sinubukang tawagan ka pero hindi ka sumasagot. Paulit-ulit ngunit dinadirect lang ako sa voicemail. Pero ‘di ako tumigil at tinawagan ka ulit. Baka kasi pinaprank mo lang ako eh. Hinahamon at tinitignan kung anong gagawin ko, kung hahayaan lang ba kita. These days medyo babad ka na sa TikTok at minsan pa nga sinubukan mong lokohin ako eh.

Pero you know you can’t do it to me.

I know you too well.

I know when you’re telling the truth.

And I know when you lie.

Aha!

Sigaw ko sa isip ko nung tumigil ang ring at finally sinagot mo na ang tawag ko.

“Love? Winter? What’s wrong baby? Ano ‘yung text mo? What do you mean you can’t do—” Natataranta na ako kaya tuloy tuloy lang ako sa pagsasalita.

“I’m sorry, Karina…” Sagot mo.

Hindi ko alam kung sincere ka ba o ano, kasi wala man lang kahit anong bahid ng emosyon sa boses mo.

O baka kasi hindi lang ako sanay na marinig kang ganiyan?

Pagod. Matamlay. Walang kabuhay-buhay.

Grabe naman ‘tong prank mo; parang panandalian akong nalito kung ikaw ba talaga ‘tong kausap ko.

Asan na ‘yung mayumi, mahinhin, punong puno ng pagmamahal na tinig mo? ‘Yung tipong kahit hininga mo lang ang naririnig ko, para mo na akong niyayakap sa bisig mo?

Bakit parang ngayon ako na ang sumasakal sa’yo?

“My love, can you please tell me what happened?”

Hindi ka sumagot. Kala ko pinatay mo na.

“Winter? Baby, please talk to me.” Pagmamakaawa ko sa’yo, pinilipilit na sana magsalita ka na.

Napagbigyan din agad ang hiling ko, pero alas, hindi sa paraan na gusto ko.

“I can’t marry you anymore. Let’s end this.” You said, firmly. Na parang matagal mo ng pinagisipan at pinagplanuhan ang sasabihin mo. Wala man lang preno, or kahit utal na pwedeng mag sabing baka pagsisihan mo rin ‘to. Sa totoo nga, muntik ko ng matananong, ni rehearse mo na ba ‘to?

“Winter, you’re j-joking, right? Is this a prank? Is this another Tiktok content? Tell me it’s just a j–“

“It’s not, Karina.”

“No, Win.”

“I’m serious, Ka—”

“NO, YOU’RE NOT!”

Hindi ko na rin napigilan at napasigaw.

Tangina, ano ba namang malaking joke ‘to?

“Karina…”

“W-Win, please! This has to be a ing joke. W-Why are you telling this to me now? In the phone? You’re not like this, baby. P-Pleasee…”

“I…” You paused, and my breath hitched.

Kasi ang ineexpect ko sasabihin mo, it’s a prank!

Tapos babalik na tayo ulit sa dati. Syempre magtatampo ako ng kaunti, pero iisipin ko rin paano ako makakabawi sa’yo.

Pero mali pala ako.

Ang inaasam kong marinig ay hindi lumabas sa labi mo.

“I don’t love you anymore, Karina. I don’t see my future with you any longer. I’m sorry…”

At duon ako’y dahan dahang napaluhod at humagulgol.

‘Di ko alam kung pinagtitripan lang ba ako o narinig ng kalikasan ang hinaing ng puso ko dahil biglang umiyak ang langit kasabay nang pagdaloy ng mga luha ko.

Hindi ko na pinansin ‘yung basang cellphone ko. Hindi ko alam kung nasa call ka pa o binaba mo na.

Nagpatuloy ang aking pagluha sumasabay sa bawat patak ng ulan habang puso't isipan ko'y binabagyo ng mga tanong.

Paano mo sa akin nagawa sa akin ‘to?

Talaga bang iiwan mo na ako, Win?

“Karina! Kanina ka pa namin hinahanap. What the hell happened? Pumasok ka na sa loob!” Sigaw ni Aeri ng makita nila akong nakaluhod sa putikan.

Walang laban akong nagpadala sa luob ng tent at inupo. Mukhang napansin din agad nila ang nangyare kahit na ang pwedeng pagkabasa ng mukha ko ay dahil lang sa ulan, hindi sa iyak.

“Are you okay?” They asked, pero hindi ko nasagot.

“The concert was postponed for 20 minutes. Aayusin lang daw nila ‘yung cover at mga instruments. Nabasa kasi ng ulan eh.” Sabi ni Ryujin.

Again, wala akong sinagot at nakatulala pa rin.

Sa dami ng tanong na sumasagi sa isip ko, isa lang ang may solusyon.

Walang pasabi akong tumayo at nagsimulang mag-lakad.

“Karina! Hoy! Gago, umuulan!! BULAG KA BA?!? KARINA!!!”

Lumabas ako ng tent at naglakad papunta sa kotse namin.

Trinay kitang tawagan ulit.

Paulit ulit.

Kasi gusto kong puntahan ka.

Gusto kong kausapin ka.

Baka maayos pa.

Baka nalulungkot ka lang kasi nagkawalay nanaman tayo ng matagal sa isa’t isa.

Kasi hindi possible eh.

Hindi pwede ‘to.

Bigla bigla mo na lang akong bibitawan ng ganito.

Na parang wala lang ‘yung maraming taong pinagsamahan nating dalawa.

Kahit na lumalabo na ang paningin ko dahil sa ulan at sa mga luhang walang tigil na umaagos, nag-tuloy pa rin ako sa paglalakad.

Kahit na puro sablay ang naririnig ko sa aking telepono, patuloy pa din ako sa pagtawag.

Kahit na naramdaman ko ang pag-pigil nila Yujin sa akin, kahit na dinambahan na nila ako, patuloy pa rin akong kumawala at tumayo para makalipad papunta sa’yo.

“KARINA, ANO BA!” Sigaw ni Aeri na nasa harapan ko. “Ano bang nangyayare sa’yo?! Saan ka pupunta?! Ba’t bigla kang nagkakaganiyan?!”

“Let me go, Aeri…”

“No.”

Tinignan ko siya.

Bigla ang paghina ng ulan, pero ‘yung mga mata ko parang binabagyo pa rin.

‘Di ko alam pero biglang nag-iba ang expression ni Aeri. Nawala ‘yung inis, napalitan ng lungkot.

“The subscriber cannot be reached. Please try again later. The subscriber cannot be reached. Please try again later.”

“P-Please…” I begged. “Let me g-go…”

Mga isang minuto ang lumipas bago ako bitawan ni Aeri at saluhin ng yakap niya.

“I-I need to see Winter, p-please… I need.. I need her… p-p-please…”

“Karina…”

At sa paghigpit ng akap at sa himas ni Aeri sa aking likod, tuluyan na talaga akong sumabog.

Mga ilang minuto rin kaming nakatayo lang sa labas. Si Aeri nakikinig lang at inaalalayan ako, habang ako nagpatuloy sa paglabas ng hinanakit.

Umiiyak, nag-mamakaawa.

Please, wag mo gawin sa akin ‘to.

Parang awa mo na.

Hindi ko kayang mawala ka, Winter.

Paulit-ulit kong sinisigaw sa isip ko, umaasa na sana madinig mo.

“Karina, I don’t know what’s happening to you right now but please, let’s go inside. Magkakasakit ka niyan.” Hindi na ako sumagot at muling nagpadala sa kanila.

Hindi ko man nakikita pero ramdam kong lahat ay nakatingin sa akin.

Sino ba namang hindi mapapatingin sa taong parang binagsakan ng mundo, dinaanan ng mata ng bagyo na katulad ko?

Maga ang mata. Hinahabol ang bawat paghinga.

Alam kong naguguluhan at nag-aalala sila dahil sa sitwasyon ko ngayon. Kaya sa pagkaupo ko, agad akong pumikit.

Huminga ako ng malalim.

Pilit na binabalik ang aking sarili sa kasalukuyan.

Tinatangkang ilibing ang masalumuot na nangyare kani-kanina lang.

Bigla ko kasing naalala, nasa concert nga pala ako.

Kaya ayon, sinubukan kong isantabi muna ang aking nararamdaman at pinakalma ang sarili ko.

Hindi ko alam kung paano basta ginawa ko na lang.

Hahahaha. Galing ko ‘no? Pwede na atang pang-oscar ‘to!

Binigyan din naman nila ako ng ilang minuto para mag-adjust. Buti na lang nagawa kong itahan ang aking mga hikbi.

“Karina?”

I inhaled then exhaled.

At binukas ang mga mata.

“Yeah?”

Buong minuto walang nag-salita sa kanila, pero ramdam ko ang tensyon at paguusap sa isipan nila.

Ryujin, ikaw na mag tanong!

Lah, ba’t ako? Ako na tumawag. Ikaw na, Yuj.

You know how awkward I am when it comes to this! Aeri, you do it! You’re the best friend!

That’s how I imagined it kaya I saved them from further distress at sinabing,

“I’m okay, guys. Namiss ko lang si Winter.”

I lied.

And unfortunately in my case, alam kong alam nila.

Pero hindi naman para sa kanila ‘yon, para ‘yon sa mga matang nakatingin.

At eto lang ang alam ko na way to say,

‘Please, wag muna ngayon. Hindi ko pa kayang pag-usapan.’

Mahina akong napangiti ng sabay-sabay silang sumagot ng isang maikling

“Okay…”

“Girls?”

Napatingin kami kay kuya Jed dahil sa pagtawag niya. Lahat ng staff ay agad ding lumabas at iniwan kaming lima.

“Everything alright?”

Hindi ako sumagot at pinabayaan ko na sila.

Isang kasinungalingan lang sa isang araw.

Kota na ako.

“Opo, kuya.” Sabi nila.

“Are you sure?” He asked again, but this time sa akin na nakatingin.

.

Hays.

Oh, well.

“May hinanaing lang dito pero kaya pa naman, kuys!” sabi ko sabay turo sa dibdib, sa bandang puso ko.

Hindi totoong totoo, pero hindi rin naman kasinungalingan.

“Okay. So, kaya pa ba ituloy? Tumila na ang ulan, at naayos na rin ang stage, if gusto niyo pang ituloy, we could. But if not, that’s okay also. Maiintindihan naman ‘yon ng mga manunuod.”

And just like what I expected, walang sumagot sa amin.

We’ve been together for how many years now. Basang basa na namin ang isa’t isa.

At ngayon alam kong sagot ko ang pinakaimportante sa kanila.

Kaya nag-resort na lang ako sa madaling choice.

Kahit kota na, okay lang. Breaking the rules is good once in a while. Hahaha.

Tutal hindi lang naman rules ang wasak ngayon, ba’t pa ako hihinto diba?

“Kayang kaya, kuys!”

Pagsisinungaling ko ulit.

Fake it ‘til you make it sabi nga nila.

“Sayang ang effort ng mga fans. We don’t want to disappoint them.” Dagdag ko.

Mas madali ang magkunwari ako kesa harapin ang mga tanong na hindi ko muna masasagot sa ngayon.

Kaya inayos ko na lang din ang sarili ko at pilit na tinanim ang sakit at puot na nagnanais sumakop sa puso’t isipan ko.

“Okay, if you’re sure then. Dry yourself Karina at magpalit. Magkakasakit ka niyan.”

“Opo.”

“I’ll inform them about this. Ready na kayo in 15 minutes, okay?”

We nod back in reply.

After kong magpalit, umupo na ako sa gilid para mag-handa and the same goes for the others.

Tahimik lang kaming apat.

Maya’t maya, lumapit din sa akin si Yujin.

“Hey,”

“Hmm?” I responded back.

“Uh, I’m not usually like this you know that but we’re worried, Rina. Are you really sure you’re okay?” Sabi niya, while nakatingin ng may pag-alala sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. “Gusto kong kumanta, Par. Baka sakaling mawala.”

Sagot ko. Gets naman na niya ‘yon. Since high school pa nga lang magkakaibigan na kami, alam na nila mas makakabuti sa akin na hayaan na muna ako.

Hindi na siya sumagot at niyakap ako. Kumalas din siya agad at tinapik ang aking balikat. “We’re here for you, okay?”

“I know.”

“Ready na ba kayo?”

Geh, tangina.

“Yes po.”

Umakyat kami sa stage na parang walang nangyare sa likod ng mga lente.

Feeling ko deserved ko ng isang masigabong palakpakan dahil nakaya kong kumanta at magpanggap na masaya sa isang buong oras.

Buti na lang nagdala ako ng shade. Hindi nila mapapansin maga ng mata ko. Hahaha.

Sa isang buong oras na ‘yon, hindi ko hinayaang sumagi ka sa isip ko. Kaya kahit papano nairaos kong kumanta ng maayos.

Well, until we get into that part.

That part where I have to sing, in front of these people, the song that I’ve been writing for months, solely dedicated to you.

Napatanong ako bigla.

Kakayanin ko bang kantahin ‘yon ng walang tutulong luha sa mga mata ko? Kaya ko bang walang maramdamang kirot sa dibdib ko?

Tinignan ko sila Aeri sa likod at sumenyas ng tres.

Meaning may gagawin ako.

“Okay, so before we end this concert, we still have four more songs to sing to you guys.” Sabi ko at nadissappoint sila.

“I know, I know. It’s sad, but don’t worry, worth it naman. By the way, gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng dumalo ngayon. Kahit na bumagyo, tumuloy pa rin kayo. We really appreciate it. Sana nag-eenjoy kayo. Nag-eenjoy ba ang lahat?!” Sigaw ko at um-oo rin naman sila.

“Okay, so, speaking of ulan, ang lamig ‘no? Hahaha” Tumawa rin sila. “Parang ang sarap mag-senti sentihan at yakapin ang sarili sa lungkot.” I paused. “Or sa lambing, kung may jowa kang kasama. Hahaha.”

Sumenyas ako ng letrang “C” kila Yujin, meaning I’m gonna do a cover.

“Since puro tayo rakrakan kanina, senti naman ngayon. So, this next song we’re going to perform tonight is a song from another band and one of our favorites nung mga high-school pa kami. Kasi isa ‘to sa mga kanta na una naming natugtog nung bago pa lang kami as a band.” Sabi ko.

Lumapit ako kila Ryujin at ibinulong ang kanta na plano kong tugtugin. Buti na lang ilang beses na naming napractice ‘to before kaya kabisadong kabisado na namin.

“This song is about a person na nabigo kasi iniwanan na siya ng taong mahal na mahal niya. And the most damning of all is alam niya sa sarili niya na kahit anong gawin niya, hindi na babalik ‘yung iniibig niya. This song was the singer’s way of saying to that person that left them na,”

“Mahal kita kaya kung diyan ka sasaya, hahayaan kita.” I said and the crowd crooned.

Huminga ako ng malalim, pumwesto at nagsalita sa mikropono.

“If you know the song, please sing along. This song is Ulan by Cueshé.”

And off we go.

Lagi nalang umuulan

Parang walang katapusan

Tulad ng paghihirap ko ngayon

Parang walang humpay

 

Alam ko sa una pa lang nang maisip kong kantahin ‘to ay isa ng suicide.

Punyeta, ba’t naman kasi sa lahat ng kanta sa mundo, ito pa ang unang sumagi sa isip ko?

 

Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap

Na limutin ka ay di pa rin magawa

 

Ayan nanaman tuloy siya.

‘Yung mata ko gusto nanaman mag bida-bida.

 

Hindi naman ako tanga

Alam ko nang wala ka na

Pero mahirap lang na tanggapin

Di na kita kapiling

 

Masyado akong naging kampante. Tinuon ang sarili sa pagpapadama na mahal kita ngunit ‘di ko alam, hindi na pala ‘yon umaabot sa’yo.

Hindi mo na pala tinatanggap ang pag-ibig ko.

Habang ako’y nagsusumikap alayan ka, unti unti mo na pa lang sinasarado ang puso mo.

Hanggang sa kahit anino ko, hindi na makatapak sa templo ng buhay mo.

 

Iniwan mo akong nagiisa

Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

 

Para akong isang musikang wala sa tono. Isang tula na wala sa tamang metro.

Para na lang akong manika na kinokontrol ng iba, sumusunod sa daloy ng bawat momentong lumilipas.

Ako pa ba ‘yung kumakanta? Parang hindi na ata.

Dahil napuno nanaman ng ikaw ang isipan ko.

Paulit-ulit naglalaro ang mga salita na sinabi mo na parang sirang plaka.

‘I don’t love you anymore, Karina.’

Paano mo nagawang sabihin ‘yon ng ganon ganon na lang?

Baka pwede mo naman akong turuan, Win.

Baka may steps kang alam.

‘Yung mabilis lang sana.

Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko bang dalhin ‘to eh. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang salubungin ang umaga na maging okay sa sitwasyon dalawa.

Win, baka naman. Hahaha.

Masakit na kasi masyado eh.

 

Tanging hiling sa’yo

Na tuwing umuulan

Maalala mo sanang may

Nagmamahal sa’yo

 

“Ako…”

Duon ko na diskubre na kahit buong araw akong magkakakanta, kahit isang linggo akong mag-consume ng jelly, kahit bilhin ko pa daan daang buwaya sa mundo, wala pa ring makakapag hilom sa puso ko na nagsusumamo sa pag-ibig mo.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
whiskeyromeowrites
Let me know your thoughts. Hehe.

Comments

You must be logged in to comment
YuJiministheStandard
#1
Chapter 1: Umagang-umaga ang sakit-sakit mo! 😠 I wanted to know kung bakit iniwanan ni Winter si Karina. Lagi naman may two sides ang story. Baka naman may sequel dyan, hindi pwedeng hindi to happy ending. 😭

It seems like may threory ako, sabi ni Karina na wala pang bridge yung kanta na ginagawa nya for Winter, baka ito na yon. HAHAHAHA Ano ba yan? But after ng bridge, laging may last chorus di ba? YAN NA YUNG HAPPY ENDING NILA, DECISION AKO. Pag to talaga walang sequel, magwawala ako, chos.
howdoyouknowmee
567 streak #2
Chapter 1: Upvoted
Maatt_booii #3
Chapter 1: Yung mga taong sa selpon lang nakikipaghiwalay?? mga walang bayag yun!! mga takot sa komportasyon!! Pisti na yan 😤😤
At ekaw na yan winter!! Buti dka pinakain sa buwaya 😅😅
BeeGeePee82 #4
Chapter 1: Ang sakit sakit mo otor 😭😭😭 solid po ng pagkakagawa nyo ramdam na ramdam ko yung sakit