Walo
TUTOR
Hindi ako makali dito sa may labas ng gate, di ko alam kung papasok ba ako o hindi. Si Ning kasi! bakit walang preno ang bibig nito?
"Hoy! Winter para kang sira dyan, kanina ka pa dyan sa labas" sabi ni papa na nakasilip sa may tindahan
Tumingin ako dito
"Nakaalis na po ba sina Ma'am?" tanong ko kay papa
Nananalangin na sana wala na sila sa loob, at sana di umalis si ate sa kwarto, kasi iniisip ko pa lang mga worst scenario sa isip ko, baka mapalayas ako at masampal nanaman, may mapupuntahan naman ako kina Ning o kaya kay Yuna, malayo kung kina Ryujin pa.
"Umalis na yung dalawang anak ni Ma'am Elena kakausapin ka ata para sa tuturuan mo na anak nya" sagot ni papa
Yung kaba ko, di ako makagalaw dito lalo. Ayun ba talaga ang dahilan kung bakit andito pa si ma'am?
"Natulala ka dyan. Ok ka lang ba? ang putla mo" alalang sabi ni papa
Tumango lang ako, at naglakad na papunta sa bahay.
Pagpasok ko pa lang sa may salas, sakin na kaagad sila nakatingin, nagulat pa ko at andito si ate nakaupo katabi ni mama. Di ko mabasa ang pinta ng mukha nya, di ko masabi kung galit ba ito o hindi.
Sa mga mata na lang na nakatingin sakin andami na nilang gustong itanong, maliban kay ate di ko sya mabasa o kinakabahan ako dahil mabilis lang naman ako tumingin kay ate.
"Winter" tawag sakin kaagad ni mama
Napatayo ako ng diretso,
Tumingin lang naman ako dito.
Gusto ko na matapos ang araw na ito at bumalik na sa normal ang lahat, wala na kong enerhiya.
"Kanina pa kita pinapaupo dito sa tabi ko, tulala ka dyan Winter" sabi ni mama na mahinahon ang boses.
Baka alam nya na sensitive ako ngayon kaya di ako pinagtataasan ng boses ni mama.
"Ah.. a-ano po s-sorry" sabi ko at yumuko agad
"bakit ka nagsosorry?" tanong ni mama
"a-ano, so-sorry" utal kong sabi, hinawakan ko ang kamay ko dahil nanginginig ito.
Hindi ako tumabi kay mama, umupo ako sa tabi ni ma'am, kita ko yung sakit sa mata ni mama, ayoko tumabi kina mama baka mamaya sabunutan ako bigla ni ate, mahal ko pa buhay ko.
Di ako naimik, nakikiramdam ako sa nangyayari ngayon. Alam kong magtatanong tong mga to...
"Totoo ba mga sinabi ni Ning Win?" tanong naman ni mama
Huminga ako ng malalim, at tanging tango lang naman ang ginanti ko. Hindi ko naman na maitatanggi, kasalanan ni Ning kung bakit merong ganto talaga, natatakot ako sa kalalabasan ng mangyayari.
"Bakit hindi ka nagsasabi? kapag tinatanong kita, sinasabi mo okay ka naman" sabi ni mama nasa tono nito ang may halong sakit.
Kaya ayokong tignan si mama.
Nakatingin naman sakin si Ma'am, alam kong marami rin syang gustong itanong, kaya to nagpaiwan eh.
Ewan ko lang dito kay ate baka gusto makichismis.
"Ma, ayoko na dumagdag pa noon sa mga isipin mo at problema nyo noon, pagod na kayo sa trabaho tapos sasabihin ko pa problema ko." sabi ko
Totoo naman ayoko na dumadagdag ako sa isipin nila, tama na yung sakin na lang, andyan naman sina Ning, Yuna, at Ryujin, sila lang nagiging okay na ko. Kung dati kay ate ako una nagsasabi kapag malungkot ako at masaya ako kapag may tampo ako, at kapag di ako okay... sya yung una nayapos sakin... simula nung di ako nagiging honor na at hanggang top 3 lang ako, doon na sya nagbago naging wala syang pake sakin, hindi na nya ako pinapakinggan, kaya sa huli di na ako nagsasabi na kung okay pa ba ako o hindi. Hanggang sa nasanay na ako at tiniis yung nararamdaman kong sakit sa lahat.
"Nagdradrama lang yan si Winter, puro harot alam noon" sabi naman ni ate
Tumingin ako kay ate, seryoso kong tinignan ito, doon ko nakita yung gulat sa mukha nya, para bang nakakita sya na kakaibang awra sakin. Gusto ko syang sugudin at pabawiin ang sinabi nya, dapat nasasanay na ako sa sakit eh para di ko na maramdaman.
"Itikom mo bibig mo Tiffany! andito ka para makinig sinabi ko sayo wag kang iimik" diin na sabi ni mama
Di ko alam na madiin na pala ang pagkakahawak ko sa hita ko, sa pagtitimpi na wag gumawa ng ikakasisi ko sa huli. Nang maramdaman ko lang na hinawakan ako ni Ma'am, tumingin naman ako sa kanya, halatang pinapakalma ako. Kilala na talaga ko ni Ma'am, halos sya ba naman naging guardian ko noon.
"Ma'am andito po ba kayo para maging referee samin?" tanong kong pabiro
Kahit na alam kong seryoso at may tensyon na nagaganap, tinuon ko ang atensyon ko kay Ma'am para mawala tong galit ko kay ate.
"ikaw talaga Winter" napangiti naman si Ma'am
"andito ako kasi gusto kong itanong kung dahil ba kay Karina kaya ka di nakakasama sa honor?" tanong ni Ma'am
Mababasa mo sa kanya na gusto nyang humingi ng paumanhin sa mga nangyayari. Si mama naman at ate naman ay mga nag-aabang
Umiling ako
"Hindi po kasalanan ni Karina kung bakit nawala ako sa Honor" sabi ko
Umupo ako ng ayos, parang naging interesado ako sa aking mga kamay, kaya pinaglalaruan ko ito.
"Naalala nyo po ma'am noong dati akong na office na galit na galit ako non, at nakita ninyo po si Karina na nasa labas ng office rin?" tanong ko
Tumango si Ma'am
"May kukunin si karina sa office noon may pinapakuha lang na papers sa kanya yung teacher nya noon hindi sya kasama sa na-office, Yung sakin naman dahil sinira nung kabilang estudyante yung project ko noon kaya nawala ako sa honor, di ko alam kung ano nagawa ko noon kung bakit sinira nung kaklase ni Karina yung project ko. Nandilim na siguro paningin ko noon nakita ko na lang na nasuntok ko na to at putok ang labi. Kahit anong paliwanag ko noon sa principal na sinira yung project ko kaya nagawa ko lang yun, mali pa rin daw ako, alam ko naman na mali ako, pero yung sorry ba nung kaklase ni Karina maibabalik ba nya yung honor ko? at yung galit ni ate kapag nalaman na lang na wala na ako sa honor gawa sa pinagagawa ko at nagiging barumbado na raw ako kaya tinanggal ako sa honor? Kaya nga nagpuyat ako kasi gusto kong ibalik yung pagsasama namin ni ate, gusto ko ulit maging masaya kami magkapatid, pero don nasira lalo yung relasyon namin magkapatid" paliwanag ko
Hirap na hirap ako mag share, pero kailangan nila malaman yung side ko rin. Nasasakanila na kung maniniwala sila.
"Yung time na yun wala si mama, alam kong busy si mama sa negosyo noon at may problema na, kita ko rin yung puyat at pag-aaway nila ni papa gawa sa negosyong alam kong di na kayang paunlarin pa, ayokong dumagdag pa, kaya kayo po yung pinatawag kasi kayo po yung guardian ko at adviser ko noon" sabi ko
huminga ako ng malalim habang nakayuko na pinaglalaruan ang kamay ko
"Nung nalaman nyo po na may ginawa nanaman ako
Comments