Chapter 9

Walls Between Us
Please Subscribe to read the full chapter

''Sinasabi ko sa'yo Winter, 'wag mo na patagalin 'yan, umuwi ka na rito, sasaktan mo lang sarili mo eh, alam mo naman na hindi pwede yung kung ano man ang gus-'' pinatay ko na kaagad yung video call namin ni Bahiyyih dahil biglang tumawag at kumatok si Karina sa kwarto

 

''Winter? Gising ka pa ba?''

 

Tumayo ako para buksan yung pinto at tumambad siya saakin na dala yung mga notebook niya sa school at mga index card

''Why?'' tanong ko sakanya

''Matutulog ka na ba? o May kausap ka pa?'' 

''Wala naman na, kakatapos lang hehe, why?''

''Papatulong sana ako isulat 'tong ibang question dito sa index card, mag re-review kasi ako para sa Monday eh'' nahihiyang sabi niya

''Tara! Sakto hindi parin naman ako inaantok'' 

 

Kinuha ko na yung mga susulatin sa index card at nag simula na mag sulat, si Karina naman seryosong nag h-highlight sa libro niya

 

''Sa bakasyon dito, pasok niyo naman sa Canada'' tumingin siya saakin ''Tama?'' 

''Yes, nakaka-inggit nga eh kaya masaya ako na pinapatulong mo ako sa mga ganito'' natatawang sabi ko

''Salamat, Win'' seryosong sabi niya habang patuloy lang sa ginagawa niya sa libro niya

 

Anything for you, Karina

 

''Kwento ka naman'' natatawang sabi ni Karina atsaka nilapag yung hawak niya ''Antahimik eh''

''Uhm.. ano ba gusto mo malaman?'' natatawang sabi ko ''Parang lahat naman na kwento ko na sa'yo eh''

''Hindi ha...Sinong naging bestfriend mo sa Canada?'' seryosong tanong niya

''Ha?'' kunyari hindi ko narinig ang tanong niya, ano ba 'to nakakatakot

''Bestfriend mo sa Canada, 'wag ka mag alala hindi ako mag seselos no!'' natatawang sagot niya ''Unique kaya ako'' proud na sabi niya

''Meron isa'' awkward na sagot ko ''Bahiyyih pangalan niya'' tumingin naman ako sakanya at mukha naman siyang nag hihintay na mag kwento pa ''Dito rin kasi siya lumaki bago pumuntang Canada kaya nakasundo ko, masaya naman siya kasama tsaka nasasabihan ko rin ng mga ano... secrets ganiyan, rants sa buhay at marami pang iba'' natatawang sabi ko ''Pero ano ha, ikaw parin ang main friend ko'' dagdag ko, natawa naman siya

''Ano ka ba! Para namang inaangkin kita niyan'' natatawang sabi niya ''Masaya akong may ibang kaibigan ka noh, lalo na malayo 'yon... kailangan mo rin makakasama'' nakangiting sabi niya

''Tama ka naman'' mahinang sabi ko 

 

*ting*

Bahiyyih: Hey, tulog ka na ba?

Bahiyyih: basta yung sinabi ko sa'yo ha

Bahiyyih: 'wag na simulan ang alam mong hindi maganda ang tapos.

Bahiyyih: we miss you here.

Me: noted.

Me: miss ko na rin kayo :)

Me: sleep na ako, goodnight.

 

''Kausap mo si tita?'' nag tatakang tanong ni Karina

''Ah, oo'' maikling sagot ko sakanya at tumango lang siya

''Tara tapusin na natin 'to'' pag-aaya niya

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
neutralj
slow update 4 now, busy sa school dahil compile week na namin, thank you for those who are still reading !! <33

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
18 streak #1
Chapter 9: aaackkk grabe mag aminan na kasi kayo pls ><