Collision

Collision
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Pumunta si Karina sa concert to watch her favorite duo

 

Ilang buwan din namin pinag ipunan ni Ning para makabili sa concert nila. After their first world tour concert na hindi kami nakabili ay pinag ipunan na kaagad namin para sure na VIP kami with soundcheck pa sa susunod na concert nila.

 

Mahilig pala sa surprise announcement ang management nila kaya there's only a month para makapag ipon na hindi namin kinaya. Agad din na sold out yung cheaper tickets kaya wala na talaga kaming nabil at naki update na lang sa Soc Med, masakit man tanggapin pero #TeamBahay lang kami noong first concert. But Ning and I, we learn from our mistakes.

 

Baliw na baliw kasi kami ni Ning sa WinSelle, kaya tinaga namin sa bato na manonood na talaga kami live kapag nag ka-concert sila, every Friday na lang ang alcohol-free drinking session namin instead na every business days.

 

Ang sakit na hindi ako makapag try ng iba't ibang kape or milk tea kahit sobrang stress na sa trabaho, pero iniisip ko palang na mapapanood ko mag perform ang WinSelle sa personal, parang nagiging engage na ako. Natatapos ko lahat ng scheduled therapies at nakakapag organize ng tama for my client's schedule, may good job pa ako sa mga client ko.

 

Tinitignan ko na lang ang wintears photocard na naka frame sa desk ko, ang lakas talaga ng sparks, nabubuhayan ulit ako para mag trabaho at makabili pa ng madaming album nila. Para siyang healing potion every time I feel like pagod na pagod na ako sa trabaho. Tapos minsan akala ng mga oldie clients ko jowa ko siya, parang gusto kong libre na lang sila ng service ko.

 

Pero eto na nga, after a year, sa wakas! Finally! Makakanood na rin ako ng concert nila, they released their third album two months ago na syempre ay may copies ako ng lahat ng available version, ang ganda talaga ng boses ni Winter at bagay na bagay sa rap ni Giselle, proud to be a fan since day 1. Hindi ko akalain na magiging fan ako ng pop group, specially, late na ako nag start mag faney compare sa mga karamihan

 

Tuwing may meet up ang jeomaeri fansclub, lagi kaming ate-ate ng mga iba pa naming kasama sa jeomaeri nation, nakakatuwa din kase somehow nakaka-bagets makihalubilo sa mga kabataan at masaya din mag organize-organize ng mga events.16 din kaming group na laging nag ki-kita kita, maliban samin ni Ning, nakilala din namin si Irene and Lisa sa jeomaeri circle of friends namin, kaming apat lang yung may kaedaran, yung ibang members mga bagets na and lahat kame naka sound check. Out of 200 available slots, nakuha namin yung 16 slots. Ang swerte talaga namin. Actually, plus one pa si Seulgi na jowa ni Irene

 

Sa sobrang excited ko, hindi na ako nakagamit ng restroom bago umalis ng bahay, buti na lang there's still 15 minutes left bago mag start ang soundcheck, pili kaming pinapasok sa loob ng arena kaso ihing ihi na talaga ako at hindi ko na mapigilan baka maihi ako habang nanood, buti na lang may nakita akong CR near backstage

 

Sinita ako ng guard na huwag na daw umalis sa pwesto dahil mag start na daw yung soundcheck performance pero nakiusap ako na ihing-ihi na talaga, e kaso naka barricade naman yung ibang part ng arena, buti na lang nadaan ata sa ganda ko, sinabihan na lang ako na bilisan at 'wag sabihin sa iba

 

Dali-dali naman akong tumakbo sa CR at pumasok sa cubicle, kaloka si Manong Guard, ayaw pa ako pa-pasukin wala naman katao-tao. Gusto ko pa sana tignan yung buong CR kase ang laki-laki at ang ganda-ganda, may TV at mga paintings pa ako nakita sa saglit kong pag masid. Ang ganda din ng cubicle ang laki ng space, tapos yung toilet andaming pwedeng pindutin, parang laruan, pi-pindot sana ako pero nag automatic flush naman so hindi na ako nangielam

 

Pag ka-labas ko, takbo agad ako para makabalik baka kasi mag start na and sabi ni Manong Guard bilisan ko daw, kaso noong mapalapit na ako sa pinto, narinig ko na lang na may umaray, pag tingin ko may babae naka tungo at hina-hawakan yung binti niya, napatingin tuloy ako at napalapit

 

Kinapa ko ang binti niya, mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil napatalon siya at syaka naman lalong napa-aray, naipadyak at naipang-tapak niya kase yung binti na hinahawakan niya kanina na siyang hinawakan ko, natuon naman ang atensyon ko sa may kaunting lubog sa bandang taas ng binti niya, hinawakan ko yon at napahampas naman ang babae sa ulo ko dahil sa ginawa ko pero hindi naman masyadong masakit, malamang nang hihina na siya because of her leg cramp

 

"ert!" rinig kong sabi nung babae "Hala! Sorry" hinawakan ko ang paa niya ng maingat at ang kabilang kamay ko naman naka-dantay sa binti niya "I'm a physical therapist, you got a leg cramp, yung taas lubog" tinuro ko naman yung may medyo lubog na parte ng binti niya "yung ilalim swollen, this will hurt a lot, but I'll try my best to fix this as soon as possible"

 

Sobrang focus ko lang sa binti niya at siniguradong nasa tamang posisyon ang mga kamay ko, nang maka-sigurado akong slant and straight na yung leg niya syaka ako ulit nag salita.

 

"Bite your arms, I'll fix this in three... two" bago pa mag one ay pinisil ko na ang bandang ilalim ng lubog na muscle at syaka binali ang daliri sa paa niya, rinig ko pa din ang sigaw niya kahit tunog na may nakatakip na sa bibig niya, tinignan ko munang mabuti kung nawala na ba ang pag kalubog ng muscle niya.

 

"Make sure to do stretching first before you do any extreme physical activities, always drink water din. Sometimes, even just wearing heels can cause of leg cramps if 'di talaga nakakapag-exercise, so make sure you always do stretching, that's the best way to prevent this" sabi ko pa habang pinag-mamasdan mawala yung leg cramps niya. Nang nakasigurado na ako na wala na yung muscle cramps syaka ko lang tinanggal ang pag ka-kahawak ko sa kanya.

 

I was planning to introduce myself properly for formalities lang sana, after all basta basta ako nang hawak ng binti, kailangan ko mag explain, isa lang ang natitipuhan ko sa buong buhay ko at si Winter yon. Although, it's all professional for me kase trabaho ko naman talaga yon, iba parin yung may closure. Kung tutusin may bayad dapat yon e, may therapy na, may advise pa, nag kawang-gawa lang ako. I-aangat ko palang sana yung mukha ko para makita ko ang mukha niya pero narinig ko na nag sigawan na ang mga tao sa labas

 

Hala! Nag simula na ata! 

 

"Winter my labs! Wait for me!" Sigaw ko at dali-daling tumakbo palabas. Buti na lang VCR lang pala yung pinakita, kinabahan ako, akala ko simula na. 

 

"Hoy gaga! Antagal mo! Sabi mo mag ba-banyo ka lang" sabi pa ni Ning at hinampas ako sa balikat 

 

"Nag CR nga lang ako! Kaso may nakita ako na nag ka-leg cramps, tinulungan ko muna" sagot ko habang inabot naman ni Yeji sa likuran ko yung lightstick na gagamitin namin.

 

A few minutes later nag simula na rin lumabas ang WinSelle, todo hiyaw naman kaming lahat, uminom ako ng salabat kagabi kaya ready na ready na ako makipag sigawan at mawalan ng boses. Nag pakulay din ako ng purple hair para matchy matchy sa light stick ko. Kung ano man ang gagawin ko sa concert na 'to, dahil naka 100% fangirl mode on ako

 

"Guys, napansin niyo ba parang sobrang saya ata ni Winter! Parang ang bright ng aura niya" sabi ni Ryujin sa amin. Actually, napansin ko din yon, siguro ganoon siya talaga kasaya mag perform sa harap ng madaming tao. I feel so touch as a fan! Touch mo din ako Winter! Charot!

 

"Oo nga! palibot libot din ang tingin at kaway ng kaway o! Super friendly niya today!" Gatong pa ni Wonyoung at todo-agree naman kami lahat. Kung sino man ang dahilan kaya siya sobrang happy, tatanggapin ko siya, basta just keep that smile on her face. Mamahalin ko na lang siya in my dreams. Between Winter and Giselle kase, si Giselle yung friendly, parang yun yung dynamic nila. Winter is more aloof and cold person, hindi siya palangiti, kaya naman kapag napapa-ngiti siya mas na-i-inlove ako, like right now!

 

Kung sino ka man na nag papa-saya kay Winter today, ang swerte mong hinayupak ka! Labanan mo ko 1 on 1. Ay teka! Kakasabi ko lang susuportahan ko siya kung saan siya masaya e. Kaso ang ganda kase talaga ng ngiti niya e, tapos sumisingkit pa ang mata, bihirang bihra 'to mangyare pero ngayon kitang kita ko live, buti na lang ang lapit lapit namin. Nakatitig lang ako sa kanya tapos parang may filter kase nag fade lahat ng nasa paligid ko tapos parang slow motion na nakatitig lang siya sakin, delusional na nga.

 

Nawala yung filter ng naramdaman kong pinag sasampal ako ng mga katabi ko habang sumigaw ng sumigaw 

 

"Gaga ka! Nakatitig sayo si Winter!" sigaw pa ni Lia sa likodan ko

 

"Putangina! tumingin siya satin tapos ngumiti, Oh my ghad! Mag papakabait na ako!" dagdag pa ni Minju.

 

Napatingin pa ako sa kanila saglit at pinigilan kakahampas kase sakin daw talaga naka-focus si Winter. Nang bumalik naman yung paningin ko sa kanila, nasa kabilang pwesto na siya

 

Pag katapos ng soundcheck ay pinaalis muna kami. Unlike sa Soundcheck na paunahan makapasok depende sa pila at malapit lapit kami, hindi na kami sobrang lapit na harap-harapan with WinSelle sa VIP seat. Nasa bandang gilid kasi kami ng VIP area. Sulit pa rin naman. Nakakalungkot lang kasi ayaw talaga nila mag pa-picture, kahit yung mismong apat na personal manager ng WinSelle, nag li-libot libot sa VIP area to check if may camera na mga dala.

 

Sabi pa ni Yujin, mas strict daw ngayon kase hindi naman nila ginagawa yun dati, sabi pa ni Irene at Seulgi, ang tagal na daw ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bpandap
bakit andaming nag subscribe, wala naman new update pa?

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
23 streak #1
Chapter 7: Chapter 7: TANGINA ANG SAKIT TALAGA KAHIT PAULIT ULIT KONG BINABASA 🥹 ANG GANDA NG PAGKAKASULAT GRABE KA 'TOR! 😓 Damang dama ko talaga sila shet

Ps: Fav ko 'to, ilang beses ko na binabasa pero pag inuulit ko, damang dama ko parin ang pighati at sakit !!! ang realistic lang kasi huhu sakit sa dibdib </3
0101ae_cj #2
Chapter 6: SOBRANG CUTE NAMAN NITO😭😭😭😭
idkwhatnametouse #3
Chapter 4: KAKILIG I NEED PART TWO
purplejoch
#4
Chapter 7: nooo ahhh i need part 2 huhu this is beautifully written and i'm crying while reading it, sobrang salamat for sharing this one shot it made me rethink my life choices lately especially in relationships not romantically but how
i was treated even though i gave more than i could give.

grabe din yung pinag daanan nilang dalwa as a couple especially on the side of karina's, sabi nga ng iba you would realize your love for someone if it was taken away from you, sobrang g*go lang ng character ni win na kailangan pa umabot sa point na nakuha niya nga yung career na gusto niya pero binitawan niya yung gusto niyang alayan ng pangarap na yun along the way (੭ ˃̶̀ロ˂̶́)੭⁾ pero there's this little hope na alam ko mapapatawad din ni kars si win 🤍
jysowee
#5
Chapter 7: hello otor, sa lahat ng shots sa fic na ito, etong No. 6 (si dear & sweetie) lang ako nasatisfied sa ending, not because mahaba siya, but because nalagay at naconclude na clear yung naging conflict, kung nagets mo po heheh.
kung mamarapatin, i'm deeply begging po na dugtongan yung No.4 (Queen of Pop & Rockstar) pleaseee >< although it is given, I (we) really want to know winter's insight/reaction sa brave proposal ni karina, and how did they cleared their huge misunderstanding completely. Pretty please pooo TT_TT
Seulrenity23 #6
Chapter 7: bakit bitin lahat ng story 😭😭 pwede ba special part Lalo na sa queen of pop and rockstar 🥹🥹🥹
jiminjeongerist
#7
Chapter 9: napaka satisfying po ng pacing & pagka arrange ng story 🥹 thanks for sharing🩷
aira28 #8
Chapter 9: It hurts so good😭😭
Ardem_Joseph23
15 streak #9
Chapter 9: Ganda