TLM 3

The Last Mission
Please Subscribe to read the full chapter

Dan (Nite)

 

 

"Dan gising ka na pala, kain ka na paalis na tayo" bati sakin ni Yeji

 

bago pa man ako maka kagat dun sa hotdog eh nag salita si krystal

 

 

"Drive us home"

 

 

 

 

sino kausap nun?

 

 

 

 

 

kumagat ako sa hotdog habang nakatingin kay krystal at nakaramdam naman ako ng pagsagi sa aking braso

 

"ikaw daw mag drive pauwi" sabi ni ning

 

"huh?! bakit ako?"

"because I said so."

"tch taray talaga" bulong ko at tumayo para tabihan si giselle

"oh bakit ka nandito?" masungit na tanong sakin ni giselle

"hindi ako marunong mag maneho" bulong ko sa kaniya at pinigilan naman niyang tumawa

 

"HAHAHAHA don't worry ako na lang"

 

"mag rerequest lang ako ng wheelchair" sabi ni ryujin

 

 

 

 

 

nga pala, nag usap kami kagabi ni san pedro nangangamusta siya, feeling ko miss na ako nun eh hehe sabi ko na hindi niya ako matitiis tapos sabi ni san pedro sa akin kapag nakumpleto ko daw ng maayos ang misyon na ito maaari na akong maka akyat sa langit

 

 

may anghel bang hindi pa nakaka akyat sa langit? oo, ako. Kasi sa sobrang kulit ko daw nung bata ako eh hindi na ako napag tiisan ni bro at sa simbahan na lang niya ako nilagay kasama ni san pedro, yan ang kwento ni san pedro sakin pero feeling ko hindi naman totoo yun

 

 

gusto ko pa naman panoorin yung mga batang madapa habang nasa langit ako hehe pero kahit nandito ako dami ko naman nang nakitang ganon hindi lang ako makatawa kasi pinipingot ako ni san pedro

 

 

sabi pa ni San Pedro maari ko na din makita si bro!!!

 

hehe excited na ako matapos 'to

ginanahan tuloy akong bantayan si krystal kahit na masungit tch

 

 

 

 

 

 

 

 

"carry me" sabi ni krystal

 

"baka hindi mo kayanin yan" sabi ni ning sakin

 

"inuutusan mo ba ako?" tanong ko sa kaniya at tumawa naman sina yeji

 

"tangina mo dan isakay mo na lang si madam" sabi ni ryujin habang tumatawa at may pahabol pang pagbatok sakin

 

"bubuhatin na kita ah" bulong ko sa kaniya at tumango siya tas namula yung tenga niya kagaya ni ateng cashier nung isang araw

 

Ipinulupot ko ang braso ko sa balikat niya pang alalay tsaka ko siya binuhat

 

"sa unahan?" tanong ko sa kaniya at umiling siya




 

 

 

 

 

 

 

 

 

magkatabi kami ni krystal sa likod at si ning at giselle ang nasa harap sina yeji naman ay nasa kabilang sasakyan daw


hindi pa man kami nakakadating sa mismong bahay nila eh andami na agad taong nag kukumpulan habang may hawak na camera

 

"gano ka ba kasikat?" tanong ko sa kaniya

 

 

"sikat enough na lahat ng tao..... they're mad at me" sabi niya at mahina yung huling bahagi ng kaniyang sinabi

 

 

"bakit ka ba nila kinamumuhian ano bang ginawa mo?"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

hindi na niya nasagot dahil nakarating na kami sa bahay niya

 

grabeng bahay 'to mas malaki pa sa simbahan namin ang lawak ng kanilang lugar! Siguro mga 4 na simbahan namin ang laki at lawak nito

 

Inalalayan ni ryujin si krystal na bumaba ng sasakyan at inilapit ko naman ang wheelchair sa kanila, tumingin ako sa paligid ang dami nilang mga tauhan.

 

 

 

 

 

 

Iba't iba ang reksyon ng mga tauhan nang makalabas si krystal, may mga nag tatawanan na mahina, may masama ang tingin at may mga mukhang nag aalala.

 

 

 

 

 

 

 

"Krystal!" Sigaw nung babae at tumakbo papunta sa kanya

 

 

"I was so worried about you, ayos ka na ba? May donor na ba?" Nakita ko naman ang pag simangot ni krystal

 

 

"Hypocrite" bulong ni krystal

 

 

"What?"

 

 

"You're worried ate? Hindi mo nga ako nadalaw sa hospital?"

 

 

"Stal alam mo namang busy ako sa tr-"

 

 

"Busy that you can't even visit your blind sister?!" Sigaw ni krystal

 

 

"Stal naman-"

 

 

 

"Dan, take me to my room" sabi ni krystal at tumingin ako dun sa kausap niyang babae bago itulak ang wheelchair

Dumaan kami sa nag kukumpulan nilang tauhan at ang iba ay nag bubulungan pa

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Bakit nandito na yan? Naaksidente na nga ang sama pa din ng ugali karma niya siguro yan"

 

 

"Deserve"

 

 

 

 

 

 

 

"Stop." Sabi ni krystal at napahinto naman ako

 

"Back it up" utos niya at umatras naman ako

"Bulag ako hindi bingi, sino yung nag bubulungan kanina?" Tanong ni krystal

 

 

 

 

 

Walang sumagot lahat sila ay nakatungo, nakita ko naman yung dalawang nag bubulungan, ngayon ay nag sisikuhan sila

 

 

"I SAID-"

 

 

"Ate, yung dalawang nag sisikuhan dito po kayo sa unahan" napatingin sila sakin bago lumapit

 

 

 

 

 

 

"Ano pong pangalan niyo?"

 

"Mira"

 

"Anne po-

 

"Pack your things, both of you are fired."

 

"Stal naman" singit nung babae na kausap ni krystal kanina

 

 

"Shut it ate, bahay ko 'to baka pati ikaw paalisin ko dito. Dan tara na" Nginitian ko ng bahagya ang kapatid ni krystal bago itulak uli ang wheel chair

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Krystal ang laki ng bahay mo hehe saan yung kwarto mo?" Tanong ko sa kaniya, sinilip ko siya at naka kunot ang kaniyang noo kaya nawala ang aking ngiti

 

 

 

 

 

 

Baka madamay pa ako sa pag susungit nito

 

 

 

 

 

 

"Sa taas, but i'll be staying sa guest room"

 

"Pwede naman kitang buhatin"

 

"Sure ka ba? Ang taas ng niyang hagdanan baka mamaya ihulog mo pa ako"

 

 

 

 

Bipolar ata 'to kanina halos maging dragon siya ngayon nakangiti

 

 

 

Napalingon ako sa hagdanan nila, mejo mataas nga

 

 

 

 

Lumuhod ako sa harapan niya at tinapik ang kaniyang kamay

"Pasan ka sa likod ko" sabi ko

"Eh ayaw ko nga kapag nahulog tayong dalawa ako mauuna" sabi niya at naka kunot na naman ang noo




 

 

 

 

 

 

 

 

"AAH!!" Sigaw niya nang buhatin ko siya bigla

 

 

 

 

 

 

 

 

"Dan! Ibaba mo nga ako ano bang ginagawa mo?!" Inis na tanong niya sakin at pinalo ako sa balikat

 

"Ihahatid kita sa kwarto mo wag kang magulo pag tayo nahulog pereho!" Saway ko sa kaniya dahil pilit siyang pumipiglas

 

 

Napatingin ako sa kaniya at pinagmasdan siya nang mabuti, ang ganda niya

 

 

"Don't stare at me, crush mo ako 'no?" Pang aasar niya sakin

"Tch maganda ka pero hindi ako pwedeng magkagusto sa tao"  sabi ko at natawa naman siya

"HAHAHAHAHA ano 'to love story? Ganyan ang sasabihin mo tas ikaw pa unang ma f-fall sakin?"

 

 

 

 

 

 

"Hindi ah, baka ikaw"





 

 

 

Pag bukas ko ng kanyang kwarto ay agad na bumungad sa akin ang mga medalya halos lahat ay puro ginto

 

 

 

"Galing ko 'no?" Tanong niya sa akin at nakaturo sa mga medalya at lumapit naman ako dito para tignan nang maigi

 

 

"Swimmer ka pala, akala ko kung sinong artista ka" sabi ko at natawa naman siya

 

 

 

 

 

Dahan dahan ko siyang ihiniga sa kanyang kama pero hindi pa din siya bumibitaw sa pagkakahawak sa aking leeg

 

"Huy bitaw na" sabi ko at tinapik siya

 

May sinabi siya pero hindi ko masyadong narinig, nag s-sleep talk na ata siya.

 

 

 

 

 

Hindi rin nag tagal eh bumitaw na din siya sa akin kaya naman ay kinumutan ko na siya at lumabas ng kwarto

Pag baba ko ay nanonood sina giselle kasama yung ate ni krystal

 

 

 

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
23 streak #1
Chapter 1: GAGOOO WINTOT BDKDNDJSNSKSBJSSHSHKAHA OMG
c_llux
#2
Chapter 11: Wala pa po bang ud? Miss ko na sila nite at Krystal 😭
kang_ddeul
#3
Chapter 11: wahh halaaa T^T
oofiee 1075 streak #4
Chapter 11: whattt so krystal is just acting na nalimutan niyang may angels?
shajanie
24 streak #5
Chapter 10: Hala! Anong mangyayari kay nite?
minrinaaaa_
#6
Chapter 10: hala:(
oofiee 1075 streak #7
Chapter 10: hala angst :(
shajanie
24 streak #8
Chapter 9: Sana mag update ka storyang ito authornim…
c_llux
#9
Chapter 9: Mag update kana otor!!!!
kang_ddeul
#10
Chapter 9: hala sya saglit lang 😭