Good morning talaga

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

 

               Good morning talaga.

               Good morning talaga sa akin.

               Hindi na kasi tinuloy ni daddy na magpadala ng pera kay kuya kasi siya na raw yung bibili ng phone at mas mura raw sa Japan. Nagulat ako nung nag-send siya ng picture kagabi sa akin. Magkaka-iPhone na ako, opo opo. Pinapapili ako ni daddy kung iPhone 13 daw ba o iPhone 13 Pro Max. Sabi pa ni daddy huwag na raw ako mahiya kasi wala pa raw siyang graduation gift sa akin at wala rin daw siya nung graduation ceremony namin. Nahihiya ako sa totoo lang, okay lang naman kasi sa akin kahit android ulit. Sinasabi ko pa kagabi kay daddy na kuntento na ako sa Realme o kaya Xiaomi pero pinipilit niya yung iPhone. Edi sinabi ko yung iPhone 13 na lang at dahil makulit si daddy, iPhone 13 Pro Max yung binili niya. Ipapa-ship niya na lang daw dito at matagal pa siya bago makababa, I think five months pa.

               Kinwento ko kay Giselle yung nangyari at mas excited pa si gaga. Sinabi ko naman na naka-iPhone na siya at bakit parang mas excited siya sa phone ko. Ngumisi lang si gaga, sabi pa niya dapat daw yung unang picture sa magiging phone ko ay picture naming dalawa.

               It’s been two weeks since nung nagpasukan, medyo naging busy na rin kami sa dami ng pinapagawang activities ng mga professors namin. Minsan nga eh mas mabigat pa yung gawain namin sa mga minor subjects kumpara sa mga major subjects. Minor subjects yung napakaraming reportings, assignments at kung ano-ano pa. Kakayanin naman siguro, ano? Kung hindi, edi hindi.

               Ngayong araw na nga pala yung sinet-up naming blind date ni Ryujin at Yeji. Wala kasi kaming pasok ngayon, every Tuesday and Saturday yung naging vacant namin. Since sinabi ko kay Ryujin last week na may biyaya ako sa kanya, hindi na niya ako tinigilan. Gustong-gusto niyang malaman kung sino yung ka-date niya kaya nagpapasalamat na lang ako na D-Day na ng blind date. Sasamahan ko mamaya si Ryujin at kasama naman ni Yeji si Minju mamaya papunta sa SM City Manila since doon kami magkikita-kita. Iiwan namin sila kapag nag-meet na yung dalawa, exciting naman. Excited ako para sa potential lovelife ng kaibigan ko.  

               Feeling ko mas naging close pa kami ni Minju. Nagpapatulong kasi siya sa akin, nanghihingi siya ng tips. Sinabi niya sa akin na may crush daw siya pero hindi niya alam kung paano siya magpaparamdam. Multo ba kako siya? Nakikipagmomol nga siya nung nakaraan tapos magpaparamdam lang sa crush niya hindi pa magawa. Ayaw niya naman sabihin kung sino. Paano ko siya matutulungan ‘di ba? Gigil ako. Napapadalas yung pagsama niya sa tropa namin, at syempre napapadalas din yung pang-aasar sa akin nila Ryujin kay Minju. Buti na lang at laging tahimik lang si Giselle tuwing inaasar nila ako.

               Ito pa, hindi na ako gaano inaasar ni Karina. Hindi ko na rin siya nakikita o naaabutan na tumatambay sa rooftop. Huling usap namin is last week, about pa sa groupings. Ka-group ko kasi siya sa isang subject namin.

               “Anong part gusto mo?” Tanong ko sa kanya.

               “Kahit ano lang.” Sagot niya.

               That’s it. Hindi na ulit kami nagkausap after niyan. Matagal pa naman kasi yung reporting para sa subject na ‘yon. At ito pa, madalas ko siyang nahuhuling tumitingin sa pwesto namin ni Minju sa room. Kapag tumitingin siya sa pwesto namin, tumitingin na rin si Jeno sa amin. Tinitingin-tingin ng lalaking ‘yon? Joke lang.

               Kakatapos lang maligo ni Giselle at ako naman ay kasalukuyang nagsasandok ng kanin. Nagluto ako ng corned beef para sa almusal namin ngayon.

               “Kita mo yung announcement sa page ng univ natin?” Tanong ni Giselle nang maupo na siya.

               “Hindi pa, bakit? Ano meron?”

               “Acquaintance party raw next week.”

               “Puro freshmen lang?”

               “Oo ata? Pero yung nag-organize, sophomores.”

               “Pupunta ka?” Tanong ko kay Giselle nang makaupo na rin ako. “Anong theme?”

               “B&W. Punta tayo ah?”

               “Kebs.” Pabor ako sa theme. Marami akong black and white clothes kaya hindi ko na kailangan mamroblema pa sa kung anong dapat kong suotin. Marami-rami rin akong ivory and purple na damit, ayan kasi mga favorite kong color. Kung may iba mang kulay sa cabinet ko, bilang lang siguro sa daliri. “Aalis pala ako mamaya, sasamahan ko si Ryujin papuntang SM.”

               “Oo nga pala, ngayon na yung pinakahihintay ng maharot na ‘yon.” Sabi ni Giselle habang kumukuha ng ulam. Excited ako sa date nila Ryujin at Yeji mamaya pero bakit ako yung kinakabahan? Parang may masamang enerhiya akong nararamdaman ngayon.

               Bigla namang nanlaki yung mata ni Giselle sabay angat ng phone niya. “Tignan mo ‘to, Wintot.” Lumapit naman ako nang bahagya sa kanya para tignan yung pinapakita sa phone niya. Ano ba ‘to? IG story? Nino? Ni Karina? “IG story ni Karina, silang dalawa ni Jeno.”

               “Ano gagawin ko dyan, Gi?”

               “Sabay sila nag-breakfast, sana all.” Sana all?

               “Sabay naman tayong nagb-breakfast ah.” Nagkibit-balikat lang naman si Giselle.

               “Wintot, may napapansin pala ako tuwing nakikita natin sila Jeno at Karina na magkasama.” Ano na naman ba ‘to Giselle Batumbakal. Tinaasan ko lang siya ng kilay na nag-aantay sa susunod niyang sasabihin. “Laging napapangiwi mukha mo, parang may galit ka kay Jeno.”

               “Giselle, hindi naman sa may gusto ako kay Karina ha pero alam mo naman yung nangyari sa amin ng ex ko.”

               “Sa inyo ni Isa?”

               “Malamang, may iba pa ba akong ex?”

               Si Isa.

               “Ah, pinagpalit ka sa boy bestfriend?” Tangina pa rin talaga kapag naaalala ko.

               One year and three months din yung tinagal ng relationship namin and almost five months pa lang ang nakakalipas nung naghiwalay kami. Una pa lang, duda na ako sa boy bestfriend niyang laging nakabuntot sa kanya eh. Ang touchy pa nung lalaki at kung makademand ng time ay wagas. Hindi ko naman inopen kay Isa yung about sa boy bestfriend niya kasi may tiwala naman ako sa kanya and hindi ko rin alam kung paano ko dapat sabihin nang maayos yung mga ganong bagay since first girlfriend ko siya.

               “Exactly, kaya hate ko yung concept na boy bestfriend kasi wala silang dulot.”

               “Grabe ka ni-lahat mo naman, malay mo naman matinong bestfriend si Jeno.” Halos mabuga ko yung iniinom kong tubig kay Gigi.

               “Paano kung hindi? Paano kung may gusto siya kay Karina?” Malakas talaga kutob ko na si Jeno yung tipo na may lihim na pagtingin sa bestfriend, dati ko pa ‘to naiisip eh.

               Tinaasan lang ako ng kilay ng bestfriend ko. “Eh ano naman sa’yo kung hindi siya matino? Ano naman sa’yo kung may gusto siya kay Karina? Wala ka naman kamong gusto kay Karina, hindi ba?”

               “Good point.” Tinawanan lang ako ni Giselle.

               “Winter, aminin mo na kasi.” Sabi ni Giselle sabay kuha sa plato ko. Siya na ata yung maghuhugas ng pinagkainan namin. ”Ang ganda ganda ni Karina kaya imposibleng wala kang na-feel nung nakita mo siya.”

               “Ikaw ata may crush kay Karina eh.”

               “Paano kung crush ko si Karina? Anong gagawin mo?” Paghahamong sabi ni Giselle. Ano nga ba gagawin ko eh hindi ko nga crush si Karina?

               “Edi crush mo.” Simpleng sagot ko sa kanya.

               “Sure ka? Parang gusto kong ligawan si Karina.” Dugtong pa ni Giselle na tinataas-taas yung mga kilay niya habang nakatingin sa akin. Oh pare, I know what you’re doing. Giselle narrowed her eyes and looked at me sabay hawak sa dibdib niya at tila parang nag-ddrama sa tapat ng lababo. “Oh my God, ito na liligawan ko na si Kar-”

               “Oh, edi ligawan mo.” Halata namang hindi pa rin nagpapatinag si Giselle sa ginagawa niya ngayon.

               “Winter ito na, jojowain ko na si Karin-”

               “Oo na!” Tumayo na rin ako at kumuha ng basahan para punasan yung mesa. “Maganda na si Karina, nagagandahan ako sa kanya. Okay ka na?”

               Nagagandahan naman talaga ako kay Karina, maganda naman kasi si Karina. Buong tropahan nila maganda, si Yeji, Minju, si ano, wait ilan ba sila?

               “See? Panay ka pa tanggi.” Sinimulan na niyang maghugas ng pinagkainan namin. “Kilala ko mga tipo mo kaya hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin, Winter Kim.”

               “Pero hindi ko siya gusto, okay? Nagagandahan lang ako.”

               “Huwag kang magsasalita ng tapos.”

               “Gi, wala akong balak jowain.”

               “Wala naman akong sinasabi na jojowain mo.” Sabi ni Giselle habang tumatawa. Para naman kasing ewan ‘to si Giselle kung makatingin sa akin.

               “Yung tinginan mo kasi, doon papunta.” Sumandal ako sa may lababo katabi ni Giselle para samahan siya habang naghuhugas ng plato.

               “Pustahan tayo?”

               “Ano?”

               “Kapag naging kayo ni Karina, bibilhan mo ako ng hoodie sa H&M.”

               Amputa.

               “Bakit gagastos? Pamputs ka, ang mahal kaya ‘don!”

               “Oh bakit?” Pinaglalakihan na ako ng mata ni Giselle. “Takot ka ba?”

               “Hindi! Eh kapag hindi naging kami? Anong gagawin mo?”

               “Edi hindi naging kayo.”

               “Giselle!”

               “Kapag hindi naging kayo, ipipilit natin.”

               “Ay kakulit. Ayos kasi, parang ewan eh.”

               “Kapag hindi naging kayo, magpapakalbo ako.”

               “Gago ka, sige game. Mag-ready ka nang makalbo.” Sabi ko sa kanya bago umalis papuntang kwarto. Hindi pa ako nakakalayo sa kanya masyado nang may sinabi ulit siya.

               “No, mag-ready ka ng gumastos.” Tinawanan ko na lang yung sinabi niya.

               “Ewan ko sa’yo, maliligo na ako.” Hindi ko maintindihan kung bakit masyado atang confident si Giselle sa naging pustahan namin. Hindi naman ako gagastos, ‘di ba?

 

 

               “Wala pa sila?” Tanong sa akin ni Ryujin at umiling ako. Andito na kami sa SM City Manila at nag-aantay kami sa loob ng Bo’s Coffee. Wala pang reply sa Minju. Oo nga pala, hiningi ni Minju yung number ko last week kasi siya yung ka-partner ko sa isang activity and para na rin sa blind date ng kaibigan namin. Naisipan naman umorder ni Ryujin kasi nag-text si Minju at mukhang matatagalan pa raw sila, may biglaan daw kasi siyang club meeting. “Ano sa’yo? Ako na oorder.”

               “Iced Caramel Latte lang.” Kinuha ko yung wallet ko at akmang dudukot na sana ng pera nang pigilan ako ni Ryujin. Libre niya na raw kasi binigyan ko siya ng ka-date. Saludo ako sa’yo, Ryujin Shin.

               Matapos umorder ni Ryujin ay agad siyang bumalik sa pwesto namin. “Okay na, ano sabi ni Minju? Nagreply na ba?”

               “Wala pa rin, baka nasa meeting pa.”

               “Kaibigan niya ba yung irereto niya?”’

               “Secret nga! Malalaman mo na rin naman mamaya.” Kapag sinabi kong kaibigan ni Minju yung ka-date niya, papasok na agad sa isip ni Ryujin na isa sa mga kaklase namin which is totoo naman. Gusto ko lang na ma-surprise siya, ang bait ko talagang kaibigan.

               “Double date ba ‘to?”

               Ano raw?

               “Huh? Hibang ka ba?” Tumawa lang naman si Ryujin.

               “Hindi ba kayo sasama ni Minju sa amin?”

               “Hindi gagi, date niyo ‘yon tapos sasama kami?”

               “Ah, hiwalay date niyo?” Konti na lang masusuntok ko na si Ryujin sa mukha pero syempre, hindi ko gagawin kasi baka hindi ko mainom yung Caramel Latte ko.

               “Ryujin, seryoso. Magkaibigan lang kami ni Minju, huwag kayong ma-issue.”

               “Sige, sabi mo eh.” Dumating na yung inorder namin kaya nanahimik kami ng mga dalawang minuto. Napag-usapan namin ni Ryujin yung about sa mga clubs, yung jowa ni Yujin, yung suot niyang cap na kakabili niya lang kahapon, at kung ano-ano pa. Nakwento ko rin sa kanya na magkakaroon na ako ng bagong phone at mas natuwa pa siya sa akin, parehas sila ng reaction ni Giselle. Parehas kaming natulala ni Ryujin sa kawalan at maya-maya ay tumunog ang phone ko. Pagkatingin ko, may text message si Minju.

----- TEXT -----

Minju: Ter, nasa Bo’s Coffee kayo right now, ‘di ba? Andyan na sila Yeji sa labas.

Winter: Oo nasa Bo’s Coffee kami, pero ha? Sila Yeji? Hindi ka kasama? So sinong kasama ni Yeji?

               “Ryu, nasa labas na raw sila. Tara na?” Yakag ko kay Ryu pagkatapos kong magreply kay Minju. Agad namang tumayo si gaga at nanalamin pa para tignan kung maayos ba yung itsura niya. Pagkalabas namin, nakita ko agad si Yeji na may kausap na matangkad na babae na nakatalikod sa direksyon namin. Siya ata yung kasama sa ‘sila’ na sinabi ni Minju sa text kanina.

               “Winter!” Narinig kong tawag sa akin ni Yeji. Agad ko namang nginitian si Yeji nang biglang tumunog yung phone ko, nagreply yata si Minju.

Minju: Si Karina yung pinasama ko kay Yeji. Nakiusap ako sa kanya since bigla akong hindi naging pwede. Pinapauwi kasi ako ni mommy sa Cavite so hindi ko masasamahan si Yeji. Sorry, biglaan kasi eh. Enjoy kayo!

               Si Karina?!

               Titingin pa sana ulit ako sa direksyon nila nang halos mapatalon ako sa gulat kasi nasa harap na namin sila. Nagkatinginan kami ni Yeji at nalipat ang tingin ko sa babaeng nasa likuran niya.

               Oh, Lord guide me sa tuwid na daan. Si Karina nga yung kasama niya.

 

 

               Nandito kami sa Gringo, magkatabi si Yeji at Ryujin sa tapat namin at katabi ko naman si Karina. Ewan ko, ang alam ko katabi ko talaga si Ryujin eh pero sinabihan siya ni Yeji na tabi na sila. Iba rin pala ‘tong si Yeji, estudyante siguro ‘to ni Minju.

               “Anong gusto niyong kainin? My treat.” Sabi ni Yeji. Narinig ko namang pumalakpak yung katabi ko kaya tinignan ko siya. Tumigil naman agad siya nung nagtama yung mata namin. Nakakahiya kasi, ang daming tao tapos yung palakpak ni Karina parang nagtatawag ng kalapati papunta dito sa Gringo. “Or we’ll just pick sa sharing platters nila? What do you all think?”

               Nakita ko si Ryujin na nakatingin lang sa menu at tumatango-tango lang siya sa sinasabi ni Yeji sa kanya. Tinignan ko yung sinasabi ni Yeji na platters. Oh, madami palang klase ‘to. Actually, okay lang naman sa akin kahit ano since sabi ni Yeji treat niya raw. Nakakahiya naman kung mag-iinarte pa ako. Nararamdaman ko naman yung katabi ko na umuusod papalapit sa akin. Halos ilapit niya na yung mukha niya sa menu na tinitignan ko kaya nilapit ko rin yung menu sa mukha niya pero hindi ko dinikit syempre, baka paliparin ako papuntang Intramuros. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya lumayo siya agad at nginitian lang ako. Malabo ba mata niya? Ganito rin kasi ginawa niya dati nung tinitignan niya yung club application form ko. Lumapit ulit siya sa akin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po