Part 11

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

“Good evening, Ma’am. Welcome to Beanstalk.”

 

Hinanap kaagad ng mata ko si Karina pagkapasok. Nakita ko siya—naka-itim at nasa may tabi ng glass window. Nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan.

 

Matinding paghinga nang malalim ang ginawa ko bago ako magpunta dito. Mukhang umaayon sa magiging pag-uusap namin yung weather.

 

Malakas ang buhos. Kumukulog. Nakakatakot.

 

Isang hinga muli nang malalim, dumerecho ako sa kinakaupuan niya. Hindi agad niya ako napansin dahil mukhang malamim ang kanyang iniisip. Gusto ko biglang mag-back out, pero hindi ko gagawin. Hindi na ako ganong klaseng tao.

 

Whatever happens, tatanggapin ko na lang.

 

Lumapit ako sa table niya.

 

“Karina..”

 

Napapigil siya sa hininga at itinigil ang paglalaro sa kanyang mga daliri, unti-unti siyang tumingin sakin. Ang pungay ng mata niya.

 

“Winter. Hi..” Sumenyas siya sa upuan sa harap niya, “Uhm, have a seat.” Hindi naman awkward yung atmosphere. More like pareho kaming halatang tensyonado sa kung ano ang mangyayari sa aming pag-uusap.

 

Naupo ako sa harap niya, napansin kong may inorder na siyang pagkain at kape. “Nag-call for last order na sila kanina kaya umorder na ako although I wasn't even sure you’d come. I’m glad you did.”

 

Tumango lang ako. Ininom ko ang kape na medyo nanlalamig na just to cut yung tension. “Thanks sa coffee..”

 

Natahimik ulit kami. Hinihintay ko lang siyang magsalita at siya naman yung nagyaya na mag-usap kami in the first place. Although malakas na rin naman ang kutob ko kung anong sasabihin niya.

 

After everything na nangyari sa amin, kilalang-kilala ko pa rin si Karina.

 

Pareho lang kaming nakatingin sa labas. Bigla siyang nagsalita pagkatapos ng ilang minuto, “I’m sorry for lying.”

 

Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking jacket pati na rin sa mug. Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin, pero yung marinig siya na nagso-sorry about dito...

 

Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko.

 

“I can tell you the reasons kung bakit ako nagsinungaling. I can make excuses for my actions, pero hindi ko mababawi yung sakit na alam kong na-inflict ko sayo, Win.” Biglang bumalik sa utak ko yung moment ng gabing ‘yon.

 

Yung naramdaman ko nung sinabi niyang hindi niya naaalala yung halik.

 

Yung pag-iyak ko sa banyo.

 

Yung pag-asa na nabuo sa sarili ko dahil akala ko may naramdaman siya dun sa halik.

 

Yung nakita kong takot din sa mata niya pero pinili kong hindi bigyan ng kahulugan dahil baka delusyon ko lang ‘yon.

 

“Gusto ko pa rin malaman yung reasons, Karina. Kung pag-uusapan natin, pag-usapan na natin lahat.” Madiin kong sabi. Nandito naman na, sagarin na namin.

 

Nag-pause siya for a while. Hinahayaan ko lang din na kolektahin niya nang maayos ang kanyang thoughts. Alam ko naman na mahirap din ito para kay Karina, hindi lang sa akin. Hindi naman porket nahihirapan ako eh iisipin ko nang madali lang ito para sa kanya.

 

Gusto ko lang talagang malaman bakit kailangan niyang magsinungaling.

 

“N-natakot ako, Winter. Nag-panic ako. Alam kong hindi enough reason yan, pero yan yung naramdaman ko. Naduwag ako. A-ayokong masira ang friendship natin nung time na ‘yun.”

 

Nagtaka ako.

 

Naduwag saan? Ayaw masira ang friendship? Bakit kung makapagsalita siya, parang alam niya na may nararamdaman ako para sa kanya? Para bang aware siya na may feelings ako kaya niya ako iniwasan.

 

Napalunok ako.

 

Teka.

 

Bumaling ang tingin ko sa kanya agad.

 

Hindi naman siguro? Hindi naman siguro niya alam, diba? Kasi.. tangina. Ang sama naman niya kung ganon. “Karina.” Nilingon niya ako, matigas ang tingin ko sa kanya, parang nanghahamon. “A-alam mo ba?”

 

Please. Sana hindi.

 

Sana hindi niya alam. Kasi kung oo, tangina, masasaktan ako.

 

Tumingin siya sa baba at tumango, “Oo.”

 

Napa-iwas na lang ako ng tingin at napapikit dahil sa nalaman ko. Natawa rin ako, pero yung tawa na walang kahit anong pagkatuwa. Pucha lang. All this time pala alam niya yung feelings ko?

 

“Kailan mo pa alam?” Nakaka-ilang tuloy tumingin sa kanya. Para akong napapahiya na hindi ko maintindihan.

 

Matagal nanaman bago siya nakasagot. Napapansin ko naman na nagpipigil lang siya ng luha. Kahit ako naman ay pinipilit na hindi mag-iiyak dito. Pero yung puso ko ay parang pinipiga.

 

“Nung nag-sleep over ka sa bahay.. when I told you na nag-sleep talk ka.” Pag-amin niya. 

 

Ang tagal na pala.

 

One year before nung kiss, alam niya na pala. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko sa moment na ‘to. Para akong sasabog. Ang daming pumapasok sa isip ko pero at the same time, para akong naba-blangko.

 

Ang dami kong gustong itanong at ang dami kong gustong sabihin.

 

“Tangina naman, Karina.” Yan lang ang una kong nasabi. Nakita ko yung pagpikit ng mga mata niya at subtle na pagtulo ng kanyang luha.

 

“I’m so sor—”

 

Hindi ko siya pinatapos, “Bakit mo ko hinalikan? Kung alam mo pala?” Umiling ako, “Ano ‘yun, gusto mo lang ma-try baka may maramdaman ka rin? Ganon ba?” Tina-try kong magsalita nang derecho.

 

“Hindi sa ganon, Win.”

 

Natawa ako, “Tapos nung wala kang naramdaman, nireto mo ako sa iba? Ano, para malimutan kita? Para wala kang guilt na dala dala sa sarili? Ang selfish mo naman pala.” Napangunahan na ako ng galit.

 

“Sinabi mo dati maghanap ako ng ibang friends. Lumayo ka sa akin. Lahat ng ‘yon dahil gusto mong malayo ang loob ko sayo para mawala yung feelings ko? Ang unfair mo. Sobra. Sasabihin mo ayaw mong masira yung friendship natin, pero ako mismo yung sinira mo.”

 

Nakatungo lang siya. Halos kami na lang ang tao dito sa coffee shop. Alam kong tina-try niya na wag umiyak nang malakas, ayaw niyang makaakit ng atensyon. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagluha.

 

Huminga ako nang malalim to compose myself. Nagsalita ulit ako, mas kalmado. Lumambot yung puso ko sa pag-iyak niya.

 

“Hindi mo naman ako kailangan ipilit sa iba, Karina. Pwede mo naman sabihin. Tanggap ko naman. Kaya nga hindi ko sinabi sayo, kasi tanggap kong wala kang nararamdaman. Hindi mo ako kailangan pagpasa-pasahan sa kung kani-kaninong babae.”

 

Tumingin siya sakin sa wakas, hindi ako nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy ang pagsasalita, “Bakit hindi mo na lang sinabi na hindi mo ako gusto? Na hindi mo kayang ibalik yung nararamdaman ko para say—”

 

“Kasi gusto rin kita, Winter.”

 

Puta.

 

Ano?

 

Ito yata yung huling bagay na inexpect kong sasabihin niya. Tangina!

 

Napatitig lang ako sa kanya, naka-awang ang bibig at halos hindi ako kumurap.

 

“Kaya hindi ko masabi dati na wala tayong pag-asa, dahil deep down gusto rin kita. Kaya lang, natakot din ako na masira tayo that’s why I buried the possibilities of loving you in return.”

 

She took her gaze away sa akin at tumingin sa labas, “And when I realized my feelings, nasaktan na kita. Masyado nang malalim yung sakit na naramdaman mo galing sa akin. It was too late.”

 

Parang sasabog ang dibdib ko.

 

Siguro kung narinig ko dati, years ago, na gusto niya rin ako, baka nagtatalon ako sa tuwa. Baka ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero ngayon, puro galit at sakit lang ang nararamdaman ko. Puro panghihinayang. Kasi alam kong wala namang mangyayari na.

 

Hindi ko na nga halos maalala ang pakiramdam nung panahong mahal na mahal ko siya at kaya kong ibigay ang lahat para sa kanya.

 

“Bakit mo sinasabi ‘to sakin? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang?” Mahinang tanong ko.

 

“Because you deserve to know the truth from me, Win.” Mabilis ang sagot niya, “Because I know you’re finally letting go, and I want you to be able to let go of everything. Including the possibility of us.”

 

Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko, hindi ko ito iniwas. “I’m not saying all these para ako ang piliin mo. You don't have to choose. It's obvious kung sino yung mas deserve mo, Winter.”

 

She caressed my hand, na parang ito na yung huling beses. “I’m saying this so we can have a proper closure. Because both of us know na masyado ka nang nasaktan. And me saying na gusto rin kita will not make the pain go away.”

 

Nagpunas siya ng luha, “All those years na minahal mo ako, all I did was give you pain in return. And you don’t deserve that kind of love. You deserve so much better.”

 

Tumango ako. Tama siya, masyado nang malalim. Masyado nang masakit para masolusyonan ng simpleng “Gusto rin kita”, pero masakit pa rin. Sobra.

 

Nagsalita ako, pinipilit na hindi umiyak nang todo. “Karina.. I loved you. For as long as I can remember. “ Maraming taon na sobrang minahal ko siya.

 

“At siguro.. siguro kahit mawala yung pagmamahal ko para sayo, habambuhay yung marka sa puso ko. Pero hindi ibig sabihin ikaw lang yung pwede kong mahalin nang ganon.”

 

Tumango siya habang umiiyak, “I know.”

 

Malungkot na ngumiti ako sa kanya, “Napagod na ako. Tama ka, masyado na ‘kong nasaktan. Hindi na mababalik yung sakit na naramdaman ko. Hindi na mababawi yung mga masasakit na salita. Your confession isn't going to take away the pain.”

 

Tumatango-tango lang siya habang umiiyak, tinatanggap lang lahat ng sinasabi ko. “I'm so sorry for everything. Believe me when I say that I never meant to hurt you, Win. I was stupid and selfish.” She's almost choking sa kanyang mga luha.

 

Kahit galit ako, alam kong sincere si Karina sa mga sinasabi niya.

 

Huminga ako, “Nangyari na.. hindi na natin mababalik. Pero salamat sa pagiging honest.. I can finally let go of everything, katulad ng sinabi mo. And siguro para sayo rin. For your own closure.”

 

Hindi ko pa rin maipasok sa kokote ko na gusto rin pala niya ako all this time. Hindi ako makapaniwala. Pero wala naman na kaming magagawa kung ‘di tanggapin na hanggang dito na lang talaga.

 

Hindi na kaya.

 

Wala nang chance.

 

Yung pagmamahal ko sa kanya ng anim na taon, napalitan na lang ng sakit. Sakit at acceptance din. Na talagang kahit mag-meet man kami halfway, it’s just not meant to be. Baka talagang hindi kami para sa isa't isa.

 

Masyado akong maaga, masyado siyang natagalan.

 

She exhaled loudly at ngumiti sa akin kahit namamasa ang mga mata, “Telling you about this feels like para akong nakahinga nang maluwag, Winter. I’m sorry if I ruined your progress. I wasn't trying to.”

 

Umiling ako, “You had to think about yourself din. And itong conversation.. kailangan mangyari ‘to sooner or later. At least I’m not blindsided anymore. At pareho tayong makaka-move forward.”

 

Ayoko nang magalit. Sawang sawa na akong magalit. Wala rin namang mangyayari na. Ayoko rin masayang yung progress at growth ko for the last few months. Sabi ko nga kanina, kung anong mangyari ngayon, tatanggapin ko na lang.

 

Baka ganon kasi talaga. Siguro minsan kailangan nating harapin yung mga bagay kahit gaano man sila kahirap tanggapin at marinig. In order for us to grow better.

 

Sobrang sakit na malaman na alam pala niya ang nararamdaman ko. At mas masakit na kaya naman pala niyang ibalik ‘yun, kaya lang masyado nang huli ang lahat.

 

“It really is too late for me, isn’t it?” Malungkot na tanong niya. Na parang alam naman niya ang sagot, pero kailangan niyang marinig pa rin galing sa akin.

 

I smiled with regret, “I’m sorry, Karina.”

 

Pinilit niyang ngumiti pabalik, “It’s not your fault, Win. If only hindi lang ako naging tanga at duwag..”

 

“Sana someday, maging okay ulit tayo. And until that day, I want you to always just be happy and think about yourself first. I'm—uhm, I'm proud of you.” Nahihiyang dagdag niya.

 

Tumulo muli ang luha sa mga mata namin. Ito siguro yung pinakamasakit. Yung alam namin na kailangan talaga naming lumayo muna sa isa’t isa to be able to heal. Kailangan namin ng oras.

 

Humarap ulit ako sa kanya, “Ikaw rin. You deserve to be happy too.”

 

Ako naman ang humawak sa kamay niya, “Sobrang hirap para sa akin nung mga nalaman ko. Pero despite that, I forgive you for everything. Kaya wag mo na sanang sisihin ang sarili mo. Gusto ko rin maging masaya ka, Karina.”

 

Pinagsiklop niya ang mga kamay namin, “Thank you. I think I needed to hear that galing sayo..” Nakatingin lang siya sa mga kamay namin, “I’m so sorry, Win. Sa lahat. I wish I could turn back time, but I can’t. Pero willing akong mag-move forward to become a better person. For myself.”  

 

Tinanguan ko siya, “Sana yan na yung huli mong sorry sakin. And next time, ‘pag okay na tayo, I hope we’ll be able to start again as friends. For now, let's do what's best para sa sarili natin.”

 

She smiled. Nagbitaw na kami at natahimik lang. Alam kong pagkatapos ng pag-uusap na ‘to, nothing will be the same anymore. Pero okay lang, at least completely ay makakalaya na kami sa feelings ng isa’t isa. Ang gusto ko lang, maging okay kami individually at mag-heal.

 

Siguro only time will tell.

 

Nagsalita siya bigla, “Had we tried, it wouldn’t have worked out. Masasaktan lang kita. Magiging strangers lang tayo.”

 

Gusto ko sanang sabihin na nangyari rin naman ng lahat ng ‘yon, pero hindi na lang. She sounded like parang kino-comfort ang sarili more than me. I smiled anyway, “Siguro it just wasn’t meant to be.”

 

“Yeah. Maybe.”

 

Nakita namin na may papalapit na staff sa aming table kaya mabilis kaming nagpunas ng luha ni Karina, “Sorry to interrupt po but we're closing down in a few minutes.”

 

“Yeah, we're about to leave na. Thank you.” Sagot ni Karina.

 

Tumayo na kami. Medyo awkward nga lang dahil hindi ko alam kung paano kami kikilos pagkatapos ng naging usapan.

 

Napansin ko yung kinuha niyang duffle bag sa ilalim ng table. “Bakit.. may dala kang bag?” Tanong ko.

 

Lumakad na kami papalabas ng café, “Uhm, nasa Cagayan sina Mama at Papa. Nagpapasundo ako tonight. Dun muna ako hanggang magpasukan sa January.” Hindi na siya sasabay sa amin pauwi sa LB?

 

Tinuloy niya ang sasabihin, “Nagsabi na ako sa iba. I told them may emergency lang.” Siguro ayaw na lang din niyang maging awkward yung natitirang time namin sa Baguio dahil dito sa nangyari kaya hindi na ako nagtanong pa.

 

Sayang lang kasi hindi na namin siya makakasama. Pero it's for the best siguro.

 

“Ingat ka.” Sabi ko. Nasa labas na kami, nakatayo at nakatingin lang sa malayo.

 

Humarap siya sa akin, “Will you be fine going home? Magta-taxi ako papunta sa SM. Nandon sila.”

 

“Okay lang ako. Ikaw ba?” Nakita kong kumaway siya dun sa paparating na taxi. Tumigil ito sa harap namin.

 

Hindi niya na nasagot ang tanong ko kung okay lang siya. She just smiled at pumasok na ng sasakyan, “I'll see you around, Win. Take care of yourself.”

 

Umalis na siya.

Nakasunod lang ang tingin ko sa taxi. Hindi ito tinted, kaya nakita ko yung paglingon ulit ni Karina sa akin. Ngumiti kami sa isa't isa, parehong may namumuong luha sa mga mata.

 

“Bye.” She mouthed, humarap na ulit siya sa daan.

 

Naiwan akong nakatayo dito. Biglang bumalik lahat nung napag-usapan namin kanina. Ang bigat bigat. Pero kailangan mangyari, para makausad kami.

 

Hindi naman na kami mga bata. We both know that letting go of the feelings is the best na kailangan namin gawin. To salvage yung natitirang friendship na meron kami.

 

Nag-umpisa na akong maglakad pabalik ng air bnb. Nag-vibrate ang phone ko kaya chineck ko ito. Si Minju.

 

Minju: Did it go well? You want me to pick you up sa Beanstalk?

 

 

Quarter to seven.

 

Nag-aabang ako ng taxi sa labas ng bahay. Hindi ko yata kayang maglakad sa ganitong lagay. Para akong wala sa wisyo.

 

“Saan po Ma'am?” Tanong ng driver.

 

“Sa Café by the Ruins po, Sir.”

 

Nandon na si Minju. Kakatext lang niya sa akin. Inisip ko buong araw kung paano ko sasabihin sa kanya yung kay Karina. Gusto kong malaman niya dahil ayokong may tinatago sa kanya.

 

Ayoko rin isipin niya nahindi sincere ang nararamdaman ko. What I feel for her is much more than simple attraction.

Si Minju ang uunahin ko. Pero kailangan ko rin makausap si Karina.

 

Mabilis lang ang byahe mula sa bahay namin hanggang sa café. Wala pa yatang 10 minutes ay nakarating na ako. Medyo kumukulog pero wala pa namang ulan. Ayoko ng ganitong weather, nadadamay ang mood ko.

 

Umakyat ako, nandon daw kasi siya sa may private table upstairs. Maganda yung place, mukhang sinauna. Kaya siguro ito rin yung napili niyang lugar ngayong gabi. Maganda yung vibe.

 

I saw her pagka-akyat ko. Naka-sideview siya from where I'm standing. Napangiti agad ako kahit hindi pa niya ako nakikita. Kahit dim lang ang ilaw, ang ganda talaga niya. Para bang she lights up the room.

 

Like she lit up my life ever since nakilala ko siya.

 

Naglakad ako papalapit sa kanya at napansin niya ako kaagad. Tumayo siya at sinalubong ako para yakapin, “Hi, ganda.” Nakangiting bati niya.

 

I giggled, “Mas maganda ka.” She kissed me sa aking cheek, just like she always does kapag magkikita kami.

 

“I already ordered. But I know you won't be long dito.” Sabi niya, nakangiti.

 

Nagtaka at nagulat ako sa sinabi niya, “H-ha?”   

 

Umupo na ulit kami.

 

Natagalan siya bago nagsalita ulit, para bang hinahanda yung sarili niya sa sasabihin. “Last night.. Karina took a shot dun sa sinabi ni Giselle.” Akala ko hindi niya napansin? “I noticed. Your reaction too was very telling, you know?” Mahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jmjwrites
Happy New Year! Enjoy SC #2! ❤️

Comments

You must be logged in to comment
oofiee 1051 streak 0 points #1
Chapter 42: binasa k lang ulit TAS WOW CARL STRESS KA TALAGA
LacusClyne1124 #2
Chapter 44: Sc #3 plsss 🥹🙏🏻🙏🏻🙏🏻
_soshivelvet
#3
Chapter 44: na-miss ko tooo
jaangwaang
896 streak #4
Chapter 43: hahahaha haysss namiss ko ang magbeby
Min_sik #5
Chapter 44: Ang tagal ng sc#3 iiyak nako
lokonaba
#6
Chapter 42: that was a roller coaster. limang araw na i tried to finish this limang araw din na iyakan. kaloka, thanks otor for writing this!
lokonaba
#7
Chapter 16: dang that was so angst love it
lokonaba
#8
Chapter 11: HAHAHAHAHAHAH ANONA
kleispace
#9
READY NA AKONG MARANASAN ANG BURNOUT NG ELBI LORD IBIGAY MO NA SA AKIN 'TO (waitlisted 😭)
jsiermocrpsissss_143 #10
Chapter 44: SPECIAL CHAPTER #3 PLEASE !! 🙏😭