Dalawa, Marso 13, 2022

Ang Paglalakbay ni Lem!

Hello ulit!

      Ako ay nagbabalik muli HAHA! 3:42pm na, nakakain na ako ng tanghalian. Naalala niyo ba kahapon na sinabi ko ang ulam namin ngayon ay liempo? Yung liempo na iyon ay nasa tiyan ko na. Napaka sarap ng luto! Napaka linamnam, sarap, hindi nakakasawa, at lambot, alam mo yun? Yung parang gusto mo nalang kainin ito palagi. Ang tatay ko ang nag luto pero ang mama ko ang gumawa ng timpla para sa liempo. 

     Sayang nga dahil ako ay nagising ng late, nagising ako ng magtatanghalian na! Gusto ko pa sana tumulong mag luto ng liempo, kaso ako'y huli na. 

 

   Anyway, iba naman ang pag usapan natin, nagugutom na ulit ako HAHAHAHA. 

   Hays may pasok nanaman bukas. Ang first subject pa namin ay Mathematics *umiyak* Ang Math teacher namin ay napaka strict! Hindi siya magaling mag turo, kaya wala akong naiintindihan palagi. Pag may ipapasagot siya, ako ang palaging target niya! Hindi ko alam kung bakit ako palagi ang pinapasagot niya?? Gusto kong umiyak pag hindi ko natatama ang answer, feeling ko may galit siya saakin.

   Pero buti mayroon akong kaibigan na pwedeng pagtanungan, ang pangalan niya ay Kiara Kirstein Kaga. Ang KKK ko, oh diba ang taray! 2 years palang kami magkaibigan, pero feeling ko kilalang kilala ko na siya. Noong grade 5 kami, face to face pa noon, palagi kaming magkasama. Hindi namin nagagawa ang isang bagay nang hindi kami magkasama, partner in crime kumbaga. Kung ilalarawan ko siya, siya ay matalino, maganda, magaling sa lahat, bibo, favorite ng teachers, madaming kaibigan, crush ng bayan, at magaling sa English! In one word, siya ay perfect.

  Pero hindi ako komportable sakanya, minsan wala akong choice kung di sundin siya. Nabibigla nalang ako sakanyang text messages na "gawin natin ____" "samahan mo ako gumawa ng ____", bilang kaibigan niya, syempre kailangan ko sabayan ang trip niya! Pero kung ayaw ko talaga, syempre mag sasabi ako na ayaw ko ito gawin, kaso na gguilty ako minsan pag sinasabi ko ito, pero alam ko naman maiintindihan niya ako.

   Subalit, kami ay nagkalayo. Pumunta na siya ng Canada noong New Year. Dati niya pa itong pangarap, ang tumira sa ibang bansa. Miss na miss ko na siya. Ang saakin lang naman ay gusto ko siya makita muli, pero anong magagawa ko? Masaya naman na siya sakanyang bansang tinitirahan. Ay! Ang drama ko naman haha! Pero ayun nga, ang mahalaga ay masaya siya at ang pamilya niya.

  Madami pa akong mga kaibigan, pero siya ang pinaka importante saakin, hindi ko kaya na wala siya saaking tabi. 

  I-kwento ko na rin ba kung paano kami nagka kilala? hahaha! Sige, nagkakilala kami nung grade 5. Second year ko palang noon sa iskwelahan namin, nag transfer kasi ako roon ng grade 4. Wala akong masyadong kilala, ang mga naging kaklase ko lang noong grade 4 ang kilala ko, may familiar faces naman doon, pero hindi ko kilala ang mga kanilang pangalan.

  Usually, sa likod ako umuupo, ayaw ko sa harapan, dahil ayokong malapit sa titser, basta I'm not really fond of sitting sa front. Nung first day, si Kirstein talaga ang stand out sa buong klase. Ako yung tipong mahiyain, at hindi nakikipag halubilo sa mga tao, siya naman ay napaka bibo, maganda, at intimidating! Siya ang social butterfly sa section namin.

  Siya ang unang nakakuha ng aking attention. Tinitignan ko siya minsan, at pag tumiting din siya saakin, minsan tinatarayan niya ako. Takot na takot ako rati sakanya, tinanong ko pa nga yung katabi ko kung tinatayaran din siya ni Kirstein, pero ang sabi niya naman ay hindi, kaya mas natakot ako sakanya haha! Pero one day, nagka grupo kami, parang ito ang nag lead samin na maging friends! Nung nagka usap kami, akala ko tatayaran niya ako, mali ang aking hinala. Mabilis siya makausap! Mabait siya, at english mag salita. Ako naman itong straight forward na tao, tinanong ko sakanya kung may galit ba siya saakin dahil tinatayaran niya ako pag ang aming mata ay nagkakatagpo, ang sabi naman niya ay ganyan talaga siya. Hindi niya ako tinatayaran. Ayan lang muna ang aking i-kkwento sa friendship namin, next time nalang ulit!

  See you next time!

 

-Tanya Loraine Arso,

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet