never not

Pagsamo

Sabi nila masakit daw kapag hindi ka pinag-laban ng taong mahal mo. ‘Yung hinayaan ka lang niyang mawala kasi meron na siyang ibang gusto. O kaya, hindi naman ganon kalaki ang pagmamahal na gusto niyang i-alay para sa’yo.

 

Tama naman sila. Masakit talaga.

 

Pero siguro, para sa akin— mas nakakakirot, nakakasuka at nakakagalit— kapag alam mong meron naman kayong laban, pero hindi niyo nilaban. Hindi kayo sumugal. Sumuko na lang kahit alam niyo sa loob loob niyo pwede pa namang manalo.

 

Kasing lakas ng hagupit ng bagyo ang bawat ‘pag-tibok ng puso ko nang sinimulan mo ang nais mong sabihin sa isang salita gamit ang mala-angel mong boses;

 

“Karina…” 

 

At sinundan ng,


“May sasabihin ako sa’yo.”

 

Mas matindi pa sa surprise oral exam ng professor ko ang surprise factor na dala ng mga sinabi mo. Hindi ka man lang nag-warning. Kahit naman anong sign pwede, pero wala.

 

Para kang si kamatayan na bigla na lang sumulpot sa tahimik kong buhay at sinabing,

 

“Mamatay ka na at susunduin na kita”

 

Oh baka si kamatayan ka nga talaga.

 

Kasi namatay ako eh.

 

Hindi mo nga lang sinundo pero sumabay sa pagtigil ng paghinga ko nang sinabi mong ayaw mo na.

 

Tandang tanda ko pa nga; kahit hindi ko ginusto, kabisado ko ang bawat galaw ng labi mo habang binibigkas ang mga salita na pilit kong iniintindi.  

 

“I’m sorry, pero we can’t be together anymore. Alam na nila and they want me to stop this.”

 

At ako naman, si tanga, hinayaan ka lang. 

 

Sabi ko, “I understand.” 

 

Kahit putang ina ang totoo eh, hindi ko naman talaga maintindihan.

 

Sa buong limang taon na nagkasama tayo, nagawa nating itago, isikreto. Napanatili nating lihim ang relasyon natin sa nakakarami. Tapos ngayong nalaman na nila, napunta agad sa hiwalayan. 

 

Hindi na ba pwede mag-paliwanag? Hindi na ba pwedeng i-wave?

 

Baka naman kaya pang solusyonan. Baka kailangan ko lang silang ligawan.

 

Pero sabi mo, ayaw mo. Huwag na lang. Kasi kilala mo sila. Hindi na magbabago isip nila. Lalo na ‘yung tatay mong sundalo. Hahaha. Tapos ‘yung nanay mong laging nanghihingi sa’yo ng apo. Isama mo pa ‘yung kuya at ate mong sobrang istrikto. At hindi pa natinag, pati ‘yung mga tito at tita mong hilig mangeelam sa buhay ng ibang tao.

 

Kaya siguro pagkatapos ng ilang araw, saka ko lang naintindihan. 

 

Na kahit anong gawin ko,

 

Mamanhikan. Lumuhod. Magmakaawa. 

 

Walang magbabago. 

 

Kasi ano ba namang laban ko sa mga taong unang nag-mahal sa’yo?

 

Kaya kahit masakit, sinubukan kong tumayo ulit mula sa pagka bagsak sa lupa ng sabihin mong itigil na natin. Mahirap man sa damdamin, buong puso ko na lang tinanggap ang bagay na kailanman, hindi na muli magiging akin.

 

At simula nung araw na akin nang nakita ng malinaw ang dahilan, sinimulan ko na ring umusad. Kahit maliit, okay lang at least nandoon na ako sa “move on phase”

 

Masaya naman.

 

Recommended. 10/10.

 

Gusto ko ngang i-congratulate sarili ko eh.

 

Kasi pagkatapos ng tatlong buwan na ‘pagdadrama, pagiinom at pagsasayang ng oras habang hinihintay na baka bumalik ka, nagawa ko na ulit bisitahin 'yung Instagram mo ng walang kirot na nararamdaman sa puso ko.

 

Charot. Meron pa naman pero mga slight na lang, ganon.

 

Pero hindi ko ‘yon pinagtuuan ng pansin. Pinilit kong takpan ‘yung kirot sa paraan ng ‘pag-bulong sa aking sarili ng mga salita na,

 

‘Karina, naka move on ka na. Okay na siya. Masaya na si Winter. At ikaw din.’

 

Kahit na sa loob loob ko, hindi naman talaga.

 

Isang malaking kalokohan, oo.

 

Kaya ayun, tinanggap ko na lang ang katotoohanan na habambuhay akong magmamahal sa’yo, kahit na hindi ka na babalik.

 

Pero isa lang pala ‘yon sa mga bagay na bulag kong pinaniwalaan. 

 

Bigla kang nagparamdam at muling ginising ang halimaw na akin ng inilibing sa pinaka ilalim ng laman loob ko.

 

Nag-rereview ako ‘non para sa long quiz namin sa susunod na araw. Sobrang stressed ko na nga kasi kahit anong gawing ‘pagbabasa, wala talagang pumapasok sa isip ko.

 

Napasigaw na lang ako sa inis. Pero ipinagpatuloy ko pa rin. Kahit sumusuko na katawan ko, tuloy lang ang buhay. Tutal sembreak naman na after dahil malapit na ang pasko.

 

Tanda ko nasa page 111 ako ng “Economic Structure of Corporate Law” ng biglang nag-liwanag ang cellphone na naka-tambay sa gilid ng table ko. 

 

Nung una hindi ko na dapat papansinin kasi ayaw kong ma-distract. But wala rin akong nagawa nang makita ko ‘yung pangalan mo sa notification bar ng 6S ko.

 

Messenger

Winter sends you a message.  4:11 AM

 

Hindi ko alam kung anong nangyare sa akin basta nagulat na lang ako, biglang napatayo, hawak hawak ang cellphone gamit gamit ang dalawang kamay ko. Wala akong pake kahit na ‘yung lamesa na kaninang tinutungtungan ko eh natumba na sa gilid kasama ng mga librong binabasa ko.

 

Wala akong pake kahit mas matalas pa sa tingin ng gutom na agila ang tingin ko sa pangalan mo.

 

Winter.

 

Winter.

 

"Winter."

 

Kahit ilang beses ko ulit ulitin, napapangiti pa rin ako kasi bumabalik ang alaala nung una kang dumating sa buhay ko at sinabi ang pangalan mo.

 

Winter Kim.

 

Pangalan ng babaeng minahal ko ng sobra. Pangalan ng babaeng pilit kong kinakalimutan nang iwan niya akong mag-isa. Pangalan ng babaeng ngayon ay bumabalik; at akin din namang tatanggapin kahit alam kong ako lang din ang mag-dudusa.

 

Hindi ko alam kung sa lamig lang ba na dulot ng ber months o sadyang kapag sa’yo, nag-mamalfunction ‘yung buong pagkatao ko. Nanginig ako. Ano kayang sumapi sa’yo at bigla ka nanaman nagparamdam? Tila nag-siliparan ang mga tanong sa utak ko, dahilan nang saglit na pagkataranta. Siguro masisira ko ang vitals monitor kapag isinabak nila ang puso kong gustong kumawala sa sobrang lakas ng pagtibok. 

 

Bubuksan ko na ba?

 

Paano kung prank lang?

 

Paano kung wrong send?

 

Mga tanong na ilang minuto ko ring pinag-isipan at kung hindi pa dahil sa panglawang mensaheng dumating, hindi pa ako titigil.

 

Winter sends you another message.  4:17 AM

 

Ang ending, hindi ko rin napigilan at binuksan ang mensahe na pinadala mo. 

 

Tila ba’y ako’y nasakal dahil sa biglaang pag-tigil ng pag-hinga ko nang makita ko ang mensahe mo. 

 

Winter (4:15 AM): Hi Karina, gmorning!

 

Winter (4:17 AM): busy ka ba?

 

Oo, busy ako.

 

Pero para sa’yo?

 

Kailanman “hindi” ang magiging sagot ko.

 

Karina (4:18 AM): hindi, bakit?

 

Sagot ko. Ayaw kong magmukhang marupok, kahit ‘yon naman ang totoo.

 

Winter is typing…

 

Nakakatawa. Parang ganito rin ‘yung naramdaman ko nung una kitang minessage para tanungin ka kung naintindihan mo ba ‘yung rubrics sa project para sa English subject natin.

 

Parang gusto kong sumuka at jumebs. Mas matindi pa ‘yung kaba ko habang nag-iintay ng ire-reply mo kesa sa kaba ko tuwing may presentation ako sa klase.

 

Winter (4:21 AM): diba malapit sa inyo ‘yung Taytay tiangge?

 

Karina (4:21 AM): Oo, bakit?

 

Sobrang random naman. Kala ko ang sasabihin niya, ”Balik ka na.” Chos.

 

Winter (4:26 AM): nice. gumagala ka ba don? kelan ka pupunta? may papatingin lang sana ako.

 

Karina (4:26 AM): Actually, I was planning to go there later around 2PM. Ano ba ‘yung papatingin mo? :)

 

Kasinungalingan.

 

Wala sa plano ko na pumunta ng tiangge. Kahit tignan niyo pa sa starbucks planner ko or sa mga sticky notes na nakadikit sa board banda sa section ng “Errands”.

 

Walang “Pumunta ng Taytay”.

 

Pero pupunta ako.

 

Para saan?

 

Para kanino.

 

Winter Kim.

 

Para sa kaniya.

 

Pupunta ako para kay Winter kahit na may pasok ako mamaya. Marketing. Isang major na nagtatagal from 11AM to 1PM. Ang highlight is 1PM ang uwian kaya 2PM ako pupunta.

 

Kahit na wala akong tulog, okay lang.

 

Kasi para sa kaniya ‘to. May kailangan siya eh. Siyempre, ibibigay ko.

 

Winter (4:33 AM): ay nice. sige. baka may makita kang trousers na kulay indigo na kasiya sa akin. At saka bag na prang sa ano

 

Winter (4:33 AM): yng parang cute na bag na maliit. Yung prang backpack ni dora hahaha

 

Winter (4:34 AM): pero brown or red. Need ko kasi sa school. 

 

Karina (4:34 AM): Sure :) Mag-hahanap ako. Ayon lang ba?

 

Winter (4:36 AM): yup. If may nakita ka, message mo ako ah. Salamat

 

Winter, sa buong 5 years na nag-kasama tayo, kailan ko ba hindi ibinigay ang gusto mo?

 

Karina (4:36 AM): Suresure. Anytime, Win. :)

 

Reply ko. And then, I waited.

 

Baka may sasabihin ka pa or may papadagdag. 

 

Pero wala.

 

Nakuha ko lang is,

 

Seen (4:39 AM)

 

Gago, grabe ang kirot ah. Parang kagat lang ng dinosaur. 

 

At sa ganon lang, ‘don natapos ang temporary happiness ko. Pero dahil isa akong certified tanga, kaya nating patagalin ‘yan. 

 

How?

 

Sa paraang “i-embody ang toxic positivity”

 

‘Ang mahalaga nakakausap ko na siya ulit. Hindi na ako naka-block. Hahaha.’

 

—0—

 

Kinabukasan, stressed ako ng sobra sa class. Kasi nalaman kong kahit sembreak, meron pa rin kaming gagawin dahil ‘yung prof ko na kasing sama ni Satanas, binigyan kami ng research na dapat gawin kahit bakasyon.

 

Muntik na akong dumeretso ng kablockmate ko at sumali sa inuman nila nang biglang nag-message si Winter.

 

Winter (2:03 PM): hey

 

Winter (2:03 PM): otw ka na?

 

Karina (2:03 PM): Hey, yes. I’m on my way now. :) Pasakay na ako ng jeep.

 

Winter (2:05 PM): ah cgecge. Ingat ka :D

 

Shet naman.

 

Karina (2:05 PM): Thanks. :))

 

Dali dali akong tumakbo sa sakayan ng dyip at iniwan ‘yung mga kaibigan kong kumakain sa fishballan.

 

“Hoy, Karina! Saan ka pupunta?” Sigaw nila habang patuloy lang ako sa pagtakbo sa station.

 

“Taytay. May utos sa akin si Mommy! Bye!” Sigaw ko. Hingal na hingal akong dumating sa station. Buti na lang may nakaabang agad at nakaalis din. Mas mabilis akong makakapunta. Mukhang nag-hihintay si Winter. Ayaw ko pa naman siyang pinagaantay.

 

Binuksan ko ulit ang phone ko at tiningnan ang convo namin.

 

Kinilig talaga ako sa pa John Lloyd at emoji niya. Ingat daw. Gago.

 

Agad din namang nawala ngiti sa labi ko nang mapansin kong ininbox zone niya lang ang huling message ko.

 

Hays.

 

‘Ayos lang ‘yan, Karina. Warm up lang siguro’

 

Sabi ko na lang sa sarili ko. 

 

‘Pagtapak ko sa Taytay, napa-squint ako agad sa sobrang init dahil sa tapat ang araw at ang daming tao, which I expect naman na. Hindi naman nawalan ng tao rito.

 

Pumasok ako sa area ng tiangge at sakto, nahagilap agad ng aking mga mata ‘yung helera ng mga sapatos at bags. Kaya kinuha ko ang phone ko at binuksan ang messenger.

 

Karina (2:42 PM): Hey, Win. I arrived na sa tiangge. Eto ‘yung mga bag na nakita ko.

 

I sent her the pictures that I took. Kinuhanan ko ng photo ‘yung limang bag na fit sa description na sinabi niya. Maliit parang kay Dora at brown or red.

 

Sa limang ‘yon, meron akong nakitang sa tingin ko magugustuhan niya.

 

And tama nga ang hinala ko nang mag-send siya ng screenshot ng convo namin, nakabilog ‘yung photo ng bag na sa tingin kong magugustuhan niya.

 

Winter (2:51 PM): this one, maganda. I like it :>

 

Karina (2:52 PM): I figured :) kunin ko na ba?

 

Winter (2:54 PM): opo. abt that nga pala. pwede bang paabunuhan muna? I’ll pay na lng kapag nakuha ko na.

 

Karina (2:54 PM): Sure, no prob :)

 

Karina (2:55 PM): I’ll get this one na and then, I’ll look for the trousers na.

 

Winter (2:57 PM): cgecge.

 

Inabot din ng almost 4 hours ang ‘pag ikot ko sa Taytay dahil ang hirap hanapin ng trousers na gusto niya. Though may nakita naman ako along the way, kaso hindi niya type ‘yung design at cut so lipat ulit sa ibang booth. Sa tingin ko nga nalibot ko na ‘yung buong tiangge kakahanap. 

 

Buti na lang meron akong nakita sa kaduluhan ng Bagpi. 450 lang. Ganda pa ng tela.

 

Umuwi ako ng may dala-dalang plastics. Yes, plastics. Dahil ang dapat na dalawang bagay lang, naging anim. Bukod sa hiniling niya, bumili rin ako ng mga shirts na feeling ko magugustuhan niya. Isang hoodie tapos isang flannel.

 

Kahit naubos ‘yung pera pambili ko ng lightstick ng Girls’ Generation, ayos lang basta masaya si Winter. Pwede ko pa namang pag-ipunan ulit ‘yon eh. Etong chance ko na ‘to, minsan lang mabibigay.

 

Karina (8:47 PM): Hey, eto nga pala ‘yung request mo. *sends photos

 

Winter (8:53 PM): Uy salamat. Ang ganda. Sorry ah inabot ka pa ng gabi

 

Anything for you, baby.

 

Karina (8:53 PM): It’s okay. I don’t mind naman :)

 

Karina (8:54 PM): Kelan mo pala siya kukunin?

 

Winter is typing…

 

Gagi. Kinikilig nanaman ako. Regular na ba ‘to?

 

Thank you rold, siguro.

 

Winter (8:56 PM): before Friday so either bukas or susunod na araw.

 

Winter (8:56 PM): sorry, busy kasi sa Midterms kaya hindi ko sure kung what day. ipakuha ko na lang din kay Yujin.

 

Ay. Ano ba ‘yan.

 

Laking dismiya ko ng malaman ko na hindi ko siya makikita. Kaso naalala ko, isa nga pala  akong ganap na tangang marupokpok. Kaya ano pa nga bang dapat kong gawin? Edi gumawa ng paraan.

 

Karina (8:58 PM): I can give it to you na lang. Dalhin ko sa condo mo.

 

Winter is typing…

 

Bagal mag-reply. 

 

Winter (9:02 PM): ay hala wag na uy. maabala pa kita. Atsaka wala ako sa manila eh nasa laguna ako rn. Bka sa thursday night pa ang uwi ko

 

Winter (9:02 PM): kaya si Yujin na lang din sana ang papakuha ko 

 

Pagdadahilan niya na parang hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila. Jusko, Palawan nga nadayo ko para lang may kasama siya sa outing ng mga friends niya kasi sabi niya siya lang walang kasamang jowa. Kahit na bunganga ni Mommy ang nag-welcome sa akin pabalik, okay lang kasi ang ganda rin naman ng naiwan naming memories don.

 

And another thing, ano bang sinasabi niyang abala? 

 

"Kelan ka pa naging abala sa buhay ko Winter Kim?"

 

Karina (9:03 PM): It’s okay really. It’s not like it’s my first time sa bahay niyo. Ibibigay ko lang naman ‘yung gamit mo eh. Hindi rin ako magtatagal. :)

 

Winter (9:09 PM): r u sure?

 

Karina (9:09 PM): Opo

 

Winter (9:11 PM): oky sige. Kelan ka pupunta?

 

Karina (9:11 PM): Tomorrow din. Mga 5PM andyan na ako :)

 

Winter (9:14 PM): okay noted. Thank you talaga Karina. Like really

 

Karina (9:14 PM): like I said Win, anything at any time :)

 

Reply ko. 

 

Medyo aggressive ata at natagalan siyang mag-reply.

 

Winter is typing…

Winter is typing…

Winter is typing…

 

I was on the verge of saying “Wag mo masyadong pagisipan irereply mo, ako lang ‘to” nang dumating na ang mensahe niya.

 

Isang smiley emoji.

 

Sampung minutong paghihintay para sa isang smiley emoji.

 

“Tangina.”

 

Gago, ang tanga tanga ko talaga. 

 

Deserve ko na talaga ng medal sa karupukan ko. Kapag narinig nanaman nila Gi etong pangtatarantado ko sa sarili ko, hindi na lang sampal aabutin ko sa mga ‘yon.

 

Pero kasi.

 

Wala naman na akong ibang madadahilan.

 

Mahal ko eh.

 

Mahal na mahal.


 

—0—

 

Dahil ako’y may kotse naman, nakadating ako ng Laguna ng eksaktong alas-singko ng hapon. Pero for some reasons, nanatili akong nakatambay sa eskinita malapit sa bahay nila.

 

Nakatingin lang ako sa bahay nila. 

 

Kabado bente at parang natatae.

 

Sino ba namang hindi?

 

Sa loob ng mga dingding na kulay buhangin ay ang mga taong naging parte na rin ng buhay ko kahit papano. Bukod kay Winter, close naman ako sa family niya. Kasi nga mag-”bestfriends” kami kaya sa minsang pumunta ako sa bahay nila, nakakausap at nakakatawanan ko rin ang mama, papa, ate't kuya niya.

 

Pero ngayon, haharap ako bilang dating ka-relasyon or ex ni Winter. Haharap ako bilang isang taong, at some point, kinaiinisan nila.

 

Sinong hindi kakabahan ‘don?

 

Bigla namang nagliwanag ulit ang screen ng phone ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ko message ni Win.

 

Winter (5:05 PM): hi, malapit ka na ba?

 

Huminga ako ng malalim at sinagot siya. Wala naman na akong choice. It’s now or never.

 

Karina (5:05 PM): I’m here na po. Park ko lang car ko

 

Seen (5:06 PM)

 

After parking my car sa tapat nila, inayos ko na ang mga ilalabas ko at saglit na tumingin sa salamin.

 

“Okay, good. Kaya mo ‘to, Karina. Maganda ka.” sabi ko sarili ko at huminga ng malalim. Lumabas na ako ng car at nagsimulang mag-lakad sa bahay nila Winter.

 

“Winter” I called, and not a minute had passed when Winter opened the door.

 

At gaya ng sinabi ni Patchot, kapag in love ka, biglang nag-iislow mo ang mundo mo. Ayon ang naramdaman ko habang naglalakad si Winter papunta sa harap ko. May ngiti sa mga labi niya. The kind of smiles that made me feel so close, yet so far.

 

‘Yung ngiti na parang isang malaking sampal na sa akin na, “Okay na ako Karina. Okay na talaga.”

 

‘Yung ngiti na ibang iba sa mga ngiti na binibigay ko tuwing tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung “Mahal mo pa ba?” o kaya “Naka-move on ka na?”

 

Ibang iba sa mga ngiti na sumusunod sa bawat sabi ko ng “Okay na ako.”

 

Ibang iba talaga.

 

“Hey, are you okay?” Tanong ni Winter na nagpabalik naman sa akin sa reyalidad.

 

“U-Uh, yeah. I’m fine.” I paused. “Umm, hello. Long time no see.”

 

Ngumiti siya sa akin. “Yeah. Long time,”

 

Muling nabalot ng katahimikan paligid namin habang nakatingin kami sa isa’t isa. 

 

At sa sandaling pagkakataon na ‘to, muli kong pinag-aralan ang mukha niya.

 

Maganda pa rin. 

 

Mas maganda, actually. 

 

‘Yung mata niya parang may nakatagong isang maliit na kalawakan dahil sa pagliwanag nito. It’s still in the shade of auburn, with an ascent of pitch black. ‘Yung ilong niyang ang tangos na kung iisipin, pwede nang mag-surf sa sobrang slender. Her cheeks na pagka-cute cute na gustong gusto kong tinitiris at kinikiss. ‘Yung buhok niyang mas maganda pa sa buhok ni Isabela sa Encanto.

 

And her lips.

 

I’ve got nothing to say about her lips.

 

Because the more I think about it, the more I remember the times where those plump and hearty lips were leaving a sweet and warm touch in mine.

 

Overall, nag-goglow siya.

 

At mukhang masaya.

 

Hahahahaha.

 

Sana all.

 

“Karina?”

 

Natigil ang pag-tititigan namin ng may tumawag ng pangalan ko mula sa bahay nila. 

 

Si sir Kim.

 

“Good afternoon po, sir.”

 

“Oh, hija. Kamusta ka na?” Tanong niya, masaya at kalmado.

 

“Okay lang po.” Sagot ko naman ng may mahinahon na tono kahit sa loob loob ko, kabadong kabado ako.

 

“Buti naman. Kumain ka ba? Winter, papasukin mo at pakainin mo muna.” Utos niya. 

 

Putakte naman.

 

Hihindi na sana ako kaso biglang nag-salita si Winter. “Sige po, dad. Tara, mag-meryenda ka muna.”

 

Utos niya at bilang marupok ako, sumunod na lang ako. Pumasok ako sa bahay nila at umupo sa sopa sa sala. Si Winter naman dumeretso sa kusina.

 

Habang wala pa siya, inikot ko paningin ko sa loob ng bahay. Ganon pa rin. Walang pinagbago. Ang funny isipin na minsan ko ring naramdaman na mas ramdam kong home ‘to kesa sa apartment ko sa Manila.

 

I diverted my gaze to my right at nakita ko ‘yung isang bottle ng buhangin.

 

‘Yung binigay ko sa kaniya nung pumunta ako ng Pangasinan.

 

“Uwi mo ako ng buhangin diyan”

 

Naalala kong sabi niya. And of course, I gave her what she wanted. Kahit na natapunan bag ko kasi naka plastic pa siya at saka ko lang nabote nung nasa Manila na ako ulit.

 

Buti hindi pa niya tinatapon.

 

Medyo nakakagaan ng damdamin.

 

“Kadarating mo lang?” Muling natigil ang pagre-reminisce ko ng biglang lumitaw si Mrs. Kim. Ang nanay ni Winter.

 

“Opo, tita.” Sagot ko.

 

“Ah. Tagal mo na ring ‘di napunta rito ah? Kamusta ka na?” tanong niya, dahilan ng muntikang pag-sabog ng emosyon ko. Hindi ko alam kung maiiyak o matatawa.

 

Tita, paano po ako pupunta?

 

Parang walang nangyare. Hahaha.

 

Parang hindi niyo alam na naging mag-jowa kami at pinaghiwalay niyo.

 

“Okay lang naman po ako. And opo nga po eh. Busy po kasi sa school.” sagot ko na lang.

 

Nagtataka ako pero hinayaan ko na lang. Maya maya dumating na si Winter na may dala-dalang plate ng tinapay at palaman.

 

Egg sandwich.

 

My favorite.

 

“Ah ganon ba. Oh sige, kain ka lang diyan.” sabi ni Mrs. Kim at umalis na.

 

Sumagot na lang din ako ng “Opo” at kumain. Sa kabilang couch si Winter, nagcecellphone. Tapos ako, kumakain at nanonood ng TV.

 

Tahimik lang at walang nagsasalita. Sobrang still na pati ata guardian angel ko mahihiya sa sobrang awkward naming dalawa.

 

Hindi naman kami ganito eh.

 

Never nag-exist ang uncomfortability sa relationship namin even as best friends or mag-jowa.

 

“Wala kang pasok?” Pag-sira ko sa tahimik na paligid. Tumigil naman siya sa ‘pag-phone at panandaliang tumingin sa akin.

 

“Wala,” sagot niya at bumalik sa pag-pophone.

 

Siguro kung hindi ako naka-jacket, nanigas na ako sa lamig ng sagot niya.

 

“By the way, eto nga pala ‘yung mga pinabili mo.” Inabot ko sa kaniya ‘yung dalawang paper bag na dala ko. Ininspeksyon niya ‘yon at tumingin sa akin.

 

“Teka, bakit parang ang dami neto?”

 

“Um, nag-dagdag kasi ako ng ibang damit. Baka kasi trip mo ‘yung iba.”

 

“You don’t have to do that.”

 

“Of course, I do. Malapit na pasko at birthday mo. So think of it as my gift na lang.” sabi ko at hindi na siya sumagot.

 

Knowing that ayaw niya naman na atang niyang makipag-usap, tinapos ko na agad ‘yung kinakain ko para makaalis na ako dahil sa mas pinipili kong manatili, lalo kong nararamdaman ‘yung kirot.

 

Kaya naman ‘pagtapos at ‘pagtapos kong kumain, tumayo na ako agad para dalhin ‘yung platito sa kusina nila.

 

“Uy, iwan mo na lang diyan sa mesa.” sabi ni Winter.

 

“It’s okay. Nakakahiya naman kung iiwan ko pa.” Hindi ko na hinintay sagot niya at pumunta na sa kusina. Kung saan nakita ko ang kuya niyang nanunuod ng TV kasama ang papa niya sa bakuran nila. 

 

“Uwi ka na, Rina?” Tanong ng papa niya. Rina. Namiss ko ‘yon ah.

 

“Opo, sir.”

 

“Okay, sige. Mag-ingat ka pag-uwi.” sabi ng papa niya. Nakita kong nakatingin ang kuya niya kaya nag-bow na lang din ako.

 

“Ingat ka.” sabi ng kuya niya.

 

“Thank you po.” Paalam ko at bumalik na sa sala. Wala na si Winter doon so baka nasa labas na siya kaya lumabas na rin ako. And bingo, nandon na siya sa tabi ng kotse, nagpo-phone pa rin.

 

Sana all phone.

 

“Hey,” Tawag ko at lumakad sa harap niya. Binaba na Winter ang phone niya at nilagay sa bulsa. Since gumagabi na rin, wala ng masyadong tao sa labas.

 

“Oh, hi. Uwi ka na?”

 

“Yes.” Bahagya ko siyang nginitian. Tinago ‘yung lungkot dahil sa pagtanto na baka eto na ulit ang huling pagkakataon na makita ko siya pagkalipas ng maraming taon.

 

Tumango siya. “Okay. Salamat ulit. Pasyensya na rin talaga sa abala.” she smiled. “Ingat ka ah? By the-”

 

“Can I ask you a question?” Pagputol ko sa kaniya.

 

“Yeah, sure.”

 

“You said your parents knew that’s why we had to stop, but…” I paused at huminga ng malalim. “Is that really the reason why you broke up with me?” Tanong ko. Wala na akong pake kahit anong isipin niya. Gusto kong malaman ang totoo.

 

Mga ilang minuto rin siyang natahimik. Nagbago ang ihip ng hangin at nawala ang ngiti sa mga labi niya.

 

“Yes.”

 

“I see. I’m sorry to say this but the way your family treated me, parang wala kasing nangyare. Parang hindi nila alam. That’s why I had to know.” pagpaliwanag ko. Nakayuko na ako kasi medyo nakakahiya pala. Galit lang ako ng slight pero nakakahiya.

 

I was about to say goodbye when she asked something na hindi ko ineexpect na manggagaling sa kaniya,

 

“Hindi ka pa rin ba nakaka move-on?”

 

Tanong na lagi kong naririnig at hindi masagot-sagot.

 

Hindi pa ba?

 

Hindi pa.

 

Dahil sa bugso ng damdamin, sobrang naiinis ako sa sarili ko ng maramdaman kong onti onti nanaman akong naluluha. 

 

Gago, ba’t ba kasi sa lahat ng itatanong, ayon pa?

 

“Alam mo naman na siguro sagot diyan.” sagot ko at tumingin sa kaniya.

 

Habang ako, naluluha, siya naman walang emosyong nakatingin sa akin.

 

‘Yung mata niya blanko. Walang spark, walang love. Miski awa, wala.

 

“Mag-move on ka na.”

 

“Win, hindi naman basta candy lang ‘yung hinihingi mo sa akin. Kala mo ba madali?”

 

Natahimik siya.

 

Mag-move on ka na.

 

Kung alam mo lang Win kung ilang beses ko ‘yang narinig sa maraming tao. Kung alam mo lang kung ilang beses ko ring sinubukan, pero nabigo lang ako.

 

Hindi madaling mag-move on sa’yo, Kim.

 

“What do you need?”

 

“What do you mean?”

 

She sighed. “What do you need from me para maka-move on ka na?”

 

And with that, ako naman ang natahimik.

 

Ano nga bang kailangan ko?

 

Ano pa bang gusto ko sa’yo?

 

Bukod sa bagay na alam kong hindi mo na mabibigay?

 

Hahahaha.

 

Tangina.

 

With all the strength that I have left, I wiped the tears bubbling and threatening to fall from my eyes. I looked into her brown orbs and asked,

 

“Do you still love me?” 

 

One second.

 

Two seconds.

 

Three seconds.

 

“Not anymore.”

 

I smiled.

 

“That’s all I need to know.”

 

Sumakay na ako ng kotse at nag-drive paalis.

 

Pilit na pilit kong pinigilang bumigay sa emosyon na gustong kumawala. But in the end, natalo rin ako.

 

I stopped on the side of an empty road and screamed at the top of my lungs. Banging my hands on the steering wheel.

 

“Ang s-sakit sa-kit! P-Putangina naman o-oh!” I said between my sobs.

 

I cried and cried. 

 

Hoping that this burning feeling trying to consume my lungs, mind and heart will go away any sooner.

 

It didn’t.

 

—0—

 

It took another one whole month.

 

1 month for me to get over it.

 

It took a month for the stings to go away. 

 

And within those days, I confined myself to vices. Nilunod ang sarili sa alak. Sa kwarto lang ako. Hindi ako pumasok dahil hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas, ng inspirasyon. 

 

Wala talaga akong gana.

 

Bawat hakbang ko sobrang bigat.

 

Kung hindi pa dahil sa bwiset at mapilit kong kaibigan hindi pa ako lalabas ng kwarto. 

 

“Sabi ko naman kasi sa’yo diba? Wala na nga. Hindi ka na mahal. Ewan ko kung anong pumasok diyaan sa kokote mo at unang inisip mo kung bakit siya nag-message ay babalik siya sa’yo!” galit na sinabi ni Giselle sa akin.

 

Nandito kami sa tapat ng bahay niya. May bote ng Alfonso at coke sa lamesa. Isa sa mga dahilan kaya napapayag din akong kumilos.

 

“Oo na, gets ko na. Tanga na nga.”

 

“Tanga, mas matindi ka pa sa tanga. Alam mo ‘yung kapag nag- ‘yung diyos ng katangahan at diyos ng masokista? Ikaw ang offspring.” sabi niya at lumagok ng alak.

 

“Grabe ka naman, Gi.”

 

“Totoo naman. Tignan mo nangyare sa’yo. Puro inom. Bagsak sa Midterms. Sa tingin mo ba makaka-graduate ka ng ganiyan ha? Boba ka,”

 

“Kaya nga papasok na ako bukas diba?”

 

“Aba dapat lang. You're one absent away from dropping out, alam mo ba?”

 

“Oo na, oo na. Uminom na tayo.”

 

We fell into utter silence. Blanko ang isipan ko. For the whole month, hindi man lang ako makapag-function as a human. Buti nga hindi pa ako nadedo. Laking pasalamat ko na lang din kay Giselle dahil minsan pumupunta siya sa room para pakainin ako. Dumating pa sa point na muntik pa akong mabulunan dahil agresibo niyang sinubo ‘yung kutsara kasi ayaw kong kumain. Tapos siya rin gumagawa ng mga homeworks ko. Sobrang thankful talaga ako sa kaniya.

 

“Promise me one thing, Rina.”

 

I averted my gaze from the sky to Giselle’s. “What?”

 

“You’ll leave everything behind after this night.”

 

“I think I just did that nung gabi na ‘yon. When she said no.” I chuckled. “The way she said it na walang bahid ng kahit anong emosyon. Na parang wala lang ‘yung 5 years. Sinabi niya ‘yon na parang isa lang akong salita sa libro ng buhay niya. Hindi pahina, hindi talata. Madali niyang nilapagpasan at hindi na inaral muli.”

 

Napayuko ako. Ayaw kong umiyak sa harap ni Giselle. Kaya trinay kong pigilan. I can see her in my peripheral na nagpo-phone then later on, nilagay niya ‘yung phone sa harap ko.

 

I sat straight and leaned closer to the phone. “What’s this?”

 

“See for yourself.”

 

Tinignan ko ‘yung screen and nakita ko ‘yung “My day” ng isang babae at kasama niya si Winter.

 

“W-Who…”

 

“Remember that girl na pinagseselosan mo nung 1st year college tayo?”

 

“Is this…”

 

“Yup. And look at the sentence sa baba.”

 

I took a closer look and I gasped in shock. Hindi ko alam kung magagalit o maiiyak. Gusto kong sumigaw at sugudin si Winter, pero mas gusto kong lagukin ng straight ‘yung Alfonso.

 

'Happy Anniversary, my love.'

 

Anniversary. 

 

We broke up 5 months ago.

 

Tangina.

 

“Minju saw that on the girl’s facebook account. Then she sent it to Ningning for confirmation. Then she gave it to me last night kasi she was also shocked. Ang alam din nila kaka break niyo lang.” 

 

I can’t believe it. 

 

All this time…

 

Tangina, kaya pala.

 

Kaya ganon.

 

“That’s why I want you to get over na kay Win. Fully get over it. Because she doesn't deserve every ounce of love and pain you have for her, Rina. She’s an . So please, do yourself a favor and stop letting yourself be hurt by someone who doesn’t give a single about you anymore and never will have.” sabi ni Giselle at tumingin sa akin.

 

"Tama na pagiging tanga. Kota ka na," 

 

Wala akong nasagot at ininom na lang ang baso ng alak na hawak hawak ko.

 

Iyon ang huling gabi na hinayaan ko ang sarili kong damhin ang sakit at pait na dulot ng pagmamahal na minsan kong inakala na hinding hindi magbabago.

 

Ang huling sandali na umiyak ako dahil kay Winter. 

 

Sa gabing 'yon natapos ang patuloy na katangahan at kahibangan para sa taong minsan ako'y minahal at tuluyang iniwan.

 

Sa gabi ring 'yon nagsimula ang aking paglalakbay at desididong pinanindigan ang mga salitang,

 

Ako muna.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
whiskeyromeowrites
Just a piece of memory that lives within me.

Comments

You must be logged in to comment
Bibimoo3435 35 streak #1
Chapter 1: Ay yawa ang sakit 😭 sana may bunos chap
minjeongflakes
#2
Chapter 1: gagi this is like my first time reading an aff winrina story na si winter yung nagloko at si karina yung marupok at kawawa, sarap mong kaltukan winter napakagago mo
lokonaba
#3
Chapter 1: woo grabe
A_Joyul
#4
Chapter 1: First time ko makabasa na hindi si winter yung kawawa at marupok sa mga storyang ganito.
EuHades
#5
Chapter 1: gago ansakit naman nun..