part idk

Gatecrashers
Please Subscribe to read the full chapter

BABALA: Bastos bunganga nung character. Bye.

 

 

 

Damang-dama ni Wendy ang pagdagundong ng bass galing sa higanteng speakers na nasa stage habang papalapit siya sa kumpol ng tao sa gitna ng field. Medyo pahirapan pa dahil habang binubulag ang mata niya ng neon lights, binobomba rin sila ng tubig galing sa nakaparadang firetruck. Basang-basa na ang damit niya hanggang tapos paubos na ang iniinom niyang lemonade, pero that doesn’t stop her from crossing the sea of wet people para hanapin ang mga kaibigan niyang humatak sa kaniya sa event na ito.

 

Acquaintance party para sa mga bagong estudyante ng college of engineering and architecture. Wala naman siya sa nabanggit. Sa katunayan nga sa ibang campus talaga siya pumapasok. Sobrang lakas lang talaga makahikayat ni Jennie Ruby Jane, pwede na maging sales lady sa sm. Pinangakuan siya na after ng event na ‘to, pupunta sila sa pub na malapit sa dorm ni Seulgi. Masarap yung fried isaw nila don. Medyo mura lang din ang drinks.

 

Sinusubukan niyang tawagan ang mga kaibigan at ka-course na si Sehun at Mina sa cellphone niyang binalot sa plastic ng yelo pero walang sumasagot. Mga dimunyu.

 

Si Seulgi at Jennie ang architecture and engineering students sa kanila kaya malakas makapag aya. Nasa student council din si Seulgi kaya naipasok nang walang kwestyon ang tatlo. May free shirts pa.

 

Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap, nakita niya si Jennie na may ginigilingang girls. Mga kaklase niya siguro ito. May pagka-siraulo dinhb ‘tong kaibigan niya, e. Sasamahan daw siya mag-cr pero hinatid lang siya hanggang pinto tapos sumibat na. E, kung ma-take home siya ng enhinyero dito? Sabi ni Seulgi huwag daw siyang humanap ng kalandian during the event. Sa pub na lang o kaya sa mcdo kapag nagbabanlaw na sila. Paano't may bad rep ang mga engineering (sumusunod ang archi) students sa dating scene. Walking redflags daw.

 

Baka kaya red ang motif ng lugar. Gets.

 

“Jen!” She shouted as loud as she can para marinig siya ng kaibigan na kumakaldag na sa kanta ni Skusta clee. “Jennie!” Ulit niya pa. Thankfully, narinig din naman siya nito kalaunan. Nanlaki pa ang mata nito nang makita siya. It looks like nakalimutan ni Jennie na kasama niya si Wendy.

 

“Beb! Shet! I forgot about you! Hinatak kasi ako ng ka-block ko!” Sigaw nito sa tenga niya. See?

 

Hindi naman siya galit, annoyed lang ng konti. Alam niyang may tama na itong si Jennie. They drunk the same lemonade na hinaluan ng alcohol ng officers para sa kanila pero inabutan sila ni Seulgi. Kung paano nila naipuslit yung alak ay hindi niya alam. Sana lang hindi maamoy ng mga professors na umattend sa event kasi ayaw niyang maipit dito, ok?

 

“Guys! This is Wendy, my friend! We went to the same high school with Seulgi!” pakilala ni Jennie sa kaniya. May tatlong babae at limang lalaki. Nagpakilala silang sina Doyeon, Rosie, Doyoung and Taehyung. Mukhang ayos naman sila pero mas gusto sana ni Wendy na makilala sila sa hindi ganitong setting. “They met Mina and Se na kanina! Kasama sila ni Seulgi!” informed ni Jennie.

 

Buti naman at buhay pa ang mga kaklase niya. May group study pa silang tatlo bukas nang hapon.

 

“Are you enjoying yourself?” Tanong sa kanya ni Rosie. Ngumiti siya saka tinanguan ang dalaga. Simula nang pumasok siya sa  school na ito, palagi niyang naririnig na CEA has the best events daw. Totoo naman.

 

Yung college niya kasi hindi naman nagbabago ng theme. Palaging semi-formal kaya hindi na sila uma-attend na magkakaibigan. Gumagawa sila ng sarili nilang event.

 

“Sabi ni Seulgi nag invite daw sila ng local band bukod sa banda ng campus! Umatras daw kasi yung kinausap nila from NCR.” Sabi ni Doyeon nung makita nilang may nagse-set up na sa stage. Mukha excited sila. Hindi naman nag-eexpect ng malaking pangalan si Wendy. Hindi naman kalakihan ang university nila para maka afford ng mainstream na band.

 

 “Lemonade pa?” Alok ni Taehyung saka itinaas ang hawak na one litre bottle na kagaya nung pinagkunan ni Seulgi ng drink niya.

 

“Hindi pa yan nauubos?” tanong ni Doyoung. Nagtataka siya kakastart pa lang ng event, umiinom na sila.

 

“Oo pare, inabot sakin ni Johnny. Marami daw silang ginawa kanina.”

 

 Makaraan ang ilan pang trap songs, handa nang tumugtog ang band. Nagpakilala sila bilang 'The Jamborats'. Muntik nang lumabas sa ilong ni Wendy yung drink niya.

 

Bakit naman The Jamborats? Gago ba sila? Pinayagan ito ng admin?

 

Lumakas ulit ang hiyawan nang sinimulan nilang tugtugin ang Watermelon Sugar ni Harry Styles. Halos mabingi sila kay Jennie at Doyeon na mapapagutan na ng ugat sa leeg kakasigaw sa lyrics. Paborito daw kasi nila 'yon. Ok? Paborito din naman ‘yon ni Wendy pero hindi niya pinagkakalat. Sa yamot ni Taehyung, pasimple niyang sinasabunutan ang dalawa.

 

Sinunod nila ang Ligaya by Eraserheads.

 

Binabasa pa rin sila ng tubig at nag-eenjoy na si Wendy habang sumasabay sa kanta. Medyo tinamaan na siya nung lemonade habang si Doyoung naman ay tinamaan ng tubig sa ilong. Napalayo tuloy sila hanggang sa hindi napansin ni Wendy na nahiwalay na siya sa mga kasama.

 

“SAGUTIN MO LANG AKO WALANG HUMPAY NA,” tinapat ng vocalist ang mikropono sa crowd na wala sa tonong pinagpatuloy ang kanta.

“LIGAYAAAA!!”

 

Naniniwala si Wendy na kahit hindi niya naririnig ang sarili niyang boses ay nasa tono pa rin siya.

 

Napatingin siya sa kaliwa niya nang may umakbay sa kaniyang matangkad na babae. Basang-basa siya. “Malaki yung burat nung gitarista! Nine over ten!” malakas na sabi nito sa tenga niya.

 

Gago ano ‘to, Wow mali?

 

Amoy alak na yung babae. Isa siguro ‘to sa officers. Bastos bunganga ampota.

 

At dahil nakainom din siya, sumigaw siya pabalik nang, “Ayoko ng burat! Bilat gusto ko!” ‘Di niya pa makita nang maayos yung mukha ng babae pero mukhang nakangiti ito. Nastuck na sa mukha niya ang basang buhok niya tapos yung dimunyong neon lights pa.

 

“Joke lang pala! Supot yan!” biglang bawi nung babae. “Ako yung may bilat!” Hinawi ng babae yung buhok niya saka pinunasan ang mukha.

 

Ay gago, eto yung nakasabay niya sa cr kanina! Naglalagay ng lipstick habang hinihintay magpalit ng napkin yung tropa niya. Nalaman niya lang kasi ang daldal nilang magkaibigan.

 

Kumusta na kaya yon? Nabasa rin kaya napkin niya dahil sa bomba ng tubig? Anyway, ang ganda nitong nakaakbay sa kaniya. Kinindatan pa nga siya nito kanina bago umalis sa CR.

 

“Anong name mo?!” tanong ng dalaga sa kaniya.

“Wendy!”

“DWENDI? ANG PANGIT NAMAN!”

“WENDY! YUNG FASTFOOD!”

“ANONG BAD MOOD?!”

“TANGA! WENDY NGA!”

 

“HA—PUTANGINA NYO JAMBORATS ANG INGAY NYO! DI AKO MAKALANDI DITO!” Mukhang napansin siya nung gitarista tapos pinakyuhan yung direction nila.

 

 Pwede ba ‘yon? Officers, hello?

 

Ayaw patalo ng kaakbay niya at sumigaw nanaman ng, “CHANYEOL MALIIT TITE! THREE OVER TEN!”

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
tealundertones
pangit ng aff inayos ko pa yung format niyan sa owrd tapos pagkapost ko dito natatanggal. ewness

Comments

You must be logged in to comment
redsummer0801
#1
Chapter 2: On second thought pakisundan na po to agad agad. Ican wait for MMK until end of year 2023
ohwandom #2
Chapter 2: Hala ang pokpok naman nila.. moarrrr!!!
redsummer0801
#3
Chapter 2: MAHAL NA MAHAL KITA OTORNIM SANA SUNDAN MO NA AGAD AGAD
_wendyshon_ #4
Chapter 2: Salamat sa pagpapasaya sa akin ngayong araw otornim 😌
EzraSeige
#5
Chapter 1: Gun the otornim looking forward po part 2 kung meron 🤞🙏💚💙
_flcty #6
Chapter 1: Ganda po ng story idol sana po may part 2 🙏 💙💚
nkogneato
#7
Chapter 1: sakit po ng bitin lods. auto upvote agad. pero sino ba kaseng nakaisip ng pangalan nung band?? 😂😂
redsummer0801
#8
Ito realtalk. There's something about your writing na lagi ako/kaming nahhook. Always aliw sa mga likha mo otor. Di ko na ma express pa saloobin ko baka next time mahanapan ko ng words pero potek bitin hayp yan. Pero labyu pa din po kahit box box lang nababasa mo sakin lagi
redsummer0801
#9
Chapter 1: BITIN??? SHUTA
redsummer0801
#10
AUTO SUBS DIN. MISS YOU LODI OTOR