hvd

Shout-out Booth
Please Subscribe to read the full chapter

napabuntong hininga na lang si seulgi bago ipasok ang kamay sa pulang kahon sa gitna ng hall, halos makalhati na ang laman nito, mag aalas dos na rin kasi ng tanghali. g na g na ang mga estudyanteng mag pa shout-out at mag confess ng kaharutan nila sa buong school grounds.

 

/to ryu santillian, 
i'm a grade higher sayo, hindi kita gaano nakikita, pero i would see you minsan kapag pupuntahan mo yung kapatid mong nag ro-room sa tabi namin and maybe, just maybe i have a little crush on you.

yun lang, happy valentine's day and i hope you got the beanie. 
from light fury./

 

natatawang tinapos ni seulgi ang pagabasa, halos mag lupasay kasi kanina si ryu sa dance room nung may nag abot ng maliit na bag, sabi nung napag utusan ay regalo daw 'to para sa kanya.

 

"light fury, alam mo bang nag lupasay sa kilig si ryu kanina?" bumunot na ulit sya, pinili nya yung mga nasa pinaka ilalim.

 

/para sa 'akin'. 
hi akin! gusto ko lang inggitin mga friends mo at lahat ng makakarinig nito if ever na mabubunot sya mamaya.

jisoo, mahal kita! happy valentines akin! 
from nini./

 

samut'saring sigaw ang maririnig sa mga nakatambay sa ibang booths at mga estudyanteng payapang naglalakad, may sumigaw ng-

 

'punyeta na yan'

 

'sana all akin!'

 

'jennie ng badminton team bakit hindi na lang ako!'

 

at kung ano ano pang kaiinggitan ang alam nila. bubunot na sana ulit si seulgi noong may nahagip ang mata nyang isang jisoo na tumatakbo palabas sa room nila patawid sa hall, papunta sa room ni jennie.

 

"mga bata tumabi kayo kung ayaw nyong gawin kayong bowling pin ng isang tumatakbong jisoo bautista" pag anunsyo na sya mic.

 

habang nag kakagulo sa gitna eh bumunot na ulit si seulgi, napapikit pa sya sa haba ng nakasulat sa papel, nobela pa ata.

 

/to yuji,
nagustuhan mo ba yung dinos na binigay ko? sana oo, ang hirap kaya hanapin ng mga yan. hindi ako nag rereklamo ha, share ko lang. kung sino man ang magbabasa nito, pasensya na po agad medyo mahaba ata to. gusto sana kitang batiin ng personal yuji, gusto ko sana na ako mismo ang mag aabot sayo nung mga dinos, na sana ako ang magbabasa nito sa harapan mo.

sinubukan ko naman pero hindi na kasi talaga kaya; i hope you can smell my scent sa mga litol dinos, alam kong hindi yan enough, but for now, i hope that will do. just another year and i would be there narin sa school mo, hindi na ldr, hindi mo na kailangang mapuyat dahil gabi na sa pilipinas at umaga pa rito sa ibang bansa, kasi uuwi na ako yuji. uuwi na ako sa'yo. 
from mindelgado./

 

parang nag short circuit ang utak ni seulgi after ng binasa nya, nararamdaman nyang maalin na lang sa umiiyak, nag wawalling o nakatulala lang ang kapatid nya ngayon. 

 

"hoy yuji, napakalandi, alam ba'to ni mama!" sigaw nya sa mic na naka kuha ng tawanan, kilala kasi silang mag kapatid dahil pareho silang nasa dance at badminton team.

 

nag ring ang phone ni seulgi, kapatid nya ang natawag.

 

yuji: ate! can i have that letter, please!


seul: sino muna 'to?


yuji: omg ka ate, ang marites mo!


seul: gaga kapatid mo'ko normal na yun.


yuji: fine, remember yung kapitbahay natin na nag promise sakin na uuwi sya kapag mag senior high na sya?


seul: hindi..


yuji: ate naman!


seul: char, yung mukha bang aso?


yuji: puppy kasi ate! nasstress ako sayo!


seul: edi puppy, arte ah, so sino nga yun?


yuji: minjeong delgado


seul: ah ge, kunin mo na lang maya


yuji: yay! thankie!

 

binulsa na nya ang phone at bumalik sa pag halukay sa box, this time kinapa nya yung maikli lang, nauubos na kasi ang laway nya.

 

/to bal. 
yeri sarmiento, pwede ba tayong mag usap? 
from sae/

 

animated pang lumingon si seulgi sa kaibigan na nabato na ata sa kinauupuan nito, hindi maipinta ang mukha, di rin sya sigurado kung masaya ba to o galit.

 

"gago ate seulgi" nawala yung mapang-asar na ngiti sa labi ni seulgi, bihira lang tumawag ng ate si yeri, kung hindi dahil may kailangan syang ipasuyo ay ito. pinatay nya muna yung mic at lumapit dito.

 

"hindi mo naman kailangang umoo, hindi dahil bigla na lang sya ulit nag paramdam at nagsabing mag usap kayo eh kailangan mo na yun gawin. may choice palagi yeri"

 

di nya sure kung nakatulong ba ang sinabi nya o hindi, tumango lang si yeri sa kanya at nag sabing sa canteen lang daw muna sya.

 

in-on na ulit ni seulgi yung mic at saka bumunot.

 

/to my soulmate,
hi lali, this is just the things i want to say kaninang umaga nung binati mo'ko sa call, i was so overwhelmed when you sang a song for me that i forgot to speak. 

my soulmate, there's a couple billion people in the world and a million other places we could be, but you're here with me. open my icloud if mabasa to, i record something for you! happy valentines lali, i love you! 
from chaeng/

 

bigla na lang may nag play sa speaker, natigilan lahat, may nagulat pa nga. hinanap nya ang salarin, nakita nya si lisa na naginginig pang hawak ang cellphone nya.

 

nakalimutan kasi ni seulgi na ang kaibigan nya nga pala ang may hawak sa pa background music nila kada hindi sya nagbabasa.

 

/Here's to all the late night drunk phone calls that you picked up
Here's to all the bad decisions that you didn't judge
All the 'love you's and the 'hate you's and the secrets that you told me
Here's to everyone but mostly us/

 

parang anghel ang kumakanta ng bg music ngayon, wala naman atang aangal kung sasabihin ni seulgi na nakaka-kalma talaga ng boses ni chaeyoung.

 

/There's a couple billion people in the world
And a million other places we could be, but you're here with me
Take a moment just to take it in
'Cause every high and every low led to this
I'm just so glad you exist/

 

"chae yung jowa mo nag iinarte na oh" napailing na lang sya nung nakita nyang nangingilid na ang luha ni lisa, bumunot na lang ulit sya.

 

/to bami,
pa shout out po sa nanliligaw saking si aeri nunez, pasabi po na sinasagot ko na sya pero bukas gusto kong monthsary!
from ning, aeri's girlfriend #real/

 

halos mag hiyawan yung mga lower year, halatang lower year kasi sumunod sila sa color coding ng shirts. si aeri at ning kasi yung isa sa matunog na panagalan sa school, chismis ganun.

 

nag fake dating yung dalawa para lang hindi na pag pyestahan si aeri ng mga lower year, half hapon kasi at masyadong humaling na humaling ang mga to sa kanya.

 

and then nalaman ng mga admirers ni aeri na hindi pala totoo, pero ang sabi ni aeri totoo na daw this time. in short gulong gulo ang aerinatics (yun tawag nila sa sarili nila eh) kung ano ba talaga.

 

'ning alagaan mo baby aeri namin!' 

 

rinig sa buong hall yung sigaw nung isang g10, kita sa pwesto ni seulgi yung wedding booth nila ning at wonnie, tawang tawa si seulgi sa itsura ni ning.

 

'mas matanda si aeri sayo ng isang taon wag mo syang tawaging baby!'

 

matinis ang pag kakasigaw ni ning dito.

 

"oh awat na, happy -1 daysary sa inyo ning and aeri!" malokong awat ni seulgi dahil baka mag sigawan pa ang lahat, aerinatics vs aeri's girlfriend.

 

nasa loob na ulit ng kahon ang kamay ni seulgi, iniikot ikot nya lang ang laman hanggang sa mapansin nyang nakabalik na pala si yeri, namumula mula pa ang mata.

 

"hoy anyare?" tanong nya dito, umiling lang naman si yeri at umupo ulit sa dati nitong pwesto. mamaya na lang nya 'to kakausapin.

 

/to the girl i have been sending cookies every morning,

sana nagustuhan mo yung cookies at sana hindi ka naman nauta sa araw-araw na rasyon, nag aral talaga akong mag bake for you. happy valentine's wonnie, i wish to spe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
52 streak #1
Reread!
its_aaarrriii
52 streak #2
🥺✊
gomtokkim
2165 streak #3
Chapter 1: rereading hehehehe
Hyacinth_93 #4
Chapter 2: Ilan beses ko na Ito binabasa Pero grabe kinikilig ako😭😭 Sana may chapter bawat character lalo na si Lia and chaer😔🖐️
000014
#5
Chapter 2: ❤️
Baechu29 #6
Chapter 2: More more 😁
serenedipitea
#7
Chapter 2: grabe kilig talaga kapag fluff <333
forgotme #8
Chapter 2: Ang cute..kilig last n eksena😁
forgotme #9
Chapter 2: Ang cute..kilig last n eksena😁
kang_ddeul
#10
Chapter 2: HALAAAA super cute plsss T___T ang cute din ng ibang couples!! huhu pero si bb wannie 😭