Pang-apat na Paglubog ng Araw: Kaizel's

Flowers and Sunsets
Please Subscribe to read the full chapter

Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon ni Reimonyo. Pumasok ng maaga si Mommy, at kami na lang dalawa ni Reimonyo ang natira pagkatapos kumain ng breakfast.

 

Hindi naman talaga dapat mananatili dito si Reimonyo kaso mapalit ang isang 'to, ayaw akong sundin. Palagi na lang nandito 'tong demonyo na ito, hindi na nakakatuwa.

 

Tatlong araw simula noong nag grocery siya ay palagi na lang siyang nag sstay dito pagkatapos kumain. Alam ko naman kung ano yung reason. For sure ibinilin ako sa kanya ni mommy para bantayan pero kasi nakakainis na. Akala mo sa kanya bahay, kung makahiga sa sofa namin at makagamit ng tv akala mo nagbabayad ng upa. Sobrang lakas pang kumain, luto lang naman ambag niya. Parang wala man nga atang saysay yung pagbili niya ng groceries noong nakaraang araw kasi dito lang rin naman siya nakikikain.

 

Tapos dagdag pa sa inis ko dahil palagi itong nakabuntot sa akin saan man ako magpunta. Ilang beses ko ng sinasabi na wala namang mangyayaring masama at saka sa flower shop lang naman ako palaging namamanasyal pero sumasama pa rin. Hindi ko nga lang siya mapalayas kasi gustong gusto rin naman siyang nakikita ni Dane kaya't tinitiis ko na lang. 

 

Noong una okay pa eh, kaso habang tumagal nabibwisit na ako sa pagmumukha niya. 

 

Nararamdaman kong nagiging comfortable na ako ng sobra when she's around kaya't ngayon pa lang ay gusto ko na siyang paalisin.

 

I don't want to get too comfortable sa kanya, anak pa rin siya ni Tita Justine na yun, hindi pwede.

 

Nakaupo kami ngayon sa sala.

 

Ay ako lang pala, kasi yung makapal na mukha na Reimonyo ay nakahiga ngayon dito sa sofa. Kinuha niya na lahat ng space kaya't konting part na lang ng pwet ko yung kasya sa sofa.

 

Nainis ako dahil kahit ilang beses ko ng inuusog yung ulo niya eh ayaw niya pa ring makaramdam.

 

"Umusog ka nga! Wala na akong uupuan oh!" Sambit ko at tinulak ng bahagya ang ulo niya. Hindi naman siya nakinig at nanatiling nakahiga lang.

 

"Ang tigas ng ulo sabing wala na akong maupuan oh!" Ginalaw ko ulit yung ulo niya pero pilit niya lang naman itong binabalik sa dati nitong pwesto.

 

Bwisit.

 

"Bakit ka ba kasi nakahiga. Pwede namang maupo ka nalang pahiga higa ka pa diyan." Hindi naman siya kumibo at nanatili lang na nanonood habang ako ay bwisit na bwisit na sa ginagawa niya.

 

"Ano ba! Tumayo ka nga diyan!" Pagalit na sigaw ko na siya namang umagaw ng kanyang pansin. 

 

Tinignan niya muna ako bago umupo ng maayos.

 

Buti naman.

 

Inayos ko ang aking pagkakaupo at sa wakas hindi na masikip ang pwesto ko.

 

Akala ko okay na pero hindi pa pala.

 

Ano pa nga bang ineexpect ko dito sa demonyong 'to.

 

Bigla bigla na lamang niyang ipinwesto ang sarili niya at inilagay ang kanyang ulo sa lap ko.

 

Putangina.

 

Nanigas ako sa kinauupuan ko.

 

Ano bang ginagawa nito.

 

"Tangina Justin anong ginagawa mo."

 

"Umalis ka sa lap ko bwisit!"

 

Sabi ko habang inaalis ang ulo niya at patuloy na tinutulak ito.

 

Hindi naman siya natinag at nag stay lang sa spot niya.

 

"Ano bang ginagawa mo ha!?"

 

"What?" Binigyan niya ako ng inosenteng tingin.

 

Tae hindi ka nakakatulong.

 

Mas lalo lang akong hindi makagalaw.

 

Dagdag pa ang mabilis na pagkabog ng puso ko.

 

"Umalis ka na!" Sabi ko at tinapik ang ulo niya na ikinatawa niya lang.

 

"Tumatawa ka pa diyan, umalis ka nga!!" Pilit ko pa ring inaalis ang ulo niya pero masyado siyang mapwersa kaya't wala akong laban.

 

"Bwisit naman eh. Ang bigat mo!!"

 

"What's the problem?"

 

"Gago ka ba!?? Yung ulo mo nasa lap ko tas tatanungin mo ako kung anong problema!?"

 

"Why? You're seated comfortably on the couch already, ano pa bang gusto mo?"

 

"Puta anong komportable dito? Ginagago mo ba ako!?"

 

"Watch your words, Kaizel."

 

"Huwag mo akong tawaging Kaizel!"

 

"Okay, Childish." Pagkatapos ay natahimik na siya at nanonood na lang sa tv habang ang ulo niya ay nasa lap ko pa rin.

 

"Tangina ang kulit mo! Alisin mo yung ulo mo sa lap ko, hindi ako unan okay?" Hindi na naman siya sumagot.

 

"Tangina naman eh, aalis na lang ako dito. Nag aya kang manood tapos gagaguhin mo lang pala ako." Sabi ko at pinilit na tumayo. Bigla namang napaupo si Reimonyo dahil dun.

 

"Don't."

 

"Wala kang karapatan para diktahan ako sa sarili kong bahay." Madiin kong sambit at akmang tatayo na nang hawakan niya ang kamay ko.

 

"Stay. I won't bother you anymore, just don't go to your room." She said sincerely. 

 

Napatingin naman ako sa kamay naming dalawa.

 

Ang lambot ng kamay niya. Ang sarap hawakan.

 

Ay , ano bang sinasabi ko.

 

Bigla kong hinila ang kamay ko na siya namang kinagulat niya.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
idkhtwags

https://youtu.be/dYRITmpFbJ4

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
20 streak #1
Chapter 13: huy huhueksjgskdhsjshs kinikilig ako gagi
yujjiman
#2
Chapter 13: HOY MGA BAACCLAAA
BleuHyacinthJ
#3
Chapter 13: Kinikinilig ako aaaccckkkk ang ganda mo daw acclang denial na kaizel!
Srryitzjstme #4
Chapter 12: Welcome backkkkk
Moonsun_daphyyy11 #5
Chapter 12: I missed this story hehe. Welcome back po, author! Thanm you for this update 💕
BleuHyacinthJ
#6
Chapter 12: Grabe buti naalala ko Pa nangyari sa last chap hahahaha miss ko na sila, salamat po sa ud! Welcome backkk
Jiminez #7
Namisssss ko tooooooo
Xxzakixx #8
Chapter 10: Ahhh srsly i love rina T_T
yujjiman
#9
Chapter 10: kinikilig ako aaacjkkskdhdjshdks
apple_taters
#10
Chapter 10: delikado na kayo grabeng kilig na yan