ito ang kwentong hindi na maipagpapatuloy pa.

Ang Kwento Nating Dalawa
Please Subscribe to read the full chapter

BJH

 

“Yeri para ka naman kasing gago mag-picture!” Natatawa kong tinignan ‘yung mga kaibigan kong kanina pa nag-uuratan sa harapan ng malaking bintana dito sa loob ng airport lounge.

 

Kanina pa kasi pinapaulit ni Joy si Yeri sa pagkuha ng litrato sa kaniya. Ako naman tahimik lang na kumakain ng mani habang pinagmamasdan silang dalawa.

 

Kinuha ko ‘yung phone ko sa loob ng bag ko at pasimpleng pinicture-an silang dalawa.

 

Hindi ko na napigilan ‘yung sarili kong tumawa nang malakas nang ma-out of balance si Yeri mula sa pagc-crouch niya.

 

Nags-scroll si Joy sa phone niya nang naglakad na sila pabalik sa pwesto ko, “Kaya mo naman pala kumuha ng marami, inistress mo pa ko kanina, Bansot!”

 

Nanlaki ang mata ni Yeri at hindi siya makapaniwalang tumingin kay Joy, “Bansot ka diyan! Muntik na nga ako mapilay kakapicture sa ‘yo tapos tatawagin mo pa akong bansot! Ni wala ring thank you man lang.”

 

“Eh ‘di wow. Hanapin mo muna pake ko.”
 

Nagsimula na naman sila magbwisitan hanggang sa marinig na namin ‘yung boarding announcement.

 

“Sasakay na raw ba?”

 

“Tanong mo sa pagong, Joy.”

 

Pumagitna na ako sa kanila kasi hindi na kami makakasakay sa eroplano if hahayaan ko pa silang magsagutan dito.

 

Gusto ko nang makarating sa Singapore please.

 

After ng ilang minutong pagbabangayan nilang dalawa, naglalakad na kami ngayon papunta sa eroplano.

 

Masigla naman kaming sinalubong ng mga flight stewardess, aba dapat lang. Chos!

 

Inassist kami ng isang FA papunta sa seat naming tatlo nila Joy and Yeri. Doon ako sa gitna umupo while Yeri’s seated sa tabi ng window, si Joy naman sa tabi ng aisle.

 

Nang ayos na kaming tatlo sa mga seats namin ay nakichismis na lang ako kay Joy na inaaway ‘yung boyfriend niya ngayon.

 

“Aalis na lang ng PIlipinas winawarla mo pa ‘yang si Hyoseob.” Iling kong sabi.

 

“Eh para kasing gago mag-isip!” Irita niyang sagot sa ‘kin, “Alam naman niyang bad trip ako sa kaniya kasi nacancel ‘yung date namin kagabi dahil sa biglaang gig nila, tapos ngayon aartehan niya ako na bilhan ko raw siya ng gitara sa SG! Wala naman siyang pinatabi sa ‘kin na pera, siraulo amp.”

 

“Hu..” Sumabat na si Yeri sa kaliwa ko, “Kunwari ka pa Joy! Pustahan tayo Irene, bibili agad ‘yan ng gitara pagkarating sa Changi.”

 

“Oo syempre, sa rupok ba naman ni Joy na ‘yan.” Malakas na tawa ko.

 

Kinwentuhan pa kami ni Joy sa mga away nila ng Hyoseob.

 

Karamihan naman puro lang sa mga cancelled dates nila dahil sa mga band practice or gigs ng boyfriend niya. Lead vocalist kasi ‘yon ng isang nakikilalang banda ngayon sa Pinas.

 

Ang funny nga ng first meeting nila, paano kasi nasa isang bar kami tapos nandon ‘yung band ng boyfriend niya, eh si Joy gagang gaga. Nag-request ba naman na kantahin daw nila Hyoseob ‘yung Sulutera eh sinunod naman agad siya agad ni Hyoseob non!

 

Halos sabay din pala kami naging sawi ni Joy years ago, mas nauna lang ako ng mga ilang months tapos siya na ‘yung sumunod.

 

Si Yeri naman, ayon iniwan siya after nila mag-Baguio ng ex-fling niya. Mga halos kasabayan din pala namin siya non ngumawa.

 

Siguro ganon talaga kapag magkakaibigan, pare-parehas sa katangahan, pero ako lang ‘yung magandang tanga sa amin.

 

Umayos na ako ng upo nang marinig ko na ‘yung static na nanggagaling sa speakers. Magsasalita na yata ‘yung piloto.

 

I suddenly froze at my seat when I heard a familiar voice from the speakers.

 

“Good evening ladies and gentlemen from the flight deck, this is Captain Seulgi Julienne Kang, your captain speaking.” Oh my god… “On behalf of Airasia, First Officer Yuanne Arcega and the rest of Airbus 320 crew, I would like to welcome you aboard this flight Z2 825 bound for Singapore. For your flight information, our flight time is approximately 3 hours and 40 minutes, and we’ll be cruising at an altitude of 35 thousand feet.”

 

Nararamdaman ko ‘yung pag-init ng dibdib ko paakyat sa mukha ko. Hindi ko na naintindihan pa ‘yung sumunod na sinabi ng piloto.

 

Mahigpit akong kumapit sa handrest ng airplane seat ko.

 

“In the meantime, sitback, relax and enjoy the flight. Thank you for choosing Airasia. Welcome Aboard.”

 

Pigil na pigil ang paghinga ko hanggang sa matapos magsalita ‘yung piloto. Ramdam ko rin ‘yung pagtitig nila Yeri and Joy sa akin.

 

Siya ba talaga ‘yon?

 

Wala naman sigurong ibang Seulgi Kang sa Pinas ‘no?

 

“Teh..?” Bulong sa akin ni Yeri, “Si Seulgi ba ‘yon?”

 

Tinignan ko siya, “Siguro..” mahinang sagot ko.

 

Para talaga akong malalagutan ng hininga. Sobrang overwhelming lang ng mga pangyayari ngayon sa buhay ko.

 

Ex ko ba talaga ‘yung nagsalita na ‘yon?

 

Ilang taon ko na siyang hindi nakikita tapos dito pa talaga sa eroplano ko siya maririnig ulit?

 

At least alam kong buhay pa rin siya after niya mawala ng parang bula dati.

 

“Huy beh, narinig mo ba ‘yung sinabi ni Seulgi? Kung si Seulgi mo man ‘yon talaga ganon.” Nakalapit ‘yung mukha ni Joy sa ‘kin.

 

“H-Ha?” Lutang akong tumingin sa kaniya, “Ano ‘yon?”

 

“Ano raw, may binati siya dito, parang fiancée niya yata. Basta ayon, ‘di mo ata naintindihan kasi nakatulala ka lang kanina.”

 

“Hindi nga…”

 

“May fiancée na si Seulgi? Wow. Ang shala naman niya.” Sabi ni Yeri.

 

Pinakalma ko ‘yung sarili ko. Sobrang unexpected naman kasi eh.

 

Mga apat na taon na rin simula nung huli kaming nakapag-usap tapos ngayon ganito mga maririnig ko.

 

Hindi naman sa hindi pa ako nakaka-move on pero sobrang overwhelming lang ng dating sa akin kasi sobrang masalimuot ‘yung hiwalayan namin na ‘yon eme.

 

“Inunfriend ko ‘yon si Seulgi after ng break-up namin ni Wendy three years ago, like syempre, best friend niya ‘yon. Mahirap mag-move on kung may makikita pa rin ako na connected kay Son!” Pagkekwento ni Joy sa amin.

 

“Ay true ba? Si Seulgi friend ko pa rin sa FB pero wala naman siyang bagong post.” Tahimik akong nakinig sa kinekwento ni Yeri, “Huling update pa yata niya sa FB was about her being a pilot pa tapos after non wala na. Eh that was like last 2017 pa? ay hindi pala, mga months after ng break up nila Irene ‘yun eh, edi 2018 pala.”

 

Ang funny lang isipin na 2018 was already four years ago na.

 

Parang kahapon lang sobrang lala ng pagkasawi ko na buong Pilipinas na yata ang nalibot ko para lang madistract sarili ko sa break up.

 

Okay naman na sa akin ‘yon, I have already moved on sa nangyari sa aming dalawa.

 

Like ngayon, napag-uusapan ko na ‘yung relationship namin nang wala akong nararamdaman na kahit ano. Siguro nga nakatulong talaga ‘yung paglibot ko sa buong Pilipinas sa pagmomove on.

 

“Tulala ka na naman huy! Mag-seatbelt ka na Irene.” Siniko pa ni Joy ‘yung braso ko.

 

Mabilis ko namang ginawa ‘yung sinabi ni Joy.

 

After non ay pinanood ko na lang ‘yung mga flight stewardess na chinecheck kaming mga pasahero kung naka-seatbelt na ba.

 

Teka, naalala ko na naman ‘yung sinabi ng mga kaibigan ko kanina.

 

Binati ni Seulgi ‘yung fianceé niya on board? So nandito rin ‘yon? Wow. Baka mamaya magkasalubong pa kami sa Singapore, ang exciting naman kung ganon eme.

 

Mas maganda kaya sa ‘kin ‘yung bago ni Seulgi? Not that I care pero syempre sa ganda kong ‘to, makakakita pa ba siya sa ‘kin ng babaeng mas maganda pa sa akin?

 

Lalo na’t naaalala ko ‘yung mga pinagsasabi niya sa akin nung kami pa!

 

‘Hyun, ikaw lang ang pinakamagandang babae sa mata ko.’

 

‘Hyun, hindi na ako maghahanap ng iba. You are already enough.’

 

‘Hyun, if we ever break up, promise, mahihirapan na akong maghanap ng bago kasi you’re the one for me.’

 

Ulul!

 

Walanghiyang joke time ‘yon tapos siya rin naman pala makikipaghiwalay sa akin.

 

Wala naman na akong sama ng loob sa kaniya pero syempre if iisipin ko palagi ‘yung dahilan ng break up namin, medyo nakakasama pa rin ng loob.

 

Seulgi and I didn’t end on good terms kasi.

 

When I first heard her reason non, nahirapan akong tanggapin kasi naman, how will I accept the reason na she fell out of love kaya siya makikipaghiwalay sa ‘kin.

 

It felt unfair para sa ‘kin kasi magf-four years na kami then biglang poof! Biglang Hyun, parang wala na yata akong nafefeel na kahit ano siya sa akin non.

 

Pero hindi naman na ako nagmakaawa sa kaniya na ayusin namin kasi feeling ko wala na rin naman patutunguhan.

 

Syempre, bakit ko pipilitin mag-stay sa akin ‘yung taong gusto nang umalis sa buhay ko ‘di ba?

 

It was really hard at first.

 

Kasi siya na ‘yung nakikita ko non na kasama ko tumanda.

 

Kasi siya na ‘yung nakikita kong kasama ko mag-travel, mamasyal and libutin ‘yung buong mundo.

 

Kasi siya na ‘yung nakikita kong papakasalan ko when the time comes.

 

Then biglang ganon ‘yung nangyari sa ‘min. Sobrang hirap para sa akin tanggapin and isipin kung paano umabot sa ganong punto.

 

I really loved her.

 

Ewan ko lang sa kaniya kung minahal niya ba talaga ako non.

 

But anyways, I hope she’s doing fine with her fiancée.

 

Siguro nga, ‘di ako ‘yung naisip niya na para sa kaniya. Masakit lang na nasabi niya sa ‘kin non na hindi ako ‘yung nakikita niyang kasama niya sa future.

 

Pero okay na ‘yon sa ‘kin. Natanggap ko naman na kahit ang hirap kasi wala kaming closure.

 

Para bang I had no choice but choose to just live with it kasi ‘yun na ‘yung pinakamadaling gawin para hindi na ako mag-dwell in the past.

 

Hay jusko, narinig ko lang siya magsalita sa eroplano bigla na akong nag-drama dito.

 

;;

 

March 2013

 

Thank you Lord. I love you Lord. Mwa mwa.

 

Naapprove na rin ‘yung project proposal namin and mukhang nagustuhan din ng mga board members.

 

After ng pakikipag-away ko Team Leader naming ayaw makinig sa suggestions namin, nairaos na rin ‘yung isa sa mga soon-to-be successful project namin.

 

Feel ko deserve ko bumili ng bagong labas ng iPhone next month dahil dito.

 

Shocks. Nagpapasama nga pala si Joy sa ‘kin sa Greenhills kasi may kikitain siya don na friend.

 

Mabilis akong nagligpit sa workspace ko para maaga rin ako makapag-out today. Nagpaalam na rin ako sa mga workmates ko after ko makapag-ayos.

 

Magcocommute na naman hay.

 

Bumili na rin kaya ako ng sasakyan? Magkano ba ‘yang Toyota Vios na ‘yan ha? Or hanap na lang kaya ako ng jowang may sasakyan ‘no? Sino kaya may sasakyan sa mga manliligaw ko? Charot.

 

Mga almost one hour din ang inabot ng byahe ko papuntang Greenhills galing Ortigas.

 

Buti na lang maaga akong naka-out kanina kaya hindi ako masyadong nastress sa dami ng mga tao.

 

Pagkarating ko ng greenhills hinanap ko agad si Joy and her friend. ‘Di ko alam sa kaibigan kong ‘yon kung bakit need pa niya ng kasama eh makikipagkita lang naman siya sa kaibigan niya.

 

“Irene! Dito!” Nakita ko si Joy na panay kaway sa akin sa gitna ng mall. Naglakad na ako papunta sa kaniya.

 

May nakatayo sa tabi niya na babaeng short haired na mas maliit sa kaniya. Halos kasingkatangkaran ko yata ‘yung girl if hindi ako nakaheels ngayon.

 

“Hi..” Ngiti kong bati sa kasama ni Joy.

 

“Teh, si Wendy nga pala, ‘yung friend ko.” Pakilala ni Joy sa kasama niya.

 

Grabe ang ganda naman ni Ate. Single ba ‘to? May car kaya siya? Chos. “Hi.. I’m Wendy. You’re Irene, right?”

 

Nakangiti akong tumango, “Yes, I’m Irene. Amo ako ni Joy.”

 

Tawang tawa naman si Ate mo Wendy sa biro ko. Type ko siya! Feel ko bagay kami.

 

Lumapit ako kay Joy at bumulong. Kulang na lang sabunutan niya ako sa sinabi ko.

 

“Irene..! Gaga ka, ‘wag mong agawin manliligaw ko!”

 

Napailing na lang ako sa narinig ko. Minsan na nga lang maattract sa iba, hindi pa available!

 

Si Wendy pala ‘yung nakekwento ni Joy sa ‘min na singer na natitipuhan niya na nagg-gig sa coffee shop na pinagtatrabuhan niya. Then ngayon lang daw siya pumayag na makipag-date talaga.

 

Natatawa ako sa height difference nilang dalawa. Nagmumukhang kapre si Joy sa tabi ni Wendy huhu.

 

‘Di ko alam kung saan kami pupunta talaga. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa.

 

“There she is..” Rinig kong sabi ni Wendy.

 

Natigil kami sa paglalakad nang may humintong babae sa harapan namin.

 

Wow. Naka-pilot uniform pa si Ate! Piloto ba ‘to?

 

Grabe ‘yung tindig niya. Sobrang confident ng aura niya. Seryoso ‘yung mukha niya pero mukha naman siyang amoy baby powder.

 

Kinakausap na ni Wendy ‘yung girl. Kaibigan niya yata ewan.

 

Nanlaki ang mata ko nang biglang nag-bye sila Joy and Wendy sa amin and mabilis na kumaripas ng takbo papalayo sa amin.

 

Hala?! Bakit nila kami iniwan?

 

Nahihiya akong tumingin sa kaniya, “Saan daw.. sila pupunta?” Mahina ang boses ko.

 

Kumunot bigla ‘yung noo niya. “I don’t know. They left without saying a word eh.”

 

Englishera pa pala ‘to! Walanghiya talaga si Joy. Aayain ako tapos iiwanan ako ngayon kasama nitong babaeng hindi ko naman kilala!

 

Tinry kong tawagan si Joy at tanungin kung saan sila pupunta ni Wendy.

 

Wala naman akong napala sa call namin, tawa lang siya nang tawa. Tapos bigla niyang sinabi sa akin ni mag-date na rin daw kami ni Seulgi.

 

Pero sino ba si Seulgi? Seulgi ba name nitong nakatayo sa harapan ko ngayon?

 

“I’m Seulgi Kang, but you can just call me Seulgi.” Biglang sabi ni ‘Seulgi’ na para bang nababasa niya ‘yung nasa isip ko. “What’s your name?”

 

I cleared my throat, “Irene name ko. Irene Bae.” Sagot ko.

 

Ngumiti siya sa ‘kin. “Oh.. hi, Irene. You’re pretty.”

 

Luh gagi?

 

“Thank you… ikaw din.” Sabi ko na lang.

 

“Friend ka ni Joy, right? ‘Yung mineet ni Wendy?” Tanong niya.

 

Grabe naman siya makatitig!

 

Nakakaconcious!

 

“Oo.” Tango ko. “Ikaw ba? Friend ka rin ni Wendy? Paano ka napadpad dito?”

 

“Best friend ako ni Wendy.. Napadpad ako dito kasi she asked me if I could come with them daw? I said yes naman kasi wala naman na akong flight for the rest of the day.”

 

“Oh.. so piloto ka talaga?”

 

“Yup. Been working as a first officer now for three months. But sa mga small airline companies pa lang naman.” Ha? First officer? May second ba? May third pa ba?

 

Nalilito ako sa mga terms na sinasabi niya. “Sorry pero ‘di ko magets ‘yung first officer huhu.”

 

Natawa siya sa sinabi ko, “Ahh.. nakasakay ka na ‘di ba ng airplane?” I slightly nodded, “So ‘di ba dalawa ‘yung pilot na nagpapalipad ng eroplano?” Tango ulit ako, “People are more familiar with the captains kasi sila ‘yung nags-speak sa before mag-take off ‘yung plane. Then ‘yung katabi nila sa cockpit, ‘yon ‘yung co-pilot nila or mas tinatawag na first officer.”

 

Tumango ulit ako with matching buka pa ng bibig para mukhang convincing na nagets ko ‘yung sinabi niya kahit hindi naman.

 

Basta piloto siya, okay na ‘yon.

 

Tahimik lang ako sa tabi niya habang naglalakad kami sa loob ng mall.

 

Hindi ko naman kasi siya kilala talaga kaya nahihiya akong magsalita ngayon. What if magpaalam na akong umuwi?

 

“Have you already had your dinner?” Nakababa ang tingin ni Seulgi sa ‘kin.

 

“Hindi pa..”

 

“Ako rin eh. Saan mo ba gustong mag-eat? Treat ko na ‘to.”

 

“Kahit saan siguro.”

 

“Wala namang restaurant na kahit saan.” Tawa niya.

 

Jusko! Eh sa hindi ko alam kung saan ba maganda kumain.

 

Humalukipkip ako, “Ikaw na siguro pumili… okay naman ako sa kahit anong restau.”

 

“Okay, okay.” Ngiti niya sa ‘kin.

 

Hala siya.

 

Parang mas mukhang bagay kaming dalawa.

 

Like… ang attractive lang tignan ni Seulgi. Ang bango-bango pa niya! Maganda rin na may pagka-pogi.

 

Tinignan ko siya, “Seulgi,” Mahinang tawag ko sa name niya.

 

Surprised siyang lumingon sa akin, “Hmm? Irene?”

 

“May sasakyan ka ba?” I asked.

 

“I have… why?”

 

“Wala lang.”

 

Lord, she’s the one!

 

;;

 

December 2013

 

Putangina talaga ni Yeri!

 

Kapag nakita ko ‘yung babaitang ‘yon ‘di talaga ako magdadalawang isip na sabunutan siya sa kilay.

 

Paano naman kasi, kinulit ako ni Yeri na makipagdate na raw ulit ako since ang tagal na rin ng last time na nagkaroon ako ng kalandian talaga.

 

Pumayag naman akong i-set niya ako sa date kasama ‘yung batchmate niyang lalaki. May itsura rin naman ‘yung lalaki na nireto sa ‘kin ni Yerms kaya pumayag na ako.

 

Pero ngayon magt-thirty minutes na akong naghihintay dito sa Starbucks pero ‘di ko pa rin nakikita ‘yung pagmumukha ng hinayupak na Jackson na ‘yon!

 

Mahal-mahal ng kape dito sa Starbucks tapos mukhang ‘di na ako sisiputin ng lalaking ‘yon pucha.

 

Uuwi na lang siguro ako. Or baka mag-shopping na lang siguro para mawala-wala ‘yung sama ng loob at stress na nararamdaman ko ngayon.

 

Iritang irita akong naglakad papalabas ng coffee shop.

 

Gusto ko sampalin lahat ng makita kong lalaki ngayon dito sa loob ng mall!

 

Pero tinamad din ako mag-shopping kaya naglakad na lang ako papunta sa sakayan ng taxi para makauwi na ako sa ‘min.

 

Jusko talagang araw ‘to, sobrang naiinis ako.

 

Ako na sana ‘yung next sa pila sa may taxi nang sunod-sunod ‘yung pagtunog ng phone notifications ko.

 

Nasabi ko na kay Yeri ‘wag niya akong kausapin at naiirita ako sa kaniya ah!

 

Wala na akong nagawa kundi i-check na ‘yung phone ko kasi ‘di talaga matigil ‘yung pagtunog nito.

 

(2:32pm) Seulgi Kang: Hey Irene

You got ditched daw by your date?

Lol

(2:35pm) Seulgi Kang: Si Wendy yung nagsabi sakin haha

Joy was laughing at you sa call lol

Where are you right now ba?

(2:41pm) Seulgi Kang: Hey Irene Bae?

Joohyun Bae?

Ganda pala ng birth name mo haha

Parang ikaw lol

Hahahaha

(2:43pm) Seulgi Kang: Nasaan kang mall right now?

Puntahan kita :)

Reply ka naman lol

 

Ano problema nitong si Seulgi?

 

Ang daldal niya sa text! Eh ‘di naman kami masyadong close.

 

(2:49pm) Irene Bae: bkt? nu meron??

(2:50pm) Seulgi Kang: I’ll be your date instead

If you like the idea though

 

Sobrang formal talaga ni Seulgi magtext!

 

Ganito ba talaga ‘pag piloto?

 

Bakit hindi uso sa kaniya ‘yung shortcuts? Kailangan talaga kumpleto ‘yung spelling ganon?

 

Pero teka, ngayon lang nag-sink in sa ‘kin ‘yung sinabi niya.

 

Pucha! Anong ‘I’ll be your date instead’ pinagsasabi nito!

 

(2:52pm) Irene Bae: gagu k ba?

date k jan hahaha

(2:52pm) Seulgi Kang: Why not?

(2:53pm) Irene Bae: y yes?

(2:53pm) Seulgi Kang: Ayaw mo ba ako maging date?

(2:53pm) Irene Bae: weird m Seulgi HAHAHAHA

(2:54pm) Seulgi Kang: Really?

Okay lang naman if ayaw mo.

It was just a small suggestion lang naman

(2:55pm) Irene Bae: ehhh

bkt ka muna nagsuggest ng ganon??

oks ka lng ba Seulgi?

(2:55pm) Seulgi Kang: I ammm hahaha

 

Tumabi muna ako sa pila kasi mukhang hindi pa ako makakauwi agad ngayon.

 

Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako habang nirereplyan si Seulgi sa text.

 

(2:57pm) Seulgi Kang: Nawala ka na lol

So ano Irene?

Puntahan na ba kita ngayon or what?

(2:59pm) Irene Bae: bkt nga muna?

bkt ka nagsusuggest n maging date ko?

Crush m ko noh???

(3:00pm) Seulgi Kang: …is typing

(3:01pm) Seulgi Kang: Lol crush amp hahaha ano ako bata?

I just find you pretty

(3:02pm) Irene Bae: pretty pretty k pa jan

edi crush m nga ako!!

(3:05pm) Seulgi Kang: Edi crush

hahahaha

date tayo crush?

Don’t date men Irene

You can just date me instead ;)

 

Tangina mo Seulgi?!

 

;;

 

August 2014

 

“Huy Irene, sabihan mo si Seulgi na ihawin na kamo ‘yung baboy.” Joy nudged my arm.

 

Umiling ako. “Ikaw na! War kami non ngayon.”

 

‘Di niya pinansin ‘yung sinabi ko at tinulak ako papunta kay Seulgi na nakadekwatro pa ngayon habang tahimik na nakamasid sa beach ngayon.

 

Kanina pa ako inaartehan ni Seulgi simula nung makarating kami dito sa Subic.

 

Ayaw niya mamansin eh, eh ‘di hindi ko rin siya papansinin! Wala naman akong ginagawa na kahit ano sa kaniya tas aartehan niya ko.

 

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya at tinabihan siya, pero nag-iwan pa rin ako ng space sa pagitan namin.

 

Kunot na kunot ‘yung noo niya ngayon. Wow. May mas ikukunot pa pala ‘yung noo niya.

 

Ano ba kasi ginawa ko!

 

“Ihaw ka na raw…” Halos pabulong kong sabi sa kaniya bago ko inipit ‘yung konting strand ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

 

“Hmm?”

 

“‘Yung baboy, Seul, ihawin mo na raw pinapasabi ni Joy.”

 

“Mamaya na. Wala pa ako sa mood.”

 

“Eh, wala tayong kakainin. Tsaka bakit ba wala ka sa mood?” Huminga nang malalim si Irene, “Kanina ka pa nakakunot diyan.”

 

Nilingon na ako ni Seulgi. Bakit nakakunot pa rin noo niya! “Isipin mo kung bakit.”

 

I scoffed, “Ha? Nagtatanong nga ako ta’s paghuhulain mo ko.” Dumiin ang pagkakahawak ko sa upuan. “Like, kanina mo pa nga ako hindi pinapansin, panay pagsusungit ka lang sa akin.”

 

“Naiinis ako sa ‘yo eh.” Straight na sabi ni Seulgi sa akin.

 

“Bakit? Ano ba ginawa ko kaya ka naiinis sa ‘kin ngayon?”

 

“Hindi mo ba talaga alam?”

 

Teka lang ha. Parang naiinis na rin ako sa way ng pag-usap sa akin ni Seulgi ngayon.

 

Ano ba problema niya?

 

Simangutan ko na rin siya at nagcross arms. “Hindi naman ako magtatanong sa ‘yo Seulgi, kung alam ko talaga ‘yung dahilan ‘di ba?” Medyo nawala ang pagkakakunot ng noo niya sa sinabi ko.

 

Ilang segundo rin siyang natahimik sa sinabi ko na ‘yon.

 

Nakakainis na rin kasi siya!

 

“Sorry..” Mahina niyang sabi.

 

“Sorry ka diyan, pagkatapos mo kong sungitan.” Irap ko.

 

Naramdaman ko na umusad na siya sakin, wala na tuloy space sa pagitan naming dalawa.

 

“Eh ikaw kasi eh..” Bulong niya.

 

“Ba’t ako!”

 

“Nagseselos kasi ako, Hyun…” Pinigilan ko ‘yung sarili ko kiligin nang tawagin niya ako sa pangalan na siya lang ang hinayaan ko na tumawag sa akin non.

 

Nagtataka ko siyang tinignan. “Nagseselos? Kanino naman, Seul?”

 

Hindi ko siya tinitignan kasi kinikilig ako.

 

Feel na feel ko ngayon na ang ganda ko kasi nagfflashback sakin ‘yung pagsusungit ni Seulgi kanina, ta’s ‘yon pala nagseselos lang siya!

 

“Kay Wendy.” Sagot niya.

 

“Ha?!” Gulat ko siyang tinignan. “Ano naman ginawa ni Wendy para magselos ka! Wala namang kahit ano sa amin ng best friend mo.”

 

“Eh kasi, sabi mo kanina when we were on our way dito, na you found Wendy attractive when you first met each other. Mas nauna mo siyang nagustuhan kesa sa ‘kin.”

 

“Huy hindi naman ganon ‘yon!”

 

“Eh basta ‘yon.” Ngumuso siya. “Alam mo naman na gusto kita tapos maririnig ko ‘yung ganon. Wala, nakakaselos lang.”

 

Hinawakan ko ‘yung braso niya at hinimas ‘yon, “‘Di pa ba enough ‘yung palaging pagsabi ko sa ‘yo na gusto rin kita?”

 

Nag-eh ulit siya sa ‘kin pero binawi rin niya agad and nanahimik na lang. Parang pinag-iisipan niya nang mabuti ‘yung isasagot niya sa akin.

 

Pinatong din niya ‘yung right hand niya sa kamay ko.

 

“Ang hirap kasi, Hyun. I don’t know what to do whenever na malaman ko na you found others attractive. Wala naman kasing tayo kaya ‘di ko alam talaga gagawin ko.”

 

Hala siya. Hinihint ba niya na gusto na niya ako jowain?

 

“Pwede naman siguro lagyan.” I cheekily smiled.

 

“What..?” Oh tapos siya naman ‘yung gulat ngayon.

 

Siguro nanggugulatan lang talaga kaming dalawa ngayon jusme.

 

“Eh ‘di ayon nga, gusto na rin naman natin ‘yung isa’t isa so bakit hindi pa maging tayo?” Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

 

“Sure ka ba diyan? Are you really sure na gusto mong maging tayo?”

 

“Ba’t naman magiging hindi, Seul?” Natatawa kong tanong, “Ayaw mo ba? Pwede ko namang bawiin.”

 

Mabilis siyang umiling sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong ikulong sa bisig niya. “N-No! Gusto ko, Hyun. I was—I was just surprised na ‘yon ‘yung sinabi mo. Kasi I thought na mas maiinis ka kasi nga I got jealous over a petty thing.”

 

Ang cute cute talaga ni Seulgi!

 

Kala mong astigin pero sobrang soft naman talaga ng siopao na ‘to.

 

“Next time na magselos ka pwede mo na kong angkinin. Chos! Bakit angkinin ginamit kong word jusko.” Tumawa siya nang malakas sa sinabi ko.

 

“Angkinin pala ha.” Bulong niya sa ‘kin.

 

Teka, bakit parang may laman!

 

;;

 

August 2015

 

Black dress or white dress?

 

Ano ba magandang suotin para sa anniversary date?

 

Oo, alam kong maganda pa rin ako if kahit alin sa dalawang dress na ‘to ‘yung suotin ko pero saan ba ako mas maganda?

 

Feeling ko makakamukha ko na si Mama Mary if sinuot ko ‘yung white dress.

 

Kaya sige magw-white dress na lang ako para makita naman ng mga tao ang mommy ni Jesus.

 

Mabilis naman akong nakapag-make up at nakagayak since light make up lang ang inapply ko sa magandang pagmumukha ko.

 

After ko gumayak ay hinintay ko na si Seulgi sa may living room ng bahay namin.

 

Kinukulit pa ko ng nakakabata kong kapatid na si Winter if pwede raw ba siya sumama sa date namin ni Seulgi. Kekulit na bata!

 

“Isa pang pangungulit mo isusumbong kita kay Mommy!” Pinandilatan ko siya ng mata,

 

“Ano naman isusumbong mo sa ‘kin Ate?”

 

Aba pinandilatan din ako ng mata ng 18-year old kong kapatid!

 

“Eh ‘di sasabihin ko kay Mommy na may girlfriend ka na rin! Akala mo ba hindi ko kayo nakikita nung Karina ba ‘yon?” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “Dalas dalas ko kaya kayong nakikita diyan sa kanto natin ‘pag hinahatid ka niya pauwi.”

 

Tinry niyang takpan ‘yung bibig ko. Nasa kusina lang kasi si Mommy kaya baka marinig din ako.

 

Mas matanda ako ng six years kay Winter pero mas makire pa talaga siya sa ‘kin! Nung 18 ako, ang nasa isip ko lang non eh kung paano pumasa sa course na terror ‘yung prof.

 

“Joohyun! Nandiyan na yata ang girlfriend mo. May nag-park na sa harapan ng gate natin.” Sigaw ni Daddy na nasa terrace ngayon.

 

“Okay po!” Sagot ko.

 

Hinatid pa ako ni Winter at Mommy sa labas ng bahay. Kala namang sasagala ako.

 

Natatawa na lang ako ‘pag naririnig ko ‘yung pasimpleng bulong sa akin ni Winter na ‘wag ko raw siya isumbong kila Mommy.

 

Paano kasi hindi pa siya pinapayagan mag-girlfriend nila Daddy at baka ‘di raw makafocus sa pag-aaral.

 

At least ngayon meron na akong pang-blackmail sa kapatid kong mahirap utusan!

 

“Tita, bless po.” Magalang na inabot ng girlfriend ko ‘yung kamay ni Mommy.

 

Pinuntahan pa niya si Daddy para makapag-bless, nakatayo lang kasi si Daddy sa gate tapos nakamasid lang siya sa amin.

 

‘Di pa rin kasi masyadong tanggap ni Daddy na may girlfriend ako pero hinahayaan na niya ako kasi dito naman daw ako masaya so ‘di na raw niya ako pipigilan.

 

Paano ba ‘yan Daddy, ‘yung dalawang prinsesa mo bading.

 

Sumakay na ako sa shotgun’s seat. Hininto ni Seulgi ‘yung sasakyan nang makalagpas na kami sa bahay namin.

 

“Baby, pakiss.” Nakanguso pa si Seulgi.

 

“Baka makita tayo!”

 

“Gabi naman na.”

 

I giggled when she moved closer to me. Parang baby talaga!

 

Ngiting ngiti naman siya nung kiniss ko na siya. Nagh-hum pa siya habang nagd-drive ngayon.

 

Sa Makati lang naman kami magd-dinner. Simple celebration lang for our 1st year anniversary.

 

‘Di naman kasi talaga nagcecelebrate ng mga monthsaries ganon, pero ayon special kasi ‘yung araw na ‘to kaya we decided to celebrate our anniversary.

 

Kinwentuhan lang ako ni Seulgi about doon sa captain niya sa isang flight na matigas ‘yung ulo.

 

Masyado raw kasi mataas ‘yung tingin sa sarili and hindi man lang siya pinakinggan about some things na nakita niyang may problema sa aircraft.

 

Buti na lang daw napansin nung aircraft mechanic nila ‘yung concern ni Seulgi.

 

Small airline company na nga lang daw sila tapos ganon pa ugali nung captain niya. What more daw if sa big airline company nagtrabaho, marami pa raw maaaksidente dahil sa pagiging irresponsible and careless nung piloto na ‘yon.

 

“Ikaw? Musta pagiging jobless?” Natawa ako sa tanong ni Seulgi.

 

“Eh ‘di masaya! Kasi wala na akong masyadong iniisip.” Confident kong sagot.

 

Nag-maneobra siya kasi sumobra ‘yung pagkakaturn niya sa kabilang lane, “Hahanap ka pa ba ng work? Or magstay ka pa rin on helping Tita with her business!”

 

Tumingin ako sa mga nadadaanan namin sa labas, “Baka tulungan ko muna si Mommy sa pagc-catering. Mas naeenjoy ko ‘yon eh. Hawak ko rin time ko.”

 

“Oh.. well, it’s good to know na you’re enjoying your time with Tita. I remember the times na you’d complain sa ‘kin kasi ayaw mo kamo sa ganong business then look at you now, Baby.”

 

“Eh kasi naman. Simula nung naiba naghahandle sa ‘min sa company non, sobrang hirap na makisama. I mean kaya ko naman pero may business naman si Mommy kaya keri na rin.”

 

“Baby, if gusto mo, pwede ka naman maging magandang housewife na lang. Ako na bahala sa ‘tin.”

 

Nanlalaki ang mata kong tinignan siya.

 

Anong housewife siya diyan! Bata pa kaya kami!

 

“Housewife? Hindi mo naman ako asawa.” Natatawa kong sabi.

 

“Eh ‘di papakasalan kita. Ganon lang kadali ‘yon. Wait ka lang kapag naging captain na ako ng isa sa mga big airline companies diyan.” Smug niyang sabi.

 

“Ewan ko sa ‘yo! 23 ka pa lang tapos inaaya mo na agad ako magpakasal.”

 

“Bakit naman? Ayaw mo ba makasal sa ‘kin?”

 

“Gusto ko..”

 

Natahimik kaming dalawa sa sagot ko.

 

Feel na feel ko ‘yung pag-init ng mukha ko sa sinabi ko. Pati si Seulgi namumula na rin ngayon.

 

Grabe na talaga! Masyado na kaming malandi chos.

 

Naramdaman ko ‘yung pagpatong ng right hand niya sa hita ko. Kinikilig talaga ako sa mga pinaggagawa niya sa ‘kin!

 

Saglit niya akong tinignan bago niya binalik ‘yung tingin niya sa kalsada.

 

“Promise, I’ll marry you once na maging stable and contented na tayo with our own lives.” Ngumiti siya.

 

Pinatong ko naman ‘yung kamay ko sa kamay niya. “Okay.. parang gusto ko na nga rin yata talaga maging magandang housewife na lang.”

 

Kinuha niya ‘yung kamay ko at dinampian ‘yon ng halik, “Oh.. don’t worry baby, you will.”

 

“I love you, Seulgi.” I stared at my girlfriend lovingly.

 

“I love you so much.” Hinalikan niya ulit ‘yung kamay ko.

 

;;

 

April 2016

 

“Ah eh.. hello po Ate Irene.” Naninilinsik ang mata ko nang tignan ko ‘yung kasama ni Winter ngayon.

 

“Ikaw ba si Karina?”

 

Kita ko ang kaba sa mata ni Karina. Si Winter naman pinandidilatan ako ng mata, nagbibigay siguro ng signal na ‘wag kong takutin ‘yung girlfriend niya.

 

Hind

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lanceharveyspecter #1
Author, curious ako, may kasunod ba to? Haha. I felt like sobrang daming unanswered questions and ang daming unresolved issues. I also felt na hindi lang talaga nagkaron ng chance ma-express ni Seulgi gusto nyang sabihin. If Seulgi’s happy with her ‘fiancé’, sigurado ako she wouln’t pick up the call right away na para bang inaabangan nya ang pagtawag ni Irene. Siguro naman natuto na siya at hindi na niya uulitin ang mga dati nyang pagkakamali. Sana may kasunod pa.
000014
#2
Chapter 1: tangina naman seulgi
kreidz #3
Chapter 1: putangina ang sakit, unfair mo seul
arianesucero #4
Chapter 1: mapanakit ka otor😭💔
Moksy23
#5
Chapter 1: Ang sakit po author 🤧🤧🤧🤧
eliteshipper #6
Chapter 1: bakit pinapaiyak mo ako
Maatt_booii #7
Chapter 1: Ay wow gagi angst parang hindi ako makakatulog nito sa sobrang sakit..sana naman happy ending para kay madam.
SeulreneLynz #8
Chapter 1: Natapos ko to basin 9:35 pm 03/01/22. Mag 18 ako mamaya na merong sama ng luob. Ang sakit 💔.
joohyuns_hubby
#9
Chapter 1: D GAGO OKAY LANG AKO OY! SINO BA NAG CHOCHOP NG SIBUYAS DYAN YAWA!
Kumakum
#10
Chapter 1: 🙃🙃🙃