Winter #8

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
        Sobrang bigat ng atmosphere matapos sabihin ni Karina ang mga yun. Hindi ako makapagsalita tapos parang may eye battle naman silang dalawa ni Yeji.   Ano ba itong nangyayari?   "Hoy, Rodriguez!"   Ngayon lang yata ako natuwa sa boses ni Ryujin.   Nawala ang focus ni Karina kay Yeji at humarap ito sa nagsisigaw na si Ryujin.   "Anyare sainyo?" tanong ni Ryujin ng makalapit na sya sa'min. Kinindatan nya pa talaga ako ng magtama ang mga mata namin.   Harot talaga nito.   "Wala naman." simpleng sagot sa kanya ni Karina na kinabig ako lalo palapit sa kanya.   Hindi ko na talaga alam ang dapat i-react.   "How are you Summer?" ako naman ang tinanong nya. At andyan na naman sya sa kaka Summer nya.   "Sino si Summer?" takang tanong ni Karina.   "Yang katabi mo." sagot sa kanya ni Ryujin na tumaas baba pa ang kilay sa'kin.   "Si Winter?" naguguluhan parin si Karina.   Sandali.   Winter? Ito palang ang pangalawang beses na tinawag nya ako sa pangalan ko.   "Wow, hindi ka na gumagamit ng kung ano-anong nickname sa kanya." ngumisi naman si Ryujin. "Bestfriend na ba kayong dalawa? Haa?" nanunuksong sabi nya.   Lumayo tuloy nang konti sa'kin si Karina tapos namumula na naman yung tenga at leeg nya.   "No!" Todo deny na sagot nya.   Nagtuloy-tuloy na yung pang-aasar ni Ryujin kay Karina. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaitsuraan ni Karina habang inaasar sya ni Ryujin. Baka kasi pag tumawa ako bigla nya na naman akong sigawan.   Nag-aasaran pa yung dalawa ng lumapit na rin sa'min si Lia.   "Hi Winter! Narinig ko na inaaway ka na naman ni Rina? Okay ka lang ba?" tanong nya.   Huminto naman yung dalawa sa pag-aasaran tapos lumapit na naman ulit sa'kin si Karina.   "Hindi ko sya inaaway Li." Agad na depensa nya kay Lia.   "Hindi ikaw ang tinatanong ko Rina."   Tumawa naman bigla si Ryujin kaya sumama na naman ang tingin ni Karina.   "Rina natagpuang di makasagot!" sabi ni Ryujin habang natatawa parin.   Mas lalo namang umasim ang mukha ni Karina at marahas na inalis yung kamay ni Ryujin na nakapatong sa balikat nya.   Ang babaw ng kaligayahan ni Ryujin.   "Sorry Rina alam mo namang supporter ako ni Lia." tapos inakbayan pa ni Ryujin si Lia.   Nayayamot na siniko naman sya ni Lia.   "Don't start Ryujin." sabi nito.   Ngumiti lang sa kanya si Ryujin.   "Rina patigilin mo tong si Ryujin." utos ni Lia kay Karina.   Umirap lang si Karina bago hilahin palayo si Ryujin kay Lia.   "Grabe naman kayo!" parang batang sabi ni Ryujin. Humarap naman sya sa'kin.   "Summer pakilala mo nalang ako sa mga friends mo. Parang kailangan ko kasi ng new set of friends." nakasimangot na sabi nya. "Tsaka nasan na ba si Yeji?"   Ay si Yeji my labs nga pala.   Hinanap naman ng mga mata ko si Yeji. Nasa may gate ito kausap ni Ma'am Vergara.   Tinawag ko nalang sila Ning na naka-upo lang sa may bench.   "Ryujin sina Giselle at Ningning pala."   Todo ngiti naman si Ryujin sa dalawa samantalang nahihiyang nag hello naman yung dalawa kong friend.   Parang kiti-kiting dumikit naman sa'kin si Ning. Nilayo nya pa talaga ako ng konti.   "Winter kinikilig din ako kay Ryujin!" sabi nya may pa hampas hampas pa sa braso ko.   "Anong pake ko?"   Mabilis nya naman akong kinurot.   "Panget mo talagang kausap." umirap pa sya.   Hinila ko nalang sya pabalik kila Gi na mukhang nag-enjoy sa usapan nila ni Ryujin.   Tumaas lang naman ang kilay ko. Kailan pa to nag-enjoy kausap ang iba?   Lumapit na din sa'min sila Lia. Tulad kanina sa'kin ulit dumikit si Karina.   Tinignan ko sya tapos tinignan nya rin ako. Yung tingin na nagsasabing 'Ano?!' kaya hinayaan ko nalang
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1071 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
209 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1071 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk