Clash Between Us

Clash Between Us

This Is A Work Of Fiction

*********

PROLOGUE

 

"Kasalanan mo talaga to! Pandak ka!" sigaw sakin ng babaeng flat na to.

"Mas kasalanan mo tanga ka kasi!!" sigaw ko rin. Aba di ako mag papatalo rito no.


Inirapan niya ako at binangga sa balikat ko, naabutan kasi kami ng librarian na nag babatuhan ng books sa Library tapos dinala kami sa Office kasama ng unggoy na to.

In the end na suspend na kami then one week pang mag lilinis ng Library.

At lahat yun kasalanan ng babaeng to! Inis ko siyang hinabol dahil nakakalayo na siya sakin, late na kami sa afternoon class namin at siguradong sermon pa pag pumasok kami kaya siguro mag cut na lang kami.

 

"Hoy Sandali! Aba naman! Hoy! Lisaaaaa!!!!!" sigaw ko kaya naman napahinto siya at tinignan ako.

"What?" sabi niya sakin at tinignan ako ng walang emosyon.


"Hintayin mo ako no! Kasalanan mo kung bakit ako ng cut sa klase di ako makakapasok pa kaya saan ako pupunta ha?" inis kong sabi dito at inirapan ko pa. Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay niya.

"Wag mo akong sundan baka mahawa ako sa kamalasan mo!" mapang insultong sabi niya.

Aba! Insultadong to! 


Syempre di ako mag papatalo sa Bamboo na to kaya gagantihan ko pa siya.

"Kapal ng mukha mo eh, lakas ng loob mong sabihin na malas ako eh ikaw tong sumunod sakin sa Library!" mapangasar na sagot ko. Tinignan niya ako at bakas sa mukha niya ang gulat kasabay ng pamumula ng magkabilang tainga niya. One point Jennie Hahaha..

Biglang humakbang ito papalapit sakin kaya naman ako hanggang sa mapasandal ako sa pader, ang lakas ng kabog ng dibdib ko!! Kinakabahan ako Mommyyy nakakatakot siya. Hinarang niya ang magkabilang braso niya sakin kaya na corner niya ako. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko masalubong ang tingin niya.


"Look at me Jennie!" malamig na sabi niya sakin. Kaya napayuko nalang ako pero hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko.

Nakagat ko ang babang labi ko at napalunok ng ilang ulit bago ko sinalubong ang titig niya.

Ang ganda ng mga mata niya, pag tinignan mo iba't ibang emosyon ang makikita mo pero mas nangingibabaw ang lungkot sa mga mata niyang nakakalunod pag tumingin.


"Makinig kang mabuti, wala akong panahon para makipag away sayo! Abala akong tao kaya mahalaga ang oras ko, at di kita sinundan kaya wag kang mangarap, kinuha ko lang to!" sabay pakita ng isang book na hawak niya, di ko man lang napansin na may hawak pala siya. 

Pero biglang ng init ang pisngi ko nang maalala ang sinabi niya, di niya ako sinundan kaya wag akong mangarap.

Napapikit ako sa sobrang hiya.

Nakakahiya ka Jennie Kim! Kastigo ko sa sarili ko.


Pero syempre di ako mag papatalo kaya nag kunwari akong di apektado kahit sa totoo lang sasabog na ako sa sobrang hiya.


"Kapal mo at sino nag sabi sayo na nangangarap ako?" inis na sabi ko dito at tinulak ko siya para makadaan ako.

Narinig kong tumawa siya ng mahina kaya naman ng init ang ulo ko dahil dun.

Humarap ako sakanya at inangatan ng isang kilay.

"And Remember this! I never fall inlove to you! You're not my type! Don't assume Lady!" mayabang na sabi ko at nag kibit balikat lang siya at marahang tumango.


"Mark your words Kim!" pang insultong sabi niya at nilagpasan ako.

Napa hawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok nito.

No! Please!!! I hate her she's not good and she's arrogant,stupid and she's ugly!! Yeah right she's ugly!! She's not even passed for girl crush material. 

She's my Enemy.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Wintermanunulat
Hello! Im Winter Manunulat and sana suportahan niyo ang aking Story hehe

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet