FIN - YAKAP SA DILIM

yakap sa dilim
Please Subscribe to read the full chapter

"Takot sa injection pero sa palo ni Mama hindi?" 

 

     Muntik ko nang mabuga yung mango shake na binili ni Ate Irene para sa'kin, kung hindi ko siguro napigilan tumawa sa sinabi ni Ate Irene ay malamang sobrang lagkit na ng damit ko at higaan tapos may nangangamoy pa na mangga sa loob. 

 

   "You can't blame me though, sa'kin napasa yung pagiging sakitin."

    

 Kibit-balikat kong sinabi bago pinatong yung mango shake sa bedside table.

 

   Nagpabili ako ng mango shake dahil sobrang hindi ko bet yung lasa ng hospital food, hindi naman sa ayaw ko yung lasa or maarte ako, i just don't really enjoy hospital meals that much pero inuubos ko parin yung pagkain ano! 

 

"Ewan ko sa'yo Rina, alagaan mo naman sarili mo."  

 

   Here comes Ate Irene's sermon, hindi naman ako nagrereklamo kasi si Ate Irene nalang yung alam kong may pake sa akin. She always said it many times, to the point na hindi ko na kaya bilangin sa kamay ko. But there is a part of me na sobrang saya kasi she still cares for me sa mga oras na hindi ko inaalagaan sarili ko. 

 

   "Kailan ka ba uuwi sa bahay ate? i miss you, kapag lang ba nasa hospital ako tsaka kita makakasama?"

 

   Nakita ko na nawala yung ngiti niya sa labi. Kung kanina lang ay nag bibiruan lang kami ngayon ay biglang bumigat ang atmosphere sa loob ng kwarto. 

 

   "Susubukan kong bumalik sa bahay para sa'yo, okay? Also! pwede mo naman akong bisitahin sa condo 'di ba?"

 

   Medyo nautal sa una na sabi ni Ate Irene, lagi niya kasing iniiwasan ang tanong ko na 'yon pero alam niyang itatanong ko iyon sooner or later. 

 

 "Hindi na ako masaya sa bahay." Malungkot na tono kong sinabi bago ko inihiga ang katawan ko sa kama. 

 

   Nang pinikit ko ang mata ko at walang narinig na imik kay Ate Irene ay hindi na rin ako nagsalita dahil mas lalo lang hahaba ang usapan at ayaw ko na siyang pilitin kung ayaw niya. 

 

   I once called it home, iyon yung dating tahanan kung saan ko unang naramdaman ang pagmamahal. And if i will be honest, i hate being alone but since then, i find peace being alone. I remember myself always thanking god kasi sobrang saya ng family ko dati. . 

 

   Pero nung nagsimula na tumungtong ng highschool si Ate Irene, unti-unting nag-iba ang tahanan na alam ko. Puro nalang sigawan, puro nalang galit. I miss the old home, miss ko na si Ate Irene na laging nasa bahay, siya nalang kasi yung taong pwede akong mag vent at umiyak, hindi ko na magawa iyon dahil wala naman akong kasama sa bahay, laging nasa trabaho sila Mama at Papa.

 

   Sakitin na nga ako lagi pang wala akong kasama sa bahay, joke ba 'yon? Kung pwede ko lang ampunin si Ningning gagawin ko kaso sobrang mahal nila Tita at Tito si Ningning kaya mukhang matatagalan bago ko maampon si Ningning.

 

 

 

"Aalis na ako ah? libot-libot ka na lang dito sa hallway pero sabi ni Doc 'wag ka raw lalayo sa kwarto mo, okay?"

 

"Bibisita ba sila Mama at Papa?" 

 

Tinignan ni Ate Irene ang telepono niya na nasa kaliwang kamay niya bago sinagot yung tanong ko,

 

"Yes, they're gonna visit you." Ate smiled at me, na she's like assuring me sa sinabi niya. 

 

"Are you sure? 'cause last time hindi nila ako binisita kasi maaga ako nadischarge, e." 

 

"May trust issue ka ba sa'kin?" Natatawang sabi ni Ate tapos lumapit sa akin habang may kinakalikot sa phone niya. 

 

She showed me her phone at bumungad sa akin ang text nila ni Mama, sabi lang sa text nila which is kagabi pa, mga 12:43 kagabi na bibisita nga sila Mama at Papa mamaya. I smile a little sa nabasa ko.

 

"Hintayin mo na lang kaya sila Mama at Papa dito? tapos sabay na lang kayo umuwi."

 

Bright idea self, lupet ko talaga. 

 

   "Hinihintay na ako ni Jennie sa condo, sorry baby Rina, babawi ako sa birthday mo. Bye!" Hindi ko na nagawang awatin si Ate dahil hindi ko napansin na naglalakad na sa siya palabas ng pinto, masyado akong nalunod sa iniisip ko. 

 

   At ito nanaman ako at mag-isa sa sobrang tahimik na apat na sulok nitong kwarto, minsan naiisip ko nalang na tumalon sa binatana kaso iniisip ko na masyadong papansin iyon kung gagawin ko. At isa pa! ang panget ng itsura ko malamang sa burol, dapat kung pinanganak akong maganda, maganda rin akong mamatay.

 

   Ang lupet ng coping mechanisim ko, i really want to die but at the same time ayaw ko, paano kung ang swerte ko pala sa future ko? yung mapapangasawa ko incase edi naagaw ng iba? hindi pwede iyon. Pero seryoso, i can't find a reason para patayin ko sarili ko kahit gustong gusto ko na mamatay.  

 

   Inabot ako ng ilang minuto para pagdesisyunan kung lalabas ba ako o hindi, ilang araw na nandito ako sa kwarto at tanging ginagawa ko lang ay maligo, matulog, kumain then hit repeat. 

 

Nandito na ako sa labas at nasa tapat lang ng pinto ng kwarto ko habang nakahawak kanang kamay ko sa Saline Stand. 

 

   Nagsimula na akong maglakad sa hallway, sobrang tahimik at walang masyadong tao sa hallway, hindi naman siya nakakatakot dahil baka sanay na rin ako dahil suki na ako dito sa hospital dahil madalas akong na aadmit..

 

   Habang naglalakad ako ay biglang may humawak sa balikat ko, pagkalingon ko sa likod ko ay bumungad sa akin ang isang babae na maikli ang buhok na mga hanggang balikat niya lang at nakasuot din ng hospital gown, mukhang mga nasa edad ko yung babae.  

 

"Ikaw ba yung pasyente sa 304?" Tanong ng babae sa akin. 

 

"Yes, bakit?" 

 

"Saan ka pupunta?" 

 

Huh? problema nito? 

 

"Sorry pero it's none of your business." 

 

Naglakad ako papalayo pero bigla siyang nagsalita ulit.

 

"Baka mahuli ka ng nurse na lumabas sa kwarto mo." 

 

Napatigil ako sa sinabi niya and i retreat my tracks, kainis naman.

 

   "Pwede kitang ipasyal dito sa hospital, may alam akong magandang tambayan."

 

   Nagdadalawing isip pa ako kung sasama ako sa babaeng ito pero mukha naman siyang harmless at tsaka hindi naman siya mukhang multo, she's... kinda look cute though. 

 

"Ako pala si Minjeong Blezerio, they call me MB. Room 303, at ikaw naman?." Pagpapakilala niya sa sarili niya.

 

"Karina Agustin, wala akong nickname pero tinatawag ako ng ate ko na Rina." Ngumiti ako ng slight.  

 

   Pagkatapos namin magpakilala sa isa't-isa ay naglakad kami papunta sa rooftop dahil sabi niya doon daw mas maganda tumambay. Pumayaga naman ako na dalhin niya ako doon sa rooftop. Sumakay kami sa elevator at buti nalang ay walang nakakakita sa amin na nurse. 

 

   "Alam mo ba, ang tagal ko na nandito sa hospital pero hindi parin ako nadidischarge, may sampung araw na akong nandito sa hospital. Binibisita naman ako ng Ate ko, lagi nga akong dinadalhan ng ubas." Natatawang kwento ni Minjeong sa akin. 

 

"Ano bang sakit mo?" Tanong ko.

 

   "Sasabihin ko nalang kapag nadischarge na ako dito sa hospital." Sagot ni Minjeong.

 

Pabiro kong sinuntok ko ng mahina yung braso niya.

 

"Aray ko gagi ka, kakaturok lang diyan ni Doc kanina." 

 

"Oh! i'm sorry i didn't mean to hurt you."

 

"Oks lang," Tawa niya. "Medyo masakit pero oks lang." 

 

"Sure ka?" 

 

"Pramis! oks lang talaga Karina."

 

Natawa naman ako sa pagbigkas niya ng promise. Sounds like tambay sa kanto pero i findi it cute ??

 

"It's promise, hindi pramis, okay?" Tumango naman si Minjeong. 

 

 

 

 

   Nang makarating kami sa rooftop bumungad sa akin ang dalawang upuan na nakapwesto sa gitna ng rooftop at isang mahabang upuan na katabi nito. Medyo malamig ang simoy ng hangin dahil malapit na gumabi, hindi ko napapansin ang araw at oras nitong mga nagdaang araw dahil hindi ko mabuksan bintana ko sa kwarto at also wala akong telepono.

 

   Ang akala ko parang sa mga anime na napapanood ko ang rooftop na makikita ko ngayon kaso hindi e, but wala naman akong reklamo kasi ang ganda ng view at buti nalang maliwanag dito. Takot kasi ako sa dilim. 

 

   "Sabi ni Doc Sky na may dalawang mag-asawa na matanda ang tumatambay dito sa rooftop kaya may upuan diyan, special request daw nung mag-asawa sa hospital. "

 

Nagsalita naman si Minjeong sa likod ko at tumakbo papunta doon sa upuan at umupo.

 

"Oh..wow ang cute huh?"

 

"Alam mo, nakita na kita sa ward dati, you look so busy nung araw na iyon." Kwento ni Minjeong.

 

"Pasyente ka rin pala ni Doc Sky," Sambit ko.

 

   "Oo, ikaw pala yung kinukwento niya sa akin na pasyente niyang laging nasa hospital kasi hindi mo raw inaalagaan sarili mo." Natatawang sabi ni Minjeong. 

 

   Umupo ako sa isang upuan sa tabi ni Minjeong, nakasandal likod namin at nakatingala sa langit, sana lang ay hindi malamok dito. 

 

   "Hindi naman sa hindi ko inaalagaan sarili ko, nasa lahi na kasi namin ang pagiging sakitin at ayun napasa sa'kin." Paliwanag ko kay Minjeong about sa sinabi niya kanina.

 

   "Bakit ko pa aalagaan ang sarili ko kung sakitin na t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
berryami
#1
Chapter 1: PUTANGINA DAPAT NAGBASA MUNA AKO NG COMMENT 😭😭 BAKIT GANON HA?!! AKALA KO BA AALAGAAN MO SI KARINA??!
kang_ddeul
#2
Chapter 1: hala omg 😭💔 pero ang ganda po ng story~ huhu thank you po otor-nim! 😭✊
Teapot2020 #3
Chapter 1: Ano baaaaaa Hindi Naman lumulubog Ang Winrina ba't kayo ganitooooo
Hamsterjeongie #4
Chapter 1: Damn i hate you authornim😭