Chapter 2: Kylie Jenner Pancit Canton
Plus OneWe won't be starting sa pag conceptualize ng programs for the broadcast competition until matapos ang Prelims exam ng first sem.
With that, hindi rin sobrang active yung group chat namin for the competition. Pero dahil friends na kaming lahat sa Facebook, nakikita ko na rin kung anong klase ng tao talaga ang mga 'to.
Si ate Yeri, sobrang active sa mga Facebook groups like Subtle Clown Traits. Andaming posts kung saan nakikita kong tinatag siya ng friends niya, and in response, mumurahin niya ang mga ito.
Pero hindi lang doon active si ate Yeri. Minsan nakikita ko rin siya sa comment sections ng posts sa What's Your Ulam Pare? Tinatag niya si ate Jungeun, for God knows what reason.
Usually it's always ate Yeri na nagpapalibre kay ate Jungeun. Pero ang nakukuha niya lang ay rejection, since lagi sinasabi ni ate Jungeun na wala siyang pera para manlibre.
May times din na inaaya ni ate Yeri ng coffee date si ate Jungeun tuwing may posts ng magjojowa sa What's Your Ulam Pare? na nagdadate sa mga small cafes around Manila. Kung maganda ang araw, magrereply si ate Jungeun along the lines of "Sige, kung hindi busy." Otherwise, stickers lang nirereply nya kay ate Yeri.
Sa kabilang dako naman, active magshare si Hyejoo ng game updates. Minsan, nagshashare siya ng posts ng Genshin Impact tuwing magkakaroon ng bagong banner. Recently, nakita kong shinare nya yung post about a new Valorant character. Basta, tuwing may new releases - whether games man, or in-game purchasables - pwede mo masagap ang news sa timeline ni Hyejoo.
Paminsan, nagsstream siya live ng gameplays niya. Cute nga eh, kung kikilalanin ko pala nang mabuti si Hyejoo, makikita kong may side din pala siya na soft.
Minsan nahihiya siya sa mga live reactions sa stream niya; kadalasan, mga comments na galing sa tao who goes by the name of Park Chaewon. Rinig mo yung kaba tuwing nakaka-clutch si Hyejoo sa Valorant, at sasabihin niyang "Tangina mo Park Chaewon, tigilan mo pagspam," kahit na puro heart memes lang naman sinesend niya.
Crush niya kaya yun? Or baka close friends lang sila? Baka hindi lang talaga sanay sa affection si Hyejoo, but that makes her look nice and soft naman.
Baka she's really a sheep in wolf's in sheep's clothing, kung may ganun man.
Nakikita ko rin si ate Jungeun na nanonood sa streams ni Hyejoo. Madalas, nakikipag sagutan sa Facebook user na may pangalan na "Yves."
From what I see, siguro mutual friend nila ni Hyejoo yun, which explains why iba pakikitungo nitong bugok na to kay ate Jungeun.
At si Jimin… Paano ko ba i-eexplain ang nakikita ko kay Jimin?
Kung nasa cafeteria tayo ngayon, si Jimin yung tipong ngumunguya ng bubble gum, at ididikit sa ilalim ng mesa kapag wala nang lasa.
Nag-iiwan siya ng kalat for all the people in her friends list to see.
And by kalat, I mean literal na Gen Z kalat na minsan it doesn't even make sense. Minsan, super blasphemous. Minsan naman, sobrang defaming sa mga tao in authority na kung naka public yung post niya, pwede siya makasuhan for libel.
Siguro… na-overwhelm ako. Kasi ang layo ng humor niya sa kung ano yung ineexpect ko sa kanya.
I guess we really shouldn't judge a book by its cover.
But that doesn't make me like her less. Actually, mas napamahal pa nga yata ako, eh.
To see her act like she's anyone else na kilala ko… That makes her seem more human. Na hindi pala siya puro beauty products, or haute couture, or good image lang.
Not that those things are something to be ridiculed. I have nothing against people naman who thrive off things like that.
It's just that… I felt a connection with her.
She's just like me.
Princess and the Pauper yarn?
---
Yoo Jimin
Minjeong.
Umagang umaga, siya babati sa akin? Naramdaman kong it's going to be a good day para sa akin ngayon.
Aanhin ko ang alarm clock ko, kung isang notification lang galing kay Jimin, gising na gising na ako?
Ano kayang cute na pwede i-reply?
Yoo Jimin
Seenzone.
As usual, hindi ka naiiba sa iba.
wdym di naiiba sa iba
Snob ka din.
hindiii hala huhu
di ko lang alam sasabihin
Wala pa nga akong ibang sinasabi e.
Hahaha
Baliw ka talaga
baliw sau xd
Jejemon!
HAHAHA
sorna
anyway good morning
kim minjeong at ur service, yes
Hahaha
Ano gawa mo?
wala…
literal na kakagising ko lang
Ay hala.
Omg, baka need mo pa mag sleep.
nooooo
i'll literally oversleep pag walang gigising sakin
Oh!
Sige haha.
Araw araw na kita iinisin sa umaga.
Kahit ano pa maging attempt mo sa pang-inis sakin, I just think na never ako maiinis sayo.
Is this the infatuation speaking?
Pero dahil nga tingin ko sa kanya is someone super pure kahit na may pang sira ulo na humor… I'll find it hard na mainis sa kanya.
Yoo Jimin
u can try :p
mahirap ako inisin lol
You saying that just makes me want to irritate you more.
Hahaha
Sige na nga, jusko.
You have to eat breakfast.
yes mom
Baliw.
After that, may gagawin ka ba today?
uhmmm
wala pa naman ako plano..?
why
Hindi ka mag-aaral?
bakit pa mag aaral
madali lng nmn sa comm
charot!
Ayaw mo ba tularan si ate Yeri?
Haha
Tingin ko naman kayang kaya mo rin maging Dean's Lister.
well
nagddl naman ako
di ko lang binabrag bc sobrang dali sa comm…
kulang nalang e mahiya ka kung di ka kasama sa dl sa comm
so it's just not worth bragging for me
everyone's in the dl
Damn, gusto naman pala special.
syempre no
Sad.
Ayain pa naman sana kita mag study date with me.
Dami ko need aralin, e.
Sunod sunod exams ko sa Friday.
Sad..? Sad siya na ayaw kong mag-aral? Sad siya na hindi niya ako makakasama mag-aral with her?
Joke lang pala. Kahit buong weekend ako mag-aral with you Jimin my bebelabs. Basta ikaw ang kasama ko, g na g ako diyan!
Yoo Jimin
pwede naman kita samahan magreview
di nga lang ako mag aaral
pero ill be there as moral support
Yay. :)
Okay lang sayo sa Discord tayo mag-call?
sure!!
Dun tayo sa server ng Broadcast Quest group.
Para if may gusto sumali, they're free to join.
Aww, wala na. What a bummer. Akala ko pa naman kaming dalawa lang mag-aaral.
Charot bakit napaka gatekeeper ko these days? Lalo na kapag quality time with Jimin bebelabs ang usapan?
Normal naman siguro ito diba? Siguro super want ko lang rin ng exclusive na friendship…
Gusto ko ako yung maturing niya na best friend, tapos siya din yung best friend ko. Kaya siguro sobrang possessive ko kahit na for the greater good naman ng lahat na mag-aral kami sabay sabay.
Joke lang, who am I kidding? The , in love na yata ako kay Jimin. Ayaw ko aminin, pero this celebrity crush upgraded na into a… Bestie Crush.
Yoo Jimin
peroooo
di ka ba mawawalan ng focus kung maraming tao sa call habang nag aaral?
I guess you're right.
Sabagay, baka mapa-chika lang ako kapag kasama rin sila.
I thought lang it would be a cute idea na mag hang out while being productive.
it's cute tlg
like u:)
Hahaha wowww.
Napapadalas ang banat mo ah.
xori i am single and also bored
Lol.
Cute.
Lagi niya akong tinatawag na cute tuwing may gagawin ako na nakakahiya, or kapag nabbring up ko na single ako.
Is this her way of saying "Ang cute mo, type kita, jowain mo na ako"? Or is it her ultra sugar coated way of saying "Girl, stop, nakakahiya ka maging friend"?
Either way, sana alam niyang kilig na kilig ako tuwing sinasabi niya na cute ako.
Pag ginawa pa niya ulit 'to mas lalo pa akong magpapa cute sa kanya.
Yoo Jimin
gagi ka
kung cute ako hanapan mo ko ng jowa
Haha.
Okay sige.
---
Inadd ako ni Jimin as friend sa Discord. Again, nag screenshot muna ako para may proof ako na once in my life, may sikat na cutie who wanted to be my friend.
yoojmn: War flashbacks.
Sorry ulit dun sa pagmumura ko Minjeong.
minjungie: tigilan mo na magsorry kundi aawayin tlg kita :p
yoojmn: I'm sorry :p
minjungie: ah gusto mo ah…
yoojmn: What? I'm just saying sorry :p
minjungie: trip mo bang inaaway ka or sumn…
yoojmn: Hah
Comments