Still Into You

Still Into You
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: A short glimpse into a 7-year relationship.  

 

 

 

Winter - present

 

We go way, way back ni Karina. Kinder pa lang ata, kalaro ko na ‘to.

 

Even from grade school up until college, hindi ko alam kung bakit magkasama pa rin kami.

 

After grad, siya pa rin ang kasama ko.

 

Minsan nga iniisip ko na isa siya sa mga espiya ng kalaban ng angkan ko, pinanganak para kaibiganin ako, samahan ako lumaki, and then destroy my life after. Pero so far, safe naman, wala naman akong nakikitang signs na isa siyang Mafia.

 

O di kaya, siya ang aking long lost twin?

 

Hindi rin eh. Ilang beses ko na tinanong si Tita Esmeralda, yung mama niya. Wala daw siyang anak sa labas. Pero joke lang naman, ayaw ko naman kasing maging kapatid si Karina.

 

Baka araw araw kami magsabunutan non, aba! 

 

Lugi siya kasi mahaba buhok niya, eh ako maikli lang. Easy!

 

On a serious note, joke lang lahat ng sinabi ko kasi… si Karina lang naman ay ang aking... taga manicure at pedicure! 

 

May session kami mamaya, 50% off daw kapag isang paa at kamay lang.

 

Huy, seryoso na nga.

 

Si Karina lang naman…. ang babaeng…

 

Ang babae sa septic tank.

 

Okay, last na yun, promise.

 

Si Karina lang naman kasi ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

 

Babe, if you’re reading this… ikaw ang next na magluluto ng samgyupsal. Kasi last time ako lagi, nakaabang ka lang. Ano, sinuswerte?

 

Pero, mahal na mahal kita kahit na ang bagal mo maghanap ng movie sa netflix, ayaw mo magshare ng thigh part ng chicken joy, inaagawan mo ako ng kumot, at ang hilig mo kong asarin at pingutin ang ilong at tenga ko.

 

Mahal na mahal pa rin kita.

 

7 years na pala tayo.

 

Actually, more than 10+ years na din kitang kilala.

 

Pero ba’t ganun, ikaw pa rin?

 

 

 


 

Busy akong mag-FLAMES ng pangalan namin ni Karina sa notebook ko nung recess.

 

Try lang naman, bakit ba! Lahat kasi ng classmates namin ginagawa 'to.

 

 

Jimin Karina Yu

Minjeong Winter Kim

 

 

A ang lumabas. 

 

Ano ba yan, bakit hindi M!

 

M lang kasi ang alam ko, Married.

 

Eh yung A ba, ano nga ulit yun?

 

Tinawag ko si Ningning, “Oy Ning, ano ulit yung A sa Flames?”

 

Napanganga naman ito na parang di makapaniwala sa akin. “Ano ba yan, Winter, di mo alam? Edi Atdog!” Tumawa pa ito ng malakas.

 

Nakakainis!

 

“It’s Affection.” Singit nung classmate namin na top 1 sa English, si Giselle.

 

Ah, affection. Hmm. Ano ba yun? Ayaw ko na itanong kay Giselle. Baka magpresent pa siya sa akin ng naka manila paper kung ano yun eh. Tingnan ko na lang sa dictionary ni papa sa bahay mamaya.

 

"Winter…" Naramdaman kong may kumakalabit sa uniform ko.

 

Nung nakita kong si Karina yun, taranta at mabilis kong sinara ang notebook ko.

 

"Ano yun?" Tanong ko sa sa kanya. May papel siyang binibigay sa akin. "Ano yan? May quiz ba?"

 

"Wala… gawa mo nga ako ng tula, ibibigay ko sa crush ko." Parang kinikilig pa na sabi ni Karina.

 

Nainis naman ako sa sinabi niya. 

 

Ayaw ko nga! Crush ko ba ‘yon, crush ko ba ‘yon?

 

Siya may crush, edi siya gumawa!

 

"Ayaw ko nga." Mariin na tanggi ko na binibigay pabalik sa kanya yung papel niya. 

 

Madami akong wamport, no thanks!

 

“Dali na..” Pag-ungot pa nito. “Libre kitang ice scramble mamayang uwian.”

 

Uy, ice scramble.

 

Paborito ko yun eh.

 

Nag-isip isip ako. “Hmm, sige. Amina. Sino ba crush mo kase?”

 

Kahit naiinis ako, para sa ice scramble, sige lang!

 

Binulong niya sa akin yung crush niya.

 

Yak! Ba’t crush niya yung bugok na yon?

 

Tula pala ha. Ge.

 

Padabog na kinuha ko yung papel para magsimula nang magsulat ng tula. 

 

Napapangisi ako.

 

“Oh, ayan na.” Binigay ko na ito kay Karina pabalik nung matapos.

 

Tuwa naman siya at excited na binasa ito.

 

Nakita kong ang unti unting pagwala ng ngiti niya sa labi at ang pagkunot ng noo habang binabasa yung gawa kong tula.

 

 

 

bakit, o bakit papa

binawi mo pa

ilaban natin, ey

ibawi natin, ey

halukay ube 

para sayo

o giliw ko 

miss na miss kita

get, get, aw!

 

 

 

 

“Winter, b-bakit.. ang pangit naman?” Mahinang tanong ni Karina na ang lungkot ng mukha.

 

“Eh ang pangit din naman kasi ng crush mo eh.” Sagot ko na nakataas ang kilay.

 

Umiyak si Karina.

 

Pinagmasdan ko muna sya na humihikbi hikbi bago ko naisipan magsorry. 

 

Bakit ang ganda niya pa din?

 

Nakakainis, crush ko kasi sana ‘to eh.

 

Bakit ba kasi may crush ka na iba, ha?

 

“Huy.. Karina, sorry na. Yung ice scramble ko pala ha…”

 

 

 

 

 


 

“May irereto na ako kay Giselle.” Bigla kong binuksan ang pintuan ng kwarto ng walang sabi sabi. Nakita ko si Karina na napapitlag ng slight sa desk niya kaharap ang laptop. Dere-derecho akong umupo sa gilid ng work desk niya.

 

Tumingin si Karina sa akin ng isang beses ng masama bago bumalik ulit sa ginagawa. Ano ba yan, disi-oras ng gabi, nag-wwork pa rin. Balak ata nito palitan ang CEO sa kumpanya nila. 

 

“Look, I’m busy, tigilan mo muna ako, mamaya na yan.” Bored na sabi ni Karina.

 

“Dali na, baby, look mo ‘to.” Pinakita ko sa kanya yung picture nung isang hot na lalaki na nakita ko sa isang site. “Sabi sa bio niya, likes literature, working hard, y nerdy girls who likes to be span- ayyy, wag na pala.” Natigilan ako sa binabasa at bigla kong inexit yung browser. Putek, manyak pa ata.

 

Tinaasan ako ni Karina ng kilay. “Oh? Di mo naman kilala mga yan, irereto mo pa kay Selle.”

 

“Ugh, sorry na. Yung una lang kasi nabasa ko, diba ideal type niya yung mga mahilig sa literature chuchu.” Kamot kamot na lang ako ng ulo.

 

“Babe, you won’t really know what a person really likes. It’s all unpredictable and sila lang makakasabi non.” Seryosong sabi nito na nakaharap pa rin sa screen.

 

Napa-pout ako. “Fine.” 

 

Matagal ko ng hinahanapan ng partner ang kabigan namin na si Giselle, ewan parang naging life mission ko na yun. Hays, bahala na nga siya. Pagdasal ko na lang love life niya.

 

Napatingin ako kay Karina at may pumasok na curious na tanong sa isip ko. “Eh ikaw ba babe, ano yung ideal type mo dati?”

 

“Wala akong ideal type.” Masungit na sabi ni Karina hab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
Reading Guide:

Chapter 1-5: 7 Years Together
Chapter 6-29: College life, 4 Years Together
Chapter 30: 8 Years Together


Thank you everyone for reading! :)
Mag-sest, signing off.

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Chapter 23: Ningning 😭😭 HAHAHAHAA. Third wheel ka na nga, na-prank ka pa. 🥺
nabs_infp
#2
Chapter 1: Tawang-tawa ako sa A = Atdog 😭😭😭
jushshhh #3
Chapter 25: jusko ang bobo 😭😭😭😭
jushshhh #4
Chapter 8: meryenda pala yun 😂
glanishaaa
#5
Chapter 3: Ilang ulit ko nang nabasa to pero tawang-tawa pa rin ako hahaha
glanishaaa
#6
Chapter 8: Salamat sa meryenda amp hahahahahaha
klaygalaxyzero
#7
Chapter 32: Mag sest!!! This will always be one of the best. 💙
Karingking #8
Chapter 1: Rereading for the nth time ✨
franzii
#9
Chapter 24: I would never get tired of reading this. Grabe. Kuhang kuha mo talaga dynamics nila. Sobrang nakama GV. If ever I need a pick me up, basahin ko lang to, okay na ako agad. Maraming salamat sa pag sulat!
justsomeanimelover
#10
Chapter 4: hahahhahahahah awawak talaga si boss g