Orgulloso, 111.

Orgulloso, 111
Please Subscribe to read the full chapter

Wherein Winter just wanted to get Karina's attention but the top student is too dedicated to her studies.

 

song recommendation: jeremy passion - lemonade.

 

 

"What the hell are you doing here na naman ba? Can't you see that I'm really busy? Hello, I have a lot of things on my plate, huwag ka na dumagdag pa!" Agad na bungad sa'yo ng mataray na si Karina, madalas tinatawag mo siyang Yuji pero naiinis siya dahil hindi naman daw iyon ang pangalan niya. Hindi mo naman kasi gustong tawagin siya sa Karina lang, masyadong plain, common, boring! Gusto mo yung unique, yung ikaw lang tumatawag sa kaniya.

 

Kokonyatan mo talaga pag may ibang tumawag sa kaniya ng Yuji, ginawa mo yon para sa kaniya at ikaw lang ang pwedeng tumawag non sa babae. Oo, madamot ka basta pagdating kay Karina.

 

Kasalukuyan kang nasa loob ng classroom nila at nanggugulo ka talaga, wala namang kaso dahil sa araw araw kang pumupunta rito, kilala ka na ng mga kaklase niya. Hindi kayo magkasama dahil stem student siya habang ikaw naman ay abm student kaya nasa kabilang building ka, dinadayo mo talaga siya rito dahil naniniwala ka sa isang kasabihan: hindi kumpleto ang araw ko pag walang Yuji na bubungad sa umaga ko.

 

"Tinatanong pa ba yan?" You had a self satisfied smirk on your face. Lagi naman ganon ang dating mo kaya siguro bwisit siya sa'yo, madalas kasi pa-cool ka at snob sa iba pero pagdating sa kaniya nagiging asungot ka. Kasalanan mo bang gusto mo lang naman ng atensyon niya?

 

"Syempre, dahil sa'yo!" Dagdag mo pa at umupo sa tabi niya kaya naman inis na napausod siya papalayo. Narinig mo namang nag-ayie ang mga nakarinig at puro tukso at mapang-asar na tawa ang narinig niyo pagkatapos.

 

Syempre, dahil sa likas na ang pagka mataray ng mahal mo, sinamaan ka na naman niya ng tingin at tinutukan ng ballpen.

 

"Tutusukin ko na talaga eyeballs mo, malapit na! Huwag mo akong subukan," Pagbabanta naman nito sa'yo kaya naman napalunok ka. There is a possibility that she will actually do that to you. You know how annoyed she was with what you do to her everyday. "Lumayas ka na nga, sinisira mo araw ko." Dagdag nito kaya naman you covered your mouth dramatically, acting hurt because of what she said.

 

"Grabe ka naman, mahal. Ganyan ka ba sa future asawa mo?" Panglalandi mo pa sa kaniya at pinakitaan mo siya ng isang matamis na ngiti. She looked visibly disgusted because of what you said kaya naman napanguso ka agad.

 

Taray.

 

"Dream on, Buenavista. Umalis ka na nga rito sa classroom namin! Wala ka bang klase?" Pagsusungit pa nito habang tinutuloy na ang pagsusulat niya, hindi mo naman alam kung ano yon basta parang puro equation.

 

"Wala pa naman! Masyado ka namang atat na paalisin ako, hindi mo ba ako mamimiss?" Pagdadrama mo rito at sumandal pa sa upuan na katabi niya, kilala mo naman ang may ari nito, kaibigan mo rin, si Giselle. Pero alam mong late ito kaya naman walang habas ka na umupo sa upuan niya.

 

"Tinatanong pa ba yan?" Napatingin ka dahil ginagaya niya ang tono ng boses mo kanina nung tanungin mo yan sa kaniya, halatang minomock ka. "Syempre, hindi."

 

"Ohh, ginagaya mo pa ako, mahal. Ikaw talaga, idol mo ako?" Pang-iinis mo sa kaniya kaya naman she rolled her eyes in sheer exasperation. Halatang bwisit na talaga sa'yo.

 

"Could you just please leave now? Can't you see I'm busy solving math problems here? If you were having fun in your life, ibahin mo 'ko, I have a lot of responsibilities and there's a lot of things on my plate. Stop bothering me, hindi ako papatol sa'yo." Diretso at prangka niyang sabi sa'yo kaya naman nakarinig ka ng pagsinghap sa ibang kaklase niya na nakakarinig ng pinag-uusapan niyo.

 

Nagkibit balikat ka naman habang nakangiti, hindi naman na bago sa'yo ang pagtataray ng dalaga. Para bang nasanay ka na rin at pag hindi ka niya sinasabihan ng ganon ay naninibago ka. Malala ka na talaga. Hindi mo alam kung pinanganak ka bang masokista o ano, eh.

 

Basta ang alam mo ayos lang naman sa'yo kahit na sinasaktan ka na niya.

 

Hindi mo naman kasi siya masisisi, talaga nga namang malaki kang harang sa buhay niya. Marami siyang plano sa buhay niya, she has her goals straight, may pangarap siya sa buhay— something na inconsistent ka.

 

Hindi mo nga alam kung ano ang gusto mo sa pagtanda mo, eh. Isa lang naman ang bagay na tiyak ka.

 

Gusto mo kasama mo sa pagtanda si Karina.

 

Pero ang tanong, gusto ba niya?

 

Kakasabi niya kang kanina: syempre, hindi.

 

Minsan naiisip mo, tama nga naman siya sa desisyon niya na huwag kang pansinin. Kasi ano bang maidudulot mong maganda sa buhay niya? Parang wala naman, baka nga maging bad influence ka pa sa kaniya.

 

Kasi ikaw, wala ka namang plano sa buhay mo. Siya marami. Pero sure kang hindi ka kasama ron.

 

May something kasi sa kaniya, kaya siguro nagustuhan mo siya. How she express her love for the things that she wanted to do, how she mention the goals that she wanted to achieve in life, how her eyes shine every time she talks about the things she wanted so bad. She's so beautiful, and that's so y.

 

Her eyes were sparkling with happiness and determination and that's so ing adorable.

 

"Ano, natulala ka na riyan? Didn't you hear what I said?" Napabalik ka sa ulirat nang marinig mong nagsalita na naman si Karina, nakatingin siya sa'yo, raising an eyebrow. Halatang jinujudge ka ngayon.

 

"Alin don?" Tanong mo naman at kumunot pa ang noo mo, kahit na narinig mo naman, syempre nagshunga shungahan ka. Wala ka naman kasing balak na sagutin ang sinabi niya, dahil alam mo sa sarili mo na kahit anong pagtataboy ang gawin niya, mananatili ka lang sa tabi niya.

 

"Seriously?" She muttered in disbelief, napapailing nalang siyang nagpatuloy sa ginagawa niyang pagsusulat kaya naman napangiti ka nalang habang tinititigan ang side view niya.

 

Ang ganda niya talaga lalo na pag seryoso siya, halatang matalino ang itsura niya, para bang hindi mo marereach dahil hindi ka naman niya kailangan. Kaya niyang magshine sa sarili niya and that's what you like about her. Sarap nalang mapakanta ng Miss Independent habang tinititigan siya.

 

Narinig ko naman, pero hindi ko kayang sundin.

 

 

"Pancake ba?" Tanong naman ni Ningning sa'yo at bahagyang siniko pa ang braso mo. Napatingin ka naman sa kaniya at mukhang nabalik sa realidad kaya naman sabog kang tumango sa kaniya.

 

"Okay ka lang ba? Bakit parang sabaw na sabaw ka naman dyan?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa'yo, tinitignan ang itsura mo ngayon. "Natulog ka ba? Nakahithit ka ba? Bakit namumula mata mo?"

 

"Siraulo, nanood lang ako ng nakakaiyak." Sabi mo naman sa kaniya dahil totoo naman. Hindi ka nakatulog masyado dahil late mo na natapos yung movie na pinanood mo, grave of the fireflies. Grabe sumakit ang mata mo, hindi mo ineexpect na ganon pala kalungkot yun. Napag alaman mo pang based on true story yun. Mas sumakit tuloy ang puso mo.

 

"Gaga, mukha ka talagang nakashabu sa itsura mo. No offense." Napairap ka naman sa sinabi niya, no offense pero ganun yung sinabi niya. Sarap talaga bangasan nito sa pagmumukha, eh. Parang sinabi lang na math pero walang solving?

 

"Ewan ko sa'yo, order mo na ako pancake." Ngumuso ka pa sa kaniya na parang bata, syempre kailangan mo magpacute para sundin ka kahit na alam mong mandidiri lang siya sa'yo, walanghiya yan. "Tsaka milk, thanks!"

 

"Anong thanks thanks? Akin na bayad mo!" Sabi naman niya kaya naman napairap ka ulit, masyado talaga. Agad ka namang yumuko para kunin ang wallet sa bag mo kaya lang nung pag-angat mo ng ulo mo ay wala na si Ningning sa harapan mo, nakita mong nakapila na pala ito sa counter. Napangiti ka naman habang nakatingin sa kaniya, ganun lang talaga yon pero alam mo namang lilibre ka talaga niya.

 

Rich kid things ata. Eme.

 

"Nawawala na naman yung powerbank ko." You whispered to yourself, grabe malapit ka na maiyak dahil nauubos ang pera mo kakabili ng powerbank dahil lagi nalang ito nawawala sa'yo. Kuripot ka pa naman medyo. Basta pagdating sa sarili mo.

 

"Looking for something?" Napaangat ka ulit ng tingin nang may magsalita at nakita mong nakangiti si Chuu sa'yo, ginantihan mo naman siya ng ngiti dahil nakakahawa talaga ang pagkakangiti niya. Ex crush mo 'to dahil cute siya at matalino pa, kaya lang nabaling ang pagtingin mo kay Karina na hindi mo naman pinagsisisihan pero minsan napapaisip ka nalang, kung si Chuu pa rin kaya, baka mamaya magkaroon ka pa ng pag-asa sa babae. Kay Karina kasi, halatang malabo eh. Bukod sa masyadong dedicated sa studies niya, mukhang straight pa.

 

"Ah, oo. Yung powerbank ko nawawala na naman." Kakamot kamot ang ulo na sagot mo naman sa kaniya, hindi naman kayo sobrang close like katulad ni Ningning at kaibigan ni Karina na si Aeri. Pero nagkakausap naman kayo, nagkakabatian pag tuwing magkakasalubong sa hallway, at nabibiro mo naman siya. Hindi naman kayo awkward sa isa't isa kahit na after malaman ng lahat ng ka strand niyo na may crush ka sa kaniya. Syempre siya rin nalaman. Pero tagal na yun, si Karina na ang binubulabog mo ngayon. Masungit at grade conscious na si Karina. Wala nga atang ibang alam gawin yun kundi mag-aral. Well, maganda naman yun.

 

"Ganun ba? You can borrow my powerbank naman, nasa classroom lang naman ako kaya after class, pakidala nalang." Mabait na turan naman niya sa'yo kaya agad ka namang napangiti. Choosy ka pa ba? Syempre hindi. Kailangan mo na i-charge yung phone mo na kamalas malasan, mukhang nadrain pa.

 

"Talaga? Bait mo talaga. Kaya naging crush kita, eh." Natatawang biro mo rito kaya naman napatawa na rin siya sa'yo, alam naman niya iyon at ginagawa niyo nalang na katatawanan ang mga bagay na ganon dahil wala namang malisya.

 

Isa pa, kilala mo kung sino ang crush niya. Si Yves, tropapips mo rin. Hindi mo nga alam don, mukhang walang balak gumawa ng first move kaya naman nganga pa rin silang dalawa.

 

"I know right?" Pagmamayabang naman niya sa'yo kaya naman napapailing ka nalang at inabot yung powerbank niya na iniaabot niya sa'yo, kulay white ito at medyo malaki. Pero mukhang mabilis din makapuno. "Oh, paano alis na ako ah? Pakipuntahan nalang ako sa room mamaya." Sabi niya pa kaya naman napapatango ka nalang at nginitian ulit siya.

 

"Salamat talaga Chuu, bawi nalang ako sayo." Sabi mo at kumindat pa sa kaniya kaya naman umakto siyang nasusuka. Gago ah.

 

"Kahit huwag na!" Pang-iinis naman niya kaya naman inirapan mo siya, mahilig din mang-inis, eh. "Bye na. May klase pa ako. Huwag mo iwawala yan, kukurutin ko baga mo." Sabi niya sa'yo kaya nakangiting kumaway ka nalang sa kaniya habang tinitignan siya na umalis. Bwisit talaga, nagbanta pa.

 

"Ngiting ngiti ah." Agad ka namang napatingin sa nagsalita at bumungad naman sa'yo ang mataray na mukha ni Karina, medyo nakataas pa ang kilay.

 

Napalunok ka naman agad dahil natakot ka sa paraan ng pagkakatingin niya sa'yo. Huh? "Hello, Yuji." Bati mo naman sa kaniya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti, "May kailangan ba ang baby?" Panghaharot mo na naman kaya sumama lalo ang timpla ng mukha niya. Hindi naman na bago na ganun ang way ng pakikipag-usap mo sa kaniya pero talagang hindi siya nasasanay dahil naiinis pa rin siya madalas.

 

"Wala." Tipid na sabi nito, hindi mo alam bakit ang sungit sungit niya agad eh wala ka namang ginagawa sa kaniya. Kumakamot kamot ka nalang sa kilay mo dahil hindi mo alam ang sasabihin mo. "Pero naiwan mo 'to." Agad niyang nilapag sa harapan mo yung powerbank mo na nawawala kanina kaya naman nanlaki ang mga mata mo at agad na lumawak ang ngiti mo.

 

"Omg, eto yung hinahanap ko!" Natutuwang usal mo at agad na kinuha ang powerbank na nilapag niya sa mesa. "Thank you."

 

Nag crossed arms naman siya habang nakataas pa rin ang kilay, "Next time, huwag kang mag-iiwan ng kung ano ano sa room namin. I-check mo naman yung gamit mo kung may kulang ba o naiwan ka, buti nakita ko. Paano kung nawala na naman? Bibili ka na naman? Oh please." Agad niyang sermon sa'yo kaya naman napakamot ka sa ulo mo, paano naman kasi alam niya na lagi kang nakakawala ng mga gamit mo kaya naman grabe siya maka sermon sa'yo. Gusto mo siya maging asawa pero mas nagiging nanay pa ang dating niya.

 

"Opo, ma'am." You were grinning from ear to ear that's why she raised a brow.

 

"Bakit ganyan ang mukha mo?" She asked while scanning the whole cafeteria, it seems like she's looking for someone. 

 

"Bakit maganda?" Parang ewan na tanong mo naman while shrugging, "Sorry ganda lang."

 

She frowned at you, clearly annoyed. "Manahimik ka nga kung puro kasinungalingan naman ang lalabas sa bibig mo." Pambabara naman niya kaya napanguso ka.

 

Love, kailan mo ba aaminin na maganda ako?

 

"Nakita mo si Aeri?" Tanong naman niya sa'yo kaya kumunot ang noo mo.

 

"Hindi ba't ikaw ang kaklase?" Nagtatakang tanong mo dahil sila naman talaga ang magkaklase, magkatabi pa nga eh.

 

"Kaya ko nga tinatanong kasi hindi ko nakita, baka nakita mo." Sagot naman niya sa'yo, kaya pala parang may hinahanap siya kanina pa. "Nauna kasi siya, sabi ko magkita nalang kami rito."

 

"Eh bakit ba siya nauna?" You asked out of curiosity while scratching your nape.

 

"Kasi pumunta pa ako sa student council, dumaan din ako sa science club—"

 

"Oh, school stuffs." Sabi mo naman habang tumatango tango pa, syempre, ano pa bang inaasahan mo? Lagi naman ganun si Karina, kaya nga siguro walang time magsaya sa buhay dahil buong araw kahit siguro sa bahay eh pag-aaral ang inaatupag niya.

 

"Yup."

 

"Nandoon pala sila, eh." Tinuro mo naman si Ningning at Aeri na magkasama pala nang makita mong papalapit sila sa mesa niyo, si Karina kasi nakatayo sa harapan mo habang nakaupo ka naman at medyo nakatalikod siya kela Aeri kaya hindi niya napapansin.

 

Lumingon naman si Karina sa pwesto na tinuro mo at nang makita niya si Aeri, nakita mo kung paano niya ito kinurot sa tagiliran.

 

"Kung saan saan ka nagsususulpot!" Ika nito, "Gusto ko na kumain, marami pa akong gagawin." Parang bata na sabi nito kaya naman naiiling ka nalang na nakikinig sa kanilang dalawa.

 

Inabot na sa'yo ni Ningning ang pancake mo dahil medyo busog ka pa naman kaya hindi mo trip magkanin, nginitian mo siya at hinalikan sa pisngi kaya naman pabirong sinampal ka niya. Natatawa ka nalang sa itsura niya.

 

"Thanks, boo." Sabi mo at nangingiting hiniwa hiwa ang pancake, may gatas din sa harapan mo. Mukhang nagbebreakfast ka tuloy.

 

"Boo ka riyan." Mahinang tugon nito sa'yo habang binubuksan ang tuna sandwich niya.

 

"Oo, boorat." Natatawang sambit mo kaya naman hinampas ka niya sa balikat.

 

"Tarantado." She burst out laughing because of what you said. Napatingin naman sa gawi niyo ang dalawang magkaibigan na nag-uusap, syempre sa'yo agad nakatingin si Karina na para bang may ginawa ka na namang masama sa kaniya.

 

"Pwede naman siguro maki-table 'no?" Parang ewan na tanong ni Aeri sa inyong dalawa, "Kailangan na kasi kumain ng prinsesa, marami pa raw siyang kailangang asikasuhin sa kaharian." Dagdag pa nito na halata mo namang inaasar si Karina kaya naman napatawa kayo ni Ningning.

 

Karina scoffed as she crossed her arms over her chest, clearly annoyed. "Shut up."

 

"Upo lang kayo, bakit ba kayo nagtatanong, hindi naman amin 'to." Sabi naman ni Ningning sa tabi mo na ikinatango mo naman, atsaka parang hindi naman kayo magkakaibigan kung makatanong si Aeri. Mukhang gaga lang. Well, hindi mo alam kung kaibigan ba ang turing sa'yo ni Karina pero wala namang keber don, hindi mo naman siya gustong maging kaibigan lang, gusto mo more than that. Asa ka pa.

 

"Sige na, oorder na ako ng pagkain natin. Umupo ka muna riyan." Nguso naman ni Aeri sa upuan sa harap mo kaya naman pasimple kang umiwas ng tingin dahil nakita mong binalingan ka na naman ng tingin ni Karina, nagfocus ka nalang sa pancake na kinakain mo habang nagsscroll sa social media para hindi na rin makita ni Karina na tinititigan mo siya. Masyado ka na kota ngayong araw.

 

"Anong gagawin nyong booth ngayon, Rina?" Narinig mong tanong ni Ningning dito habang kumakain, hinayaan mo nalang sila na mag-usap dahil wala ka namang ambag sa magiging topic nila. Totoo naman kasi si Karina, chill chill ka lang na estudyante. Simula nung tumuntong ka ng senior high, naging ganyan ka na. Nung junior high naman kayo, masipag ka naman mag-aral. Siguro talagang napagod ka na sa kakaabot sa expectations ng tatay mong masyadong mataas ang standards kaya naman hinayaan mo nalang ang sarili mo na mag enjoy.

 

Kaya naman kahit na inaano mo palagi si Karina, naiintindihan mo naman siya. Maganda rin naman kasi talaga na nag-aaral ka para sa kinabukasan mo. Especially na ang mga taong kagaya ni Karina, masyadong mataas ang pangarap.

 

Hindi mo ma-reach.

 

Isang malalim na buntong hininga.

 

Hindi mo kasi alam kung ano pa ba ang dapat mong gawin para magpapansin sa kaniya, ginawa mo naman na ang lahat, diba?

 

Unless talagang wala kang pag-asa sa kaniya kaya dapat tumigil ka na pero hindi kasama ang pagsuko sa option mo.

 

"Face painting booth lang." Agad namang sagot ng babae sa harapan mo, nakita mong nagtatype ito sa phone niya at kahit hindi mo nakikita, alam mong school related stuffs pa rin ito.

 

"Wow, ang cool! For sure ikaw ang taga asikaso 'no?" Nakangiting tanong ni Ningning nang sumaglit ka ng sulyap dito, mukhang hangang hanga ang kaibigan mo. Well, sa galing ba naman ng mahal mo, lahat talaga humahanga rito. Lahat ng booth na minamanage niya, nagiging successful. Yung mga clubs niya, nagiging maayos at marami ring sumasali. Yung sa bawat sports na sinasalihan niya every intrams, nananalo siya. Top student, athlete, at talented. Inshort, perfect.

 

Akala mo sa mga palabas at fanfiction lang may ganun, eh. Kaya lang nung nakilala mo si Karina, totoo pala talagang may nag eexist na kasing perfect niya.

 

Kaya masakit.

 

Because you know to yourself that you will never reach someone like her, her dreams, her level, no matter what you do. No matter how hard you try. You'll never be enough for someone like her. Never be worthy of her love.

 

Ang sad girl man ng datingan, pero hindi mo siya deserve.

 

Pero bakit hindi ka pa rin tumitigil?

 

Hindi mo alam.

 

Siguro kasi umaasa ka pa? Kasi kahit kaunting pag-asa meron kang pinanghahawakan. Kahit katiting, kahit malapit na malusaw sa mga kamay mo.

 

Atleast, meron.

 

Sa kung paano ka niya tignan sa tuwing dumadaan ka sa harapan niya, sa kung paano siya mag-aalala sa tuwing may katangahan kang gagawin sa sarili mo, sa kung paano ka niya sermonan na ayusin mo ang pag-aaral mo.

 

Alam mong concern siya.

 

Concern siya, hindi mo alam kung sa paanong paraan— pero ang mahalaga, concern siya.

 

Hindi man niya pinapahalata, ayaw man niyang ipahalata, alam mo, nararamdaman mo, meron. Meron kahit papaano.

 

Kahit na sobrang dalang, kahit na sobrang liit ng pursyento, ang mahalaga meron kang pinanghahawakan.

 

Para sa araw araw na pangungulit mo sa kaniya, sa araw araw na pag-iinda mo ng mga salita niyang parang kape na gumigising sa antok mong kaluluwa. Ginigising ka sa katotohanan na baka wala naman talaga ikaw hinihintay.

 

Pero gaya nga ng sabi mo, may pinanghahawakan ka.

 

Ano ba naman yung umasa ka?

 

Kung kasing worth it ba naman ni Karina ang hinihintay mo.

 

It will always be worth the wait.

 

"Yes, sobrang nakakastress nga dahil umatras pa yung isang gagawa ng ganon." Naririnig mo ang pagod sa boses niya, "Hindi ko na alam ang gagawin. Pero kaya naman. Sumasabay lang din yung iba kong ginagawa pero ginusto ko rin naman 'to, eh." She chuckled but you can hear the tiredness in her voice, mukhang ang exhausting na agad ng araw niya kahit lunch time palang.

 

"Pwede naman magrecruit ng ibang tao sa booth, diba?" Agad mong singit sa usapan nila nang marinig mo ang pinoproblema ng dalaga.

 

Karina glanced at you, nodding her head. "Yeah, pero dapat student sa school lang din, pwede rin naman college—"

 

"Perfect!" Nakangiting sambit mo at napapalakpak ka kaya naman takang napatingin sa'yo ang dalawang babae. "Si Ate Seulgi, magaling yun. College na yun so pwede naman siya." Suhestiyon mo, binanggit mo pa ang pangalan ng pinsan mo. Art student kasi ito at natatandaan mo na magaling ito sa kahit saan basta may kinalaman sa art, pinsan mo siya at close rin naman kahit na lagi kayong nagbabangayan. Natatandaan mong may utang pa siya sa'yo kaya naman madali mo siyang mapapasunod.

 

"Ay, oo. Si Ate Seugi, mabait pa yun. Tutulong yun!" Sabi naman ni Ningning agad para i-support ang suggestion mo. You proudly smiled at Karina habang tumatango tango pa, sobrang grateful ka na may pinsan kang kagaya ni Seulgi dahil matutulungan mo pa ang labidabs mo.

 

Kaya lang agad kang napasimangot nang magsalita ito, "Hindi na. Ako na ang gagawa ng paraan." Pagtanggi nito sa'yo kaya naman napanguso ka, halatang ayaw niya tanggapin ang offer mo dahil ayaw niya sigurong magkaroon ng utang na loob sa'yo, kilalang kilala mo na si Karina. Basta talaga related sa'yo, ayaw niyang madikit siya. Aray ha.

 

"Huwag ka na ngang tumanggi," Sabi mo naman at uminom saglit ng gatas sa harap mo. "Hindi ako maniningil sa'yo at wala kang magiging utang sa akin kung iyon ang iniisip mo." Pag-aassure mo pa pagtapos mong uminom dahil baka mamaya iyon nga ang iniisip niya.

 

Mataman ka niyang tinignan na para bang sinusuri kung nagsasabi ka ng totoo o hindi kaya kumunot ang noo mo, gago? Ganun nga ang iniisip niya? Mukha ka bang mambubudol at ganon ang iniisip niya sa'yo?

 

"Hindi tayo sure riyan." Narinig mong patutsada ni Ningning sa gilid mo kaya naman sinamaan mo siya ng tingin, tignan mo 'to, imbis na tulungan ka ginaganun ka pa, siraulo talaga.

 

"Seryoso nga kasi!" Tinaas mo pa ang kamay mo na parang namamanata, "Gusto ko lang talagang makatulong. You don't owe me anything."

 

"Totoo ba?" She raised a brow, examining your face. "Duda ako sa mukha mo, Buenavista."

 

You dramatically held your chest, acting hurt by what she said. "Grabe ka naman sa akin, mahal?" Sabi mo pa kaya naman napairap siya sa'yo, umiwas din ng tingin. "Hindi ako magtetake advantage sa sitwasyon 'no, kaya tanggapin mo na para mabawasan na ng isa ang mga iniisip mo." Genuine na usal mo rito.

 

Totoo namang wala kang balak na singilin siya dahil sa pagtulong mo ngayon sa kaniya, gusto mo lang talaga siyang tulungan at pure naman ang intentions mo. Gusto mo lang malaman niya na hindi niya need pasanin ang lahat dahil may mga tao namang willing na tulungan siya kahit na kaya na niya ang sarili niya.

 

Maganda maging independent pero minsan, okay lang naman ang humingi ng tulong pag nahihirapan ka na.

 

Asking for help is a form of bravery. Yun lang ang alam mo.

 

"Hmm." She hummed while nodding her head, mukhang naconvinced mo na siya sa sinabi mo kaya naman you smiled in triumph. "Sige, thank you. Can I get her number?"

 

Agad ka namang napatango at binuksan ulit ang phone mo na nasa mesa habang nagchacharge sa powerbank ni Chuu para tignan ang cellphone number ng pinsan mo dahil hindi mo naman kabisado iyon, kahit nga number mo hindi mo makabisado, eh.

 

"097708839067." Sabi mo naman sa kaniya at mukhang natake note niya agad iyon dahil tumatango siya at mahinang nagpasalamat sayo. Nagulat ka naman dahil ang bilis naman niyang nakuha iyon? Kaya lang naalala mo na sanay na nga pala ito dahil habang nagsasalita siguro ang teacher ay tinetake down notes niya ang mga important details kaya naman nasanay nalang din siya sa ganun. Grabe, I could never.

 

"Yung sa akin ba, hindi mo kukunin?" Panghaharot mo naman sa kaniya kaya naman narinig mong nasamid si Ningning sa tabi mo. Napatingin ka naman sa kaniya at natatawang hinimas ang likuran niya dahil mukha siyang engot ngayon. Halatang natawa siya sa sinabi mo kahit na hindi naman talaga nakakatawa. Mukhang siraulo.

 

"Huh, bakit ko naman kukunin?" Mataray na tanong ni Karina at tinaasan ka pa ng kilay. Eto na naman, dragonita mode on na naman.

 

Sasagot ka pa sana kaya lang biglang umupo si Aeri sa tabi niya kaya naman napatingin kayo rito at nakangiti nitong nilapag ang mga binili niyang pagkain para kay Karina at sa sarili niya.

 

"Sorry natagalan, haba kasi ng pila." Sabi naman niya kaya naman nagpasalamat si Karina sa kaniya at kinuha ang mga pagkain niya, nakita mong binayaran din ng dalaga si Aeri kaya naman napakagat ka sa labi mo habang tinitignan mo si Ningning na nauubo pa rin sa tabi mo. Ning, pasensya na hindi ako naging mabuting kaibigan sa'yo.

 

Natatawa ka nalang sa naiisip mo dahil wala naman itong clue na ganun ang iniisip mo, narealize mo lang na ang laki mo talagang buraot pero syempre tinatry mo naman siyang bayaran, kaya lang tinatanggihan niya lalo na pag barya dahil cash lang daw laman ng wallet niya. Mapapangiwi ka nalang dahil don, kasi sige, hindi ka makarelate dahil puro piso piso laman ng wallet mo. Ganun ba talaga pag hindi favorite ni Lord?

 

"Anong kinain niyo?" Tanong ni Aeri sa inyo habang binubuksan ang siopao niya.

 

Agad ka namang sumagot ng, "Pancake lang." Ubos na nga, eh. Medyo bitin pero okay na rin dahil pakiramdam mo naman ang bigat na ng tyan mo sa kabusugan.

 

"Nag sandwich lang ako." Sagot ni Ningning habang pinupunasan ng tissue ang bibig niya, mukhang naka recover na ito sa pagkaubo niya kanina.

 

"Busog na kayo ron?" Nakakunot ang noo na tanong ni Aeri, napatingin ka sa binili niya at ang dami niya palang binili na pagkain. May siopao pa, empanada, may kanin pa siya na mukhang chicken curry ang ulam. Mukhang gutom na gutom ang gaga.

 

Napalunok ka dahil nakita mong nakatingin sa'yo si Karina habang kumakain ng inorder niyang kanin na may chicken at mushroom soup. Nakita mong may egg sandwich din ito sa gilid. Hindi mo alam kung bakit siya ganon makatitig sayo pero isa lang ang tiyak mo, malamang nacoconscious ka.

 

"Uh. . ." Hindi mo na natapos ang sasabihin dahil may nagsalita sa harapan mo. Sino pa ba?

 

"Eat." Napatingin ka kay Karina nang magsalita ito, nakita mong inilagay niya sa harapan mo ang egg sandwich na kanina lang ay nasa gilid ng plato niya.

 

Napalunok ka naman at hindi mo agad nahanap ang boses mo kaya naman nagsalita ulit siya, "Hindi nakakabusog ang pancake lang."

 

Gusto mo sanang sabihin sa kaniya na naparami ang kain mo kaninang umaga kaya naman busog ka pa pero hinayaan mo nalang din dahil baka bawiin pa. Aba, minsan lang siya maging ganito kaya sulitin mo na. Nangingiti ka namang kinuha ang sandwich na inilapag niya sa harapan mo.

 

"Thank you, labidabs." Hindi nakaligtas sa'yo ang pag-irap niya dahil sa tinawag mo sa kaniya pero masaya ka ngayon kaya hindi masisira ng pagtataray niya ang mood mo.

 

"Ang haharot, ikaw ba Aeri wala ka bang ibibigay sa akin? Nag sandwich lang ako!" Narinig mo namang tinuran ng eksaherada mong kaibigan na si Ningning kaya naman napatawa ka nalang sa itsura niya, nakita mong napabungisngis din si Aeri at iniabot kay Ningning ang empanada niya.

 

"Eto." Sweet na sabi pa nito kaya naman nakita mong medyo namula ang mukha ng bestfriend mo, napakaharot.

 

"Thank y—"

 

"Bente lang yan." Hindi na siya pinatapos ni Aeri nang ilahad nito ang palad niya at sabihin ang presyo ng empanada na parang pinapabayaran sa kaniya ang pagkain.

 

Hindi mo na mapigilan na mapatawa lalo na nung makita mo ang hindi makapaniwalang itsura ni Ningning kasabay ng inis na pagsigaw niya ng,

 

"Leche ka!"

 

 

"Anong ginagawa mo rito?" Natatawang tanong mo kay Aeri nang makita mo itong naghihintay sa labas ng classroom niyo.

 

"Hinihintay ko si Ningning," Honest na sagot naman nito. "Sabay kami uuwi."

 

You slightly nodded because of what she said and glanced at the sky, you saw that it was getting a little dark. Hudyat na malapit na gumabi, nararamdaman mo na rin ang malamig na ihip ng hangin.

 

"Paano si Karina?" Tanong mo naman dahil sa pagkakaalam mo, sabay silang umuuwi ni Aeri.

 

"Sabay kayo." Parang ewan na sabi nito at kung paano niya sinabi ito, para bang hindi nagulantang nito ang buong pagkatao mo.

 

"Huh?" Takang tanong mo habang kumakamot sa ulo mo.

 

"Ayan na siya." Nakangiting sambit ni Aeri kaya naman napatingin ka sa kung saan siya nakatingin at agad mong natanaw si Karina sa 'di kalayuan, dala dala na nito ang bag nito, may dala pa itong iilan na libro at nakasuot pa ng salamin, okay hot.

 

"Huy, gago bakit?" Bulong mo kay Aeri habang papalapit si Karina sa gawi niyo kaya naman natatawa ka niyang hinampas sa balikat.

 

"Umayos ka nga, mukha pa tayong naghaharutan sa ginagawa mo." Natatawang turan niya kaya naman medyo lumayo ka ng bahagya sa kaniya.

 

Kahit naman puno ng kaharutan ang buong katawan mo miski mga buto mo, may hiya ka pa rin naman lalo na't kayong dalawa lang ang maiiwan. Isa pa, hindi ba uncomfortable si Karina? Eh halos isumpa ka na nga niya para lang lumayo ka sa kaniya. Kulang nalang talaga ipakulam ka.

 

"Sabi ko sa kaniya babawi ako kay Ningning sa pang-iinis ko kanina, eh. Sabi ko kayo nalang sabay. Surprisingly, pumayag naman siya agad." Napaawang naman ang bibig mo sa narinig kaya naman napatingin ka kay Karina nang maramdaman mo ang presensya nito sa likuran mo, amoy na amoy mo rin ang mabangong pabango nito na halatang mamahalin.

 

Hindi ka na nakasagot sa sinabi niya dahil nandito na si Karina sa tabi niyo kaya naman awkward ka nalang na napakamot sa ulo.

 

"Hello, Yuji labs." Sabi mo sa kaniya, habang tumatawa. "Aakyat ka ba ng ligaw? Sorry, bata pa po ako." Syempre para mawala ang awkwardness mo sa katawan, aasarin mo siya tutal doon ka naman magaling, eh.

 

Her glasses magnified her irritable glare, "Shut up. I had no choice." Ouch naman, sakit naman po non. Pero syempre dahil si Winter ka, hindi mo pinahalata at lalo mo lang siyang nginisian.

 

"Sus, wag ka na magdeny, para namang others 'to!" You teased, wiggling your eyebrows. "Sabihin mo lang sa akin na aakyat ka ng ligaw, sasagutin agad kita."

 

Natatawa nalang si Aeri sa gilid niyo na tahimik na pinakikinggan ang pang-aalaska mo kay Karina. Sanay naman na ito sa'yo, si Karina nalang ata ang hindi at nabibwisit pa rin talaga siya sa'yo, malamang isa ka naman talagang malaking asungot sa buhay niya, eh.

 

"Excuse me?" She said in disbelief, "Ako? Ako talaga ang manliligaw? Bakit hindi ikaw?"

 

Oh.

 

Oh.

 

Hindi ka naman agad nakasagot dahil hindi mo ineexpect ang sinabi niy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Sorry dinelete q kaninaaa HAHAHAHA eto na

Comments

You must be logged in to comment
seiikihavre
#1
Chapter 1: ang gaganda ng bawat story mo pooo. nakailang story na ako pero walang mintis, ang ganda lahat. thank you pooo
IceWolf23 #2
Chapter 1: ang cutie nila sana all:((
yujisaurus
#3
Chapter 1: nainggit na naman ako sa relasyon ng iba
Luwijen
#4
another sanaol and when po
TakuyaKen
#5
Chapter 1: Wow hehehe i admire Winter's patience here she endure all those things for Karina
bacclaforaespa
#6
Chapter 1: ang ganda :(( huhu kakilig super pls
bacclaforaespa
#7
ang galing mo talaga magsulat author huhu binge reading ur stories xd
wxnrina
#8
Chapter 1: Everything you write is so beautiful I can't even. You're just too good.
D_Moon_212
#9
Chapter 1: Adik talaga ako sa angst. Akala ko meron kahit saglit dito hehe gusto ko kasi mag regret si Karina sa pagiging denial nya pero okay lang naman. Ang importante may happy ending. Cute talaga nila. Sumakit konti dibdib ko nung pinili nya si Winter kesa sa school works nya hehe more jmj pls
snowychacco
#10
Chapter 1: ang cute cute nila teka kinikilig ako gsjdgdsjgs