Ang sheet ng List of Students
Sofia by Clairo
SEULGI POV:
“Hoy! Ano section mo?”
“Hala magkaklase tayo!”
“TANGINA! kay Mrs. Gonzales pa ako . Terror pa naman yon”
Dinig na dinig ko ang iba’t ibang boses sa hallway ng Grade 8 building. May nadidismaya, may nasisiyahan at kung anu-ano pa.
“Paka-bait ka babe. Wag ka titingin sa iba”
Kadiri talaga mga tao dito.
Buti na lang at kasabay ko ang aking ride or die na best friend/kapitbahay na si Wendy.
“Sana talaga magkaklase tayo,Seul para sabay na tayo lagi gumawa ng assignment.”
“Sana nga para may makopyahan ako”
“gago”
Tumawa na lang ako at may napansin na nagkukumpulan na tao sa tapat ng isang classroom.
“Seungwan akyat ka sa taas tignan mo kung nandon names natin”
“Sure ka? Marami tao dito sa baba, Seul, baka atakihin ka na naman ng Panic attacks mo.”
“Okay lang ako, Para Makita na din natin ng mabilis yung classroom natin”
“Sige, tawagan mo na lang ako ha”
Isang tango na lang ang naibigay at pumunta na siya sa 2nd Floor.
Sa totoo lang ayoko talaga sa maraming tao . I always feel like they’re looking at me. Silently judging me from their eyes. Im afraid that the past that’s been haunting me will suddenly happen again. The past na gusto ko na lang limutin at iwanan but then its inevitable its bound to happen again ever since that happened.
“Ayan na si Mrs. Baltazar”
Nawala naman ako sa aking pag-iisip nung narinig ko yon.
Nakita ko naman ang isang guro na papalapit sa wala pang sheet ng name of students at idinikit niya ang papel
Comments