Chapter 5
KAKA-BLIND DATE MO 'YAN!Lumabas ka ng office mo sa penthouse, nakita mong iniinit na ni Byul ang almusal na niluto nila Wendy para sa inyo kahapon. “Musta tulog?” tanong ni Byul sa’yo. Sabi mo naman, hindi ka pa natutulog, may sumapi kasi sa’yo kahapon. “Ah puta, kay Wendy ka magpaliwang,” sabi niya. Alam naman nila na napaka-workaholic mo, hindi first time na hindi ka matulog para magtrabaho. Ang paliwanag mo, once idea strikes, gusto mo iniimplement mo na agad. Tinanong ka ni Byul kung mag-aalmusal ka ba muna o matutulog na, hindi raw siya aalis ng bahay mo hangga’t hindi ka niya nakikitang natutulog. Advantage siguro na hindi ka employed sa isang firm, hawak mo ang oras mo at hindi ka nakakulong sa isang office. Gumawa ka nga lang ng maliit na office sa penthouse mo para makatulong lang sa pag-separate kahit papaano ng work sa home life mo. Sabi mo kay Byul sasabayan mo na lang siya mag-almusal, nagtanong tanong siya about sa ginagawa mo, sinabi mo na lang na tinatapos mo lang ‘yung luma mong project. Hindi pa kasi pwedeng sabihin ‘yung project na bigay sa’yo ni Jennie. Nakinig lang naman siya at muling idiniin na magpahinga ka naman.
Siya naman ang tinanong mo tungkol sa trabaho, isa siyang professor sa isa sa pinakamagagaling na universities sa bansa. Wala siyang pasok tuwing Monday kasi masyado raw mabibigat ang units na tinuturo niya. Nagkwento lang naman siya tungkol sa mga estudyante niyang medyo mahihina at mga professors na tenured na kaya madalas siyang i-bully. Ang kulit kasi ng personality ni Byul pero nakakasabay sa mga magagaling na professors, inggit lang siguro ‘yung matatanda kaya siya lagi ang tinatarget. Sabay na kayo kumain, chicken and waffles pala ang niluto nila Wendy, kukunin mo sana ‘yung kape sa coffee press nang paluin ni Byul ang kamay mo. “Bawal, hindi ka makakatulog,” sabi niy
Comments