Marahuyo

Please Subscribe to read further chapters

Description

Ang magkagusto sa'yo ang isang magandang dilag is okay. Pero 'yung magkagusto sayo yung apat na tapos magkakaibigan pa is definitely not okay, anong gulo ang pinasok mo? 

 

 

Foreword

 

"Ang sakit ng ulo ko." I mumbled, and let out a soft sigh. Hinihimas ko ang ulo ko habang nakapikit na lumalakad sa campus. Nakakainis, oh. Kakatransfer ko lang sa school na 'to, napakamalas ko na kaagad— biruin mo ba naman na may makabangga ako kanina na ubod ng sungit, nakakainis ang ugali, samaan ba naman ako ng tingin akala mo kung sinong matangkad.

 

Sa totoo lang, ang pinaka ayoko talaga sa lahat eh yung mga taong feeling entitled. Feeling superior. Pakiramdam nila anak sila ng presidente, or sila mismo yung presidente ng bansa. Kung maka-asta akala mo sila ang nagpapaaral sa akin. Hindi ko talaga napipigilan ang sarili ko na sumagot sa mga ganong klase ng tao, eh. Pero kanina nung may gumanon sa akin, pakiramdam ko natameme ako.

 

Medyo, slight.

 

Mukha kasi talagang nakakatakot, eh.

 

Isa pa, ayoko naman sirain ang araw ko dahil first ko sa bagong school na papasukan ko at ayoko naman na buong araw kukunot ang noo ko dahil ika nga nila, first impressions last. Ke bago bago ko rito at ayoko namang ma issue kung mag attitude man ako dahil nga tuluyan na nasira ang araw ko.

 

Gusto ko lang maging good vibes muna, kalma lang, Seulgi.

 

Hindi ko na lamang inisip ang nakakairitang nangyari kanina, at ibinaling ang atensyon sa kabuuan ng eskwelahan na ito, at nagpatuloy sa paglalakad habang kumakain ng pringles na binili ko pa sa 7/11 kanina. Pakiramdam ko kasi ay hindi mabubuo ang araw ko pag hindi ako nakakain ng pringles, take note, original flavor.

 

Habang naglalakad, nililibot ko ang tingin sa buong eskwelahan. Maganda ito, mukhang mayaman talaga ang may-ari. Mukhang bagong pintura lahat ng building, ang gaganda rin ng mga pintuan. Kanina ay nadaan ako sa cafeteria at ang sosyal ng itsura, parang nakakahiya bumili ng mura dahil mukhang pang sosyal talaga at mayayamang tao ang nababagay na kumain. Hindi ko pa nga sinisilip yung menu dahil baka atakihin ako, jusko. Pakiramdam ko mabubutas bulsa ko sa mga pagkain dito, eh.

 

Nadaan din ako sa CR kanina dahil naiihi ako pagdating na pagdating sa school dahil punuan yung jeep na sinakyan ko, ang papanget kabonding ng mga tao. Nambubundol pa para makipag-unahan sa pagsakay. Ayon, naihi ako sa paghihintay, buti maaga talaga ako nag-ayos at hindi naman ako late. Maganda yung CR, kinabog mga CR sa mall. Natawa nga ako dahil may aircon pa, paglabas mo siguro sa cubicle dahil kakatapos mo lang umihi eh maiihi ka ulit sa lamig.

 

Yun palang naman ang mga nadadaanan ko at hindi ko na kaya na maglibot sa ngayon dahil ang lawak talaga ng school na ito, hindi ngayon ang tamang oras para gumala at mag sight seeing.

 

Napansin ko din na kakaiba ang uniform ko sa iba. Akin kasi parang gold na long sleeves. Samantalang sa kanila ay black lang. Tapos neck tie ang amin samantalang sa kanila ay ribbon. Halatang halata ang pinagkaiba dahil mas mukhang mamahalin pa 'tong uniform namin, kahit na maganda rin naman ang kanila. May something talaga, eh. Hindi ko alam kung mali ba ako ng napasukang school o ano, matatakot na sana ako sa mga naiisip nang bigla kong marinig ang pangalan ko.

 

"Montello!" Napatingin ako at nakita ko si Jennie na nakangiti sa akin sa 'di kalayuan. Napabuntong hininga ako nang mapagtanto ko na pareho kami ng suot na uniform kaya naman hindi pala ako nagkakamali ng pinasukang eskwelahan. Magpapanic na sana ako kasi hindi pa naman ako maalam at alam ko na 8 am ang pasok namin, baka mamaya namali ako ng school at hindi pa pala ako nakapasok sa dapat na school ko.

 

"Jendeukie, bakit ganito ang suot natin?" Kunot-noong tanong ko. Bago lang kasi ako samantalang si Jennie ay mula dati palang, dito na talaga sya nag-aaral. Alam niyo na, rich kid things. Samantalang ako, ngayong grade 12 lang natransfer dahil ewan ko ba sa parents ko, mas maganda raw na dito ako gumraduate at mag college na rin. Para tuloy tuloy na dahil nandito naman daw ang pinsan kong si Jennie. 

 

Napatawa sya, "Hindi kasi nila tayo katulad, Seulgi. Pag talaga nasa section A ka, ganito ang uniform mo. Ang mga nakakapasok sa section A ay ang mga taong hindi bumababa ng 90 ang grade sa card." Napatango naman ako nang sabihin nya 'yon. Medyo nagulat pa nga dahil may ganito pa silang pakulo, eh sa dating school ko wala namang special treatment. "So pag nakita nila na ganito ang suot natin, it means nasa top section tayo at gagalangin nila tayo." Namangha naman kaagad ako. Parang mga nababasa lang sa wattpad, ha? Kakadating ko palang dito, rerespetuhin na agad ako? Hindi ko alam pero natatawa ako sa thought na rerespetuhin ako eh halos sapakin nga ako ng mga dating kaklase sa dating eskwelahan. Parang mga nababasa ko lang dati sa mga fanfiction, nangyayari pala talaga 'to?

 

Magsasalita pa sana ako nang biglang magkagulo ang mga estudyante at nakita ko na nagtatakbuhan na sila. Hala? May earthquake? Tsunami? "Oh my gosh, nandito na sila, pumunta na kayo sa mga classroom nyo!" Napakunot ang noo ko nang marinig kong sinigaw iyan ng isa sa mga estudyanteng tumatakbo, mukha namang tinakasan ng dugo ang mga nakarinig at namumutla na nagsitakbo siguro sa mga room nila.

 

"Anong meron? Bakit sila tumatakbo?" Takang tanong ko kay Jennie, kumamot pa ako ng kilay, naging mannerism ko na.

 

She shrugged, mukhang kalmado pa siya na tinitignan ang bagong cutix niya na kuko. "Nandyan na sila, eh."

 

"Sinong sila? At bakit kinatatakutan sila?" Kunot noong tanong ko. Ano ba yun? Mga gangster? Hypebeast, o ano? Anak ba sila ng mafia boss? Kasi kung oo, talagang matatawa ako dahil sobrang mala-wattpad, huh. 

 

"Ang Red Velvet." Ano daw? Red Velvet? Flavor? Aba puta. Matindi. May walking cake pala ang school na 'to. "Apat sila. Si Joy, Wendy, Yeri at… Irene." Lumunok pa sya nang sabihin ang pangalan nung babae na pang-huli. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang reaksyon niya, anong meron? "Kaya sila tumatakbo, officer kasi ng student council ang apat na iyon. Matataas ang grades at kilala sa buong eskwelahan. Kagaya natin, ganito rin ang uniform nila. It means, kaklase natin sila." Nanlaki ang mga mata ko. What the hell? Kaklase namin ang apat na kinatatakutan na yun? No way. Kakatransfer ko lang dito baka ma-award pa ako agad agad dahil sa puro responsable mga kaklase ko, gusto ko pa po maka graduate.

 

"Hindi naman tayo dapat tumakbo dahil ganito naman ang uniform natin. Yung mga nasa lower section kasi, kailangan ganitong oras nasa kwarto na sila." Napatango naman ako. Grabe naman pala ang eskwelahan na 'to. May pinapaburan. Parang nakakalungkot para sa mga lower section dahil pinapamukha sa kanila na may nakakataas talaga na estudyante sa kanila, I suddenly feel bad for them. Pero grateful naman ako na kaka transfer ko lang eh nasa section A agad ako.

 

Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang apat na babae na naglalakad sa hallway, umiiwas ng tingin sa kanila maging ang mga janitor, estudyante at kahit mga teachers. Hindi ko alam bakit sobrang natatakot talaga sila sa mga 'to pero pati ako eh nahahawa na, ano ba 'to? Dapat na ba akong kumanta ng oh baby baby baby, tapos sila ang F4?

 

Diretso lang sila sa paglalakad at seryoso lang ang mukha. Ang gaganda nila. Para silang Kpop girl group. Yung mga makikita mo sa mga MYX na sumasayaw at kumakanta. Nakakadagdag pa ng dating nila ang confidence nila dahil taas noo silang naglalakad.

 

"Yung nasa kanan, si Yeri 'yan." Panimula ni Jennie at napatingin ako sa kanan. Maganda ito, mukhang masungit at medyo maliit. May hawak hawak itong mga libro. "Matalino at sobrang brat. Bully rin. Pero pagdating sa pagiging officer, magaling 'yan. Bali balita na may pagka reklamador siya pero pag gumawa siya, sobrang bilis at walang palya. Kaya naman hindi ako nagtataka na marami siyang achievements eh. Siya ang vice president at swimmer. Volleyball player din." Napapatango naman ako. Nakakatakot yung aura nila. Yung matangkad lang ata ang nakangiti, eh. 

 

"Yung matangkad naman na katabi ni Yeri, si Joy 'yan. Yan ang pinakamasaya sa kanilang lahat. Mabilis syang pakisamahan pero seryoso rin sya pagdating sa ibang bagay. Siya ang captain ng volleyball team dito. Secretary sya." Lahat nga pala sila, magagaling. Hindi na ako nagtataka kung bakit mukha silang confident sa kung paano sila lumakad at may kakaiba sa aura nila, may mga karapatan naman pala.

 

"Yung maputi naman na katabi ni Joy, siya si Wendy. Mabait 'yan at masayahin din. For me siya ang pinaka caring at pinaka considerate sa kanilang lahat. Pero gaya ng iba, seryoso din sya pagdating sa pagiging officer nya. Siya ang peace officer at sya rin ang namamahala ng music at English club." Napatingin naman ako sa tinuro niya, medyo matangkad ako rito. Maganda rin siya syempre, maikli ang buhok at kahit na seryoso rin ang mukha niya, halata ngang mabait siya dahil hindi naman masungit ang aura niya.

 

Maganda silang lahat actually, sobrang ganda.

 

Lalo na yung—

 

"Yung nasa gitna at medyo nangunguna, siya si Irene." Lumunok sya, inayos pa ang pagkakahawak sa shoulder bag na dala dala. "Pinaka-nakakatakot sa kanilang lahat. Masungit, strikto at mataray talaga. Bihira lang ngumiti. President sya, top 1 over all sa batch natin at archer. Magaling din syang sumayaw at umarte. Siya ang president ng dance club at science club." Napa-ohh naman ako dahil ang talented naman nya. Pero ayun, masungit nga so wag na. Natatakot ako sa mga kagaya niya kaya gusto ko maka survive sa buong school year na hindi siya masyadong nakakausap dahil mahal ko pa buhay ko. Pakiramdam ko ijujudge niya buong pagkatao ko sa kung paano siya tumitig, eh.

 

Napatingin ulit ako sa kanila at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatingin silang apat sa akin. Oh shoot.

 

Anong ginawa ko?

Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1152 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?