MILF

MILF
Please Subscribe to read the full chapter

 

Naramdaman ni Seulgi na may umupo sa bench na inuupuan niya kaya agad siyang napalingon dito. Ngunit sa kaniyang paglingon, tila parang tumigil ang mundo at bumilis ang tibok ng kaniyang puso sa nakita.

 

 

Eto na naman siya: mapupungay ngunit expressive na mga mata na hindi nakakasawang tignan, matangos at cute na ilong, at mga labi na may matamis at nakakahalinang ngiti. Maamo at parang anghel sa ganda ang tumabi kay Seulgi, kaya naman hindi mo siya masisising tumingin. Ikagagalit ba ni Lord kung anghel lang ang sanhi ng kaniyang pagiging marupok?

 

 

Hindi naman ito ang unang beses niyang nakita at tumabi sa kaniya kapag nandito siya sa park na may laruan ng mga bata. In fact, kahit saang bench pa siya umupo, doon din umuupo si ate girl. ‘Stalker ka, gh0rl?’ pero kung ganiyan ba naman kaganda mangi-stalk sa kaniya, aba kahit sundan pa siya nito sa bahay at panuorin siya maligo-

 

 

‘Bad, Seulgi! No!’ Nasa harap siya ng mga batang naglalaro, ang creepy mag-isip ng madumi kapag malapit ka lang sa mga bata.

 

 

“Hi,” bati ng magandang babae sa kaniya. “Kanina ka pa nakatingin eh, may sasabihin ka ba?”

 

 

Namula si Seulgi sa hiya, ‘Shet, nahule ako. Kahiya.’ Nahihiyang tumawa siya bago umiling. “Wala. Ano kasi, uh…”

 

 

Sa ilang beses na nilang nagkatabi sa upuan, ngayon lang siya nito kinausap kaya hindi alam ni Seulgi kung ano ang isasagot niya.

 

 

Mukhang natatawa ang babae na tinignan si Seulgi, naghihintay sa sagot niya. “Ano?”

 

 

Napakamot ng ulo si Seulgi at ngumisi, “Ang ganda mo kasi miss, hindi ko maiwasang tumingin tuloy.”

 

 

Tuluyan nang natawa ang babae sabay hampas sa braso ni Seulgi. “Ang corny mo! Wala ka na bang ibang pick-up line?”

 

 

“Pero miss, totoo namang maganda ka talaga ah? Ayaw mo bang magsabi ako ng totoo?” sagot ni Seulgi. “Mukha ka kasing anghel, paano mo tinatago yung mga pakpak mo?”

 

 

Humina ang tawa at namula tuloy ang babae pero hinampas ulit si Seulgi sa braso. Pilit tinatago ang kilig. “Hindi mo ko mabobola sa paganyan mo, miss. Hindi ako easy, sorry.”

 

 

Sumimangot si Seulgi at mariing umiling. “Ay hindi naman sa ganon, miss! Hindi ko iniisip na easy to get ka! Gusto ko lang talagang magsabi ng totoo. Sobrang ganda mo lang kasi, feeling ko pinag-ubusan ka ng oras ni Lord gawin, feeling ko mga makikinang na bituin sa langit ang isa sa mga ingredients ng ngiti mo at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Alex_Larson
Seulgi to Irene in this AU: "Ikakagalit mo ba kung isa akong literal na mother er?"


Peace be with yow ebriwan! ✌🏻😂

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 1: Laftrip 🤣😂
infp23
#2
Chapter 1: Yung A/N hahahahahahaha amppp
kang_ddeul
#3
Chapter 1: HAHAHAHAHAHA hala ang cutieeeeee!! :D
seulgidotcom #4
Chapter 1: SHAHDHAHAHAH OTOR ANG CUTE!!!!!
gomtokkim
2170 streak #5
Chapter 1: Ang laki ng topak ni Seulgi hahahahahahahahaha
sooyoungho #6
Chapter 1: ANG CUTEEE NAMAN HAHAHAHAHAHA
Enterusername_here
#7
Chapter 1: Nice!!! Akala ko angst e, malapit na ako magsabi ng masasamang words hahahaha.
000014
#8
Chapter 1: Hahahahaha ang cute
k4a6n9g7
#9
Chapter 1: Dinig na dinig ko yung boses ni ayren sa "pumarine ka dito..."
Hahahaha
_rtempest
1045 streak #10
Chapter 1: Hahahahaha milf pa nga ><