Ry & Ly (right you, love you)

Please Subscribe to read further chapters

Description

Hindi mo alam saan ka pupunta, nangangapa ka lang naman simula palang ng istorya, hindi mo alam ang dapat mong maramdaman, kasi wala ka namang lugar dapat sa puso niya. Bakit mo nga ba sinakripisyo lahat ng pangarap mo, para sa mahal mo at sa mahal niya, na mamahalin mo rin naman pala? Ginulo mo lang ang love story nila; sa huli ikaw pa pala ang kontrabida.

Foreword

"Kasi, Ry. . ." A paused, there's still hesitation visible in her eyes but she decided to continue it this time. "I want to pursue my dreams. I want to become an idol in Korea." Sabi nito ngunit walang excitement sa boses nito, walang saya. Mas ramdam pa nga ang lungkot at pagdadalawang isip sa tono niya. 

Nagulat naman si Ryleigh, hindi dahil sa sinabi ni Rishi kundi dahil sa mukha at boses nito habang binibitawan ang mga salitang mukhang ilang araw or linggo na bumabagabag sa kaniya. Huh...?

"Totoo ba?" Ayan lang ang nasabi ni Ryleigh nang makabawi sa pagkagulat. Bata palang sila ay hilig na nila ang pagsasayaw at pagkanta, ngunit hindi kagaya niya, si Rishi ay nahilig talaga sa rito— higit pa sa pagkagusto niya. Ninais din nito na maging idol sa Korea at magtrain bata palang sila, hindi kagaya niya na hobby lang naman ang pagsasayaw at pagkanta. Mas prefer niya maging producer as of now at i-pursue ang pagiging artist niya. Ngunit hindi na rin natuloy ang pangarap ni Rishi na iyon nang magtake ito ng engineering sa college. Akala niya ay okay na si Rishi sa kursong kinukuha ngayon kaya naman masaya na siya para rito, ngunit mukhang nagkakamali siya. Dahil kung kuntento na ito ngayon, bakit gusto nitong ituloy ang pangarap niya dati pa? 

"Yeah." Alanganing sabi ni Rishi kaya naman nagtaka siya lalo. Hindi ba dapat ay masaya ito? Excited dahil napagdesisyonan nya na at mukhang gusto na nya i-pursue ang pangarap nung bata pa siya. Iyon ang passion niya at sa wakas, buo na ang loob nya na maging idol pero bakit hindi niya mahanap yung saya? Bakit hindi niya makita yung ngiti nito na walang pag aalinlangan, takot, pangamba? Ano bang bumabagabag sa kakambal niya? "Pero mukhang hindi ko na rin itutuloy, Ry. It's so selfish of me to even think about it." 

"What?" Ryleigh asks, confused. Hindi niya na talaga maintindihan kaya naman itatanong niya na, straight forward naman siyang tao. Gusto niya makuha yung sagot na gusto niya. To fill her curiosity right at this moment. "Aminin mo nga sa akin, ano ba talagang problema? Hindi ba dapat masaya ka or excited ka? Para sa may pangarap na gustong tuparin, ikaw yung pinaka malungkot at matamlay." Saad nito sa kakambal.

"Kasi Ry, hindi ko maiwan ang kurso ko. Hindi ko maiwan ang mga kaibigan ko—" Buntong hininga nito, yumuko pa ito na para bang nahihirapan sa susunod niyang isasambit. "Pati ang girlfriend ko, Ry. Hindi ko maiwan si Jashlyn." Right.

Ang essang girlfriend ng kapatid niya. Hindi niya makakalimutan kung paano siya nito sigawan nung tumawag siya isang beses kay Rishi para itanong ang tungkol sa business ng pamilya nila few years ago, importante ang gusto niyang itanong at hindi naman siya tumawag para lang makipagchikahan o mambwisit ngunit ang walanghiyang kasintahan ng kakambal niya ay walang habas na sinigawan siya at binabaan ng telepono. Hindi pa niya ito nakikita sa personal at wala na rin siyang balak na mameet ito dahil sa nangyari. Kahit na ilang beses na sinabi ni Rishi na mabait naman daw ang girlfriend niya, hindi niya pa rin makakalimutan ang pagtataray nito sa kaniya kaya naman kahit na anong pilit ng kakambal niya na makipagkita rito ay tumatanggi siya. Kung ano anong dahilan na ang nasabi niya para lang hindi matuloy ang "pagkikita" nila. 

Hindi niya alam kung ano ang nagustuhan ng kakambal sa babaeng ito, oo, hindi pa niya ito nakikita sa personal at maging ang mukha nito ay hindi na siya nag abala pang tignan. Dalawang taon na rin ata sila ni Rishi at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung paano sila nagtagal eh mukhang may attitude ang dalaga. Siguro dahil mapagpasensya naman talaga at mabait ang kapatid niya? Oo, baka nga. Baka nga inaayos palagi ng kapatid niya at pinagtitiisan ang pagtataray ng nobya. Things that you do for love.

Kaya ayaw niya mainlove eh, mas nagfofocus siya sa sarili niya at sa mga bagay na gusto niyang gawin. Sa pangarap niya. Hindi na niya gugustuhin pa ng magkaroon ng sagabal sa buhay niya. Oo, sagabal ang tingin niya sa mga jowa jowa na iyan dahil magiging distraction lang naman yan sa pag-aaral mo. May magdedemand pa sa oras mo and you'll feel bad if may pagkukulang ka dahilan para madistract ka sa mga gagawin mo kaya naman para sa kaniya, ang pagjojowa ay hindi makakabuti sa mga tao. Oo, ganoon siya ka-bitter.

"What?" Natatawang tanong ni Ryleigh at tuluyan nang naubos ang iniinom kanina pa na malamig na nga. "Seryoso ka ba diyan? Talagang ang girlfriend mo ang magiging dahilan bakit ka nagdadalawang isip na umalis?" 

Unti unting tumango ang kakambal sa harap niya at mababakas mo sa mukha ang pagiging problemado nito, "Oo. Pero hindi dahil sa ayaw ko siya iwan, kundi dahil sa ayaw niya akong umalis. Nabanggit ko ito one time sa kaniya at inirapan niya lang ako, hindi niya ako kinausap at talagang isang linggo ko rin siya sinuyo. Sinabi ko rin na hindi ko na babanggitin yun at hindi na ako aalis para hindi na siya magalit sa akin." Buntong hininga nito, aba'y walastik pala talaga. Hindi alam ni Ryleigh pero nainis siya sa nobya ng kakambal niya, too much toxicity, yan ang naisip niya. If you really love someone, you'll do everything to make them happy, right? You'll support them in everything, lalo na sa dreams nila, whether magiging madali or mahirap for the both of you. Need din mag adjust sa mga bagay bagay, hindi pwedeng laging saya. Hindi pwedeng i-gatekeep mo ang taong mahal mo sa mga opportunities na deserve naman niya ngunit hindi niya ma-grab because of you. Ang toxic, diba?

"Why settle with that kind of relationship, Rishi? You don't deserve someone like that, you should go and pursue your dreams. If she really loves you, maiintindihan niya. If hindi, then she's not the one for you." Sabi ni Ryleigh habang nakatingin sa mga mata ng kakambal, gusto niyang makita nito ang pinupunto niya. Hindi habang buhay ay matatakot siya na gawin ang mga gusto niya dahil sa sasabihin ng babaeng mahal niya. Hindi pwedeng marami siyang mapapalagpas na pagkakataon dahil lang sa pagmamahal na iyan. "Alam kong hindi madali. Baka nasasabi ko lang 'to dahil hindi naman ako kagaya mo and yes, I'm not in your position, so I would never understand but I'm saying this because I love you, and as your twin sister. I will support you no matter what at sana ganon din yung babae na 'yon." Hindi niya rin maatim na tawagin ito sa pangalan, mas prefer pa niya yung bruha dahil bruha naman talaga ang babae na 'yon.

Rishi let out a sigh, "It's not that easy you know. Nahihirapan na rin ako i-handle siya kahit na magkasama kami at magka schoolmate pa. How much more kung malayo na ako? Hindi naman sa hindi ko siya kayang iwan, siya lang naman talaga ang ayaw ako bitawan. Ayoko rin naman na umalis na hindi kami okay o galit siya sa akin. Hindi naman ako magiging masaya doon kung ganon." 

Hindi na sana magsasalita si Ryleigh sa sinabi ng kakambal dahil mukhang desidido naman ito na mas sundin ang bruha kesa sa mga pangarap niya ngunit naalala niya kung anong papel niya sa pagkikita na ito. Kung bakit siya gustong makausap ni Rishi at kung ano yung pabor na binabanggit nito kanina kaya nagtanong na siya, "Ano ba ang magagawa ko? Ano yung favor na sinasabi mo kanina? At bakit ka magiging selfish if hiniling mo sa akin 'yun?"

Ayan na naman ang pagdadalawang isip sa kakambal ngunit nagsalita na ito agad, "Gusto ko sana na magpanggap kang ako, habang wala ako sa bansa—" Hindi na nito natapos ang sinasabi nang bigla siyang sumigaw.

"Ano?!" Hindi niya nacontrol ang boses kaya naman napatingin sa gawi nila ang bilang sa daliring tao sa loob ng coffee shop, agad naman siyang nahiya kaya naman napatakip siya sa kanyang bibig habang namumula ang tenga niya. Tangina naman. Iyan nalang ang nasabi niya sa isip niya, nakakahiya dahil tambay pa naman siya rito minsan tapos makikilala siya ng mga tao rito. Ang OA talaga niya. Lakas pa ng boses.

Mukhang nagulat din ang kakambal niya sa harapan niya dahil napapitlag ito at pasimpleng hinampas siya sa braso, "Ang ingay mo talaga." Sabi nito at bahagyang ngumuso pa, "I knew it. Iyan ang magiging reaction mo sa sasabihin ko kaya naman ayaw ko na rin sabihin pa. Isa pa, like what I've said, sobrang selfish ng hiling ko na 'to. Maiiwan mo ang sarili mong buhay dahil dito at maloloko pa natin ang mga tao sa paligid natin. It doesn't sit right with me." Ani nito, ngunit bakas pa rin sa boses ang lungkot. "Sorry, Ry. Hindi dapat pumasok sa isip ko 'yun—"

"Ano bang dapat kong gawin?" Putol niya rito kaya naman natigilan ang kapatid nya sa harapan niya at medyo nakaawang pa ang bibig nito marahil sa gulat na tinanong niya iyon. Hindi nya rin alam kung ano ang nakain niya, at iniisip niya bakit nya tinanong iyon. Bakit gusto nyang tulungan ang kapatid despite of leaving her own life to pretend as her sister for a mean time. Hindi niya alam, ganoon ba niya kamahal ang kapatid kaya naman hanggang dito ay gusto niya itong tulungan? Alam niya kung paano humindi, alam niya kung ano ang tama sa mali, pero bakit hindi siya makapagsalita? Bakit mas gusto nya yung thought na pinipursue ni Rishi ang pangarap nito sa ibang bansa kesa isipin yung magiging paghihirap niya sakaling magpanggap nga siyang si Rishi sa harap ng ibang tao? Paano ang buhay niya? Yung mga sarili niyang kaibigan? Paano yung sarili niyang pangarap?

Pero ngayong mga oras na 'to, it doesn't matter to her. Nothing matters to her, kundi ang kapatid niya, ang kakambal niya lang. She wants the best for her twin sister and she will do everything for her— kahit na sa paraang ganito pa. 

Really, Ryleigh? Anong gulo na naman ang pinapasok mo?

Kang Seulgi as Ryleigh and Rishi

Bae Joohyun as Jashlyn.

 

Ry & Ly.

Bearchuism
Hello, I was originally an author on wattpad so writing on aff feels new to me, somehow. I hope you'll enjoy my story the way I enjoyed writing it! Here's my wattpad account for kacringey-han, expect errors, nangghost na ako dyan huhu. https://www.wattpad.com/user/yesangkeh

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: hahahaha hala may nararamdaman na siyang kakaiba. HAHAH pero nakakacurious yung relationship ni rishi saka jashlyn~ hahaha :D
rbbluvie
#2
Chapter 3: When po update 🥺
ashtrielles
#3
Gagooo Sangki may kekwento aq HAHDHSHAHA NATATAWA AKO
yamieburger
#4
Chapter 3: When po ang update author nim 🥰
yuvlvt
#5
Chapter 3: Scammerut ka talaga Kaki
riellesmth #6
Chapter 3: SAAN NAAA
httpsjoohyun
#7
Chapter 3: Update 🥺🥺🥺
putonijoohyun
#8
Chapter 3: Update 😭🙏🏻
seulgirenes
#9
Chapter 3: Update T^T
seurrenetagalog
#10
Chapter 3: Waaah update po