1
Gunita
Makakalimutin akong tao.
Kapag tatanungin yung mga kaibigan ko kung ano yung one distinct trait ni Jennie Kim, dalawang salita ang automatic na lalabas sa mga bibig nila: mabilis makalimot.
And it’s not like I’m even doing it on purpose. Sadyang hirap lang ako magretain ng information kapag tumatagal. Or kapag sa tingin ko hindi naman importante, di ko na tinatandaan. Kaya nga sinukuan ko agad yung degree ko dahil sobrang daming kailangan kabisaduhin na formula. Gusto ko yung gagamitin ko yung utak ko to think of solutions to isolated problems. Dapat paiba iba. Dapat hindi routine. Mas challenging kasi. Feel ko mas gumagana utak ko dun.
Or baka naman sadyang bobo lang talaga ako.
Being forgetful has its perks din naman. Favorite akong pagkwentuhan ng mga kaibigan ko ng mga chismis dahil makakalimutan ko rin naman agad ang lahat ng juicy details after a while. Kaya nga ngayon, kaka-kwento lang ni Yeri ng mga recent happenings sa work niya bago kami pumuntang CR. Pag balik namin sa table, di ko na halos matandaan kung yung lead ba or yung isang manager yung nahuling nakikipagjugjugan dun sa intern. Di rin ako invested.
“Bakit ba si Jennie lagi mong pinapagkwentuhan? Bakit hindi ako?” Yung mukha ni Chaeyoung, di na naman maipinta. Ayaw na ayaw kasi nitong nauunahan sa chismisan.
“Ikaw ba best friend ko?” Napa-eyeroll mun
Comments