A Fan

Bias of my heart
Please Subscribe to read the full chapter

 

Fan si Seulgi.

 

In secret nga lang. Para cool ang datingan syempre.

 

Ayaw nyang magaya sa mga nagwawalang fans na akala mo mamamatay na pag nakikita idol nila.

 

Pero kasi naman, sino ba naman ang hindi mapapahanga sa sobrang ganda at cute ni Irene Bae?

 

Sa talang buhay ni Seulgi, si Irene lang ang pinakamagandang babaeng nakita nya. Ang perfect nya mula head hanggang toe. Yung tawa nya, yung boses nya, yung height nya, yung ngiti nya, yung hinhin nya, kung gaano sya kabait, yung mga mata nyang nangungusap -at kapag kumindat sya! Hesusmaryahosep! Wala na, patay na si Seulgi, dumeretso na agad ng langit.

 

Minsan talaga naniniwala syang may favoritism si Lord.

 

Na kay Irene Bae na ang lahat-lahat. It’s like, God took his time to para gawin si Irene.

 

Haaay, a goddess among mortals talaga sya.

 

Instant crush tuloy!

 

Pero syempre, hindi nya aaminin yon out loud. Takot nya lang matukso ng mga kaibigan nya.

 

Pero alam din ni Seulgi na itong simpleng paghanga ay parang lumalalim na. At kahit anong pigil nya, lalo lang lumalala.

 

Sa paglipas ng araw, mas dumadalas ang pagtambay ni Irene Bae sa isip nya. Napapadalas din tuloy ang pagde-daydream nya. Unti-unti, napapadalas din ang pagtitig nya sa mga larawan ni Irene na sineyb nya pa sa cellphone.

 

How can you love and care for someone you haven’t met yet?

 

Kabaliwan at katangahan ang mahulog sa isang taong ni hindi nga alam na nag-eexist ka. Alam naman ni Seulgi na walang kapupuntahan itong kahibangan na nararamdaman nya. Wishful thinking na may pag-asa syang mapansin ng nag-iisang Irene Bae.

 

Si Irene Bae na milyon-milyon ang taga-hanga at sumasamba sa kanya, na ang mukha ay nagkalat sa iba’t ibang ads ng di mabilang na mga brands sa buong bansa at kahit saan ka lumingon ay nandoon ang mukha nya, na sa sobrang sikat ay sobrang yaman din, na napapaligiran ng kapwa nya naggagandahan at naggagwapuhang artista, mga taong kalebel nya na mas may chance pang makatuluyan sya kaysa kay Seulgi, at most importantly… si Irene Bae na parang buwan sa layo ng agwat nilang dalawa ni Seulgi.

 

Si Seulgi na simpleng tao lang, na araw-araw  na nakikipagsapalaran sa traffic at parusa ng pagko-commute makapasok lang sa minimum-wage paying na trabaho, na madalas pinipilit pagkasyahin ang 500 pesos sa isang linggo kaya kung ano-anong pagtitipid ang ginagawa para lang makatulong sa pamilya nya, na kahit anong kayod ang gawin ay hindi pa rin magiging sapat ang kita para masabing mayaman. Si Seulgi na sobrang payak at simple lang ng buhay.

 

 

“Nag-out ka na?” tanong ng kaibigan nyang si Wendy sa dumarating na si Seulgi.

 

“Oo, ikaw ba?” sagot naman ni Seulgi habang sinusuot ang kanyang bag.

 

“Same. Sabay na tayo umuwi.”

 

“Geh.”

 

Pagkalabas nila ng pinagtatrabahuhan, nagsimula na silang maglakad papuntang sakayan ng jeep. Ramdam ni Seulgi ang kanyang pagod at pangangalay ng kanyang likod.

 

“Kain na muna tayo bago umuwi?” tanong ni Wendy. “Jollibee?”

 

“Pass tol, nagtitipid ako ngayon eh. Kila ate Cindie na lang tayo.”

 

“Hay Seul, kailan ba kita narinig na di nagtitipid? Tara libre na kita.”

 

Nagningning ang mga mata at lumaki ang ngiti ni Seulgi nang marinig ang ‘libre’. “Eh kung libre mo naman pala, sino ko para tumanggi sa blessing? Tara!”

 

“Pag libre talaga di man lang nagpapapilit. Kaya ka lagi nai-scam sa date nung mga may bet sayo eh.”

 

Sa totoo lang, maganda slash pogi si Seulgi at bukod pa don, sobrang talented pa. Kaya madami talagang nagkakagusto sa kanya babae man o lalaki. May ilang beses na rin syang inalok na mag-artista pero sya kasi yung tipo ng tao na ayaw humaharap sa maraming tao at mahiyain kaya laging No ang sagot nya. Thinking back, medyo nagsisisi si Seulgi na sana umoo na lang syang mag-artista dahil nakakapagod ng magpaalila sa mga kapitalista.

 

At least kapag artista ka dito sa Pilipinas, kahit pangit boses mo konting kaway at kembot lang may instant bayad ka. Ang mahalaga, maganda ka.

 

Dumeretso silang dalawa sa isang mall upang doon na kumain, ngunit sa pagpasok nila napansin nila maraming tao ang nasa loob.

 

“Luh, dami atang tao ngayon dito? Ano meron? May event siguro.” Sabi ni Wendy.

 

“Baka may artista.” Sagot ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Alex_Larson
Share lang kayo ng feelings nyo mga dzai at bhie

Comments

You must be logged in to comment
Myx5516 #1
Chapter 1: Bitin. Kala ko endgame sr eh
soo_jjang25 #2
Chapter 1: NUBAYAAAAAANNNN😭😭 more pa po pweasssseee aniv na nila oh👉👈
Yuki_Hwang
#3
Chapter 1: Takte! kala ko magkakatuluyan sa dulo!
Zellute
#4
Chapter 1: Potek ka author hahahaha
PineappleSeulgi
#5
Chapter 1: *sinuntok ang pader*