WONHYE IV (Chapter 5)

Stories Untold series (WONHYE IV)
Please Subscribe to read the full chapter

Wonyoung's Pov 

 

Birthday na ngayon ni Hyewon, magsa-siyam na buwan mula nung mag-debut kami. Parang hangin lang na lumipas sakin, *Akala ko ba saglit lang* *Ganun ba kalaki yung aayusin mo sa Japan?* napapahid ako sa luha ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatulala sa kisame, *Hindi na ba ako?* *May iba na ba?*

"Hindi ka sasama?" si Hitomi, pumikit ako.

"Saan ba tayo pupunta?" tinakpan ko ng braso ko yung mga mata ko.

"Birthday ni Hyewon ngayon, syempre kahit naman wala siya kailangan parin nating mag-celebrate." napabuntong hininga ako.

"Saan ba? Susunod nalang ako." tumunog naman yung cellphone ko.

"Sabihan ko nalang sila, unnie. Text mo nalang ako kung pupunta ka o hindi, ingat ka." narinig ko naman yung pagsara nang pintuan, dun ko na binuhos yung luha ko.

"Pagod na ako Hyewon." bulong ko.

Hindi naman ako magkakaganito kung wala akong nakita eh, kung walang balita na lumabas sa mga social media site. Sinusubukan kong labanan yung isipin na baka nga totoo yun pero hindi ko kaya, masyadong malakas yung takot ko na sumasakop sa isip ko. *Sabi mo ako lang!!* Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung notification mula sa isang website.

[Lee Gaeun confirms that the guy she's with in the night party is her boyfriend] pinindot ko yung headline na yun.

[Questions are still not answered, Lee Gaeun confirms that the guy she's with in the night party is her boyfriend. But the real question is who's that guy?: Lee Gaeun said that they're been dating since high school, but after Gaeun enters the modeling industry their contacts from each other was cut off. But few months ago they saw each other at their mutual friend's party and exchanges their contact numbers, the rumors about them spread after Gaeun posted a photo with the guy right after the night party two months ago.] binato ko yung cellphone ko.

"Boyfriend pala?" bumangon ako at bumaba nang kama ko. "Pagbuhulin ko pa kayong dalawa!" pumasok na ako sa banyo at naligo. "May pasulat sulat ka pa? Babalik ka rin naman pala sa ex mong nanloko sayo?" paglabas ko nang banyo tumutunog yung cellphone ko, sinubukan kong pindutin yung screen pero black out na talaga yung screen. *Napalakas ata yung pagkakabato ko.* 

Kinuha ko nalang yung cellphone ni Hyewon at nilipat dun yung sim card ko, *Buti nalang naka-save sa sim yung mga importaneng contact ko.* ibang iba na yung cellphone na yun, kung nung iwan niya sakin yun naka-hide lahat nang apps nakalikot ko na yun kapag wala kaming practice o hindi kami busy kaya nakakapaglaro narin ako dun. Tumunog yung cellphone na hawak ko, tumatawag si Chaewon.

"Hello?" iritang sambit ko.
: May regla?
"Parang!"
: Kalma, nasaan ka na ba?
"Nasa dorm!"
: Bakit kailangan sumigaw? Anu pupunta ka ba?"
"Oo nga, diba sinabi ko susunod ako!"
: Masakit na sa tenga ah, anu na bang ginagawa mo? Matatagalan ka pa ba?
"Atat na atat? Nagbibihis na ako, pero kung hindi ka tumawag nakaalis na ako."
: Weh? Patingin nga?
"Loko ka, manyakis ka talaga."
: Manyakis kagad? Oh sige na bilisan mo na, may dapat kang makita.
"Anu naman yan?"
: Hindi ko sasabihin, para siguradong pupunta ka talaga.

Binabaan ko nalang siya para makapag-bihis na ako, *Baka bukas pa kami matapos sa pag-uusap dahil sa kaartehan niya.* Pagbaba ko naman nandun yung isang van namin, isa lang siguro yung nagamit nila dahil yung iba nakisakay sa mga boyfriend nila.

"Tara na po?" saad ko dun sa driver.

Habang nasa biyahe kami naglaro nalang muna ako sa cellphone ni Hyewon, enjoy naman dahil marami siyang laro sa cellphone niya. Pagkarating naman namin sa restaurant kung saan kami magse-celebrate nang birthday ni Hyewon dirediretsyo na ako sa pagpasok, naglalaro parin ako sa cellphone habang naglalakad kaya nung may nakabangga akong lalaki hindi ko siya pinansin dahil bukod sa naglalaro ako wala din ako sa mood. Napahinto naman ako nang may humawak sa palapulsuhan ko, kaya kunot noo ko siyang tinignan.

"Ay grabe makatingin?" si Hitomi, lumagpas na pala ako sakanila.

"Busy kasi ako." umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Hitomi.

"Opss, sorry pero tabi kami eh." tinignan ko si Felix-oppa tapos si Hitomi.

"Sige na Wonyoung lumipat ka na." si Chaewon. "Ngayon lang makakadiskarte yung kapatid ko, pagbigyan mo na para namang hindi kamag-anak."

"Ito na tatayo na ang dami mo pang sinasabi." lumipat ako sa tabi ni Chaeyeon-unnie. "Kuda nang kuda." inirapan ko siya bago bumalik sa paglalaro sa cellphone ko.

"Wonyoung-ah, nandito tayo para mag-celebrate." nakikinig lang ako kay Eunbi-unnie.

"Wala naman yung celebrant." tuloy parin ako sa paglalaro.

"Bago yung cellphone mo?" si Chaeyeon-unnie.

"Hindi, matagal ko nang ninakaw 'to unnie. Iniwan nung nakatabi ko sa bus kaya kinuha ko na, sayang naman kasi." may umupo sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ko. "May hinihintay pa ba tayo?" nag-angat ako nang tingin. "Hindi sa uwing uwi na ako, pero wala talaga ako sa mood." tinuloy ko yung paglalaro.

"Sayang naman, ayaw mo kaming pagtuonan nang pansin?" si Kkura.

"Kung ikaw lang yung papansinin ko huwag nalang, ayan si Chaeyeon-unnie sakaniya ka magpapansin." natawa naman sila sa sinabi ko. "Joker na pala ako ngayon, sige happy lang sana lahat happy."

"Kumain ka nalang kaya para matanggal 'yang kasungitan mo." si Sian-oppa.

"Hindi ako masungit, wala lang talaga ako sa mood."

"Kumain ka muna, sayang naman yung handa." si Yuri.

"Kung gusto niyong kumain, kumain kayo huwag niyo na akong intindihin." napabuntong hininga ako.

"Anu bang nagyari nung mga nakaraang dalawang buwan at nagkaganiyan ka nanaman." tinignan ko si Minjoo.

"Bakit dalawang buwan na ba akong ganito?" tumango sila. "Malamang buwan buwan akong may dalaw." binalik ko ulit yung atensyon ko sa paglalaro.

"Kumain nalang tayo." si Hitomi, dinig ko naman yung mga pagkilos nila pati narin yung mga jokes nila na benta naman *Pero sa sitwasyon ngayon wala akong ganang tumawa.*

"I'm bothered, why are you acting like that?" hinawakan niya yung kaliwang hinlalaki ng kamay ko. "Its my birthday, aren't you happy to see me?" maingay yung mga kasama namin pero sapat parin yung pagkakabulong niya para marinig ko yung sinasabi niya. *Nananaginip ba ako?* tuluyan na niyang hinawakan yung kamay ko. "Just greet me that'll be enough." kinuha niya yung cellphone sa kanang kamay ko.

"Chaeyeon palit nga tayo, ayokong katabi si Chaewon parang timang ang daming sinasabi." napatingin ako kay Chaeyeon-unnie tapos kay Kkura, ngumiti si Kkura sakin. *Ayokong tignan yung taong nasa kaliwa ko!!* *Ayokong lalong masaktan!!* pinaglalaruan niya na yung mga daliri ko habang nakikipagkwentuhan sa mga kasama namin.

"Huwag kang mag-alala Yuri, ilang buwan nalang makakasama mo na si Yena." sambit niya habang nilalaro parin yung mga daliri ko, napakagat ako sa labi ko at nanatiling nakayuko.

"Wonyoung? Ayos ka lang?" si Hitomi, umiling ako.

"Pero huwag kayong mag-alala hindi naman ganun kabigat." sapilitan kong binawi mula kay Hyewon yung kamay ko at kinuha yung panyo sa sling bag na dala ko. "Restroom?" tumayo na ako at naglakad papunta sa restroom, marahan kong pinunasan yung luha ko bago muling patungan ng make-up yung eyebags kong naipon dahil sa bwisit na picture na yun.

Pagbalik ko sa pwesto namin alam kong lahat sila gustong magtanong pero pinipigilan nila yung mga sarili nila at patuloy na pinapanatili yung kasiyahan sa lamesa namin. Kinuha ko yung cellphone ni Hyewon na pinatong niya sa lamesa at tinago yun sa bag ko.

"Kumain ka na, wala ka pang agahan at tanghalian." nginitian ko lang si Eunbi-unnie at nagsimula nang kumain.

"Hindi pa ba natin kakainin yung cake?" si Hyewon.

"Edi kumanta na tayo." si Felix-oppa.

Tumayo na sila para kantahan si Hyewon, pero ako nanatili lang na maka-upo habang kumakain. Pagkahipan niya nang sindi ng kandila umupo na siya.

"Wala bang birthday wish galing sa food buddy niya?" si Chaewon *Nang-aasar talaga eh.* inirapan ko siya.

"Ayos lang, mukhang wala sa mood baka pati sakin magalit." natatawang sambit ni Hyewon.

Nang magkaayaan na kaming umuwi ipinagpaalam naman ako kagad ni Hyewon kay Eunbi-unnie, agad namang pumayag si unnie baka daw kasi magtampo si Hyewon kapag walang kasamang kumain.

"May problema ba?" tinignan ko siya at natawa, nandito na kami ngayon sa sasakyan niya pero nanatili parin kami sa parking lot ng restaurant. 

"May dapat bang maging problema?" napabuntong hininga siya.

"Pasensya na kung natagalan ako, kailangan ko lang kasi talagang tapusin yung problema ko sa Japan." tumingin ko sa bintana.

"Hindi mo kayang sabihin kung anong problema yun?" gusto kong pigilan yung luha ko pero wala na talaga. "Yung problema ba talaga yung inaayos mo o yung relasyon niyo ni Gaeun?" ayokong ipakita sakaniya yung luha ko pero nung oras na tignan ko siya ulit sunod sunod na yung naging pagtulo nila.

"Huh? Anong relasyon namin ni Gaeun?" hinampas ko siya sa dibdib.

"Magmamaang maangan ka pa, si Gaeun na mismo ang nagsabi boyfriend niya yung kasama niya sa night party at ikaw yung nandun sa picture!" sinampal ko siya nang paulit-ulit.

"Ga-ganiyan ba yung tingin mo sakin?" may luhang tumulo mula sa mata niya. "Ganiyan ba yung tingin mo sakin na habang sinasabihan kitang mahal kita, meron pang iba?" napayuko ako.

"Oo!! Kasi yun yung pinapakita mo!!" napatakip nalang ako sa mukha ko gamit yung mga palad ko.

"Akala ko..... akala ko magiging masaya na tayo pagkabalik ko, pero lalo lang ata gumulo. Habang inaayos ko pala yung problema ko, ang dami mong problemang hinaharap." lalo akong napahagulgol nang yakapin niya ako. "Sorry nakalimutan kita, hindi kita naprotektahan." hinalikan niya ako sa ulo. "Alam kong nung oras na lumabas yung picture na yun maniniwala ka at kung anu man yung paliwanag ni Gaeun tungkol sa picture na yun paniniwalaan mo, pero ayoko naman na paniwalaan mo yung kasinungalinan." humiwalay siya sakin at marahang tinanggal sa pagkakatakip nang mukha ko yung mga kamay ko.

"Bakit hindi mo masabi yung problemang inaayos mo sa Japan?" ngumiti siya.

"Hindi ka naman kasi involve dun, kaya ayoko nang malaman mo pa." hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko. "Yung picture na yun, matagal nang kinuhaan yun. Naalala mo yung inaya niya si Yujin na sumama sakaniya pero ako yung nag-volunteer na sasama sakaniya, yun yung araw na kinuhaan kami ng litrato." hinalikan niya ako sa noo. "At yung mga sinabi niya? Hindi totoo yun, dahil pangako ikaw lang yung mahal ko." hinalikan niya ako sa ilong. "Nung makita kita sa hospital alam kong ikaw na yung taong mamahalin ko, ginulo lang ako nang isiping gusto ko si Gaeun kaya nakalimutan kong ikaw pala yung totoong mahal ko." hinalik

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Soneforever2
#1
Chapter 13: Hey! Just wanted to say that if you ever decide to translate this story in english tell me. I would like to read it :)